Prologue
Attention!
Ang iyong mababasa ay puro kathang-isip po lamang. Itoy prodoksyun ng imahinasyon nang may akda. Again ito po ay fiction(◕દ◕)
PROLOGUE
Nagmamadali akong naglakad kasi pakiramdam ko malapit nang magsimula ang flag ceremony...
Napatingin ako sa wrist watch ko '7:10 am' na ng umaga.
Nang makapasok na ako sa gate ay binati ako ni Mang Senyo, School guard Ng school. Binati ko rin sya at nginitian then naglakad parin ako hanggang sa naabot ko rin ang Teachers Office at nag log in.
Sumunod namang nag ring ang bell senyales na magsisimula na ang flag ceremony.
'yes! right on time.'
Lumabas na ako sa teachers office at pumunta sa plaza, nagsilabasan narin ang mga students sa kani-kanilang klasroom para umattend sa Flag ceremony.
'sino ba naman kasi ang hindi aattend sa flag ceremony, Sayang Lang Yung points.'
Nagsimula na ang flag ceremony, kumanta ng Lupang Hinirang, Isang Senior student ang nag lead sa panatang makabayan, Kinanta ang School Hymn, minemorize ang ang vision at mission, at sa huli may kunting minuto para sa stretching and exercise para sa mga students at para na rin sa mga teachers.
Nang natapos ay kanya-kanyang nagsialisan ang lahat at bumalik na sa mga classroom ang mga students at kaming mga teachers ay kanya-kanyang naglakad papunta sa mga klasroooms para simulan na ang leksyon.
First subject teacher ako sa Mabini 9 section, actually I'm an English teacher.
Nang pumasok na ako ay nagsiayos na ng upuan ang mga estudyante at binati ako ng Good Morning at Masiglang binati ko rin sila.
Bago kami nagsimula ay nag lead muna ng prayer si Mary....
Ng natapos ay nagsimula na akong nagsalita tungkol sa topic nang leksyon namin ngayong umaga.
"Okay students, our lecture for today is about Adjective." Sabi ko at napansin kong tahimik ang mga students ko ngayon.
"Sino dito ang naka remember kay Adjective? Anyone?" Tanong ko and then nag raise ng hand si Glorey.
"Sir familiar po sakin ang adjective, but nakalimutan ko po Kung ano po iyon" sagot nya kaya napatango ako.
"Okay thank you, you may sit down Glory.. oh okay Dannica! Please stand up" Sabi ko naman ng mag raise ng hand ang isang student na nag ngangalang Danica.
"Sir I think Adjective is... Ano kasi po Yun... Anoo...... Word of..... Ah sir sorry nakalimutan ko po" nahihiya nitong sagot at umupo na ito.
"Oh no it's okay Danica, anyone could give me the meaning of adjective???" Tanong ko uli pero ngayon wala nang sumagot ni Isa.
'ganon rin kami noon nung tinanong kami ano uli yung Adjective⊙﹏⊙'
Napatikhim ako at muling nagsalita,
"Adjective.Adjective.Adjective...... Adjective a words describes the noun and also the pronoun".
"Kung sa Tagalog ito ay Pang-uri" Saad ko then napa 'ahh' naman yung mga students ko....
ಥ‿ಥ
"Okay first example, hmmm......." Nag isip ako kung ano ang ma eexample ko and then napansin ko si Mark kaya napa smile ako.
"Okay eto Ang unang example, Mark sweetly gaze her classmate Eurich" Sabi ko at biglang nahiya si Mark nang maghiyawan ang lahat ng kaklase nya.
"Ayieeeeehhhh akoy tinamaannn~~~"
"Puso'y tinamaan yieehhh♪~~~"
"Uyyy Mark umiibig!!!!"
"Muahhhhhh"
Napasubsub nalang sa mukha si Eurich sa kanyang mesa dahil sa matinding hiya, di parin tumigil ang mga students sa kahihiyaw na parang sila payung kilig na kilig.
'hayy naku kids...'
"Okay kids stop na this, too much na yung hiyawan nyo—" di ko natapos ang sasabihin ko ng nagsalita si Zenith. Isa sa mga students ko.
"Sir, crush po kasi ni Mark yung tinititigan nya po ayieehhhh" sambit nito na mas nagpalakas pa ng mga hiyawan nito.
"Kid's Wala namang masama kung may crush kayo" Sabi ko then napansin kong kanina pa pala ako nakatayo kaya naramdaman ko ang pangangalay ng aking mga paa.
Umupo ako sa upuan and then na realized ko na nafall ako sa trap ng mga students ko.
'geh di nalang ako magtuturo mag chichika nalang ako(•‿•)'
Tumahimik na ako nang nakaupo na ako sa upuan at sila namang estudyante ko ay nagsisalitaan at Ang iba may hiyawan.
'hayss mabuti nalang walang principal na maglilibot..'
Napahinga ako ng malalim dahil wala naman akong ibang gagawin pero na disturbo ang pahinga dahil sa isang tanong Ng isang estudyante.
"Sir. Ikaw po may crush din po ba kayo?" Sambit nito.
'........'
Di ako nakasagot agad sa tanong neto dahil sa gulat pero nawala iyon ng sumunod ang sandamak-mak na tanong nila.
"Sir bekenemen share nyo samin!"
"Sir Sino po Ang lucky girl??"
"Sir ako nalang po mahalin mo!!"
"Sir who's her name????"
"Sir Sino po first love niyoo????"
'first love...'
"First love..... Meron..." Sabi ko at natahimik silang lahat Ng mga 5 seconds Lang Namanʘ‿ʘ
"Kiyaahhhhh!!!!! Yieehh oh my ghad may first love si Sir Mig ( ´◡‿ゝ◡')"
"OMG sir eh kwento nyo naman sya sir ಡ ͜ ʖ ಡ"
"Sir biniyak mo puso koಠ,_」ಠ"
Napatawa ako sa mga reactions nila, Napaisip ako and nagdesisyon.
Wala naman atang masama na eh share ang kwento ko diba??
"Sir share nyo napo!!!!" Usisa ni Tirzah. Isa rin sa mga students ko.
Napahagikhik ako nang mahina dahil sa mga estudyante kong ubod nang ka tsismisan—este kuryosidad.
"Actually I had my first love when I was Highschool just like you kids, I think I was in 3rd year ata? Hmm ahh yes third year..... Gosh nahihiya akong eh share ang kwento ko" sambit ko at eto naman ang reaksyon nila.
'naku sir wag na kayong mahiya!'
'neyy sir sige na poo!'
'Sir no worries no need na pong mahiya kasi kami po ay mga walang hiya HAHAHAHA'
"Ahaha, well okay.... Ahmmm ano ba ang una kong eh she-share, ah eto nagkita kami sa first day of school... Maaliwalas ang umaga... Sa ilalim ng puno ng Santol.... Unang Kita ko palang sa kanya ay tumibok na
ang aking puso, bumagal ang ikot ng mundo, at tanging sya lang ang nakikita ko sa aking dalawang mga mata. Parang love at first sight Lang ba." Sabi ko habang inaallookala ang pangyayaring iyon saking isipan na parang kahapon lang ito nangyari.
Tahimik silang lahat at nananatiling nakinig at nakatitig sila sakin, Ang serious nila.
'intense.mp4'
"Siiiiiiiiiiiiiirrr????? Siiiirrrr!! Ano po ang kasunod na nangyari????" Tanong nila sakin. Sasagot sana ako kaso nagitla ako ng napatingin ako sa wrist watch ko.
"Kids malapit ng matapos ang time natin" sambit ko. Lungkot at nadismaya ang aking mga estudyante pero wala na akong magagawa sapagkat wala na kaming natitirang oras.
"Dahil hindi tayo nakapagsimula sa ating aralin ay bibigyan ko nalang kayo ng assignment." Sabi ko at napa-yes-sir nalang sila.
Ng naibigay ko na sa kanila ang assignment ay dumating na rin ang next teacher, bumati pa ito sakin ng good morning na tinugunan ko rin. Bago pa ako makalabas ay may pahabol na sinabi ang estudyante ko na si Darlin.
"Sir next time po sir, ituloy nyo po yung kwento nyo po( ꈍᴗꈍ)" napatango naman ako at ngumiti bagong tuluyang tumalikod at umalis.
Naglalakad ako ngayon papunta sa teachers office pero napatigil rin dahil nag-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun.
'Incoming call...... Nanay'
"Hello Nay... Kumusta? Napatawag po kayo" Sabi ko at naghanap ako ng mauupuan.
"Oh Miguel anak, kami ay okay lang abay ikaw anak kamusta ka di yan? Kumain ka na ba?" Sambit ni Inay sa kabilang linya.
Napangiti ako "Akoy okay lang rin Nay kakatapos ko lang sa isang klase nandito ako ngayon sa labas ng plaza nakaupo ako ngayon sa bench, at opo tapos napo akong kumain" Sabi ko.
"Ay mabuti naman kung ganoon, ah napatawag pala ako sayo dahil may inihatid dini sa atin na imbitasyon raw, hindi pa namin iyon binuksan anak kasi para iyon sa iyo" saad ni Nanay sa kabilang linya.
'invitation?'
"Invitation? Ah okay Nay uuwi lang ako diyan sa atin mamaya" Sabi ko tas napatanong sakin si Nanay, "Uuwi ka? Pano na Ang iyo trabaho diyan?" Tanong nito.
"Magle-leave nalang ata ako nay total malapit nalang din naman birthday mo, Ngayong month lang naman ako magle-leave kasi" sagot ko sa kanya.
"Ah sige anak, mag-ingat ka lageh hihintayin ka namin ng iyong tatay dini sa ating bahay at sisiguraduhing masarap ang ulam natin sa hapag" Sabi ni Nanay kaya napatawa ako ng mahina.
Nag goodbye na ako kay Nanay dahil may susunod pa akong klase, nagpaalam naman ito at saka ko binaba yung phone call.
Nagpasya na akong pumunta sa susunod kong klase.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Kay bilis naman tumakbo ang oras at ngayon ay hapon na. Nagbukas na ang gate at nagsilabasan at uwian na ang mga estudyante.
Nandito rin ako sa labas at tinatanaw ang bawat tao na lumalabas sa gate, naalala ko na parang kailan lang ay isa rin ako sa mga estudyanteng nagsilabasan sa gate. Mabilis talaga ding lumipas ang panahon na parang kahapon lang ay isa pa akong pilyong estudyante na ngayoy isa nang matino na may kapilyuhan paring guro.
Sinong mag aakalaing guro pala ang nakatadhana sa akin...
Mag aalas–kuwatro na nang hapon kaya pumunta na ako sa teachers office at nagpaalam na akoy magle-leave nang one week. Di naman ako nahirapan kasi agad namang pumayag ang head teacher kaya masaya rin ako.
Nang naligpit ko na lahat ang aking gamit ay pumihit na ako sa labas at naglakad paalis.
Ng nakauwi na ako sa tinutuluyan kong apartment ay agad kong inayos at inihanda yung mga gamit at damit ko dahil akoy uuwi nga samin.
Malayo kasi yung hometown ko. Kung sasakay ako nang van papunta roon ay isang kalahating oras naman ang biyahe pero dahil alas kuwatro na ng hapon ay mukhang nakaalis na yung last na van papuntang Sogod. Kaya napagdesisyonan ko nalang na jeep nalang ang sasakyan dibale ng 2hours ang biyahe ang importante ay yung makauwi ako sa amin.
Nang natapos na akong maghanda ay inisip ko muna kung may nalimutan ba ako pero mukhang wala ata kaya kinuha ko na yung backpack ko at lumabas na sa apartment. Nang nasiguradong na lock ko na iyon ng maayos ang door ay nagpaalam pa ako sa may-ari ng tinutuluyan ko na mawawala ako ng 2 weeks dahil uuwi muna ako sa amin, Umo-o naman eto at tuluyan nakong umalis at papunta na nang terminal.
Nandito na ako ngayon sa terminal at naghihintay sa sasakyan ko pauwi. Nakaupo ako ngayon sa waiting chair di naman ako magtatagal dito dahil sabi ng manong na natanungan ko kanina na ang Jeep na papunta bayan ng Sogod ay pabalik na dini.
Napaisip ako saglit at doon ko lang na realized na matagal-tagal narin ata akong hindi nakauwi sa amin, mga 3 years na ata?
Kaya napapayag ko yung head teacher na mag take ako nang leave dahil don.
May dahilan rin ako kung bakit hindi ako umuuwi sa amin.
'iniiwasan ko yun'
Napangiti ako ng mapait dahil mukhang di na ako makakaiwas sa iniiwasan ko, kailangan ko na ata harapin ito ulit. Matagal-tagal narin naman pero may bahid parin ata tong sakit.
Naaninag ko na ang jeep kaya tumayo na ako at hinintay ito na pumarada para sumakay na.
'kahit anong iwas mo dadating din ang araw na haharapin mo na itong muli at sinisiguradong di ka na makakatakas muli.'
Hello! Magandang Umaga, Tanghali at Gabi (≧▽≦) heheheheh kamusta po kayo... Sana po nagustuhan nyo ang story nato.... And thank you po sa pagbabasa,(◍•ᴗ•◍)
Love Author ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top