CHAPTER 7


Chapter 7

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon. Isipin niyo nga, ako daw nagseselos? Owemji! Over my dead body!

Panay ang irap ko habang nagkukusot ng damit. Sabado ngayon kaya walang pasok, at itong paglalaba at paglilinis ng bahay ang inaatupag ko. Oh, sipag ko diba? Sana kayo rin.

Nasa may likod ng bahay ako naglalaba kaya wala akong matanaw kundi ang mga puno at vegetable farm ni Lolo. Isa iyon sa pinagkakakitaan niya. He loves planting, kaya talagang binili na ni Tita Ana ang lupang ito para sa kanya.

Hindi naman kami mayaman at ang layo-layo ko kumpara sa mga schoolmates ko. Pero okay na 'ko sa estado ng buhay namin ngayon, atleast ang pera na ginagastos namin, nagmula sa desente at marangal na trabaho.

"Cemie, pumunta ka nga muna dito saglit."

"Po?"

Inalis ko ang bula sa kamay ko at pumunta sa labas ng bahay, sa may puno kung saan nandoon si Lolo at nakaupo sa duyan.

"Gusto mo bang lumabas? May pupuntahan tayo." sabi niya.

"Saan ba 'yan Lo? May pogi ba?" tanong ko at agad niya namang ibinato sa akin ang tsinelas niya.

Tingnan mo itong si Lolo. Ang galing mangaral sakin na 'wag daw akong mag walang hiya, pero siya naman itong napakawalangya. Hmp.

"Bilisan mo na sa ginagawa mo. Aalis na tayo mayamaya." sabi niya at naglakad na papasok sa bahay.

Kaya bumalik na ako sa ginagawang paglalaba para makasama sa kung saan man ang tinutukoy ni Lolo. Saan ba kase 'yon? Napakagulo namang kausap ni Lolo e.

He was wearing a blue polo shirt and black pants, akala mo naman manliligaw, multuhin sana siya ni Lola. Nagsuot lang ako ng white fitted pants at black shirt na nakaparagan sa pants ko.

"Saan mo ba balak dalahin ang kagandahan ko, Lo?" tanong ko nang makasay na kami sa tricycle.

"Sa mental, masyado kanang lumalala, apo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pabiro ko siyang hinampas. Walangya talaga nito. Kung hindi ko lang talaga ito Lolo naku baka naihagis ko na siya palabas ng tricycle na ito.

Nakanguso akong napatingin sa may daan. Minsan lang talagang mag-aya na lumabas si Lolo. At t'wing may okasyon lang 'yon, minsan ay kapag birthday namin, pasko, bagong taon. Pero wala namang okasyon ngayon ah? Kailangan bang ipagdiwang pa ang kagandahan ko? Hayst. Araw araw akong maganda, paano 'yan lalaki ang gastos ni Lolo.

I chuckled at my thought. Napansin kong papunta sa may mall ang dinaraanan namin.

"Wow. Sa mall ang punta, Lo?" nakangiti akong umakbay sa kanya nang nakangiti itong tumango. "Bakit? What's meron?"

"Wala. Gusto ko lang lumabas kasama ang napakaganda kong apo. Gusto kong maranasan mo ang mga pagpasyal na ganito kahit wala ang magulang mo." ayan na naman siya.

I smiled weakly on the road. "Ano ka ba, Lolo. Ayos na ako nakasama ka at maging kapamilya kayo ni Tita Ana. Masaya na 'ko sa inyo. Kahit hindi maranasan ang ibang bagay.."

Naging tahimik ulit kami hanggang makarating sa mall. Hindi ko alam ang trip nitong si lolo, basta nalang nag-aya. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka manchi-chicks lang siya dito. Hayst.

Pumasok kami sa loob at naglibot-libot sa paligid. May bibilhin daw siyang mga gamit sa vegetable farm niya at hinayaan akong maglibot mag-isa. Wala naman akong balak bilhin e, kaya paikot-ikot lang ako.

Napatingin ako sa taas, at nakita ang tatlong tsunggo. Si Dairo ay nakasandal sa may railings habang kausap si Ishi at si Braille naman ay hawak ang cellphone. Ano kayang ginagawa nila dito?

I knotted my forehead. Aksidenteng napatingin pababa si Dairo kaya nakita ako nito.

"Cemie!" lakas ng boses ng pucha.

Kumakaway siya sa akin at si Ishi naman ay nakatitig lang. Ano na naman kayang problema nito? Hinila siya ni Dairo pababa kasama din si Braille. Siguro ay dito ang punta?

Tumingin ako sa paligid dahil baka mamaya and'yan na si Lolo. Nang ibalik ko ang tingin sa harap ay nakita kong palapit na sila sa akin.

"Nasa'n si Troy?" tanong ko sa kanila. Ngayon lang nawala ang lalaking nanghahalik na 'yon. Hindi tuloy kompleto ang feeling f4.

Nangunot ang noo ni Ishi. Lumapit pa siya sa akin, as in sobrang lapit. Tangina nito, pati ba naman sa mall?! Sinong pagseselosin niya? Yung mga saleslady?

"And why are you looking for him? Andito naman ako ah." sabi niya. Sige lang, push mo ang drama.

"Si Troy? May hinahabol na babae." sabi ni Dairo.

"Dinikwat kase ang cellphone niya." natatawang sabi naman ni Braille.

Kaya naman pala. Deserve niya. Char. Mayaman naman ang mukong na 'yon tas hahabulin pa.

"Bakit pa niya hinabol? Eh, kung bumili nalang siya ng bago." sambit ko. "Maganda ang nangdikwat 'no?"

"Ah, kinda." tamad na sagot ni Braille.

Ibang klase talaga ang hanep na 'yon. Napaiwas ako ng tingin kay Ishi na nasa harap ko. Nakatitig sa akin. Ano na naman bang gusto ng isang 'to? Gusto niya ba ng actingan sa mall? Kadalasan pa naman ang mga nakukuhang artista sa mall nagmumula.

"Cemie.." he sweetly called me. I ignored him.

Kay Dairo ako napatingin nang tumikhim ito. "Gusto mo bang sumabay samin, Cemie? Lunch?"

Braille smiled agree with Dairo suggestion. Si Ishi naman ay nakatitig parin sa akin. Damn it. His ocean blue eyes melting me.

Napabuntong hininga ako at umiling nalang. "Hindi na. Kasama ko si Lolo, baka mamaya ay aalis na rin kami. Salamat nalang." napakatinong sagot ko. Oh minsan lang akong sumagot sa mga 'yan ng tino ah. Kaya literal na napataas bahagya ang kilay ng dalawa.

"Then let me tell him that you're joining us." sabi naman ni Ishi.

"Hindi na nga. Parang tanga. Pwede ko bang iwan 'yon mag-isa? Tsk, kayo nalang. Sa school niyo nalang pagmasdan ang kagandahan ko."

Ngumiwi ang dalawa at bago tumalikod ay nagcomment pa.

"Yaan mo na, Ishi. Baka masalimpad pa tayo ng kahanginan niyan." si Dairo.

"Wag niyo nang pilitin kung ayaw, baka pumayag." si Braille.

Napabelat nalang ako sa kanila kahit naglalakad na silang palayo. Hindi parin umaalis si Ishi sa harap ko. Aba't anong gusto nito?

"Gusto mo bang i-kiss pa kita?" nanghahamon kong tanong.

He chuckled before brushing my cheeks. Damn, my heart pounded loudly inside my chest. It feels like his ocean blue eyes hypnotizing me.

Damn. Napa-english ako 'don ah. Parang nagwawala ang puso ko sa paghaplos niya sa pisngi ko. Shit, this is a very very bad bad.

"Ayoko.." he answered. Ang isa niyang kamay ay inilagay niya sa bewang ko para hapitin akong palapit sa kanya at ang isa namang kamay ay nanatili sa pisngi ko. "Ako dapat ang gagawa 'non."

Napapikit ako nang lapatan niya ng halik ang aking noo, then to the tip of my nose, and he's about to kiss my lips when I heard my Lolo's voice...

"Cemie."

Naitulak ko siya palayo sa harap ko bago unti-unting lumingon kay Lolo. He's holding a paper bags on both of his hands kaya kinuha ko ang iba. He's seriously staring at Ishi.

"At sino naman ito, apo? At ano iyong naabutan ko? Hinalikan ka ba?" seryoso talaga si Lolo.

Napalunok ako at medyo awkward na ngumiti bago tumabi kay Ishi. He chuckled before answering my Lolo.

"T-That's not what you're thinking, Sir. May...May dumi po ang mukha niya kanina, pinahid ko lang." dahilan niya. 'Yan, very good ka hapones. Ampakagaling mo talagang humanap ng lusot.

But then, may Lolo ako na imbestigador ang peg. "Pinahid..gamit ang labi?"

"Lolo naman, tumigil ka nga." nakangusong singit ko.

He increased his forehead on me. "Sino ba iyang lalaking 'yan? Kilala mo ba siya, apo? Kapag hindi ay uupakan ko na 'yan." aba't action star naman ang peg niya ngayon. Naku, lahi talaga kami ng artistahin.

Napatingin ako kay Ishi na ngayon ay matamis na nakangiti sa akin. Huwag niyang sabihin na pati sa harap ni Lolo ay magpanggap kami. No way.

"Ano, Lo...classmate ko po. Si Ishi." pakilala ko dito. Mas lalong lumawak ang ngiti niya na bumaling kay Lolo.

"Magandang araw po.."

Nangunot muli ang noo ni Lolo na nakatitig dito. Parang kinikilala itong katabi ko.

"Anong apelyedo mo, hijo?" kuryosong tanong niya.

Kailangan pa bang malaman 'yon? Ito talagang si Lolo hahanap na naman ng lusot para gawing magkamag-anak kami nito. Kahit malayo ang apelyedo namin sasabihin niya ay kamag-anak ka namin hijo. Naku kaya minsan lang maglegal ang mga magjowa e. Palaging nagiging magpinsan kahit hindi naman. Hayst.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Ishi at hindi nasagot sa tanong ni Lolo. Napabuntong hininga ako. Kung ayaw niya edi ako na.

"Takash--"

He cut me off. "Ah, Sir. I need to go..baka hinihintay na ako ng mga kaibigan ko sa labas."

I just raised my brows on him when he bid a goodbye for me. Nagderetso na siya palabas ng mall.

Ano bang meron sa apelyedo niya? Pa-suspense na naman ang hapones. Parang may lihim na nakaukit sa kanyang apelyedo.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top