Chapter 1
Monique pov
Nagising ako mula sa aking pagkakatulog at hindi ko namalayan na tanghali na pala ako ng gising. Kasi naman eh, ang ganda ganda ng panaginip ko. Meron daw akong nakilalang lalaki sa online na magiging kami daw. Ano ba yan, self panaginip lang yan, dahil lang yan sa pagkahilig mo sa mga social media. Kaya pati sa panaginip dala dala mo. Omg, linggo na nga pala. Kailangan ko na palang bumangon at matawagan muna si Gail. Magpapasama muna ako sa kanya para bumili ng mga kailangan ko sa school. By the way college na nga pala ako at Business Management yung kinukuha kong kurso.
Back to reality...
Tinawagan ko muna yung kaibigan ko para samahan ako sa mall at mamili ng mga kakailangan para sa pagpasok bukas.
Ring...
Me: Hello Gail.
Gail: Yes, Hello Monique.
Me: Pwede mo ba akong samahan ngayon mag mall. Kailangan ko na kasing bumili ng mga gamit para bukas.
Gail: Sure, Actually may mga kailangan din akong bilhin ngayon eh.
Me: sige, thank you bye.
So ayun na nga inoff ko na yung phone ko para makapag ayos at inayos ko na yung mga dapat kong ayusin. Hindi naman ako katulad ng ibang babae dyan eh, na hindi man lang marunong magayos ng mga gamit nila or hindi man lang nila malinis yung pinagkalatan nila.
Pumunta na ako Ng cr para makaligo na at makapagayos na. Baka naghihintay na rin yung kaibigan ko na si Gail. Maarte pa naman yon sa lahat ng bagay ayaw nya ng pinaghihintay masyado syang mainipin.
Pagkatapos kong maligo at magbihis. nagblower muna ako ng buhok at naglagay lang din ako ng light make up. Para naman maayos akong tingnan.
By the way, si Gail nga pala na kaibigan ko ay same course kami. hindi ko nga aakalain na yun din pala Ang kukunin nya sa pagkakaalam ko ibang kurso naman ang gusto nyo. So tama na muna ang tsika. Kailangan ko ng bilisan. Pagkatapos ko nga palang ayusin ang mga dapat ayusin ay bumaba na ako. "Oh ija hindi ka man lang ba muna magaalmusal bago ka dumeretso sa pupuntahan mo" tanong ni yaya. ng pagkababa ko. "Ah hindi na. Sa labas na lang po ako kakain. thank you po ya."
Agad na akong sumakay sa kotse at sinabi ko sa driver namin na sa mall ako ibaba. Oo nga pala kahit gusto ko magkaroon ng sarili kong kotse. Ay hindi pa rin ako pinayagan ng mga parents ko dahil daw Wala pa akong 18. At kailangan ko pa rin daw magingat sakana na lang daw ako magsarili ng kotse kapagka nasa legal age na ako. Pumayag na rin ako kasi alam ko naman na hindi rin naman nila ako mapapayag at alam ko naman na sila pa rin ang masusunod.
Nandito na pala ako sa isang mall. Agad akong bumaba at nakita ko na si Gail.
Me: Gail, Kain muna tayo nagugutom na Kasi ako eh, deretso muna tayo sa food stall para naman bago tayo dumeretso sa books store eh may laman naman yung tyan natin.
Gail: Oh sige, Tara muna.
Agad kaming pumunta sa isang food stall, well anyway kahit saan naman kami kumain ay ok lang hindi naman ako maarte sa pagkain eh.
Umupo na kami kung saang table kami.
Me: ako na ba ang oorder o ikaw na.
Gail: ikaw, na lang.
Me: Oh sige, ako na lang.
Agad akong dumeretso sa counter para makaorder na. Kahit ano na lang siguro ang iorder ko ay ok lang din sa kanya.
Ng makuha ko na yung order ko ay agad na akong dumeretso kung saan kami nakaupo.
Me: eto nga pala yung sayo.
Gail: sige, thank you.
Makapagpicture muna nga atsaka tamang tama din yung ootd ko nga yon.
Click click click...
Ayan may pang upload at may pang profile pic na ako sa fb.
Gail: hoy, Monique kumain ka muna nga, hindi yung yan na agad Ang inuuna mo.
Me: Ang kj mo naman. Alam mo may pang upload na ako nito sa mga social media accounts ko.
Gail: monique, Alam mo mag ingat ingat ka dyan ah, baka mamaya ikapahamak mo yan dahil sa kakaupload mo sa mga social media accounts mo.
Me: Ang oa mo naman atsaka minsan lang naman eh, bakit hindi ka na lang makiuso.
Gail: hay nako, bahala ka.
Hindi na lamang ako kumibo at nagpasya ng kumain. Ng natapos ng kumain ay umalis na kami para pumunta sa book store.
Tingin lang ng tingin at kuha lang ng kuha. Kung ano yung mga kakailanganin para bukas.
Pagkatapos namin ay nagbayad na ulit kami para sa mga pinamili namin.
"Best una na ako ah". Sabi ni Gail. "Sige best ingat". Sabi ko. Atsaka sya nagwave.
Ang aga naman kung uuwe agad ako wala rin naman akong gagawin sa bahay at nakakabored din naman. So naisipan ko na lang na magpaderetso sa driver namin sa park at makapagikot-ikot man lang para makapagrefresh naman.
Lumabas na ako ng mall. "Manong sa park po Tayo". Sabi ko. at agad na akong sumakay sa kotse.
Pagkababa ko sa park eh agad agad akong naglalakad. At nakakita nga pala ako ng cotton candy. Oh diba para akong bata hahaha. Anyway mahilig naman talaga ako sa cotton candy eh. Lumapit ako at bumili ako ng isa. Agad na akong naupo sa isang bench.
Hays ang bilis bilis ng araw parang kailan lang. Hindi ko aakalain na pasukan na pala namin agad.
Habang nagmumuni muni ako ay may biglang tumabi sa akin. "Bakit mag isa ka lang" tanong ng lalaking tumabi sa akin. Wow feeling close naman ito but anyway buti na lang mabait ako hahaha. "Wala lang and wala rin naman akong magawa kaya naisipan ko na lang din dito pumunta sa park" sagot ko. Ng hindi man lang sya tinitignan. "Mmmmm sige una na ako" Sabi ko at agad na umalis para at dumeretso sa kotse. Habang nasa byahe pa kami ay biglang pumasok sa isip ko yung lalaki na hindi ko man lang nakita yung mukha nya or what. Pero hayaan mo na nga.
Nandito na nga pala ako sa bahay. Dumeretso na ako sa aking kwarto at nahiga sa aking kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kahit papaano nakakapagod din pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top