CHAPTER 47
Chapter 47
"Apo.." tawag sa akin ni Lolo. "Halika dito," sabi niya kaya naupo ako sa tabi niya.
He put his hand on my shoulder before giving me a warmth smile. Because of his age, medyo mahina na rin ang katawan ni Lolo. Pero mukha namang lumalaban parin ang katawan niya against his age. Dapat lang, dahil malakas ang Lolo ko. I know that he's fighting because he promised that he will stay by my side, hanggang maabot namin ang pangarap namin.
"Hindi mo agad sinabi na pangarap mo palang maging taga-balita sa tv. Aba eh, kung hindi ipinanood sa'kin ng Tita mo ang video mo ay hindi ko malalaman na sobrang galing palang magbalita ng apo ko."
"Ano ka ba, Lo! Magaling lang, hindi sobra!" we both chuckled.
"Kapag naging ganap na taga-balita kana sa tv ay ipagmamalaki talaga kita sa lahat ng tao. Ang apo ko, bastos ang bunganga pero naging reporter."
Napanguso ako. "Lolo naman, wala pa nga sinisira mo na agad ang image ko."
Aminado naman akong may pagka-walanghiya ang bunganga ko pero hindi ko na naman iyon dadalhin sa magiging profession ko 'no.
"Pero alam mo naman na suportado kita sa lahat, Cemie. Gusto kong sundin mo lahat ng makakapagpasaya sayo."
Ayan na naman ang linyahan ni Lolo. Parang palaging humahaplos sa puso ko ang mga sinasabi niya. Sobrang dami ng aral ang ibinigay niya sa akin. He teached me everything, kahit ang pagiging matatag, sa kanya ko natutunan.
I held my phone when there's a message pop-up on its screen. Si hapones.
Are you busy? Date tayo?
Napalobo ako ng pisngi dahil sa message niya. Tangina, hindi na talaga siya pumalya sa pagpapabilis ng tibok ng puso ko. Kahit hindi kami magkasama ay parang nagkukumawala ang puso ko.
I went on the restaurant location he texted me, sinalubong naman agad niya ako sa labas. He's wearing a light blue polo shirt and fitted white pants. Mas tumangkad rin siya ngayon dahil we're already 23 years old. Ang unfair niya, bakit sa halip na patanda ay pabata ang itsura niya? I chuckled at that thought.
"Hi, baby." he greeted. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako hinila paloob ng restaurant.
Hinayaan ko siyang um-order ng pagkain namin.
He's staring at me the whole time. Nawala lang ang tingin niya sa akin nang may lalaking tumigil sa gilid namin. He smiled at him.
"Dad,"
"Oh Son, you're here." ngiti nito.
Tumingin si Ishi sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Ah, Dad. My...my girlfriend."
Nagulat ako sa bigla niyang pagpapakilala. Tumayo ako at bahagyang yumuko sa lalaki.
"G-Good afternoon, Sir. Cessiana Marie..." kusa rin akong napatigil. I feel the awkwardness between us. Hinawakan ako ni Ishi sa bewang at bumalong sa akin na ayos lang.
I don't know if this is the right time. Hindi niya dapat agad ako ipinakilala, hindi ako handa.
Ngumiti naman ang lalaki at tumapik sa balikat ni Ishi. "You have a beautiful darling, son." sabi nito.
"Of course Dad, very beautiful darling." ngumiti si Ishi sa akin kaya lalo akong nailang. "Ah, anyway. Anong ginagawa mo dito?"
"I'm with your mom, ah she's here." lalo akong kinabahan nang matanaw ang babaeng kapapasok lang ng restaurant.
Unti-unting bumagal ang lakad nito nang mapatama ang tingin sa akin. Her eyes went dark. Parang hindi nagugustuhan ang nakikita.
"H-Hon, what's--" natigil ang asawa nito nang mabilis itong naglakad palapit sa amin at bigla akong sinalubong ng malakas na sampal.
"What the fuck? Mom!" sigaw ni Ishi at mabilis akong hinawi sa likuran niya.
Napahawak ako sa pisngi dahil sakit at gulat sa ginawa niya. Napatingin ang lahat ng tao sa amin. She looked at me with her almost ready to kill face.
"Ishi! Layuan mo ang babaeng 'yan!"
"H-Hon, stop it!"
"Mom! What the hell is wrong with you?! Napag-usapan na natin 'to. You have no rights to hurt her!"
"What's wrong with me? Ishigara Ken? That girl is the daughter of the man who ruined everything on me! She is a daughter of a criminal!"
"Her father sins is not hers, Mom! What her father did is not hers to suffer! Napag-usapan na natin 'to. I won't leave her, I won't fucking leave her again just for the reason that she is the daughter of a prison man!"
Nanginginig ako habang nakatungo dahil hindi ko na kayang salubungin ang tingin ng ina niya. Alam kong galit na galit ito sa akin. Dahil sa akin ay bumalik na naman ang mga sakit na pinagdaanan niya.
"Seriously? Ishi?"
"Shira! I said stop!"
"Ishigara, ikaw...ikaw ang kasama ko noong panahong hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko dahil sa ginawa ng lalaking 'yon. You know how much I suffered emotionally. I-I was raped by her father...and your little sister is k-killed by her father! Tingin mo ba ay ganun kadali sa'kin na matanggap ang babaeng 'yan? Son! You deserve a better girl! You deserve someone who came from a better and decent family. Hindi ang kagaya niya.. please Son, ayusin mo ang desisyon mo."
Narinig ko ang hikbi nito at ang lakad palabas ng restaurant kasunod ang asawa.
Hindi ko na nagawang tumingin sa mga taong nasa paligid. I wiped my tears and ran outside the restaurant.
"Cemie!" rinig ko ang ilang beses na pagtawag niya sa akin. Sinundan niya ako hanggang labas. "Cemie, I'm sorry. I'm sorry."
I just felt his arms hugging me tightly. My face was soaked with tears. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at pinakatitigan sa mata.
"T-Tell me, saan masakit? I-I'm sorry about what happened. Saan masakit ha? Cemie..." tarantang sabi niya.
Humihikbi kong hinawakan ang kamay niya at itinapat sa lokasyon ng puso ko.
"Dito..d-dito masakit, Ishi."
"Cemie.."
I shooked my head. "T-Tama ang Mommy e.."
"Cemie, don't..please, don't believe on her."
Muli akong umiling. Hinawi ko ang kamay niya sa mukha ko at tumalikod na ako.
"Cemie...don't turn your back on me. Baby, wala namang halaga kung anong sasabihin nila e, basta tayong dalawa. Cemie.."
Hinawakan niya ako sa braso para muling paharapin. "I-Ishi, gusto kong mapag-isa. H-Hayaan mo muna ako, please 'wag mo muna a-akong susundan."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at mabilis ng umalis doon.
I sobbed while walking on the street. Hindi ang sampal ng palad niya ang masakit, kundi ang sampal ng salita niya sa akin.
She has the rights to hate me, tama naman siya e. Everytime na makikita niya ako ay mati-triggered ko ang galit niya. Maalala niya ang lahat.
And what's hurting the most is, the mother of the one I love degrade and misjudged me.
Nasaktan ako sa sinabi niya na parang hindi ako ang babaeng dapat mahalin ni Ishi. Well, may punto rin naman siya doon e. Bilang nanay gusto niya na hindi sa kagaya kong may isyu ang pamilya mapunta ang anak niya.
Yes it's hurt, dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko ang anak niya. Mahal na mahal, at hindi ko alam kung kaya ko pang iwan ulit. Not for the second time.
But I don't want to be selfish. Gusto ko rin naman na maayos ang maging buhay ni Ishi. Masakit, but his mother is right.
The next day, pagkatapos ng OJT namin ay inayos ko na ang mga gamit ko pagkatapos ay lumabas na. I went outside the studio at nakasalubong ko pa ang ilan sa kilalang news reporter.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Dahil sa imported niyang amoy ay alam ko na agad kung sino. He rest his chin on my shoulder after kissing my cheek.
"May gagawin ka pa? Let's go somewhere, hm?" he whispered.
"Sige, let's go somewhere."
Napabuntong hininga ako nang makasakay na kami sa kotse niya. Dinala niya ako sa fantasy sky. Doon sa dati na naming napuntahang lugar.
He used to be clingy the whole time, extra sweet, he's hugging me every passing second. Hindi ko alam kung magiging masaya ako. Alam ko rin na sinasadya niyang hindi banggitin ang nangyari doon sa restaurant. He don't want to talk about it anymore.
I already have a decision, decision that I know will hurt me, him, us. Sinamantala ko na ang pagkakataon na madama ang yakap niya at halik.
Mahal na mahal kita, so that I can do anything for your own good.
Hinawakan niya ang baba ko para muli akong halikan sa labi. Isinakbit ko naman ang isa kong kamay sa batok niya para mas idiin siya sa akin.
I answered his kisses more deeply, more passionating. I closed my eyes and there...I felt my hot tears making their way down on my cheeks.
Ipinagpatuloy ko parin ang paghalik sa kanya. Nang maramdaman ko ang unti-unting paglayo ng labi niya sa akin ay napamulat na ako.
"Why are you crying? Are you okay? Do you want me to take you home now? Hm? Baby?" sunod-sunod na tanong niya. He wiped my tears using his thumb.
Ngumiti ako sa kanya. "Hindi. Not yet, gusto pa kitang makasama." muli kong isinakbit ang kamay ko sa leeg niya para yakapin ulit siya.
Dahil pagkatapos nito, hindi ko na alam kung magagawa ko pa ito.
Inaya niya ako sa isang al fresco restaurant para kumain. Medyo magdidilim na rin ang paligid.
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Ewan ko ba kung tama itong desisyon ko. His smile means a lot for me. Ngumiti rin ako sa kanya na may lungkot.
"Ishi.." tawag ko sa kanya. Tumingin ito sa akin na nag-aantay sa sunod kong sasabihin. "Kapag may pakiusap ako sayo...gagawin mo ba at tatanggapin 'yon para sa'kin?"
He exhaled. Tumayo siya at nagpunta sa harap ko. "Of course, anything and everything for you." he kissed both of my hands in front of my eyes. "What is it, baby?"
Pilit akong ngumiti sa kabila ng matinding kaba na nararamdaman.
"Ishi...ano kaya kung...mag b-break na tayo?"
Napatanga siya sa akin at biglang matunog na napangisi. Parang hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Break? Huh! You want us to.." muli siyang napangisi bago tumayo.
Napahilot siya sa sintido at tumalikod sa akin. Nang muli siyang humarap ay may galit na ang mukha niya.
"No! Anong break ang pinagsasabi mo? Walang ganyan, Cemie!"
"I-Ishi,"
"No! You know I can do everything for you, Cemie. But not this one!" hinihingal siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Baby, say that you're just joking..please.."
I slowly shooked my head. "Ishi, tama naman ang Mommy mo e--"
He gasped. "So, you're doing this because of my mom? Cemie, diba sinabi ko naman sayo na tayong dalawa lang ang iisipin natin, don't mind her. Hindi siya tama, Cemie. Hindi."
"Hindi, Ishi. M-Minsan mo na ring naramdaman kung ano ang nararamdaman niya." I sobbed. "And she's right, Ishi. I am not the girl you deserve."
"N-No, you're always be the best girl for me. Cemie, pwede bang 'wag mo nalang pansinin ang sinabi niya? Don't fucking let her words ruin us. C-Cemie makinig ka, if you really want us 'til end, dapat handa kang maging matatag para sa atin."
I cried on what he said. "Ishi, para sayo din naman 'to e! I-I want you to find someone who is better than me."
Tumamlay ang mukha niya na nakatitig sa akin. "Bakit Cemie? H-Hindi mo ba ako mahal?"
"M-Mahal na mahal kita, Ishi. At ginagawa ko 'to para sa'yo!"
He sighed heavily. "Kung mahal mo ako, hindi ka makikipaghiwalay sa'kin, Cemie. And you don't fucking need to do this just for my own good! Kung mawawala ka sa'kin paano pang magiging mabuti ang buhay ko no'n?!"
Wala akong nagawa kundi ang lumuha. His eyes were broken. Tuluyan nang bumagsak ang mga tuhod niya sa harapan ko. Nakaluhod siya habang hawak ang dalawa kong kamay.
"And find someone better, Cemie?... paano pa akong hahanap ng iba? If you leave me, I will be blind of everything." he put my hands on his cheeks.
"I-Ishi...mahal kita. Pero tangina! A-Ang hirap e, palaging may hadlang. 'Y-Yung Mommy mo, ayaw niya sa'kin dahil i-isa akong Vasquez! M-Minaliit niya ako at hinusgahan dahil a-anak ako ni Macario Vasquez. A-Ayaw niya sa akin para sa'yo dahil hindi ako ang babaeng karapatdapat..." I cried.
"Then don't mind her, Cemie." he brushed my cheeks before kissing both of my hands. "If you want, we can go abroad? Dad can help us with the papers, doon tayo magtatapos ng pag-aaral. We'll going to live there for good. Pagkatapos nating mag-aral, magta-trabaho na ako para kumita, I will provide all your needs. Pakakasalan kita doon, at doon tayo magkaka-pamilya. Lahat, doon natin gagawin. Dahil doon, wala nang magiging handlang sa atin."
He's making this hard for me. Alam kong determinado talaga siya sa sinabi.
"Baby, are you willing to come with me?"
Natigilan ako sa tanong niya. Mas lalong bumilis ang agos ng luha ko.
"I-Ishi.." nagmamakaawang tawag ko sa pangalan niya.
"Baby, just tell me that you're coming with me. Ngayon palang ihahanda ko na ang lahat." he's really determined on what he's saying.
I slowly shooked my head that made his eyes shut in excruciated pain. Nasaktan na naman siya dahil sa akin. Bumagsak ang balikat niya.
"Cemie, you promised. N-Nangako ka. You said you will never leave me again, then what the fuck happened?" a tear fell down on his right eye. "Not for the second time, baby. Please.." he kissed the both of my hands. "Isn't three years enough? Pinagbigyan na kita ng tatlong taon, tatlong taon na 'yon Cemie! I-I thought everything will be better now. I am giving you my whole life, but now you just want to leave it broken."
Napailing ako. I hold his cheeks that made him looked at me. His tears never stop gushing down on his cheeks like mine.
"Ishi, if I leave you. P-Pwede kanang makahanap ng iba, 'yung mas karapatdapat sayo, 'yung maayos ang pamilya, 'yung tanggap ng pamilya mo. Someone who is much better than me. D-Dahil ako, I am not better enough for you. Masasaktan ka lang sa'kin--"
I cut off when he let go the both of my hand. He's breathing too much heavy. Para akong sinaksak nang makita ang walang tigil na pag-agos ng luha niya. Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko at tumagilid na para umiwas ng tingin sa akin.
"If you want to leave. Then fucking just leave!"
Nanlamig ang buong katawan ko at unti-unti ng napatayo. I cried even harder as I turned my back on him. Dalawang hakbang palang palayo ay muli akong napahinto nang magsalita siya.
"I can't promise...hindi ako mangangako na hahanap ako ng iba. 'Cause you're the only one better for me, you're already enough for me. But now that you're going to leave me...Under the moonless and starless night sky, I will just spend my whole life...alone."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top