CHAPTER 48


Chapter 48

"Ate! Open the door! Ate!"

Nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. Si Cassie na naman. Her morning ritual, making loud knocks on the door. Binuksan ko iyon at sinalubong niya agad ako ng yakap sa bewang.

"Ate, Mommy and I went on the candy store. I buy you a lollipop!" masayang sabi niya.

May kung anong kumirot sa puso ko nang ibigay niya sa akin ang lollipop na heart shape, strawberry flavor. It's just a candy! Bakit pati sa mga ganitong bagay ay kailangan kong masaktan?

"Ate, you looked sad..." malungkot rin na sabi niya. Naupo ako sa harap nito para pantayan ang kanyang tingin.

"Hindi. Ayos lang si ate." I hugged her. Sana nga ayos lang, sana nga.

After that night, wala na akong naging communication sa kanya. Yeah, we're on the same room pero hindi kami nagkakatagpo. Minsan ay siya ang nasa OJT, at minsan naman ay ako. We have a opposite schedule. Balita ko nga kay Braille ay may nag recruit na dito na isang kilalang network pero tinanggihan nito.

Hindi ko alam kung bakit. Ito ang pangarap niya, pangarap naming dalawa.

Sa kabila ng lahat ay pinanatili ko parin ang pagiging Dean's lister ko. I still pursue my dreams, and I know he's doing the same.

Malimit akong nakikibalita kay Dairo, Braille, Troy tungkol sa kanya. Oo, iniwan ko siya...pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi ko na siya mahal. Kaya nga ginawa ko ito e, dahil mahal ko siya. Isa pa, alam ko kung gaano niya kamahal ang Mommy niya, at hindi dapat ako ang maging dahilan para masira ang relasyon nilang mag-ina.

Napatitig ako sa kalangitan habang nakaupo dito sa teres ng bahay. I sighed heavily.

"Cemie," rinig kong tawag ni Mama. Naupo ito sa tabi ko. I saw how she genuinely smile on the night sky. "Kung may problema ka, hindi mo dapat sinasarili lalo pa at meron namang handang makinig sa'yo." she said.

Napatitig ako sa kanya. "Ma, noong iniwan ka ni Papa...gumawa ka ba ng paraan para habulin siya?"

She smiled bitterly. "Hindi! Gago ang ama mo e. Hindi ako naghahabol ng nakawalang aso." she chuckled. "At isa pa, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Kung ayaw niya sa akin, malas niya."

I slightly smiled at her. At least ngayon, hindi na siya nasasaktan kapag pinag-uusapan si Papa.

"Eh, si Tito Gino? Kapag iniwan ka niya...hahabulin mo ba siya?"

"Ang Tito Gino mo? Depende sa sitwasyon anak, kung aayawan niya rin ako, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya."

"Pero paano kung iiwan ka niya dahil gusto niyang mapabuti ka?"

Taka siyang napatingin sa akin.

"Ah, ibig kong sabihin Ma, diba kapag mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa ikabubuti niya..kagaya nalang ng ginawa mo sakin. Anong gagawin mo Ma, kapag ang taong mahal mo iniwan mo dahil...gusto mo ng makakabuti para sa kanya...kahit alam mong masasaktan siya?"

She took out a deep breathe and patted my shoulder. "Alam mo, Cemie. Sa lahat ng pinagdaanan ko, marami na akong natutunan. At 'yang tanong mo..." she smiled. "Kung mahal mo ang isang tao, magagawa mo talaga ang lahat para sa kanya, kahit kapalit no'n ay sakit. Pero kapag mahal mo rin ang isang tao, ayaw mo na nasasaktan siya ng dahil sa'yo."

"At kung ako ang nasa sitwasyon na 'yan, susundin ko lang kung anong nasa puso ko." sabi niya.

--

After graduation, hindi ko na ulit siya nakita. He's ignoring me. Iniwan ko siya pero ngayon ay parang ako ang naghahabol sa kanya.

Nakasalubong ko sina Braille, Dairo at Troy sa labas ng mall kaya hinarang ko na ang mga ito.

"Cemie! Yow, kamusta?" si Braille.

Panay ang silip ko sa likuran niya at nagbaka sakaling makita siya dito. Tumingin ako sa tatlo na nakatitig sa akin.

"Si..I-Ishi? Hindi niyo kasama?"

Nangunot ang noo nila sa akin. "Teka, h-hindi mo ba alam?" tanong ni Braille.

"Aalis na siya ng bansa ngayon, Cemie." mahinang sabi ni Troy.

Nanlamig ako sa kinatatayuan. No. Hindi pwede.

Tumingin ako sa kanila. "A-Anong oras ng flight?"

"Exactly 10 am."

Nanginginig kong tinignan ang wrist watch ko at nakitang alas nuebe na ng umaga.

Napaluha ako ng hindi ko namamalayan. Hinawakan ako ni Troy sa pisngi para iangat ang tingin ko.

"Gusto mo bang samahan ka namin? May oras pa, Cemie."

Napatango ako sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko sa pagpunta niya sa ibang bansa. He might stay there for good, o kaya baka makahanap siya ng iba doon.

Potangina! Hindi ko pala kaya. Hindi ko kaya kong malalaman ko na may mahal na siyang iba.

Tinuyo ko ang luha sa aking pisngi habang nakasakay kami sa halos lumipad ng kotse ni Troy dahil sa sobrang bilis. Nakaupo ako sa unahan habang ang dalawa ni Braille ay nasa likod.

"Damn! Traffic!" anas ni Dairo at napahampas pa sa bintana.

May traffic pa sa daanan papuntang airport. Nanginginig na ang kamay ko pero pinilit ko paring magtipa ng text sa kanya. I also dialed his number pero out of coverage area ang phone niya.

"Troy, anong gagawin natin?"

"Alam ko na Braille!" si Dairo. Sumipol ito kaya napatingin ang isang babae na may ari ng kotse na nasa may una namin. "Miss, maawa ka naman samin, baka pwedeng gumilid ka muna--"

"Kapal mo!"

"Dali na Miss! Magpo-propose ako sa girlfriend ko ngayon at nasa airport na siya para umalis ng bansa! Baka mahuli ako! Ipagpapalit niya ako Miss! At kapag nangyari 'yon, iiwan ka rin ng jowa mo!"

"Is it true that you're going to make proposal for your girlfriend?"

"Oo nga! Kunting oras nalang kaya dali na!"

Mayamaya ay gumilid nga ang babae. Halos ilang minuto pa kami bago nakaalis sa traffic. Panay ang silip ko sa bintana at tingin sa relo ko.

"T-Troy, paano kung nakaalis na siya? Paano kung wala na tayong maabutan? Troy, hindi ko kaya.." hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.

"Makakaabot tayo, Cemie. Aabot tayo."

Mas bumalis ang pagmamaneho niya. It's already 10 am ng makarating kami sa airport.

"Miss, hindi pa naman nakakaalis ang flight papuntang Japan diba?"

"I'm sorry, Sir. Pero kanina lang may umalis ng flight.."

Napaiyak nalang ako habang panay rin ang hanap sa paligid. Si Dairo at Braille ay panay ang tanong sa mga nakakasalubong. It's almost ten minutes  after 10am.

Napabagsak balikat ako habang lumuluhang nakatingin sa paligid. Aalis talaga siya? Ni hindi man lang siya nagpakita sakin kahit sa huling pagkakataon.

"Braille, si Troy? Bakit nawala ang ugok na 'yon?"

"Aba malay ko. Baka sumakay na rin sa eroplano para tumalon sa karagatan."

"Loko!"

Tumalikod ako sa kanila at nagpunta na sa may labas. Bagsak balikat akong napatingin sa kalangitan. There's an airplane. Baka nga nakaalis na siya. Wala na akong habol.

"Si Cemie! Daldal mo Hermosa!"

"The hell? Ikaw ang kanina pa d'yan, kulang nalang akbayan mo lahat ng babae."

Rinig kong usapan nila sa may likuran ko. Nagpunta si Dairo sa harapan ko at tila gulat sa itsura ko. My face was soaked with tears.

"Cemie.."

"W-Wala na siya, Dairo. Iniwan na niya 'ko." iyak ko.

Funny how everything's changed. Ako ang nang-iwan. I pushed him away, but now I am the one who's crying because he left me.

Muli akong napatingala sa kalangitan, umaasang makita parin siya kahit imposible. I just cried harder. Pati ang dalawa ay hindi na maintindihan ang gagawin.

Napaupo ako sa mga paa ko habang panay ang pahid sa walang tigil kong luha. Hindi ko kaya. Akala ko ay madali lang sakin ang lahat, pero hindi! Nagkamali ako.

"Cemie.."

"Cem.."

Halos sabay na tawag sa akin ni Dairo at Braille. Nanatili sila sa may harap ko pero hindi ko magawang mag-angat ng tingin. I just cried silently.

"I-Iniwan na niya 'ko. K-Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko ang lahat. I-Iniwan niya 'ko.." patuloy parin ako sa pag-iyak.

"Diba 'yon naman ang gusto?"

Natigilan ako sa narinig na boses. Unti-unti akong napaangat ng tingin sa unahan ko at nakita ko na nakatingin si Dairo at Braille sa may likuran ko. Para akong nanlamig. Hindi ako pwedeng magkamali..

"...ang iwan kita?"

Mas lalong bumilis ang agos ng luha ko. I stood up and ran on him. Isinakbit ko ang pareho kong kamay sa leeg niya at niyakap siya ng mahigpit. Napatama pa ang paningin ko kay Troy na nakangiti sa akin.

I hugged him even tighter. "H-Hindi... hindi ko gusto 'yon! I-I'm sorry..." hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. Napakaseryoso ng mukha niya habang ako ay panay ang iyak. I shooked my head a lot of times.

"I-Ishi, hindi. A-Ayokong umalis ka. Hindi ko kaya. I-Iiwan mo talaga ako? Kaya mo 'yon ha? Bakit? H-Hindi kana ba kontento sa nakikita mo dito? Wala na bang dahilan para manatili ka? H-Huh?"

Hindi siya gumalaw at hinayaan ang kamay ko sa pisngi niya. "You're the only one who can make me feel contented...Cemie. But you chose to pushed me away. I-Iniwan mo na ako, ano pang dahilan ko para manatili dito?"

Kita ang sakit na dumaan sa mga mata niya. Humihikbi akong napatungo sa mga maleta na nasa gilid niya. He's holding his passport. Talagang aalis siya ng bansa.

"I-I'm sorry.." I looked at him and encircled my arms around his neck. "W-Wag kanang umalis. D-Dito ka lang. Hindi na kita iiwan pangako, h-hindi na. Gagawin ko ang lahat, 'wag mo lang akong iwan...h-hindi ko kaya.." pagmamakaawa ko.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. I was shocked when he put some strand of my hair behind my ear. He hold my cheeks and I saw how his reaction softened a bit.

"Hindi na.." binitawan niya ang passport at hinayaang pumatak sa sahig. He put his hand on my head and leaned his forehead on mine. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. "..hindi na ako aalis."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. He wiped my tears using his thumbs.

"Stop crying, ayokong nakikita kang ganyan." he said. He kissed my forehead that made the three extra gasped.

"Kunin na nga lang natin ang maleta. Baka mamaya tumakbo pa 'yan palayo." sabi ni Dairo at sumunod nga ang dalawa para kunin ang mga maleta at bag sa tabi ni Ishi.

Pumunta ulit sila sa pwesto nila kanina at pinaghahalwat ang bag.

"Ito, may condom." natatawang sabi ni Braille.

"Tanga! Candy 'yan parang gummy bear. Pakyu ka boy! Kapo-porn mo 'yan!" si Dairo.

"Ito! Astig may lollipop si Papi!" si Troy na nakangisi sa lollipop na hawak.

We just chuckled on them. Muli kaming humarap sa isa't isa ni Ishi. Akala ko ay galit siya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya.

I chuckled while tears gushing down on my cheeks again. "H-Hindi ka galit sa akin? D-Do you still love me?"

Ilang linggo rin halos na wala siyang paramdam. Ni anino niya ay wala. Kahit noong graduation day, hindi ko siya nakita.

He shook his head. "Paano pa akong magagalit sayo?...and do I still love you?" he smiled. "Of course, I never did not."

"Eh bakit ka aalis kung mahal mo parin ako?"

"Diba ito ang sinabi mo sa akin? Gusto mong lumayo ako sa'yo."

I pouted. "Charot lang naman 'yon e!" tumawa lang siya sa sinabi ko. "G-Gusto ko lang naman na mapabuti ka. Ayaw kong sawayin mo ang Mommy mo dahil lang sa akin. I didn't meant to hurt you, h-hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. I hope you understand, Ishi. Mahal kita, at handa akong ibigay sayo kung ano ang ikabubuti mo, kahit masakit sa akin."

"Cemie, alam mo kung ano ang ikabubuti ko?" he pinched my nose.

"Ikaw. Dahil sa'yo lang ako sasaya, sa'yo lang ako natuto ng maraming bagay. You made me see the colors I couldn't seen before. Dahil sa'yo, ginusto kong baguhin ang sarili ko. I am not a perfect man, I have a lot of failures, flaws, and wrong decisions in life. Pero simula noong makilala kita..my softie-clingy not so innocent girl, namalayan ko nalang na unti-unti na akong nagbabago. Dahil itinuro mo sa'kin kung ano ba talaga ang pagmamahal. So kung gusto mo ako sa kung saan ako makakabuti, then let me be with you forever, baby."

Nakangiti niya akong niyakap. I can feel his warmth hugged not just in my body but in my heart. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya dahil miss na miss ko na ang amoy niyang imported.

"And of course, I understand, Cemie. Mahal kita kaya naiintindihan ko kung anong gusto mo, I just can't imagine that you want me to find someone else. You're more than enough, you're the most better and best girl for me, baby. Stop degrading and criticizing your self."

"I'm sorry, Ishigara Ken."

Hinarap niya ako sa kanya at ngumiti. "Do you still want to proceed on our plans?"

Nangunot ang noo ko. "Plans? Leche plans?"

"Our dreams, do you still want us to proceed on our dreams?"

Ngumiti ako. I tiptoed and kissed him on forehead. "Already on-processing, baby."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top