Chapter 2
Monique pov
Nagising ako sa aking pagkakatulog. naalala ko kasing hindi pa nga pala ako kumakain at gabi na rin naman.
Kaya naisipan ko munang tumayo na para man lang makakain na ako.
Nagsimula na akong bumaba. Naabutan ko si yaya may nakahanda ng pagkain sa lamesa. "Oh ija halika at kumain ka na baka lumamig pa itong inihain ko" Sabi ni yaya.
Nagsimula na nga akong kumain. Pero habang kumakain ako. Biglang pumasok sa isipan ko yung lalaking tumabi sa akin kanina sa park. Hindi ko man lang sya tinanong kung ano man lang ang pangalan nya. Teka nga, bakit ba curious ako sa lalaking yon eh hindi ko naman sya kilala "kumain ka na nga lang Monique kung sino Sino Ang iniisip mo" Ang sabi ng akong isip. Napailing na lamang ako hanggang sa hindi ko namalayan naubos ko na pala yung kinakain ko.
Nagdecide na akong likpitin yung pinagkainan ko at hugasan na rin syempre simpleng bagay Lang naman Ito. Hindi naman kailangan lahat iasa sa katulong.
Hanggang sa natapos din ako at naisipan kong ayusin yung mga pinamili ko at ayusin na yung dapat ayusin para bukas.
Pagkaakyat ko sa hagdanan ay dumeretso ako sa room ko. So naisipan ko na ngang ayusin yung mga gamit ko.
At sa wakas, natapos na din ako. Naisipan ko naman ang magcheck ng fb. Total, Wala pa naman akong gagawin. So i decided ba maglogin sa FB account ko. pagopen ko ang dami ko naman friend request, messages, and notifications.
Naalala ko nga pala na nagpicture ako kanina sa mall. At maguupload mga pala ako ng mga pics ko and syempre magpapalit na rin ng dp.
Syempre bago ako magupload naghanap muna ako ng mga magagandang kuha at hanggang sa may napili na ako ay magupload and change dp. Hays, Ang dami ko na naman na marerecieve nito. Ang ganda ko talaga char, "nagbubuhat ka na naman ng sariling Bangko" Sabi ng aking isipan. Anyway, minsan lang ako mag feeling maganda so pagbigyan nyo na.
Nag scroll scroll Lang ako hanggang sa may nagadd sa akin at may nag chat sa akin mula sa messenger.
Calix: Hi, Ang ganda mo naman.
Wow ha lakas naman mambola nito.
Bago ko sya replyan chineck ko muna yung profile nya and pagkakita ko. Sheesz oh my g, Ang gwapo.
Naisipan ko ng balikan yung chat nya.
Monique: hello, lakas mo naman mambola ah.
Calix: Hindi ako nambobola. Totoo lang ang sinasabi ko.
Monique: hahaha oo na lang.
Calix: kinikilig ka ano.
Monique: ako kikiligin, para saan. Bakit may nakakakilig ba sa sinabi mo.
Calix: Ang taray mo naman.
Monique: ok.
I decided na mag offline na. Hindi rin naman kasi ako masyadong nakikipagchat eh lalo na kung hindi ko naman kilala. Sadyang mahilig akong mag fb dahil sa mga inaupload kong pictures.
Oo nga pala, maaga pa pala ako bukas kailangan ko na palang matulog para bukas. Ayoko naman malate syempre first day of school yon. So kailangan maaga ang pasok bukas.
First Day of School
Yes maaga akong nagising ngayon ewan ko ba kung bakit ako naeexcite. Wala pa naman nakakaexcite kasi yung iba nga hindi pa excited dyan dahil unang una wala pa naman gagawin. Tapos hindi pa nawawalan Yung introduce yourself. Duh may pa ganyan ganyang pa eh kapag natagal naman magkakilala na rin naman. Nakakasawa din kaya.
Naligo at magbihis na nga pala ako.
Bumaba na ako para makakain at makapasok na sa school ng maaga.
At School.
Pagkababa ko ay parang kinabahan na ako kalma ka lang self kalama lang.
Nagsimula na akong maglakad para hanapin yung business management department. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nakita ko na nga yung room namin.
Nakita ko Naman na agad si Gail.
"Aga natin ah" Sabi ni Gail.
"Oo eh" Sagot ko.
"May bali balita nga palang may lilipat sa atin galing ng ibang department" Sabi ni Gail.
"Paano mo naman nalaman yan" Tanong ko.
"Ewan ko narinig ko lang din sa kanila eh" Sabi nya.
At Dumating na nga yung professor namin sa isang subject na pre-cal. Hays ang hina ko pa man din pagdating sa math na yun lalo na sa mga numbers na may mga solutions. Syempre hindi naman mawawala yun eh.
"Good Morning Class" Sabi ng prof.
"Good Morning din po prof" Ang Sabi naman ng mga classmates namin.
"Anyone Introduce Yourself" Ang pahabol na sabi rin ng prof.
At isa isa na nga nag introduce hanggang sa bigla na lang may pasok.
"Sorry prof I'm late" Ang sabi nito.
"It's ok, please sit down" Ang sabi ng prof .
Dahil wala akong katabi sa may kaliwa ko ay doon sya naupo.
Ang gwapo nga nya.
Dahil ako na pala ang magiintroduce ay tumayo na ako.
"Hi I'm Monique Stella Avallon and I'm 17 years old"
At naupo na ako sa aking kinauupuan at sya naman yung magpapakilala.
"I'm Calix Andrius Menester" Sabi nya.
Oh diba Ang simple lang ng introduce nya wala man lang kahit anong sinabi.
Calix sounds pamilyar parang nung kachat ko lang kagabi parang sya yun ah. Oh baka kapangalan lang siguro ano ba ito kung ano ano na Naman ang iniisip ko.
"Goodbye Class" Prof said.
Ganon ulit ang sistema.
Boring ang araw na ito ngayon.
Bigla na lang akong napatingin sa katabi Kong si callyx.
"Ah miss baka matunaw ako nyan ha. Masyado ka kasi kung makatitig eh. Masyado ba akong gwapo sa paningin mo". Wink.
Aba ang kapal naman ng mukha ng lalaking Ito ha. Feeling.
"Hoy mister Ang kapal mo naman at ang yabang mo pa hindi ka naman totally na gwapo" Sabi ko.
"Talaga ba, eh bakit titig na titig ka baka mamaya mainlove ka na sa akin nyan ha" Sabi nya.
"Hoy ang kapal mo. Ako maiinlove sayo at Sino ka naman" Sabi ko.
"Sino ako. Well malalaman mo Naman yan eh kung dino ako" Sabi nya.
"Wow. Pa mysterious effect ka pa ah" Sabi ko.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin. May dalaw ka ba" Sabi nya. With matching dalawang kilay pa ang nakataas.
"Mukhang may nangangamoy LQ. Masyado pang maaga. Baka mamaya magkadelopan kayo" Ang sabat Naman no Gail.
"Ako magkakagusto dito sa mayabang na ito never mangyayari Yan" ang Sabi ko.
"Baka kainin mo yang sinasabi mo ha"
Sabi nya.
At bigla na lamang itong umalis sa upuan kung saan ay katabi ko sya.
Aaaaarrggggg! CALIX ANDRIUS MENESTER.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top