CHAPTER 43
Chapter 43
Panay lang ang buntong hininga namin na nakatitig sa natutulog na si Cessiana Marie. Damn this hotdog girl. Hindi ko siya inilibre ng hotdog noon para lang magkaganito.
Nakaupo ako sa single couch sa harap nila habang si Takashi naman ay nasa may harap ni Cemie nakaupo. Hawak nito ang kamay ni Cemie at panay ang pisil niya doon.
"Basta nalang 'yan napadpad dito. Wearing that pambahay outfit. Pfft" tanghali siya napunta dito at mukhang wala siya sa sarili dahil hindi man lang namalayan na nakapambahay siya. Sando and too short na maong short.
"She has a family problem. At, naging isa pa ako sa nanakit sa kanya." natahimik ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ang half japanese. "Should we take her home now?" tanong niya.
"Ikaw nalang ang maghatid. Sasamahan nalang kita."
"I can't. Malaki ang posibilidad na ipagtabuyan ako ng kasama niya sa bahay, lalo na ng Tita niya. Its better kung ikaw nalang, pre."
Minsan lang siya makiusap sa akin. At dahil gwapo at matino naman akong kaibigan sa kanya, pumayag na ako.
Binuhat niya si Cemie papunta sa mamahalin kong kotse at isinakay sa may likuran. Panay pa ang hawi niya sa buhok nito. Tangina, sakit sa eyes. Nakakaiyak.
"Ikaw na ang bahala, pre. Just give me a call once you were there. Subukan mo lang chumansing d'yan, ako ang makakaharap mo."
Napangisi nalang ako sa kanya. Pinaandar ko na ang makina ng kotse at muli na naman siyang sumilip sa bintana ng driver seat.
"Ingatan mo 'yan ha, pakakasalan ko pa 'yan."
Tsk. Lakas mangarap ng gising ng kaibigan ko. Hindi bale na, basta best man ako. Pinakamagaling na lalaki hahaha.
--
~ Cessiana Marie Vasquez~
Nagising ako na parang nakapatong ako sa spinning wheel. Medyo masakit rin ang ulo. Ano bang pinaggagawa ko kagabi?
Pupungay pungay akong bumangon sa kama at naglakad papunta sa may salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko at namumula ang mukha ko. Amoy alak din ako!
Doon ko lang naalala na galing nga pala ako sa bar ni Dairo kahapon. Shit! Paano ako nakauwi?
Napahawak ako sa ulo dahil sa mga nangyari kahapon. Wala paring epekto ang alak, naaalala ko parin ang lahat ng nangyari dito sa bahay kahapon. Panandalian lang talaga ang epekto ng alak sa katawan.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nakita agad ako ni Tita Anna kaya lumapit ito sa akin.
"Ayos kana ba? Bakit ba kung saan-saan ka nagpunta kahapon e!" nag-aalalang sabi niya.
"Sinong naghatid sakin dito, Tita?"
"Ah, kaibigan mo daw. Dairo? Dairo Hermosa daw?"
Salamat. Akala ko ibang lalaki na. Naabala ko pa tuloy si Kumpadre.
Pumasok rin sa kusina si Lolo para uminom ng tubig. Napatungo ako dahil sa nangyari kahapon. Ayaw kong magkagalit kami ni Lolo.
"Naglasing ka kahapon?" hindi ako makapag-angat ng tingin. "Kailan ka pa naging lasinggera, Cessiana Marie?"
"Tay,"
"Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi ko nagustuhan iyong pagsagot mo sa Mama mo kahapon. Nawawalan ka ng respeto!"
Hindi ako makatingin kay Lolo. Bakit sa akin siya galit? Bakit parang hindi niya naiintindihan ang galit ko kahapon?
"Hindi kayo pwedeng habang buhay na may galit, apo. Nanay mo parin 'yon. At ikaw Anna, kapatid mo 'yon. Magkakadugo kayo. Anong bang naging pagkukulang ko at naging ganito ang pamilyang ito?"
"T-Tay,"
Narinig ko ang buntong hininga ni Lolo. "Hindi ko gustong mawala sa mundong ito hangga't hindi kayo nagkakaayos. Bukas, nakiusap sa akin si Carla. Pupunta siya dito para pormal na ipakilala ang bago niyang pamilya. Sa ayaw at sa gusto niyo, haharap tayo sa kanila."
Lumabas siya ng kusina pagkasabi noon. Napahinga ako ng malalim dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ako handa doon.
"Tita ayokong humarap sa kanila." naupo ako sa upuan at hinagpos naman niya ang buhok ko. "A-Ayokong makita 'yong...pamilyang meron sila."
Wala siyang naging salita. Alam kong hindi niya masasaway si Lolo. Gano'n din ako pero hindi ko masabi sa ngayon. Hindi ko kayang gawin ang gusto niya. Hindi ako haharap sa bagong pamilya ni Mama.
Pumasok ako sa school habang iniisip ang pwedeng mangyari. Magagalit sa akin si Lolo. Pero kapag ginawa ko naman ang gusto niya, masasaktan naman ako.
Mag-isa akong nagpunta sa cafeteria at nangalumbaba sa table. May naglapag ng food tray sa harap ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Troy, Braille at Dairo.
"Hi, hotdog girl." si Braille na ngising aso, at kumindat pa siya. Napangiti ako.
"Hi, mi reina." si Troy. Loko, naalala ko pa 'yong mga sinabi ko sa kanya noon.
"It was nice to see you again, miss dancerist pfft" si Dairo. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang dancerist. Labas dimple pa siyang ngumiti sa akin.
Naupo sila sa may harap ko at kanya-kanya silang lapag ng pagkain na sa table. Para silang robot na sabay-sabay pa ang galaw. I miss their kalokohan.
"Dami niyan ah, kasali ako d'yan?" tanong ko.
"Hindi." sagot ni Braille. "Akala ko ay galit ka sa amin? Sa gwapo naming ito iiwasan mo lang kami? Aba aba, nasobrahan ka sa hotdog, Cemie."
I pouted my lips. "Sorry na, a-akala ko kase may alam kayo. I'm sorry, pati kayo idinamay ko."
They sighed. Mayamaya lang ay sabay-sabay ulit silang ngumiti.
"Okay lang. Hindi naman umabot sa buto ang sakit na ipinaramdam mo sa'kin." sabi ni Troy.
Tinawanan ko lang siya at inagawan ng kinakain niyang fries. "Pasensya na, aking hari."
Bigla siyang namula at napainom ng tubig. "Ikaw Cemie, 'wag mo naman akong paasahin."
Bigla naman siyang tumawa pagkatapos. I know that it's already a joke for him.
Tumawa ang dalawa kaya natawa rin ako.
Tumikhim si Troy kaya napabaling ulit ang atensyon namin sa kanya. "Cem, may...ipapakilala nga pala ako sayo."
Magandang ngiti ang iginawad niya sa akin. Nangunot ang noo ko, but seeing how beautiful his smile is, mukhang alam ko na...in love ang Troy namin!
Bumalik kami sa dating kami, they treated me as one of them. Masaya na ako doon.
I went on Nate's cafè. Nagulat ako nang makita siya sa may counter. Ngayong gabi ang sinabi ni Lolo na papunta sina Mama sa bahay pero hindi ako haharap sa kanila. Isa pa, may trabaho ako dito.
"Hi," bati niya sa akin. Napaka-expensive niyang tignan. Kahit shirt at pants lang ang suot niya ay pang mayaman ang datingan niya.
"Good eve, boss. Ah, gusto mo bang ikuha kita ng kape?" I asked. Nasa isang sulok siya ngayon at may kaharap na laptop.
He smiled at me. "Yeah, sure."
Kumuha ako ng kape para sa kanya. He looked busy, palibhasa ay CEO. Hinayaan ko nalang siya sa isang sulok habang kaharap ang laptop.
Inasikaso ko nalang ang mga customers na pumasok ng cafè. Ilang beses pa akong napatingin sa orasan. Alas otso na ng gabi. Posibleng nasa bahay na sila?
I'm not ready to see them. Lalo pa at may anak na siya, hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang batang iyon. Yes, kapatid ko. Pero ang hirap alisin sakin nung part na parang nasasaktan ako kapag nakikita ko siya. Sa kanya napunta 'yong kasiyahang pangarap ko. She has everything, while me, having nothing.
Nag-closed na ang cafè kaya naglinis na ako at nag-mop ng sahig. Hindi ko alam kung kaya kong umuwi sa bahay ngayon. Baka galit si Lolo. Baka nandoon parin sila Mama.
"Hindi ka pa uuwi?" napalingon ako sa likuran ko. Nakatitig sa akin si Nate habang nakaupo at magka-cross legs.
"Ah, hindi pa, Boss."
"Gagabihin ka sa biyahe. It's not safe."
"Ayos lang, Boss."
Ngumiti ako at naglinis nalang ulit. Nang matapos ay tumingin ulit ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin.
"May problema ba, Boss?"
He smirked. "Nothing. Natutuwa lang akong panoorin ka."
Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Ano kayang nakakatuwa sa akin? Eh wala nga ako sa mood ngayon.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na din. Sinabi niya pang ihahatid ako pero nakakahiya naman kaya nagbiyahe nalang ako pauwi.
Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Nakapatay na ang mga ilaw. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na sila dito.
Ihahanda ko nalang ang sarili ko sa mga sasabihin ni Lolo bukas.
Kinabukasan ay wala kaming klase kaya dito lang ako sa bahay. Nagpaikot-ikot pa ako sa kwarto ko bago naisipang lumabas. Unfortunately, si Lolo agad ang bumungad sa akin.
"L-Lo.."
"Napag-usapan na natin 'to, Cemie." seryosong sabi niya.
"Pero Lo, h-hindi mo ba ako naiintindihan? Ayokong makita ulit si Mama, ayoko--"
"Cemie." nagbabantang tawag niya sa akin. Napatungo ako. Minsan lang siyang maging istrikto na ganito.
"D-Diba, sabi mo naman sakin Lo, na kapag hindi ko kaya 'wag kong pilitin ang sarili ko?" tumingin ako sa kanya at nakita ang unti-unting pagkalma ng mukha niya. "Lolo, h-hindi ko alam kung kaya ko. Hindi ko kayang makita ang buong pamilya niya sa mismong harap ko."
Hinawakan niya ako sa pisngi at pinahid ang luha kong hindi ko namalayan na pumatak mula sa mga mata ko.
"Pasensya na. Pasensya na, apo. Nabigla lang si Lolo." he said. "Natatakot lang ako, na baka mawala ako sa mundong ito na hindi ka maayos. Alam kong magiging maayos ka kung unti-unti mong uunawain ang lahat, apo."
Mas lalo akong napaluha sa sinabi niya.
"Nagbago na ang Mama mo. At alam ko ang nararamdaman mong sama ng loob sa kanya, dahil ganyan din ang naramdaman ko sa kanya noon dahil ama niya ako. Pero dahil nakikita ko at nauunawain ang dahilan niya, napatawad ko siya. At higit sa lahat, Cemie. Pamilya mo parin siya, at ang pamilya dapat nabubuo ng pagmamahalan at hindi nawawasak dahil sa sama ng loob."
I cried on him like a kid. "M-Masama ba ang ugali ko, Lolo? Hindi ba ako naging mabuti? K-Kaya ko bang...magpatawad?"
Hinagod niya ang likod ko at hinayaan ako sa pag-iyak sa dibdib niya. "Mabuti kang tao, Cemie. Maaring naging matigas ka lang dahil nasaktan ka, lahat naman tayo dumarating sa puntong kailangan nating baguhin ang sarili natin para rin sa sarili natin. At magpatawad apo? Lahat tayo ay may kakayahang magpatawad. Kaugnay ng pagpapatawad ang pagmamahal. Kapag mahal mo ang isang tao, magagawa mo siyang patawarin sa kabila ng lahat ng nagawa niyang mali sa iyo."
"Alam kong may pagmamahal ka parin sa Mama mo, hinding hindi mawawala 'yon. Kailangan mo lang buksan ang pag-unawa mo para mapatawad siya. Handa ka bang gawin iyon, apo?"
Should I give it a try? Kaya ko nga ba?
Pinahid niya ang luha ko sa pisngi. I looked at him, and slowly nod my head. Bahala na si Darna.
Lumipas ang mga araw at hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lolo. It was like a word of wisdom for me. Dahil sa kanya ay sinusubukan kong ihanda ang sarili ko, lalong higit ang puso ko sa pwede kong maramdaman.
Gusto kong subukan. I suffered from too much thinking about our family problems. Paulit-ulit kong iniisip kung bakit naging ganito ang pamilya namin? Minsan nga ay naisip ko na baka malas lang talaga akong tao kaya puro sakit ang napapala ko.
"Cemie," si Tita. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
Kasunod niyang pumasok sa pintuan si Mama, kasama ang bago niyang asawa, at...ang kapatid ko.
"Mommy, is she my ate?" napatitig ako sa batang nasa 5 or 6 years old na nagtatatalon habang masayang nakatingin sa akin. "Yey! I have a sister! I want to play with her, Mommy! I will show her my doll house and all my toys!"
Parang sumikip ang dibdib ko sa nakikita at naririnig. Hindi ko naranasan na maging ganyang kasaya noong bata pa ako. Puro sigaw, sakitan nina Mama at Papa ang nakikita ko.
Panay ang saway ng asawa ni Mama sa masayahing bata. Bumitaw pa ito sa hawak kay Mama para tumakbo papunta sa harap ko.
She sweetly smiled at me. "Hi, I'm Cassie Cortez Rivera, six years old. Mommy and daddy told that you are my sister. Yey! I want to play with you, ate."
Hindi ako gumalaw at napatitig nalang sa batang nasa harap ko. She looked at me and slowly, her forehead knotted. Siguro ay nagtataka kung bakit wala akong salita.
Ano bang dapat kong gawin? Nakakatuwang makakita ng masayahing bata, lalo pa at kapatid ko ito. Pero hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya noon. Ang layo-layo ng mga naranasan ko kumpara sa kung anong meron ang batang ito.
"Ah, baby come here." rinig kong tawag sa kanya ng ama niya. Tumakbo ito papunta sa kanya at naupo naman ang ama niya para pantayan ang tingin nito.
"Is she mad at me, Daddy?" parang may kumirot sa puso ko dahil sa tanong niya.
"No. Of course not."
"But it looks like, she don't like me here, daddy."
Nagtama ang tingin namin ng asawa ni Mama at napabuntong hininga pa siya bago tumingin kay Mama.
"Ah, baby let's go outside? Your Lolo is there, wanna visit his vegetable farm?"
"Yes, daddy!"
Lumabas ang mag-ama at naiwan kami dito sa loob. Nagpaalam din si Tita at alam kong ibinigay na niya ang oras na ito para magkausap kami. Mukhang okay na agad sila, hindi ko alam kung paano nila nagagawa 'yon ng ganoong kabilis. Dahil ako, hirap na hirap ako.
My eyes welled with tears. Tumalikod ako sa kanya at nagpunta sa kusina. Bakit ang sakit parin? Bakit hindi ko parin kayang tanggapin?
"Anak, si Cassie. A-Alam mo bang excited na excited 'yon na makita ka?" rinig kong sabi niya mula sa likuran ko. "Sabi niya pa, baka daw mas maganda ka sa kanya, kase ikaw 'yong ate."
I sighed, trying to stop myself from having an outburst, but I can't. This time, hinarap ko siya.
"Bakit ang dali-dali sa'yo, Ma? Bakit ang dali sayong iwan at kalimutan ang lahat? B-Bakit ang dali sa'yo na magkapamilya sa iba habang ako..p-palaging nangangarap na sana maramdaman ko rin 'yong kasiyahan na meron ang isang pamilya."
"Anak, hindi naging madali sakin 'to. Una palang ikaw palagi ang nasa isip ko. K-Kahit mahirap pakisamahan ang tatay mo, ginawa ko. Sinubukan ko para sayo, pero ang hirap e. Ang h-hirap pilitin ng taong ayaw sa atin."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinakatitigan ako.
"Tama ang narinig mo, Cemie. H-Hindi ako ang sumira sa pamilya natin. Ang tatay mo. Ang tatay mo na una palang pagkakamali na ang turing sa ating dalawa." she paused. "Totoo na isa akong bayarang babae noong makilala ko siya, at totoo rin ang sinasabi niyang pinagdausan niya lang ako. Nagbago na ako noon nang makilala ko siya, tumigil ako sa ginagawa ko dahil minahal ko siya, hanggang sa nabuntis niya ako. Sobrang saya ko noon, akala ko mamahalin niya na ako pero nagkamali ako. Dahil ginusto niya noon na ipalaglag ka."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.
"Pero hindi ko ginawa. Ipinaglaban kita, gusto kong manatili ka sakin. N-Nakiusap ako sa kanya na kahit pagpapanggap lang, kahit magpanggap lang siya sa harap mo bilang ama dahil gusto kong lumaki ka na may ama. Pero sobra na siya eh, habang ako pilit na nagbabago para sa pamilya natin siya hindi parin, 'yong babaeng gusto niya parin ang nasa isip niya."
She caressed my cheeks and wiped my tears. "Patawarin mo si Mama sa lahat ng pagkakamali ko, anak. Nagbago na ako, hindi ako ang bayarang babae, ang Mama mo na hindi ka kayang buhayin." she smiled and I saw how her tears gushed down on her cheeks. "Si Gino, ang Tito Gino mo, tinulungan niya akong ayusin ang sarili ko. Minahal niya ako, tinulungan niya akong magbago para kapag humarap na ako sayo, maayos na ako."
Hinala niya akong palapit sa kanya at niyakap ng sobrang higpit. Parang naubusan na ako ng salita. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.
For almost a decade, siya palagi ang sinisisi ko sa lahat. And for almost a decade, nabulag ako sa katotohanan. Kinampihan ko 'yong taong hindi ako ginustong mabuhay sa mundong ito.
I just cried on her silently. Para akong natulala sa nalaman. Pero meron sa sarili ko na parang nalinawan. Tama si Lolo, maayos lang ang lahat kung bubuksan ko ang pang-unawa ko.
"I'm sorry. Babawi ako sayo, ipaparanas ko parin sayo ang dapat na sayang nararamdaman mo, magiging isang pamilya parin tayo kahit hindi na ito ang tipikal pamilyang inaasam mo." I can feel her hands softly caressing my back.
"I-I'm sorry...Mama."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top