CHAPTER 46


Chapter 46

The next days went normal for him. Parang walang nangyaring usapan nang gabing iyon. Bumalik siya doon sa Ishi na nakilala ko. Sometimes clingy, pero kapag sinasapian ay nagiging seryoso.

Hindi ko alam kung bakit nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya kapag lumalapit siya sa akin. Hindi na inis kundi pagkailang na ang nararamdaman ko.

Kung noong nakaraan ay palagi akong may nakikitang pagkain sa arm chair ko, ngayon ay siya na ang nag-aabot noon. And I don't know how to give response on everything he's doing. Ni thank you ay hindi ko alam kung sasabihin ko ba.

Naalala ko iyong sinabi niya noon sa cafè. He will let me find my peace, he will let me love myself first, at kapag naabot ko na ang punto na 'yon, gagawa ulit siya ng paraan para maging kanya ulit ako.

Ito ba ang paraan niya para gawin iyon?

Napabuntong hininga ako at nanood nalang ng movie sa cellphone ko dahil wala pa naman kaming klase. Ang tagal ko na ring hindi nakakapanood, ang dami pa namang bago na movies ngayon.

Naglagay na ako ng headset sa tenga ko at naramdaman ko nalang na may naupo sa gilid ko. Si Ishi na isinalpak ang headset sa isa niyang tenga at ang isa naman ay sa akin.

"A-Ano bang ginagawa mo?"

He smiled at siya na pumindot ng play sa cellphone ko. "Ang boring kausap ng tatlo. Dito muna ako sa tabi mo."

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Busy na siya sa panonood pero ako ay hindi na maintindihan ang pinapanood dahil sa kanya.

Tangina, gusto ko siyang itulak palayo lalo na nang iniakbay niya ang isang kamay sa likod ng upuan ko. Parang pakiramdam ko tuloy ay sa akin siya nakaakbay.

Romantic movie ang pinapanood namin at nang magkaroon na ng kissing scene ang bida ay napa-peke na ako ng ubo. Inalis ko na ang headset sa tenga ko. Damn, bwisit!

"Are you okay?" tanong niya.

Hindi ko na siya pinansin. Pinatay na niya ang phone at humarap sa akin.

"Ayos lang. Pwede kanang umalis."

"Why? Ayaw mo ba akong katabi?" tanong niya na tunog nagtatampo. Oh damn you, hapones!

Napabuntong hininga siya nang walang matanggap na sagot mula sa akin. Hindi parin siya umalis. Wala naman akong sinasabing okay na kami pero kung makaasta siya parang walang nangyari na kung ano sa amin.

Napatingin ako sa labas ng room at nahuli ko pa kung paano ni Troy iwasan ang mga babaeng lumalapit sa kanya.

"Hoy Troy!" tawag ko. Nakanguso itong lumapit sa akin.

"Baka magselos ang jowa ko." ungot niya pa.

"Uy! Hindi ka pa sinasagot!"

"Okay lang, at least hindi pagpapanggap ang nararamdaman ko sa kanya." he clicked his tongue.

Hahampasin ko palang si Troy nang maunahan ako ng nasa gilid ko. Binato niya ng notebook si Troy.

"Pwede bang umalis ka d'yan? You're damn ruining my moment." sabi niya.

Napalunok ako sa sinabi nito. Ngumisi si Troy at kunwaring hahalikan pa ako sa pisngi nang may flying notebook ulit na tumama sa mukha niya.

--

May ginawang booth ang iba't ibang department kaya panay ang gala namin. Kung saan-saan ako hinila ni Adi, kulit na babae. Mabuti nalang at may dumating na lalaki at hinila na siyang palabas ng school. Iyon yata ang sinabi niya sa akin noon na business manager niya.

Napatigil ako sa hindi kalayuan sa Marriage booth at pinanood ang mga students na nagpapakasal. Ang iba ay kung makatili ay akala mo totoong kasal ang ginagawa.

"Ayon si Cemie!" narinig ko ang sigaw ni Gianne.

Nang lingunin ko siya ay hawak nilang dalawa ni Ferry si Ishi sa magkabilang braso. Hinila nila itong palapit sa akin at mukhang nasisiyahan pa si Ishi sa pinaggagagawa ng dalawa.

"Gianne, hawakan mo na si Cemie! Dali! Ipapakasal na natin sila sa ayaw at sa gusto nila hahah"

Hinawakan ako ni Gianne sa braso. "Hoy! Ano ba?! Parang tanga, ayoko--"

Hinila parin nila ako. Mga siraulo. Dinala ako ni Gianne sa mga babae na nag-aassist sa booth habang si Ferry naman ay hindi ko alam kung saan dinala ang hapon na iyon.

Hindi na ako magugulat kung ngising aso siya mamaya. Talagang sinang-ayunan niya ang kalokohan ng dalawa. Arghh! Mga fake friend, pahamak!

Napanguso ako kay Gianne na ngiting ngiti sa akin habang sinusuotan ako ng mga babae ng white dress na itsurang wedding gown. My ghad! May ni-ribbon sila sa likuran ko pagkatapos ay inilugay nila ang buhok ko at pinatungan ang ulo ko ng flower crown.

Itinulak na nila akong palabas matapos ibigay sakin ang flower bouquet.

"Go on, girl. You can now walk down on aisle!" sabi nila at nagsimula ng tumili.

Nanlamig ang kamay ko nang mapaharap sa unahan. There's a red carpet. At sa dulo no'n, sa kunwaring altar ay may nakatayong kunwari ring Pari, at nasa gilid..

I breathe heavily when I saw him. Nakasuot siya ng formal coat at may ribbon sa may leeg.

He's eyes were locked on me. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet nang itinulak ako ni Gianne palakad sa red carpet. Pilit kong iginalaw ang mga paa ko. I can feel the loud beating of my heart inside my chest. Sa bawat hakbang ko ay parang bumibigat ang pakiramdam ko.

The fuck is happening on me? Wala namang katotohanan 'to, bakit ganito akong ka-kabado?

Nang nasa harap na ako ay inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napalunok ako bago iyon tanggapin. His hand is cold like mine, tumawa pa siya na parang kabado. The fuck, walang katotohanan 'to!

Humarap kami sa bakla na kunwaring pari na parang kinikilig. Amputa. Ang sarap mang buhos ng holy water!

"Okay. Let's proceed." nakangiting sabi nito. Nasa tabi ko si Ishi na panay ang sulyap sa akin. Kung ano-ano pang sinabi ng bading na ito. "...and have witnessed the same before God and this company, and thereto have pledged their faith to each other, and have declared the same by joing hands--"

"Bagal," natigil ang pari sa sinabi ni Ishi. Narinig namin ang tawanan ng ilang nanonood. Napapikit ako ng mariin, shit.

"Masyado namang exzoyted! Ito na! You may know kiss the bride! Yieee"

I gulped. Iniharap ako ni Ishi sa kanya. "S-Subukan mo! Wala namang katotohanan--" napatigil ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko palapit sa kanya at bigla akong dinampian ng halik sa labi.

"Tangina, tinotoo nilaaa! Sige na! Lumayas na kayo at magpakarami!" sabi ng pari.

We made eye contact to each other. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He smiled before kissing the tip of my nose. Napapikit ako.

"I love you.." napamulat ako ng bigla niya akong binuhat na pa-bridal style. Nagtawanan at hiyawan ang nasa paligid.

"Ishi! Ibaba mo 'ko! Isa!"

Ngumisi lang siya at parang hindi pinansin ang mga nakatingin sa akin. Panay ang kurot ko sa braso niya pero ni hindi niya ako ibinaba hanggang makataas kami sa second floor ng building namin.

He pinned me on the wall. Ang dalawang kamay niya ay nakatuon sa pader sa magkabilang gilid ko. His breathing was becoming heavy.

Pinakatitigan ako ng asul niyang mga mata. He chuckled before breathing out.

"Cemie..." malambing na tawag niya. It's sounds like the clingy hapones back then.

Ang isa niyang kamay ay umangat para hawiin ang buhok ko papunta sa likod ng tenga, gawain niya noon.

"You know how happy I am right now?" he chuckled. "Ramdam ko na ang langit."

"Ishi!" tinawanan niya lang ang seryosong tawag ko.

He sweetly, lovingly stared at me. Sobrang lapit ng mukha niya. Napapangiti siya kapag bumababa sa labi ko ang tingin niya. Pero kapag sa mga mata ko siya nakatingin ay parang umaamo ang mukha niya.

He sighed. "Cessiana Marie.." parang nag-aalangan pa siya sa sasabihin. "If I ask for another chance..pagbibigyan mo parin ba ako?"

"I-Ishi.." parang may nakadagan sa dibdib ko na nagpapahirap sa aking paghinga. Napahinga siya ng malalim habang nakatitig sa akin.

"Just give me another chance, pangako..hindi na ako magloloko, hindi na kita sasaktan. I'll be good."

Natulala ako sa kanya. Ramdam ko ang mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko.

Muling bumalik sa isipan ko ang mga salita ni Lolo. Na dapat handa akong unawain ang lahat, para mabawasan ang bigat dito sa puso ko. At tama rin 'yung sinabi ni Papa. Na kapag nakikita kong nagsisisi na at bumabawi ang tao, kusa kong mararamdaman ang pagpapatawad.

And I can feel it right now. And... I know that everyone deserve a chances.

Kung nagawa kong maibigay ang isa pang pagkakataon kay Mama at Papa. Hindi naman siguro masama na bigyan ko rin siya diba?

"Cemie..."

Isinakbit ko ang pareho kong kamay sa leeg niya. I hugged him. Ngayon ko lang napagtanto na miss na miss ko na rin pala siya.

Mukhang natigilan siya sa ginawa ko kaya humarap ko sa kanya, nanatili kong nakayakap. His mouth half-opened. Napapakurap pa siyang nakatingin sa akin.

"Bakit ang hirap mong kalimutan? Bakit ang hirap mong alisin dito sa puso ko? Bakit hanggang ngayon...ikaw parin? Ishi, bakit hindi ko kayang tanggihan ka?"

"W-What do you mean?"

I slightly smiled at him. "Oo na! Kapag nalaman kong plano na naman ito, ipagtatabuyan kita!"

Mahina siyang natawa. He encircled his hands on my waist to pulled me even closer.

"Pangako. I won't let you hurt again, gagawin ko ang lahat para sayo. Para sa'tin." he chuckled. "Damn, Cessiana Marie. Bakit ba ganito ang epekto mo sa'kin? Parang hanggang sa pagtulog ay mukha mo na naman ang maiisip ko."

Ngumiti ako. Niyakap ko ulit siya at ganoon din siya sa akin.

"I miss you so much, Cemie...my Mrs. Takashi." he said, I chuckled.

Days after that, naramdaman ko ang kapayapaan sa puso ko. Masarap din pala sa pakiramdam ang magpatawad ano? Masaya na ako na nagawa ko iyon sa mga taong mahal ko.

Isa pa, I've realized everything. Naipaliwanag na sa akin ni Ishigara ang lahat. Nabulag siya ng sakit at galit na nararamdaman niya. He loved his mother and sister so much, kaya handa siyang gawin ang lahat para sa mga ito. Kaya pati ako na walang alam sa nangyayari, nadamay niya.

Naiintindihan ko na rin ang galit niya sa Papa ko dahil sila ang nawalan. Hindi ko naman siya pipilitin na mapatawad si Papa eh, naiintindihan ko ang rason niya.

"Nood tayo ng sine? May bagong movie ngayon. I already buy a tickets for us." sabi ni Ishi nang makatapos kami sa OJT dito sa isang kilalang studio network.

"Sige, maaga pa naman."

Nagpunta kami sa sinehan at pinanood namin ang bagong labas na movie! Hindi ko alam kung bakit alam niya na merong bagong showing ngayon. Kailan pa siya naging movie lover?

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Umiiwas siya ng tingin at ngumingiti sa ibang direksyon. Parang loko lang na nakikipaglaro ng sulyapan.

Nang matapos ay lumabas na kami ng sinehan.

"Cemie, stay here..." sabi niya.

"Bakit?"

"Basta!" he smiled.

Iniwan niya ako sa may isang tabi kaya napanguso nalang akong nag-cellphone. Ewan ko kung ano na namang pakulo no'n.

Ilang minuto pa siya bago nakabalik. He's holding a bouquet of flowers. Naukod siya sa may harap ko at iniaro sa akin ang bulaklak.

"P-Para saan 'yan?" mahinang tanong ko.

"Of course, I'm courting you. That's why I'm giving you a flowers, alam ko namang ayaw mo ng chocolates kaya flowers nalang." ngumiti siya na halos nakapagpasingkit lalo sa mga mata niya.

"Hindi naman..kailangan." hindi ko alam kung bakit parang nahihiya ako sa kanya ngayon. Tangina, sinasapian na naman ako ng masamang espiritu.

Naupo na siya sa tabi ko at hinawakan ang isa kong kamay.

"With or without your consent, I will still court you. Kahit ayaw mo, gagawin ko parin. Because courting is proving. Gusto kong mas makilala mo pa ako."

"Bakit pa? Kung...p-pareho na naman tayo ng nararamdaman?" naiilang na sabi ko. Ngumiti siya sa akin ng sobrang lawak.

"I know, but I still want to show you my consistency. Hindi porke't mahal natin ang isa't isa ay titigil na ako sa panliligaw." he said. "I love you, Cemie. And I'm willing to court you forever."

Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at medyo tumagilid. Inamoy ko nalang ang bulaklak na bigay niya. Damn, I couldn't help but to secretly smile.

"Kinikilig ka?"

Napatutop ako ng bibig dahil sa tanong niya. "H-Hindi ah! Kapal mo!"

"Why can't you look at me? What happened to my girlfriend, hm?"

"G-Gago, wala akong sinasabing girlfriend mo na ako ah." namumulang sabi ko. Hindi siya sumagot. Nang lingunin ko siya ay nakataas ang kilay niya sa akin. "Chos lang," damn.

Ngumisi siya bago pisilin ang ilong ko. "You always know how to make me feel nervous, huh? Akala ko ay ayaw mo na ulit sa akin."

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi na mangyayari 'yon. If true love really exist, gusto ko tayo na 'til end. 'Wag ka lang ulit magloko, hindi na kita iiwan hanggang dulo."

He cupped my face. "Promise?"

"Promised. Ikaw at ako...hanggang dulo."

He gave me a warmth smile and instead of the usual pinky swear, he played his nose with mine.

"Against all odds, I know, true love really exist, baby."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top