CHAPTER 9


Chapter 9

Napa-ohhh react ang tatlo pati ang iba naming classmate na nakarinig. Hindi dahil kinilig sila or what, kundi dahil wala silang na-gets! Mwahahahaha same!

Inakbayan niya ako at basta nalang hinila palapit sa kanya para yumakap. Hanep ka, hapones. Isa kang agimat. Lakas ng tama mo.

Ngumuso lang ako dahil sa ginawa niya. Dahil malapit na ang lunch time at wala pa akong nasusulat ay kay Ishi na ako humarap. Dahil sa kanilang apat mukhang ito pa ang may matinong isipan. Medyo lang naman. Nagsulat na kami ng pick-up lines at sa huli ay tumulong din naman ang tatlo. Ayan, good boy na ulit sila.

"Sabay-sabay na tayong maglunch!" sabi ko sa kanila nang maipasa ko ang papel.

"Tayo lang ang magkasabay." seryosong sabi ni Ishi.

"Pinagdadamot mo na ang bebe namin ah." sabi ni Dairo. Umawang ang labi ni Ishi dahil sa kanya.

"It's okay, Cemie. Maybe next time? Let's have some time, sa sabado! Ayon sa sabado!" maligawang sabi naman ni Braille.

Ano namang meron sa sabado? I just forced a smile on them. Nauna silang lumabas bago ako hinila ni Ishi. Of course simula na naman ng actingan.

I saw Aria and Miguel with their friends. Nasa may dulong table sila at nang makita ni Ishi na bakante ang isang table na katabi ng sa mga ito ay doon kami naupo.

"Oorder lang ako. Wait here." sabi niya at ngumiti bago nagtungo sa line.

Napatingin ako sa table nina Aria at nakitang nakatingin sa akin si Miguel pati ang kaibigan nitong lalaki. Nakangisi ang dalawa at mukhang pinag-uusapan ako. Ano na naman kayang issue ang nabubuo sa kagandahan ko?

Si Aria ay kausap ang isang kaibigan na babae kaya hindi napapansin ang usapan ng jowa niya. Shit, tumayo ang isang lalaki at mukhang palapit pa sa table namin. At hindi nga ako nagkamali.

"Hi, Cemie, am I right?" he smiled at me. "I'm Allen Diaz of ABM 01." sabi niya as if interesado ako.

He's about to sat on the chair beside me but I did not allow him. "May nakareserve na dyan."

"Sino? Si Takashi? Boyfriend mo ba 'yon?" he asked. I just give him a disgusted look. "Tss. Maybe you don't really know him. He's the one who traitor Miguel."

"S-So?" pataray na sabi ko kahit medyo nagtataka sa sinabi niya.

Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Ishi sa amin at pagkalapag palang ng tray ng pagkain ay hinila na niya sa kuwelyo si Allen. Napatayo ako pati ang nasa kabilang table nang suntukin niya ito sa panga.

"Ishi!" tawag ko dito at hinawakan siya sa braso. Pero hindi siya nagpapigil at muling sinuntok si Allen. Bumawi naman ang isa kaya lalong nagkagulo.

"Pakialamero ka!" galit na sabi ni Ishi sa lalaki.

Lumapit si Miguel at ang ilan niyang kaibigan para awatin sila ni Allen pero ito namang si Miguel ang sumuntok kay Ishi.

"Tama na! Ishi!" aba't hindi nakikinig ang hapones.

Palitan ng suntok ang dalawa at nang suntukin muli ni Miguel si Ishi ay muntikan na itong matumba. Mabuti nalang at nasa likod niya ako kaya nasalo ko.

I hold his fist and whispered. "Tama na."

He sighed before looking angrily at Miguel. Si Aria ay hinawakan din ang kamao ni Miguel at pareho na kaming nakapagitna sa dalawa. Medyo nakakatawa na meron namang lalaki pero kami pang babae ang umawat. Hays, mundo nga naman. Minsan bilog, minsan malamang bilog parin. Alangan namang maging tatsulok.

"Wag ako ang sinusubukan mo, Takashi." galit na sabi ni Miguel.

Hindi ko talaga maintindihan kung anong pinagmumulan ng galit sa pagitan ng dalawang ito. I know, hindi lang ito about kay Aria. Meron pang mas malalim talaga.

"Wag kang pakialamero, Gonzalvo." sagot naman sa kanya ni Ishi. "Try me. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko oras na makialam ka ulit."

Nangunot lang ang noo ko na nakatingin kay Ishi. Ano bang pinagsasasabi nito? Para siyang si Lolo kapag action ang datingan.

Miguel tsked. "And now you're giving me a threat. Ano pa nga ba ang magagawa ng isang Takashi? Manipulating peoples around, traitor." ngumisi siya at tumingin sa akin. "How about you, Cemie? Do you really know him? Baka sa huli ay ang lalaking nilalapitan mo ang lalaki ring kasusuklaman mo pag dating ng oras."

I don't know but there's something on his words that makes me feel nervous.

"Miguel..stop that. Umalis na tayo."

"Shhh, babe. Gusto kong makilala muna nitong si Cessiana Marie Vasquez ang lalaking 'yan." nakangisi pang dagdag nito.

Bakit ba napunta sakin ang usapan? Darn. Ano bang hindi ko alam sa hapones na 'to? Anak ba siya ni Majinbu?

Hinila ako ni Ishi papunta sa may likuran niya at galit na hinarap si Miguel.

"Tumigil ka. O baka naman gusto mong ipakilala rin kita ng maayos dito kay Aria. Darling, do you really know him? Kilala mo ba talaga ang ipinalit mo sakin?" baling nito kay Aria.

"S-Stop it, Ishi."

"Oh, maybe you have the same vibes with him. Talagang pareho niyo akong tinira ng patalikod, ano?"

Humarap si Aria sa kanya at pansin ang namumuong luha sa mga mata nito. Mabuti nalang at halos kami nalang ang tao dito sa second floor ng canteen. Less extra's.

"M-Matagal na 'yon, Ishi...Can we please atleast, move on." mahinang sabi ni Aria.

Natigilan ang lahat ng ito ang magsalita. Mukhang ang mga kaibigan nila ay may alam tungkol sa nakaraan ng mga ito. At ako? Nao-OP na ako. Kingina. Bakit wala akong idea sa pinagsasasabi nila? Damn.

Kita ko ang pagngisi ni Ishi. "Move on? Matagal ko na ring nagawa 'yon. Since the day you left me, Aria. Wala na akong pagmamahal na nararamdaman sayo." hinila niya naman akong patabi sa kanya. "And if I haven't move on yet, why do I have this beautiful lady beside me?" ngumiti siya ng nakakaloko kay Aria. "Hindi naman ako kagaya mo na magmamahal ng iba hangga't mahal ko pa 'yung isa."

Natigilan si Aria sa sinabi niya. Galing din naman magdrama nito. Leading lady dapat ako e, bakit nagmumukha akong extra dito? Tss, wala man lang akong line.

I sighed before wrapping my hands on Ishi's arm. "Ishi let's go. Nababanas na ako dito." ayan hindi na ako extra.

He smiled at me and I saw how tear fell from Aria eye. Nakita din iyon ni Ishi kaya ngumisi ito. Si Miguel ay malamang, ayan handa na ulit suntukin si hapones. Pero bago pa ulit sila magsuntukan hinawakan ko na sa kamay si Ishi para ayain sa labas.

"I hope you're happy and contented with your decision, Aria. Because me? I am more than happy with my new." ngumiti ulit ito ng nakakaloko kay Aria bago ako hilahin palabas.

Hayst. Kasalanan talaga ito 'nung Allen. Lapit pa sa table namin e. Ayan tuloy napunta sa iba ang usapan. And speaking of that usapan..

Inalala ko ang ilang linyahan ni Miguel at iyong huling linya na sinabi ni Allen kanina.

'Yung sinabi ni Allen..."Maybe you don't really know him. He's the one who traitor Miguel."

At 'yung sinabi naman ni Miguel... "Manipulating peoples around, traitor.".....

"Baka sa huli ay ang lalaking nilalapitan mo ang lalaki ring kasusuklaman mo pag dating ng oras."

Hindi ko maintindihan ang pinaghuhugutan nila. May iba pa bang katauhan itong si Ishigara Takashi na dapat kong katakutan?

__

~ Ishigara Ken Takashi~

I thought it will going to be easy for me to see her, like that. Ako ba talaga ang may kasalanan kaya napunta siya sa iba?

I can tolerate that Miguel is accusing me as traitor. Pero pareho lang naman kami. Why? I used him to be close with Aria. Alam niyang mahal ko si Aria pero alam ko rin na may gusto ito sa babae bago ko pa man ito makilala. But he told me that he doesn't have feelings for her anymore, that's why he helped me courting Aria.

Pero nagtagal ay patalikod niya pala akong ninanakawan. He stole my girl away from me. Kung may mas traydor samin siya iyon.

He's one of my trusted friend, and I regret of considering him as that.

Napabuntong hininga ako na naupo sa bench sa may garden kasama si Cemie. She's out of herself. Nakatulala at basta nalang naupo sa tabi ko. I put my hand on her shoulder but she's still out of her senses.

Pakialamero talaga ang mga bastardo na iyon. Ano naman kaya ang sinabi ng Allen na 'yon sa babaeng ito?

"Cemie.." I called her and finally, she looked at me with her pouted lips.

"Hindi ko talaga ma-gets ang mga potakte na 'yon! Baka daw hindi talaga kita kilala? May dapat ba akong malaman? Sinong kamag-anak mo sa Dragon Balls?"

Damn. She's being talkative again. Ngumisi lang ako at ginulo ang buhok nito naikinanguso niya lalo.

Hindi mo ako pwedeng makilala ng lubos. Dahil oras na makilala mo ako at ang pamilya ko ay masisira ang plano ko. So I need to focus on my acts.

She rolled her eyes maybe because I did not answer her. "Nakaka-OP naman. Para lang akong bakas na naiwan at hindi na binalikan, ang sakit 'non ah. Ang usapan leading lady ang role ko tas naging extra lang naman ako. Hmp!"

I chuckled at her. Daldal talaga ng babaeng ito. "Ang cute talagang mabuwisit ng baby ko."

Ngumiwi lang siya. "Nyeta ka!"

Napakadumi talaga ng bibig ng babaeng ito. I sighed. "May sinabi pa ba sayo ang lalaking 'yon?" I asked.

Muli siyang napanguso nang hawakan ang panga ko. "Yung Allen, bago mo siya inupakan...sabi niya, you're the who traitor Miguel daw?"

She looked at me and damn, her face was just inches away from mine. Hawak niya parin ako sa panga at mukhang hinihipo ang parte na nasapak ni Miguel.

"At saka, hindi ko alam ang sinasabi nilang hindi kita kilala. Sino ka ba talaga? Magpakilala ka nga." she said.

I smirked before brushing her cheeks. "I'm Ishigara Ken Takashi. Your handsome boyfriend from now on, Cessiana Marie."

She gulped and blinked her eyes on me. "Ang kapal mo namang hapones ka. Ano ka gold?"

"Yes baby, your golden treasure." ngumiti ako. "Nadadala kana ba sa actingan, Cemie?"

She forced a smile on me. "Hindi. Panget kase ng leading man ko."

Wow. I arched my brows on her but then, she kiss me on my lips.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top