CHAPTER 6


Chapter 6

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Narinig ko agad ay ang ingay ng apat na tsunggo.

At teka. Inilibot ko ng tingin ang paligid. Nakahiga ako sa maliit na kama at may nakaharang na puting kurtina, siguro ay nasa may labas niyon ang apat. Mukhang dito sa clinic ako bumagsak ah. Sino ba kaseng walangya ang bumato ng bola sa mismong ulo ko pa?

Tangina niya. Sana hindi masarap ang ulam niya mamaya.

Nakaramdam parin ako ng hilo nang medyo naupo na ako. Para talagang naalog ang utak ko don ah.

"Next time talaga dapat sa boxing ring na ang volleyball na 'yan eh." boses iyon ni Dairo.

"Walangya din ang Miguel na 'yon, ayan tuloy naging sleeping beauty si dracula." tangina mo Braille.

"Sinadya niya 'yon. Ang problema lang ay si Cemie pa ang sinaktan, bakit hindi nalang itong si Takashi." that's Troy. "And did you know? Bago nawalan ng malay si Sleeping beast, ikaw pa ang hinanap."

"Well, ganun talaga 'pag gwapo. Hinahanap-hanap." naiimagine ko tuloy ang nakangising hapones.

"Yabang mo! Gago!" sigaw ko.

Mabilis na nagsihawi ng kurtina ang apat at nang tumingin sila sa akin ay tinaasan ko lang sila ng kilay. Lalo na itong si Ishi, kasalanan niya 'to. Ayan tuloy ako ang pinag-initan ni Miguel na 'yon.

Ang tatlo ay naupo sa mga monoblocks chair na nasa gilid habang si Ishi naman ay humila ng isa at dinala sa may gilid ko para doon maupo.

"How's my baby?" tanong nito. Umirap lang ako. Lakas maka-baby nito, pinanindigan ang pagiging sugar daddy ah.

May hawak  na ngayon siyang cold compress na kinuha sa may side table at ipinatong niya sa may sintido ko.

"Sobra naman ang impact ng bola sayo, Cemie. Himatay agad." sabi ni Dairo.

Tumingin ako sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "E, kung ikaw kaya ang batuhin ko ng bola? Akala mo ba biro lang 'yung sakit na naramdaman ko dahil sa bola na tumama sakin? Sobrang sakit 'non. To the point na gusto ko nalang maglaho dahil sobrang sakit. Hindi mo naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!"

Napaawang ang labi ng tatlo at sabay sabay pa silang pumalakpak.

"Ibang klase." namamanghang sabi ni Braille.

"Sinasabi mo?" napanguso naman si Dairo.

"Hindi kapani-paniwala ang linyahan ng batang ito. I-kmjs na 'yan!" tukoy naman ni Troy sa isang sikat na tv show. Nabatukan siya ng dalawa.

Nagbelat ako sa kanila at napabaling ng tingin sa nasa gilid ko. He's just smirking at me. Hawak niya parin ang cold compress na nakalapat sa may bandang sintido ko.

"Saan ba tumama?" tanong niya.

Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak ng cold compress at itinapat iyon sa mismong sintido.

"Dito.." kita ko sa sulok ng aking mga mata ang pagkuha ni Braille ng litrato sa amin at ang nakakalokong facial expression nina Dairo at Troy. Mga extra talaga.

"Teka, nasaan si Miguel ngayon? I want to fucking punch his fucking goddamn face."

"Hindi na kailangan. Bugbog sarado na ni Ishigara ang isang 'yon. " si Troy ang sumagot.

Tumingin ako sa nasa tabi ko na ngayon ay malawak ang ngiti sa akin. Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tenga kagaya ng palagi niyang ginagawa. Pakiramdam ko ay sumabak na naman sa karera ang puso ko.

Damn. It's normal at my age right? Kung kinikilig ako, normal lang 'yon diba? Hayst. Bakit ba kase ako nagkaroon ng leading man na gwapo. Siraulo lang..saka palaging galit kapag ako ang nagmura. Hmp, gusto ko 'yung medyo manyakis. Charot! Sige na okay na ako sa siraulo na 'to.

I sighed. "Bakit mo ginawa 'yon? What if may punishment? Edi damay ka?" ang taray ko namang magdrama. Feeling concerned talaga 'no? Ako nga itong nadamay sa away nilang dalawa e. Ngayon ko lang napansin ang medyo pulang part sa may panga niya. Mukhang tinamaan ng suntok.

He cupped my face for me to look at him directly on his eyes. At syempre hindi mawawala ang ismidan ng tatlong extra.

"I told you, I care for what is mine. And you're mine, Cemie. No one can ever hurt you."

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano bang idinadrama nito? Wala namang ibang nakakakita samin maliban sa tatlong extra. At alam kong alam din naman nila ang plano ni Ishi na pagselosin si Aria kaya namin ginagawa 'to.

Darn it. Kung nagre-rehearsal siya, napakaayos ng acting niya. Fuck his lines. Na-speechless ata ako sa linyahan niya.

Akala mo naman totoo. I should protect  my heart on him, mahirap na. Baka mahulog tas lumagapak lang ako dahil walang sasalo. Aw.

He brushed my cheeks and sweetly smiled at me. Para talagang nakakaakit ang mga mata niya.

"Ang sakit sa mata, mga walang respeto." naunang lumabas si Dairo.

"Parang tinapakan ang pagiging single ko." madramang sabi ni Braille.

"Condolence, bro." umakbay sa kanya si Troy at sabay silang lumabas.

Mga siraulo talaga. Hinawakan ni Ishi ang kamay ko kaya napatingin ulit ako dito.

"Nahihilo ka pa ba? You should take a rest." sabi niya.

"Hindi na. Okay na ako, punta na tayo sa room." inayos ko na ang sarili ko at naunang lumabas. Sumunod din naman siya.

"Gusto mong buhatin kita?" tanong niya mula sa likuran ko.

I looked back at him only to gave him my sweetest smile. "Talaga? Gagawin mo?"

Nasa labas na kami kaya merong ilang students na nasa amin ang paningin. He smiled before walking near me.

"Bakit hindi?" he bit his lower lip and winked.

Parang tanga talaga 'to. Isinakbit ko ang pareho kong kamay sa leeg niya kaya mas napangisi ako. Binuhat niya ako ng bridal style kaya mas narinig namin ang singhapan ng nasa paligid.

"You're too heavy, baby." ngisi nito.

"Mas bibigat pa ako kapag naging mag-asawa tayo." tangina. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi ko? Siya? Mapapangasawa ko? Shucks!

"And why? Ano bang ipapakain ko sayo 'pag naging mag-asawa tayo?"

"Ah, depende sayo. Ulo ng tilapia o ulo sa baba, hm?"

Halata ang asar sa mukha niya. Bigla niya akong ibinaba at nakangiwi na medyo galit na tumingin sa akin.

"Kung ano-ano na naman ang lumalabas dyan sa bunganga mo!" ayan beast mood na naman si Papa Ishi.

Nauna siyang maglakad papunta sa room pero tumigil ulit para balikan ako. Oh, kita niyo 'yan? Hindi rin ako matiis, mahal na mahal ako ng leading man ko. Damn.

"Ishi.." rinig naming may tumawag mula sa likuran namin.

Nasa may hagdan na kami paakyat sa room at natigil dahil sa malambing na boses na iyon. Nauna akong lumingon sa likuran namin. At nakita ko ang maamong mukha ni Aria na medyo nakatungo. Akala ko ay sa baba siya nakatingin, pero napansin kong nasa kamay namin ni Ishi na magkahawak ang paningin niya.

Napatingin ako kay Ishi na seryoso lang na nakatingin kay Aria.

"Ah, I-I just want to apologize about what happened. P-Pasensya na." mahinhin na sabi niya.

Napalunok ako at babawiin na sana ang kamay ko kay Ishi pero mas lalong humigpit ang hawak niya.

I sighed. "Bakit ikaw ang humihingi ng tawad? Ikaw ba ang bumato ng bola sakin?" I asked, she shook her head. "Hindi naman pala e. So, stop what you're doing. Ang boyfriend mo ang may gawa kaya siya dapat ang humihingi ng pasensya dito."

She bit her lower lip that made her more angelic. Hung nga pala ang apelyedo nito, mukha kase siyang koreana. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Still I'm sorry...lalo na sayo." she smiled.

Napatingin ako kay Ishi at nasa akin na ang paningin niya. I smiled at her too, and wrapped my hands on Ishi's arm. Napatingin siya sa kamay ko pero nanatili parin ang ngiti niya.

"Yaan mo na, nahinga pa naman ako." I awkwardly smiled at her.

"Oras na napahamak ka talaga hindi ako magdadalawang isip na gumamit ng dahas." seryosong sambit naman ni Ishi habang nasa akin ang tingin. Wew.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ulit humarap kay Aria na mukhang naiilang na.

"Ah, I'm Cessiana Marie Vasquez, you can call me Cemie." I smiled at her.

She nod her head and forced a smile. "Ah h-hi..I'm...Aria Hung. Ahm, sige mauna na 'ko, pasensya parin."

Nanatili kami sa pwesto ni Ishi habang tinatanaw ang paglakad palayo ni Aria. Tumingin ako sa nasa tabi kong yakap ko ang braso. Seryoso siyang nakatingin sa dinaanan ni Aria. Sinundot-sundot ko ang pisngi niya kaya lang siya nagbaba ng tingin sa akin, medyo mataas kase siya, hanggang baba niya lang ako.

"Ang ganda pala ni Aria sa malapitan."

He arched his brow. Taray talaga ng hapones na 'to.

"Napakaamo ng mukha, ang bait tignan."

Medyo yumuko siya at inilapit sa akin ang mukha. Inalis ko ang yakap sa braso niya at nag-iwas ng tingin.

I forced a smile. "Wag mo nang itago ang kilig mo, Ishigara. Alam kong kinikilig ka dahil lumapit pa talaga si Aria dito."

Ngumiti ako sa kanya at naunang umakyat sa hagdan. Nasa may pataas palang ako ay naramdaman ko ang pagsunod niya. Nang nasa hallway na ako papunta sa room ay bigla niya akong hinila papunta sa vacant room.

"Ano?" iritadong tanong ko. Tingnan mo ito, kung makahila. Habit niya ba 'yon?

Inikot ko ng tingin ang paligid ng bakanteng room na ito. Puro box ang laman at may ilang kalat na garlands. Nakarinig ako ng paglock ng pinto at nang lingunin ko si Ishi ay nakangisi ito habang nakahawak sa door knob.

"Kingina. Ini-lock mo?!" gago talaga nito. Hindi niya ba naiisip na vacant room 'to at 'yang pintuan ay pwedeng sira ang lock? Paano kung biglang hindi 'yan mabuksan? Tangina talaga.

"Shh, bago 'to." tukoy niya sa door knob sabay kindat. Ew.

Umirap ako sa kanya at nakangusong binuksan ang mga kahon. Bakit? Naghahanap ako ng gold. Oo, gold. Pang-palo sa ulo ng hapones na 'to. Naghahanap ata ng treasure eh, idinamay pa ako.

"Cemie," tawag niya pero hindi ko nilingon. "Cemie.."

"Shurap! Em bezzy!" nilingon ko lang siya para irapan. Ang loko ang sarap ng upo sa upuan na putol ang likod na paa.

Nagpigil ako ng tawa nang mayamaya nga ay rinig ko ang pagbagsak niya. He did not curse. Wew. Napakatino namang bata nito. Nahiya ang engrone ko.

"Kawawa naman ang hapones, baldado na. Hindi ko na 'yan hahatian sa treasure." parinig ko.

Mabuti nalang at hindi ako takot sa mga ipis at gagamba. Ang dami pa namang ganun sa bawat kahon na binubuksan ko. Mga papel at christmas decoration lang naman ang laman, ano bang mapapala ko dito at dito pa naisip ng hapon na 'yon na maghanap ng treasure.

Tumigil ako sa paglakad nang marealize na parang ang tahimik niya. Hindi ako lumingon at tinawag nalang siya.

"Ishi?"

He did not answer. Nawala siya sa likuran ko. Nasaan naman ang lalaking 'yon. Medyo kinabahan ako na napatingin sa pinto. What if lumabas na siya at ini-lock ako dito sa loob?

"Ishi!!" malakas ng sigaw ko. Aba't pinagtitripan pa ako ng hapones. "Ishigara Takashi!"

Aba't iniinis ako ng gagong 'yon ah. Lalapit na sana ako sa may pintuan nang may yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko na kailangang alamin pa kung sino dahil sa pamilyar na amoy niya palang, alam ko na.

"Why my name sounds too sweet when it comes to you?" bulong niya sa may likod ng tenga ko. "Can you repeat it again? Not by shouting, hm?"

Napalunok ako. "Ayoko nga! Umalis ka nga. Wala naman sa usapan na pati alikabok sa room na 'to ay pagseselosin mo pa." I rolled my eyes.

He chuckled. "Edi 'yon nalang sinabi mo kanina." bulong niya ulit.

Ano bang sinabi ko kanina? "Na hindi kita hahatian sa treasure?"

"tss, hindi." sagot niya. "Yung bago ka maunang umakyat ng hagdan sakin."

Pahirap pa 'to sa buhay. Alin ba 'yon? Ah, 'yung kinikilig siya kay Aria?

"Totoo namang kinikilig ka e, kita ko sa mga mata mo." sagot ko.

He hugged me even tighter. I can feel his breathe and lips on my cheeks. I know he's smiling.

"Are you jealous, baby?" malambing na tanong niya.

Inis kong kinurot ang braso niyang nakayakap sa akin. Napahiwalay siya dahil doon.

"Gago, ah. Asa ka!!"

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top