CHAPTER 49


Chapter 49

~ Braille Kyle Romero~

Isinuot ko ang aking black shades matapos kindatan ang isang babaeng nakasalubong namin sa labas. Napatili pa ito. Ibang klase talaga ang karisma ng isang hanep sa gwapong tulad ko.

"Lakas mang-chicks, tiklop naman palagi kay Mi--"

Mabilis kong ni-headlocked si Dairo. "Gago! Real talk!"

Pinitik ko pa ang tenga niya bago sumakay sa loob ng kotse ni Troy. Lumingon ako sa likod at nakita ang natutulog na si Cemie. Nakahilig ang ulo nito sa balikat ni Ishigara na nasa right side niya. At sa left side naman nito ay si Broken Troy.

Aw. Ang astig nilang pagmasdan. Hindi na lingid sa kaalaman namin ni Hermosa na simula nang mawala sa samahan namin si Miguel ay itong dalawa na ang mas naging close. Si Troy ang madalas niyang kausap noon nang mag-break sila ni Aria Hung. Palaging sila ang magkasama sa pakikipag-bakbakan kay Miguel.

At hindi ko inaasahan itong nangyari ngayon. Sumpa ata sa tropa namin na ma-inlove ang dalawa sa iisang babae. Pero, masaya akong pinili na si Takashi sa pagkakataong ito. At si Troy, kawawa naman siya.

"What?" supladong tanong niya.

Napabuntong hininga ako. "Condense, pre. RIP sa puso mong nasugatan."

Tatawa-tawa akong nagsiksik sa sulok nang batuhin niya ako ng iniinom niyang coke mismo. Mayamaya pa ay naupo na si Dairo sa driver seat katabi ko. Lumingon din ito sa likuran at kagaya ko ay napangisi.

"Aray...aray nakuuu ugh~" pakanta pang asar nito kay Troy.

Pareho kaming natawa at nag-apir pa.

"Manahimik kayong dalawa, may tulog dito!" saway ni Takashi. May inis na agad ang mukha niya. Si Cemie lang talaga ang nakakapagpaamo sa hapon na ito.

Nagsimula nang magmaneho si Dairo at ako naman ay hindi maiwasang mapalingon sa likod. I saw how Ishi gently massaged Cemie's hand.

"Alam mo, Takashi. Gago mo, talagang aalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa sleeping hotdog na 'yan?" anas ko kay Ishi.

"Wala naman sa plano kong umalis ng bansa. Nag-aalangan pa nga akong pumunta sa airport kanina e." sabi niya. Nakatitig ito sa mukha ni Cemie. "I received her message, sinabi niyang hindi niya kayang umalis ako. That's why I cancelled my flight. Hindi talaga ako tumuloy sa flight. Alam kong pupuntahan niya ako..." he paused. "Napanood ko 'yon sa mga movie na sinasabi niya sa akin..."

"Drama mo!"

Tinaasan niya ako ng kilay. Ipinatong niya ang leather jacket niya sa harap ni Cemie, at napatingin naman ako kay Troy ng alisin din nito ang jacket niya. Ipinatong niya iyon sa legs ni Cemie, naka-short lang kase ito ng sobrang short.

Nagkatinginan kami ni Dairo at sabay na napangiti dahil sa dalawa.

I am happy that Ishigara already find his own happiness. And Troy? Alam kong makakahanap din siya ng babaeng mamahalin niya, at mamahalin siya ng higit sa kahit na sino.

Dahil ang pag-ibig, habang buhay na nasa mundo 'yan. Hindi mawawala, at kahit kailan ay hindi mauubos. Pana-panahon lang 'yan.

What's meant for you, will always find you. And you'll end up to something better.

Kaya hanggang sa huli, aasa ako na sa sarili kong kwento...magiging masaya ako, kagaya ng hinihiling ko para sa mga kaibigan ko.

~ Cessiana Marie Vasquez~

"Cemie, kumain ka." utos sa akin ni Ishi.

Andito kami ngayon sa tapsihan malapit sa bahay namin. Dito kami iniwan ng tatlong papables. I couldn't help but to stared at him. Hindi parin ako makapaniwala na magiging maayos agad kami. Akala ko ay talagang iiwan na niya ako.

"Cemie?" tumaas ang kilay niya.

"Gusto mo bang pumunta sa bahay?" I asked. Napaawang ang labi niya at parang hindi mapakali. "Alam ko ang iniisip mo. Hindi ka ipagtatabuyan nina Lolo...kasama mo ako."

"A-Ayos lang." sagot niya at kumain na ulit.

I smiled at him. Pumunta kami sa bahay at sakto na andun si Mama at Tito Gino. Napatingin sila sa amin. And as what I expected, hindi naman sila nagalit. Si Lolo pa nga ang nagpapasok kay Ishi e.

Naupo kami ni Ishi sa sofa at mayamaya lang ay lumapit sa akin si Cassie.

"Ate, is he your husband?" tanong ni nito.

"Soon to be." napatingin ako kay Ishi ng siya ang sumagot. Tinaasan ko siya ng kilay nang mayamaya lang ay narinig namin ang tikhim ni Lolo.

"Wow, ate. You have a soon to be husband. I want to find mine too!"

Napamura ako sa isipan dahil sa sinabi ng kapatid ko. A ten years old girl already want to find a husband. Darn.

"Baby, come here. Find first your missing slippers, oh God!" hindi makapaniwalang sabi ni Tito Gino.

Nakangusong umalis sa harap ko si Cassie. I smiled at her. Napatingin ako kay Ishi na nakatitig pala sa akin. Muling tumikhim si Lolo. Nakaupo siya sa harap namin at halata na mahina na. Kaya minsan ay hindi na ako makatitig sa kanya, dahil ayokong makita na unti-unti ng bumibigay ang katawan niya.

"Apo, may sasabihan ka ba sa amin kaya mo kasama ang singkit na binatang iyan?" naalala ko iyong palaging pagtatanong ni Lolo sa akin noon. Palaging about sa singkit na kaklase ko na ito.

Magkatabi si Tita Anna, Mama at Tito Gino sa sofa. At nasa akin ang tingin ng mga ito. Oh darn. Hindi ko inaasahan na maha-hotseat ako dito.

"Ano? May laman na ba 'yan?" tanong ni Lolo na nasa tiyan ko ang tingin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Tay naman!" saway ni Mama kay Lolo.

"Pupusta ako ng limang daan. Babae 'yan, babae." sabi ni Tita na akala mo ay nagsusugal lang. Nahampas tuloy siya ni Mama.

"At talagang pinustahan mo pa!"

I looked at Ishi who's enjoying watching them. Napatingin siya sa akin at ngumisi.

I pouted. "Grabe naman kayong mag-isip."

"Ibig sabihin ay nandito kayo para ipagbigay alam sa amin ang kasal?"

"Ano ba, Lo! H-Hindi--"

Ishi cut me off. "Opo. Andito po ako para ipagpaalam sa inyo.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ishi. He smiled at me before looking again on my family. "I'm planning to marry her soon, L-Lo. Sa ngayon po ay tutuparin muna namin ang pangarap namin."

I can't even move. Lalo na nang makita kong ngumiti si Lolo. He's breathing heavy dala na rin ng edad niya, at kahinaan ng katawan.

"Alam ko po ang mga layunin niya sa buhay, at hindi ko siya hahadlangan na magawa iyon. We will support each other po hanggang sa huli."

Hindi nawala ang determinado niyang boses. He's really determined for us. Akala ko ay sirang-sira na talaga ang tiwala ko sa lahat, pero muli niya iyong binuo.

Tumingin sa akin si Lolo at ngumiti. Kakaibang ngiti. "Apo, kung saan ka masaya ay doon din kaming pamilya mo. Alam kong hindi biro ang lahat ng mga pinagdaanan mong sakit, kaya dapat lang na maging masaya ka." he said. Tumingin siya kay Ishi. "At ikaw hijo, kung aanakan mo ang apo ko, dapat kambal agad para isang hirap."

"Lolo naman!" napanguso ako. Tinawanan lang ako ni Tita at Mama sa halip na sawayin si Lolo.

"Pangako, Lo."

Sinamaan ko ng tingin si Ishi dahil sa sagot nito. He chuckled at my reaction. Sa halip na siya ang mailang ay ako ang naiilang sa kanila. Hayst, ba't napunta sa usapang anak 'to?

Sumeryoso ang mukha ni Lolo na nakatingin sa amin. "Isa lang ang mahihiling ko sa'yo, hijo. Mahalin mo ang apo ko, isa 'yan sa pinakaiingatan kong yaman. 'Wag kang gagawa ng kahit anong ikakawala niyan."

I was happy that they accepted him. Sa kabila ng lahat ay naramdaman ko parin ang tunay na saya.

Days and weeks had past, ni-recruit kami ni Ishi ng studio network kung saan kami nag-orientation noong college. We become a news reporter, at kung saan-saang lugar na rin kami ipinapadala.

Malimit ay magkahiwalay kami ng naa-assign na area pero hindi naman namin nagiging problema iyon. Isa pa, ang isa't isa parin naman ang uuwian namin.

I also signed a contract as an author sa isang kilalang book publishing house. Lahat ng sinusulat kong akda ay naka-published na, physically book!

I chased my dreams. Sobrang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ay dito parin ako dinala ng kapalaran ko.

"Cemie," naramdaman ko nalang ang mainit na yakap ni Ishi mula sa likuran ko. "I watched your live, I didn't know that you have a lot of supporters, hm?" he kissed me on temple. "I'm proud of you, baby."

"Thanks, Papa Ishi." I chuckled when he arched his brows on me.

Naupo siya sa tabi ng table na kaharap ko at nag-cross arms. "Do you have a schedule for today?"

Tiningnan ko sa cellphone ko ang mga schedule ko at nakitang wala naman. "Wala, bakit?"

He sighed. "Dito muna tayo.." hinila niya ako at niyakap ulit. "No formality. No pressure. Let's talk about us."

"Huh? Anong pag-uusapan natin?" umalis ako sa yakap at humarap sa kanya.

"About you and me." he smirked. "Napapansin ko masyado kang tino kung makipag-usap ngayon. Where's my talkative and always jolly baby? Matured kana ah."

"Ganun talaga kapag nasaktan, nagiging matured."

At isa pa, we're already 23. Malamang na nagiging matured na ako sa ibang bagay, at isa pa kailangan ko din ng self-development 'no. Hindi ako pwedeng habang buhay na loka-loka.

"At...anong ibig mong sabihin? Hindi ako tino dati?" hinampas ko ang braso niya nang tawanan ako nito. "Gago! Baka ikaw, bakit? Sino bang magaling makipagparinigan kay Miguel? Diba ikaw?"

"Oh, why do you need to mention that asshat!"

"Pinsan ko 'yon! Gago!"

"Your mouth!

Umirap ako sa kanya. "At isa pa...b-binalikan mo ba si Aria noong panahon na...wala ako?" this time ay naging seryoso na ako. Sumandal din ako sa may mesa at tumabi sa kanya.

"Nope. Since the day that I fell in love with you, wala ng Aria. I ended the acts without you, knowing it." he sighed.

"But you two kissed? Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdaman ko no'n?" I exhaled.

"I'm sorry about that." he sighed again. Napatawa nalang kami pagkatapos. "At least, we still end up together. And this time, hindi na kita pakakawalan."

"Sorry, Takashi. Pero mahaba ang tanikala, kayang kaya ko pa ring maging malaya." natawa ako sa seryoso niyang mukha. "Chos lang!"

"Your jokes are boring." walanghiyang sabi niya.

Dahil pareho kaming may free time ay nanatili kami dito sa unit niya.

We're about to eat our lunch when I received a message from Mama. My eyes widened in fraction. I can't even move after reading her message.

"Cemie? Baby, what's wrong?-"

Inagaw niya sa akin ang cellphone na hawak ko.

"I-Ishi, si L-Lolo..." my tears started flowing down on my cheeks.

Hinawakan niya ako sa kamay at sa pisngi. "We'll going there." he said.

May message si Mama na nasa hospital sila ngayon dahil inaatake ng asthma si Lolo. Hirap na daw itong huminga kahit may oxygen na.

Mabilis na nagmaneho si Ishi hanggang marating namin ang hospital. Nang makita ko si Mama ay agad itong umiyak sa akin. Pilit akong sumisilip sa loob ng room ni Lolo dahil may ilang nurse at doctor doon.

"M-Mama, si Lolo? Ayos lang ba siya?"

Humarap siya sa akin at patuloy parin sa paghikbi. "A-Anak...w-wala na ang Lolo mo.."

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Paulit-ulit akong umiling kay Mama.

"H-Hindi, Ma. Hindi totoo 'yan diba? M-Ma.." nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko ang hagpos ni Ishi sa braso ko at may ibinubulong siya sa akin pero tila nabingi na ako sa sinabi ni Mama.

Umiiyak akong pumasok sa loob ng room at walang habas na pinagtutulak ang mga nurse at doctor. Pati si Tita ay umiiyak na pinipigilan ako pero hindi ko siya pinansin.

Mas lalo akong naiyak nang makita ang katawan ni Lolo..hindi na humihinga. Naupo ako sa gilid niya at pinagtatapik ang pisngi niya.

"L-Lo, gising na..andito na ang apo mo, Lolo. A-Andito na ako.." I cried when nothings happen kahit pa anong gawin ko. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya humihinga. "L-Lo, bakit hindi mo man lang ako hinintay? B-Bakit mo 'ko iniwan agad? D-Diba sabi mo ipagmamalaki mo pa ako sa lahat kapag naging ganap na taga-balita ako? A-Andito na ang hinihintay natin Lo, bakit umalis ka agad? Kaaabot palang natin sa pangarap natin e, b-bakit iniwan mo agad ako?"

I cried on him. Napuno ng iyakan ang paligid. Hindi ko matanggap na iniwan niya na kaagad kami. Gusto ko pang makilala niya ang mga magiging anak ko, gusto ko pang mapanood niya ako sa tv dahil paborito niyang manood ng balita. Gusto ko pang magkaroon ng maraming oras kasama siya. But everything blowed in just one snap. Wala na, wala na ang lahat.

Siya ang isa sa pinakamagiting na lalaking nakilala ko. Kaya niyang gawin lahat, just for my own sake. Siya ang tumayong magulang ko, he accepted everything on me. Kahit marami akong pagkakamali, palagi niya akong pinangangaralan. Lahat ng mga salita niya ay mananatiling kayamanan dito sa puso ko.

I cried everyday remembering him. Halos sa kalahating dekada ng pamumuhay ko sa mundong ito ay palaging siya ang nasa tabi ko. I can't imagine what will happen on those comings days without him on our side. Wala ng magbibigay aral sa akin. Wala ng mang-aasar sa akin kapag bad mood ako. Wala ng magtuturo sa akin ng karati techniques. Wala ng manghahampas sakin kapag sinasapian ako ng kalokahan.

Kaya pala palagi niyang sinasabi na dapat maging handa ako sa lahat. Dapat matuto akong humarap sa sarili kong problema. Dapat matuto akong umunawa at magpatawad, dahil gusto niyang maging maayos ako. Gusto niyang maging maayos ako bago niya lisanin ang mundo.

"Cemie, do you think he's happy seeing you like that?" tanong ni Ishi.

Andito kami ngayon sa harap ng puntod ni Lolo. I was crying the whole time. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Ishi. I hugged his arm. I can't control my tears from streaming down on my face.

"I wish I could turn back the time." sana nagawa ko pang mas maalagaan si Lolo.

He sigh and leaned his head on mine. "In this world we can't. God's plan will always prevail. Lahat tayo ay may naka-takdang oras ng paglisan. We need to accept the fact that in this world, everything is just for temporary. And love is the only exception. You know why?" tanong niya. "Dahil kahit mawala ang mga taong mahal natin, they're still here in our heart. Lumisan man sila, ang pagmamahal nila sa atin ay mananatili paring buhay sa puso natin at sa mga alaalang iniwan nila."

I sighed. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Talagang hinintay niya lang na maging maayos ang lahat sa akin at matupad namin ang mga pangarap namin." tumingin ako sa puntod ni Lolo at muling napabuntong hininga. "Hinding hindi ko siya malilimutan. Palagi lang siyang andito." I smiled genuinely.

Alam kong masaya at nasa mapayapang lugar na siya ngayon. Hindi ko alam kung kaya ko, but I will try to accept everything. Alam kong iyon din ang gusto niya, ang mag-move forward ako sa lahat.

Ngayon, dahil alam kong mas sasaya siya kung magiging maayos na ako. Gagawin ko iyon...everything for my beloved Lolo.

Humarap ako kay Ishi at ngumiti sa kanya. He smiled at me too before holding my face. I put my hands on his nape. He planted a kissed on my lips before kissing my forehead.

"143.." he whispered.

I smiled before letting our lips touch each other again. Nang maghiwalay na ang labi namin ay mahigpit ko siyang niyakap.

"1437, Ishigara.."

__
cessias

1437- I love you forever. ᕕ( ᐛ )ᕗ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top