Enchanted

Gab POV

Habang pinapakinggan ko ang liham na binabasa ni Airo hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Hindi niya alam na ako ang gumawa ng liham na iyon at naka alay ito para sa kaniya.

Kung isang pelikula ang buhay naming dalawa ang magandang titulo nito ay Enchanted. Parang kanta ng paborito kong singer na si Taylor Swift.  I was enchanted when I met him. Para akong nasa gubat na pinapalibutan ng matataas at malalalaking puno habang nababalot ng kadiliman at si Airo ang naging liwanag ko. I was enchanted when I met him.

Hindi alam ni Airo na siya ang naging rason ng mga ngiti sa labi ko. 

"Anak sigurado ka na ba?" Tanong ni Daddy habang inaayos ang mga gamit ko.

"Yes Dad." Sagot ko.

Huminga ng malalim si Daddy.

Napag desisyunan ko ng umuwi sa bahay. Ilang buwan na rin akong naka kulong dito sa kwarto ko sa ospital. Naalala ko nung isang linggo kinausap ni Daddy ang doctor. Nag panggap akong tulog nung araw na iyon. Nag panggap ako na hindi ko narinig ang masakit na mga salitang binitawan ng doctor sa Daddy ko.

" Sobrang hina na po ng kaniyang katawan. Ayoko po sanang sabihin pero ngayon ang tamang oras para mas iparamdam niyo kay Gab ang pag mamahal niyo. Ngayon na po ang tamang oras para tanggapin niyo po sa sarili niyo na wala na po talagang pag-asa." Saad ni Doc.

Narinig kong humikbi si Daddy nung araw na iyon. Ramdam ko ang sakit na kaniyang dinarama. Nung namatay si Mommy hindi umiyak si Daddy. Tinanong ko pa kung bakit hindi siya umiiyak nung araw na iyon. Sariwa pa sa ala-ala ko ang araw na iniwan kami ni Mommy.

" Daddy bakit po hindi kayo umiiyak kagaya ko? Hindi po ba kayo nasasaktan na iniwan tayo ni Mommy?" Tanong ko kay Daddy habang pinupunasan ang luha sa aking mata.

Ginulo niya sng buhok ko bago nag salita. " Tinanggap ko na kasi anak. Tanggap ko na naiiwan tayo ni Mommy mo. Hindi ko na kailangang umiyak dahil alam ko na masaya si Mommy mo nung iniwan niya tayo." Saad ni Papa.

Sa harapan ng kabaong ni Mommy hanggang sa libing  ay hindi siya umiyak. Hanggang isang gabi ay umuwi si Papa na lasing. Duon ko siya unang nakitang umiyak. Duon ko nakita ang kahinaan ng Daddy ko. Kahinaan na hinding hindi niya ipinakita sa aking harapan. Nakita ko sa mga mata niya ang pangungulila sa Mommy ko. Naka upo si Daddy sa sala habang kinakausap ang litrato ni Mommy.

Naka tayo ako sa likod ng pintuan upang hindi niya ako makita. Siguro'y nahihiya si Daddy na makita ko siyang umiiyak. Marahil ayaw niyang makita ko siyang nanghihina. Isinarado ko ang pinto ng kwarto ko at umupo sa sahig. Rinig na rinig ko ang pag hikbi ni Daddy. Mahigit isang oras din niyang kinaka usap ang litrato ni Mommy hanggang sa wala na akong narinig na boses. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sinilip si Daddy na naka higa na sa sofa. Lumapit naman ako sa kaniya at tinanggal ang litrato ni Mommy sa kaniyang dibdib.

" Hindi ko po pababayaan si Daddy." Saad ko sa litrato at hinalikan ito. Ipinatong ko naman ito sa lamesa. Pumasok naman ako sa kwarto ni Papa para kunin ang kumot para ipang takip sa katawan niya.

Hinalikan ko naman si Papa sa noo pagka tapos ay bumalik na rin ako sa kwarto ko para matulog.

Naka titig lang ako sa bintana habang inaayos ni Daddy ang nga gamit ko.
" Ang ganda ng bulaklak sa garden." Saad ko.

" Gusto mo anak pumunta muna tayo duon para maka langhap ka ng sariwang hangin?" Tanong ni Daddy.

"Sige po." Sagot ko.

Tinulungan naman ako ni Daddy na tumayo sa kama at umupo sa wheelchair. Simula nung na ospital ako itong wheelchair na ito na ang naging mga paa ko. Palabas na kami nung naalala ko na kumuha ng papel. Gagawa ako ng eroplanong papel at ipapalipad sa hangin.

Pagka tapos kong kinuha ang papel ay pumunta na rin kami sa garden. Ngayon na lang ulit ako naka labas sa kwarto ko.

"Anak kukuha lang ako ng jacket sa loob." Saad ni Daddy.

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata habang nag lalakad papalayo sa akin si Daddy.

Kahit nanghihina na ako ay pinilit ko paring tapusin ang eroplanong papel. Isinulat ko sa loob nito ang sakit na namuo sa puso ko.

" Jericho Airo mahal na mahal kita. Malapit na tayong mag kita." Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinalipad ang eroplanong papel ng aking pamamaalam.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa dereksyon kung saan lumipad ang eroplanong papel. Naka titig lang ako nung makita ko si Airo na naka tayo habang pinupulot ang papel.

Agad siyang napa tingin sa gawi ko nung nabasa niya ang naka sulat dito.

"Ga-Gab?" Sigaw niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinusubukan kong igalaw ang wheelchair pero para itong naka dikit sa lupa.  Agad kong tinakpan ang mukha ko at yumuko.

Naramdaman kong may tumapik ng balikat ko.

"Anak okay ka lang ba?" Naka hinga ako ng maluwag nung nakita ko sa Daddy.

"Opo Dad. Akala ko may nakita ako." Saad ko.

"Tara na. Uwi na tayo." Saad ni Daddy at tinulak na ang wheelchair. Naka titig lang ako sa daan kung saan ko nakita ang imahe ni Airo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naka ramdam ako ng takot at pagkalumbay. Natatakot akong harapin si Airo at ipaalam sa kaniya ang katotohanan. Paano kung magalit siya at itaboy ako. Paano kung bigla niya akong iwan at hayaang itaboy ng hangin papalayo sa kaniya. Ano ang gagawin ko.

Tinulungan ako ni Daddy na sumakay sa sasakyan. Dahil sa gamot at chemotherapy ay nanghina nang lubusan ang aking katawan. Hindi na ako nakakatayo ng tuwid gamit ang sarili kong mga paa. Hindi na ako nakaka hawak ng kubyertos gamit ang sarili kong mga kamay. Sabi ni Doc dati na eto raw ang magiging kapalit ng pag chemotherapy. Manghihina ako pero ito rin ang tutulong sa akin upang lumakas muli. Ilang buwan din akong nag chemotherapy pero hindi ko naramdamang guminhawa ang katawan ko. Bagkus, mas lalo ko lang naramdaman ang paghina neto. Kaya mas pinili ko na lang na itigil. Mas pinili ko na lang na hayaang manghina.

Sana hindi matulad sa kanta ang magiging dulo ng kwento namin. Sabi nga sa dulo ng kanta ' Please don't be in love with someone else, please don't have somebody waiting on you.' Airo sana mahintay mo ako. Pabalik na ako. Babalikan na kita aking sinta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top