Beautiful

Gab's POV

Naka higa ako sa kama nung narinig kong may kausap si Papa sa cellphone niya. Agad naman niya akong nginitian at pinaandar ang radyo. Narinig kong nag sasalita si Airo. Kwinekwento niya ang mga magagandang nakaraan namin.

Naaalala ko pa lahat ng mga bagay na ginawa namin. Isang araw lang kami binigyan ng pagkakataon upang mag samang muli. Iyong araw na iniwan ko siya.

" Pa. " Saad ko.

Agad namang lumapit sa akin si Papa.

" Ano iyon anak?" Tanong niya habang tinutulungan akong umupo mula sa pagkakahiga sa kama.

" Gusto kong gumawa ng paper origami." Saad ko.

Nanlaki ang mga mata ni Papa.

" A-anak." Saad niya.

" Handa na po ako." Saad ko.

Sabi ko dati kay Papa na kapag sinabi ko ang katagang origami ay nangangahulugang handa na ako. Handa na akong lisanin ang mundong ito.

Agad naman akong inabutan ni Papa ng papel. Nag sulat muna ako ng liham para kay Airo at sa lahat ng mga kaibigan ko. Pagkatapos kong isinulat ang nasa loob ng puso ko ay agad ko na itong itinuping hugis eroplano.

Tinitigan ko naman si Papa na naka upo sa couch.

" Pa pwede mo po bang tawagan si Airo?" Tanong ko.

" Si-sige anak." Saad niya. Nakikita ko kung paano namumuo ang mga luha ni papa sa gilid ng kaniyang mga mata.

Pagkatapos niyang kinausap si Airo ay tinawag ko siyang muli. Umupo naman siya sa tabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pareho kaming naka titig sa bintana at pinapanuod ang magandang sikat ng araw.

" Papa maraming salamat sa lahat. Patawarin mo ako kung hindi na kita makakasamang tatanda. Patawarin mo ako kung mauuna na ako sa iyo. Alam ko na sobrang bigat sa pakiramdam mo na ikaw ang mag dadala sa aking huling hantungan. Alam ko na darating ang araw na sisisihin mo ang sarili mo dahil nagka sakit ako, pero Pa sana kapag dumating man ang araw na iyon ay huwag na huwag mong iisipin na ikaw ang dahilan ng paghihirap ko. Tandaan mo na ikaw ang isa sa mga naging lakas ko. Kapag binigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli. Ikaw  lang ang pipiliin kong maging tatay ko. Sabi ko dati nung bata pa ako na ako ang magiging tungkod mo kapag tumanda ka na. Ako ang magiging salamin mo kapag lumabo na ang mga mata mo at higit sa lahat ay ako ang magiging lakas mo sa mga araw na maramdaman mong napapagod ka na pero mukhang hindi ko na ito maitutuloy pa dahil ramdam ko na hindi na kita masasamahan sa pag tanda mo. Papa ang hiling ko lang sa iyo ay kapag nakahanap ka ng babaeng magpapasaya sa iyo ay huwag kang mag dadalawang isip na tanggapin siya. Napaka tagal na simula nung iniwan tayo ni Mama alam ko rin na nangungulila ka na sa pagmamahal ng isang asawa kaya kapag nawala ako ay pwede ka nang humanap ng magiging bagong pamilya mo. Pa, ayoko na ikukulong mo ang sarili mo sa madilim na kinabukasan. Humanap ka ng taong magpapaliwanag muli ng buhay mo. Alam mo ba papa nung nakaraan may nabasa ako sa dyaryo. Sabi duon kaya raw tayo nakakaramdam ng kahirapan sa buhay dahil lagi nating iniinda ang mga pagsubok na ito. Lagi raw nating sinasabi sa sarili natin na kaya natin ang mga pag subok na ito kahit alam natin sa sarili natin na hindi natin kayang gawin. Alam mo simula nung nabasa ko iyon napagtanto ko na dapat pala ay hindi natin saluhin ang problema, dapat minsan ay huminga rin tayo. Sa mga oras at araw na nararamdan natin na napapagod tayo ay huwag na nating piliting pasayahin ang sarili natin. Sa mga oras at araw na napapagod tayo ang dapat nating gawin ay tanggapin na lamang ito. Minsan kailangan din nating matalo upang makita ang magiging solusyon sa problema natin. Ngayong nararamdaman ko na, na bilang na lang ang oras ko ay tinatanggap ko na, na talo ako. Natalo ako sa laban na ito. Pero hindi ibig sabihin non ay nabigo akong ipinag laban ang sarili ko. Natalo ako dahil hindi ako gumaling sa sakit ko pero nanalo ako dahil nanjan kayo. Nanalo ako dahil naramdaman ko ang pagmamahal niyong lahat. Mahal na mahal kita Papa. Kapag nag kita kami ni Mama. Ikwewento ko sa kaniya ang magandang bagay na naibigay mo sa akin. Mahal na mahal kita Papa." Saad ko.

Hindi umiimik si Papa pero ramdam ko ang pag tulo ng luha niya. Ramdam ko ang pag pigil niya sa pag iyak dahil gumagalaw ang balikat niya.

" Papa hindi mo kailangang itago. Kapag naiiyak ka ay ilabas mo lang."

" Gab. Mahi--hirap sa akin na pakawa-lan ka. Mahi-rap bilang isang ta-tay na ako mismo ang mag-mag hahatid sa iyo. So--sob-rang hirap na gigising ako nang hindi na kita nakikita tuwing umaga. A-anak, mahal na mahal kita. Gusto pa kitang pigilan, gusto pa kitang makitang tumatawa, kumakanta at tumatakbo. Gusto pa kitang maka sama pero ayokong nakikitang nahihirapan ka. Anak, patawarin mo ako kung hindi ko naibigay ang mga pangangailangan mo. Patawarin mo ako."

" Papa hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil naibigay mo lahat ng pangangailangan ko. Naibigay mo lahat ng mga bagay na ninanais kong makuha. Sobra sobra pa nga ang mga naibigay mo."

" Mahal na mahal kita Gab." Saad ni Papa at hinalikan ako sa ulo ko.

" Lalabas muna ako para kausapin ang mga Doctor. Huwag mo akong iiwan." Saad niya.

Pinanuod ko naman si Papa na nag lakad palabas ng kwarto ko.

Agad ko namang tinitigan ang origami na ginawa ko kanina.

" Ito na lang ang maiiwan ko sa lahat.
" Saad ko.

Naka upo lang ako at naka titig sa bintana nung naramdaman kong may humawak ng kamay ko. Tinitigan ko siya at nakita ko ang mukha ng taong mahal na mahal ko.

" Airo." Saad ko.

Hinimas naman niya ang kamay ko. Nakapag paalam na ako kay Papa. Ito na marahil ang oras upang magpaalam ako sa taong mahal ko.

Handa na ako. Handa na akong lisanin ang mundong ito. Lilisanin ko ang mundong ito na walang bitbit na sama ng loob. Magiging masaya ako. Magiging masaya kaming lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top