CHAPTER 8
Chapter 8
Habang nagbibihis ako ng school uniform ko sa aking kwarto ay may narinig akong kausap ni Lolo. Mukhang sa cellphone niya. I don't know kung sino ang kausap nito dahil hindi naman ganoon kalinaw ang naririnig ko mula sa cellphone niya.
"Mainit parin ang dugo sayo, kaya 'wag ka munang magpapakita." sabi ni Lolo.
Sino bang kausap nito? Akala mo naman ay si FPJ kung makasalita. 'Wag daw magpapakita? Eh? Parang banta ah.
"Dugo mo parin ang dumadaloy sa kanya. Alam kong darating ang araw na magkakaintindihan din kayo."
Kingina naman. Nakaka-curious talaga itong si Lolo. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko kung paano mabilis na ibinaba ni Lolo ang cellphone niya nang makita ako.
"Sinong kausap mo, Lo?"
He shook his head. "Ah, wala iyon apo. Kaibigan ko lang, nahingi ng advice."
Napangiwi ako. "Wow. Kelan ka pa naging taga-bigay ng advice, Lo?"
Hindi niya ako pinansin sa halip ay inabutan ako nito ng dalawang daan. "Ingat ka sa pagpasok ha?"
Tumango ako at ngumiti. Kinuha ko ang inabot niya pero ang isang daan ay ibinalik ko. "Tama na ang one hundred, Lolo pogi ko. May makukuha na rin naman akong scholar sa isang araw, at hindi naman ako palagastos kaya meron parin ako 'nung bigay na allowance ni Tita Anna."
Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi nito. "Ah, Cemie."
"po?"
"Yung kaklase mo...Ishi nga ba ang pangalan 'non?" tumango ako. "Gwapo ang batang iyon, pero sinasabi ko sayo Cessiana. Huwag kanang gagaya sa Mama mo na maagang nagpabuntis."
"Itong si Lolo..anong tingin mo sakin? Iidolohin ko pa ang ginawa ng ina ko? Tss, that's a nevah."
He just smiled before hugging me again.
Nagbiyahe na ulit ako sa tricycle para mas madaling makarating sa school. Hiyang-hiya naman ako sa mga students dito, kanya-kaniyang kotse. Pero wala namang problema sa tricycle diba? Pareho lang naman nasasakyan 'yon. Parehong may gulong. Ang iba lang, ang kotse may di-aircon, pero mas okay parin sa tricycle dahil fresh air hehe.
At kung 'yung safety ang usapan. Nasa pagmamaneho naman 'yon, kung barumbado ka, aba'y talagang deserve mong ma-accident, kung tino ka naman aba'y pagpapalain ka ng Diyos na maging ligtas.
Hayst. Dami kong pinaglalaban. Pero wala naman ni isa ang lumaban para sakin. Aw.
Pumasok ako sa loob ng school at nakita ang ilang students na nagkukumpulan. May mga babae at lalaki. Hahakbang na sana ako para tignan kung anong pinagkukumpulan nila nang may humila sa braso ko.
"Don't you dare to go there." boses ng hapones.
Mataray akong lumingon dito at nakita ko rin ang tatlo sa likod niya.
"Bitawan mo nga ako! Bakit ba? Anong meron 'don?" napakaepal naman ng mga ito. Isa pa itong leading man ko, palagi nalang nanghihila ng braso.
"Ano bang meron pag may umpukan?" tanong ni Troy.
Napaisip ako. "Ah, sabong?"
"The hell? Kelan ka pa tumalino Cemie? Damn, you got it baby!" parang tanga na sabi ni Troy at lumapit sakin para guluhin ang buhok ko. Siraulo.
Ishi tsked me. Para na naman siyang tatay na handang mangaral ng anak. Damn, kaya pala sila tinaguriang papables.
Inalis niya ang kamay sa braso ko para kamay ko naman ang hawakan. Hinila niya akong patabi sa kanya.
"May nagpapatayan na ata 'don. Bakit? Gusto mong makisali?" walang hiyang tanong ni Ishi.
"Hindi na pala. Baka mamatay din ako, kawawa ka naman kapag naiwan kita, diba?" malambing na tanong ko.
Nang una ay natigilan siya pero agad ring sumakay sa drama ko. He kissed my temple that makes the three extra gasped.
"Yeah."
'Yung ang ganda ng ine-expect kong lines na magmumula sa kaniya pero yeah lang ang nangyari. Powta.
I forced a smile. "Iiyakan mo kaya ako kapag namatay ako?"
He smiled. "I think so,"
Nawala ang ngiti ko dahil sa sagot niya. Rinig ko ang bungisngis ng tatlo nang bawiin ko ang aking kamay na hawak ni Ishi. Lakas amats din ah, may pa I think so pa. Siya kaya ang unahin kong jutayin.
"Edi wow." umirap ako sa kanya at naglakad ng palayo. Muling nagtawanan ang tatlo.
"Hala, tampororot ang bebe." si Dairo.
"Cemi--"
Hindi ko sila pinansin.
Naramdaman ko nalang ang pagsabay ni Ishi sa lakad ko, humarap siya sa akin with his not-so-serious face. Ngumuso ito and damn, I find it cute. Medyo yumuko siya para pantayan ang aking mga mata.
"Baka hindi lang pag-iyak ang magawa ko pag nawala ka sakin." he said.
Ewan ko ba pero iyong pagkabwisit na nararamdaman ko kanina nawala at parang bigla namang...dinaga ang puso ko.
Para akong tanga na napakurap-kurap. Darn it. Kung makasalita akala mo ay totoo talaga ang sinasabi niya.
On my peripheral views, I also saw Aria with her friends looking at us. Nasa may isang dipa lang ang layo nila sa amin! So, I smiled at Ishi and snaked my arms on his nape.
"Aria, our first class subject will start at ten minutes. Let's go." rinig kong boses ni Miguel.
Titingin pa sana ako sa gawi nila pero pinigilan ako ng tingin ni Ishi. Kita ko sa sulok ng aking mata ang paghawak ni Miguel sa kamay ni Aria at nakasulyap ito sa amin.
"Babe, let's go." aya ulit nito kay Aria bago sila umalis.
Napatingin ako kay Ishi. Napansin kong nakasunod ang tingin niya kay Aria at nag-iigting ang panga sa inis malamang kay Miguel.
"Tara na, hapones. Mags-start na ang klase."
Inalis niya ang hawak ko sa kamay niya na kinagulat ko. I looked at him and knotted my forehead. He smirked. Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at inakbayan, almost head locked na ata ito.
"Ano ba?!" halos iduldol niya ang mukha ko sa dibdib niya. "Hapones, sinasakal mo naman ako e!"
Medyo lumuwag ang hawak niya sa akin pero nanatili siyang nakaakbay. Kingina nito, bipolar talaga 'to. Minsan galit, minsan ngiting-ngiti, minsan naman nakangisi kagaya ngayon. Hayst. Ano bang tinitira nito? Drug lord ata 'to e.
I pouted my lips when he smirked while pinching my cheeks. "You're cute.."
"Talaga?"
"It's a prank."
Tingnan niyo 'to. Masamang ispiritu na naman ang sumapi dito. Jumiyo marekeyks. Sana tyanak nalang, para uha ng uha hindi itong tinatamaan na naman ng kaabnuyan.
Nagbelat ako sa kanya at patakbo ng umakyat sa hagdan papunta sa room. Kaya nauna akong nakarating, at ang tatlong tsunggo na katabi ko naman ang inirapan ko.
"Maganda nga, mataray naman." bulong ni Troy pero rinig na rinig naman.
"Dalawa nga ang itlog, bugok naman." bulong ko rin pero sinadya ko rin na marinig ng tatlo. They chuckled.
Mga tsunggo talaga ang mga ito. Napakabilis makuha ng sinasabi ko. Hmp. So very very innocent.
"Atleast ang hotdog, tender juicy." natatawang sabi ni Dairo.
Nagpigil ako ng tawa pero nang si Troy ang natawa ay nahawa na din ako. Kinuha ko ang notebook na nasa arm rest ni Ishi at ibinato iyon kay Dairo.
"Ogags ka!"
"Wow, look who's talking. The master mind of this matured talks." ngisi pa nito.
I arched my brows. "Bakit? Anong matured sa sinabi kong itlog? Bakit ha? Ano bang nasa isip mo?"
"Kagaya ng naiisip mo." sagot naman ni Troy. Sa kanya ako napabaling. "Cemie, dami mong alam, ano?"
Nagtawanan ulit ang tatlo. Tangina ang mga tsunggo na ito. Akala mo naman kung sinong mga napakainosente ng isipan.
"Palibhasa dinaig kayo ng lugaw, may dalawang itlog kaya especial. E kayo dalawa rin ang itlog pero di kayo especial hahaha." this time ako naman ang tumawa sa kanila.
I just stopped on mocking them when Ishi sat on his chair beside me. Pinitik niya ang noo ko at medyo galit na naman na tumingin sa akin.
"Ingay mo!" ayan na naman si Papa Ishi. Owshi.
Ngumuso ako at nanahimik nalang. Rinig ko pa ang bungisngis ni Troy at Braille kaya binigyan ko sila ng dirty finger, syempre patago kay Papa Ishi.
Nang dumating ang teacher ay nagsiayos na kami. May discussion at ang next subject ay komunikasyon, mabuti nalang at filipino. Hayst.
"We'll having a group activity. Kayo na ang bahalang maghanap ng ka-group niyo, basta five members each." sabi ni Ma'am.
Napatingin ako sa mga kaklase ko at kaniya-kaniya na ang mga itong usod ng upuan papunta sa ka-group nila. Sino bang tino ang pwede dito?
"Baby, we're already five. What are you looking for?" tanong ni Ishi.
Oo nga 'no. Apat na sanggano, at isang dyosa. Aba'y pak na pak. Wala pa akong sinasabing approval na sa kanila nga ako sasali ay nagsiusod na ng upuan sina Braille, Dairo, at Troy. Kami ni Ishi ay hindi nag-usod dahil pabilog na naman ang ayos namin.
"So, class listen. Nagkameron na naman tayo ng discussion tungkol sa bugtong, salawikain at sawikain. So ngayon dahil meron din na kasali ditong pick-up lines, with your group members gagawa kayo ng pick-up lines. Yung mga bago naman ha." paliwanag niya.
Damn. Pick-up lines? Shit magiging mais na naman ako nito.
Nakangiwi kong kinuha ang papel ko para isulat ang pangalan ko at inabot iyon sa kanila.
"Pangalan niyo, sulat niyo."
Wala silang sinabi at isinulat nga ang pangalan. Aba'y may tyempo naman palang mababait ang mga batang ito. Sana palagi nalang ganyan. Pwede ko silang ampunin kapag nagkataon.
Cessiana Marie C. Vasquez
Ishigara Ken G. Takashi
Braille Kyle F. Romero
Troy Anilov B. Quintos
Nix Dairo A. Hermosa
Oh, diba. Taray nangunguna ang reyna.
Kumuha muna ako ng notebook para doon isulat ang maaring pick-up lines na ibibigay ng mga tsunggo. Pansin ko rin ang titig ng mga babae naming classmate lalo na sa akin. Hindi na sila makapagbulungan ngayon malamang dahil dito kay Papa Ishi. Kaya ayan, pamatay na titig naman. Whatever, mata naman nila ang mabubusog sa pagtitig sa kagandahan ko e. Kaya sige lang, hindi ko pinagdadamot ang kagandahang meron ako, free titig naman 'to.
"Ano bang pick-up lines ang pwede?" sa arm rest ni Ishi ko napatuon ang aking siko habang ang hawak kong ballpen ay itinutoktok ko sa aking baba.
Dairo smirked. Mukhang nakaisip ang loko. "Gas ka ba?"
"Bakit?" sabay-sabay na tanong namin maliban kay Papa Ishi na iniakbay pa ang kamay sa likod ng upuan ko. Hmp, engot.
"Kase, hindi tatakbo ang dagat kapag walang susi ang motor." natatawang dagdag niya.
Ngumiwi lang ako habang sina Braille at Troy ay kanya-kaniyang hampas kay Dairo. Gago, ito na nga ba ang sinasabi ko e, napakatino na naman. Hmp!
"Gago umayos ka. Ako nga." si Braille naman ang tumingin sa akin. Pustahan tayo, isa pang napakatino nito. "Teddy bear ka ba?"
"Bakit?"
"Kase sa sobrang lambot mo, sarap mong ibato."
Nagtawanan sila pero hindi na ako nakisali. Pati ang ilang kaklase namin ay nasa amin ang paningin dahil sa ingay nila.
"Cemie," tawag sa akin ni Troy. "English ka ba sa plantsa?"
"Bakit?"
Ngumisi ito at itinuro ang index finger sa dibdib ko. "Kase..flat iron."
Kingina. Matik na napatakip ako sa aking dibdib nang magtawanan ang mga tsunggo. Namumula akong naghanap ang ihahampas sa kanya at ballpen naman ni Ishi ang naabot ko kaya ibinato ko sa kanya.
"Nye nye!" sa asar ay inabot ko siya para kurutin sa braso. Napabalik lang ako sa upo nang hilahin ako ni Ishi pabalik. "Troy!"
"Yes, plantsa ko?" ngisi nito.
"tss." ayan na naman si Papa Ishi.
I rolled my eyes on Troy. "Gago ka ba?"
"Bakit?"
"Halata kase." muli akong umirap nang tawanan lang nila iyon.
Tumungo ako sa notebook ko na blangko parin. Napakalinis. Damn.
"Ganito nalang, Cem. Coke ka ba? Kase ikaw ang royal sa sprite ko." natatawa pang dagdag ni Braille.
"ito nalang dapat daw bago e. Ketshup ka ba? Kase sasarap ang hotdog ko kapag meron akong ikaw."
"pfttt." hindi ko napigilan ang tawa dahil sa sinabi ni Troy. Gago talaga. Pati sina Braille at Dairo ay halos namula sa pagtawa ng walang ingay.
"Kalat mo Troy! Ito nga...isulat mo na 'to Cemie ha. Apple ka ba?..kase handa akong maging letchon makagat kalang." napakatino naman nitong si Dairo. Grabe hiyang hiya ang engrone ko.
Natatawa ko siyang hinampas. "Kingina!"
"Cemie!" suway na naman ni Papa Ishi. Nakalimutan ko na galit nga pala ito kapag ako ang nagmumura. Hayst. Napaka-strict naman ng Papa ko.
Tumingin ako sa kanya nang hawakan nito ang kamay kong nakapatong sa arm rest niya. He squeezed it. Ang isa niyang kamay ay hinawakan ang baba ko para makaharap ako sa kanya.
I rolled my eyes on Ishi and shoved his hands away. Umayos na ako ng upo at inis na tumungo nalang sa notebook ko.
"Grabe, salamat nalang sa lahat. Pinanatili niyong malinis ang papel." peke akong ngumiti sa kanila.
Naramdaman ko ang kamay ni Ishi sa ulo ko at ipinihit ito paharap sa kanya. Ngumiti siya sa akin pero ngumiwi lang ako.
"Baby.." he whispered.
"Ano?!" ngumisi pa siya sa akin at rinig naman ang asaran mula sa mga tsunggo at ilan naming kaklase.
"You must be the square root of two.."he sweetly said while brushing my hair.
"Nudaw?" nangunot ang noo ko. "Bakit?"
Damn, his face was just inches away from mine. Napalunok ako habang nakatitig sa mga mata niya.
He bit his lower lip. "Because I'm irrational around you."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top