CHAPTER 42
Chapter 42
It's getting harder for me seeing him around. Halos araw-araw, kulang nalang umusok ang ilong ko sa inis sa kanya. Damn. Hindi ba siya nakakaramdam na galit na nga ako sa kanya, iinisin niya pa ako? Huh! Ang sarap niyang lukutin!
Nakuyom ko ang papel na hawak ko dahil sa inis. Bakit? We have a activity by partner at sa halip na si Ferry ang ka-partner ko ay nakipag-usap siya dito para siya ang maging ka-partner ko. Gusto ko pang bawiin pero wala na, naipasa na 'yong list ng by partner. Hindi ko tuloy alam kung paano ako gagawa.
"Nakakainis!" napasinghal ako bago lumabas ng room. Nagpunta ako sa library para doon tumambay.
Nag-iinit na ang dugo ko sa kanya. Bakit kase pumayag si Ferry sa gusto ng hapon na 'yon.
Nagsulat nalang ako ng activity namin. It's about political topics. Nagresearch na rin ako sa internet ng iba. Bahala siya sa buhay niya, gusto niya akong ka-partner? Pwes ako, ayaw ko kaya manigas siya.
"Ako na ang gagawa ng background research." namalayan ko nalang na naupo sa harap ko si Ishi. Hindi ko siya pinansin. I heard his sighed before opening his notebook. Pansin ko na may sinusulat siya habang nakatingin sa laptop niya. "I got this from some news cites, okay na ba 'to?"
Hindi ko parin siya pinansin. Kausapin niya ang sarili niya.
"Cemie?"
Aba, kilala pala niya ako? I thought we're strangers.
"Cessiana Marie."
Naiinis akong napasinghal. Hindi ako tumingin sa kanya at hinayaan siyang kausapin ang sarili niya. Talk to your hand. Sabihin mo sa sarili mo. Aba, ang gago ko pala. Sinaktan at niloko ko ang babaeng nasa harap ko. Damn.
Tinapos ko lang ang sinusulat ko at tumayo na ako. Pansin ko sa peripheral vision ko ang mabilis niyang pag-ayos ng gamit at pagsunod sa akin.
"Cemie, can we talk?"
Mariin akong napapikit sa inis lalo na nang hawakan niya ang braso ko.
"Shut up. Kausapin mo 'yang sarili mo!" inis kong hinawi ang kamay niya sa braso ko pero mabilis niya ulit iyong nahuli.
"Please.." nakikiusap na sabi niya. Aksidente akong napatingin sa mga mata niya, pero hindi. Hindi, Cemie.
"Pwede ba. Tigilan mo ako! Nakakainis ka! Nakakairita ka! Ang kapal naman ng mukha mo para kausapin ako." madiing singhal ko.
"Oo na. Makapal ang mukha ko, kaya kahit galit na galit ka pa sa akin. Handa parin akong sabihin sayo 'to.." he exhaled. "Mahal kita, Cemie."
Matunog akong napangisi. Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Tanga lang ang maniniwala sayo."
Umalis na ako sa library. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Tama na ang kasinungalingan. I can't afford another lies, pagod na akong maniwala sa pagmamahal.
Mahal? Ano bang ibig sabihin ng pagmamahal para sa kanya? I just chuckled painfully on what he said. Nakakapagod kang paniwalaan.
Dahil hindi ko na siya kinausap ay basta ko nalang iniwan sa arm rest niya ang mga sinulat ko about sa activity. Bahala na siya doon, at least alam ko sa sarili ko na may naitulong parin ako.
Pagkalabas ng school ay dumeretso na ako sa cafè ni Nate. Ito ang pangalawang araw ko dito. At kagaya ng sabi niya, ako lang ang nakatao kapag gabi dahil may sariling schedule 'yong dalawa pang nagtatrabaho dito.
Isinuot ko ang kulay brown na blouse at white cap pati ang apron ko. Karamihan sa pumupunta dito ay mga businessman, meron silang pinag-uusapan. Ang iba naman ay students na merong kanya-kanyang ginagawa. I was smiling the whole time. Face expression ang pinakamahalaga para magaan ang tingin sayo ng customer.
Dahil hanggang alas onse ng gabi ang schedule ko dito ay naglinis na ako ng mga table para makauwi na. Hindi ko na pinapakiramdaman ang pagod. Mas okay nga ito e, nalilibang ako kaysa naman 'yong mga bagay na ayaw kong isipin ang umikot sa isip ko.
Nagbiyahe na ako pauwi sa bahay. Mukhang tulog na sina Lolo. I went on his room and kissed his forehead.
"Good night, Lo."
I smiled. Naalala ko pa noong nagpaalam ako sa kanya about sa part time job ko, ayaw niya akong payagan. Pero makulit ako. Kaya sa huli ay napapayag ko rin siya.
Pabagsak akong nahiga sa kama ko at napatitig sa kisame. Muling bumalik sa alaala ko ang sinabi niya.
"N-Nakakainis. Inis na inis ako sayo, I-Ishi." mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Bakit ba gano'n? Ang hirap alisin ng lahat dito sa puso ko? Kahit sabihin na naghilom na 'yong sugat. Wala andito parin 'yong peklat na magpapaalala sa lahat.
Natulog ako at nagising kinabukasan nang marinig si Tita sa labas.
"Ano bang ginagawa ng babaeng 'yan dito? Tay! Paalisin niyo 'yan!" boses niya kapag galit.
Lumabas ako sa kwarto at lumapit sa kanya. Kaya pala. My mother is here.
"Ano bang pakialam mo Anna? Kapatid lang kita! At hindi mo anak ang anak ko! Tiyahin ka lang. Kaya manahimik ka!" sigaw din niya kay Mama.
Napatingin ako kay Lolo na walang ginagawa sa pag-aaway ng dalawa. Hawak ko sa braso si Tita.
Suminghal si Tita Anna. "Ah, kapatid lang? Kapatid lang. At ano? Anak mo 'to?" turo niya sa akin.
"Tita," alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Mama.
"Tiyahin lang ako? Huh! Bakit Carla? Nagpaka-nanay ka ba para isumbat na anak mo si Cemie? Nagpaka-nanay ka ba? Ha?" madiing tanong ni Tita. "Noong panahong kailangan ka niya? Nasaan ka? Noong panahong nasasaktan siya sa lahat ng nangyayari, anong ginagawa mo ha? Wala! Wala kang ginawa! Noong mga oras na may sakit ang batang ito, ako ang nag-aalaga sa kanya. Kami ni Tatay ang nag-aaruga sa kanya! K-Kaya anong karapatan mo na sabihin na tiyahin lang ako? Anong karapatan mong isumbat sakin na parang wala akong karapatan sa batang ito? Ha?"
"Huh! At 'yan ang isusumbat mo sakin ngayon? 'Yang naitulong mo? Gagamitin mo ba 'yan para mas ilayo sa akin ang loob ng anak ko? Anna, h-hindi porke't kayo ang bumuhay sa anak ko wala na akong karapatan, hindi porke't kayo ang nasa tabi niya noong panahong hindi ko magawang makalapit ay wala na akong karapatan sa kanya. A-Ako. Ako ang nanay niya, Carla. Kaya sa ating dalawa, ako ang may karapatan!"
Nag-init ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ako ang humarap sa kanya ngayon.
"Wag mong pinagsasalitaan ng ganyan si Tita!"
"Cemie, doon kana lang sa kwarto mo."
"H-Hindi Lo. Tama naman si Tita e, kailan ba siya nagpaka-nanay sa akin? Wala akong matandaang araw na naramdaman ko na may nanay ako. Ni isang beses Lo, wala." humarap ako kay Mama. "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka ba para saktan ulit ako?"
She shook her head aggressively. "Hindi. Hindi, anak. Andito ako d-dahil gusto ko nang magpaka-nanay sayo. Alam ba? May t-trabaho na ako ngayon, desenteng trabaho kagaya ng hinihiling mo sa akin noon." wala akong ibinigay na kahit anong reaksyon sa sinasabi niya. "K-Kaya na kitang buhayin ngayon, kaya na kitang pag-aralin. Gusto kitang kunin--"
"Hindi ako sasama sayo." madiing sabi ko. Anong akala niya? Pagkatapos ng halos isang dekada babalik pa ako sa kanya?
Ngumisi siya. "Cemie, nagbago na nga ako. Ginawa ko naman lahat para maging ayos tayo. Ano bang nangyayari sayo? I-Ipinagtabuyan kita kahit masakit sa akin para mapaayos ka! Hindi para maging matigas!"
Pinakiramdaman ko kung may sasabihin si Lolo pero hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung kinakampihan niya si Mama.
I sighed before looking at her. "D-Dahil din naman sayo kaya naging matigas ako e. A-Alam mo kung bakit Ma? Dahil d'yan sa pagiging makasarili mo. Dahil d'yan sa pagiging manhid mo kaya ni minsan hindi mo naiisip na nasasaktan ako. N-Naging matigas ako nang dahil sayo Ma, nang dahil sa inyong mga nanakit sakin." muling bumalik sa alaala ko ang mga panahong iyon. I chuckled while tears streaming down on my face.
"Paano nga bang makakaramdam ang isang gaya mo? Makasarili. At nagbago kana? Huh! N-Nakahanap ka lang ng mayamang lalaki, nagkapamilya ka lang sa iba, n-nagkaroon ka lang ng desenteng trabaho, nagbago na? A-Asan ang pagbabago do'n, Ma? H-Hindi ko makita. Hindi ko maramdaman. D-Dahil ngayon na nasa harap kita, wala ka paring pagbabago sa doon sa Mama ko na pinabayaan ako at inabandona sa iba. Ikaw parin 'yong walang kwenta kong ina!"
Ramdam ko ang pamamanhid ng buong katawan ko nang bigla niyang sinampal ng malakas ang pisngi ko.
"Tangina, Carla! Umalis ka dito!" lumapit sa akin si Tita. "Tay! Paalisin niyo 'yan dito!"
Nangangatal ang kamay na dinuro ako ni Mama. Her tears slowly flowing down on her cheeks. Pero wala akong maramdamang guilt sa sinabi ko.
"W-Wala kang respeto!"
Hindi ko na siya pinansin at hinawi ang kamay ni Tita na nakahawak sa akin. Umalis ako sa bahay na umiiyak. Tangina nakakapagod na.
Nakakapagod magpakatotoo tapos sa huli ay ako rin lang ang magiging mali. Tama siya, naging matigas na ako ngayon. Hindi ko naman ginusto 'to e, pero paano kong mapipigilan na hindi ako maging matigas kung palaging sakit ang nararamdaman ko? Binabalot na ako ng galit at takot sa pagmamahal, at kung hindi ako magiging matigas, wala akong laban.
Malulugmok lang ako sa pagkatalo. And I can't afford to lose myself for the nth time.
Parang hindi ko namalayan na sumakay na pala ako ng tricycle. Bumaba ako sa tapat ng Bar ni Dairo dahil dito ako napadpad. Tinuyo ko ang mga luha sa pisngi bago pumasok sa loob.
May ilang nag-iinuman dito sa baba. Nakita ko si Dairo at papalapit na ito sa akin na nagtataka. Hindi ko pa nga pala sila nakakausap, siguro bago ko na buksan ang usapan kapag magkakasama ang tatlo.
"Cemie, anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang?" takang tanong niya.
"Oo."
Tumingin siya sa paligid bago nagbalik ng tingin sa akin. "Doon tayo sa taas, walang masyadong tao doon."
Tumango lang ako sa kanya. Sumunod ako sa kanya sa taas at iilan nga ang tao. Naupo kami sa may dulong couch.
"Anong ginagawa mo dito, Cemie? May..problema ba?" concerned na tanong niya.
"Kelan ba nawalan?" ngumisi ako sa kanya. Nakaupo ako sa may harap niya at nasa pagitan namin ay table. May isang baso ng tubig siyang iniabot sa akin. "Tubig? Kulang nalang gatas ang ibigay mo sa akin. Para kang si--" kusa rin akong tumigil sa sasabihin.
He concernedly looked at me. "Cemie?"
Ngumiti ako. "Dairo, labas ka naman ng alak oh. Dali na, babayaran ko naman!" ngumuso ako at tumingin ng nagmamakaawa sa kanya.
"Hindi! Hindi ka sanay mag-inom ng alak."
"Dali na, babayaran ko! Parang tanga naman, ngayon lang e." inilabas ko ang natitirang pera sa bulsa ng short ko at inabot sa kanya.
He shoved my hands away. Tumayo siya at tinaasan ako ng kilay. "Libre na! Kukuha ako. D'yan ka lang ha."
Umalis siya para kumuha daw ng alak. Napatingin ako sa paligid. Pakiramdam ko ay sobrang hapdi ng katawan ko. Hanggang ngayon ramdam ko parin 'yong palad niya na lumatay sa pisngi ko.
Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. And it pained me more. Gano'n ba ang nagbago? She can still hurt me, emotionally and now physically.
Huminga ako ng malalim nang matanaw si Dairo na palapit na sa akin. May dala siyang isang bucket ng beer. Inilapag niya iyon sa mesa at inabot sa akin ang isang bote. I smiled on him.
"Salamat at pinagbigyan mo 'ko. Kailangan ko ng tapang ng alak ngayon." I bitterly chuckled.
"Bakit, Cemie? May problema ba? P-Pwede naman akong makinig. Diba noon, kapag may problemang pag-ibig ako, palaging ikaw ang nagbibigay ng advice sa akin. Hayaan mong ako naman ang gumawa no'n sayo." mahabang sabi niya.
Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sumandal ako sa couch at tumitig sa mga ilaw sa kisame.
"Alam mo ba 'yong pakiramdam na, parang gusto mo nalang maglaho para makalayo ka sa lahat?" nilaklak ko ang beer na hawak ko at napatawa nalang sa sarili. "Tangina, kakapagod magdrama. Andito ako para magchill!" muli kong nilaklak ang beer at nang maubos ay kumuha ulit ako ng isa.
"Cemie, hindi tubig 'yang iniinom mo! Tama na." may pagtataka ang mukha niya.
"Kumpadre Hermosa! Cheers, let's chill! Itaboy natin ang bad vibes!" ngumiti ako sa kanya bago nilaghok ang beer na hawak ko.
Baka sakaling mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa epekto ng alak.
--
~ Nix Dairo Hermosa~
Hindi ko alam kung paano pipigilan si Cemie. Shit, ano bang nangyayari sa babaeng ito?
Tiningnan ko ang table at halos naubos na niya ang labing dalawang bote ng beer. Habang ako ay hindi ko pa nauubos ang isa dahil nakatitig lang ako sa kanya. Holy shit, lasing na siya. May tama na! And I don't know what to do!
"Hoo! Ilabas mo ang pinakamatapang na alak. Pota! Wala namang talab 'to." napakamot ako sa batok dahil sa ingay niya. My other customer are looking at her. "A-Ano ba 'to tubig? Pwe! Walang..talab!" sabi niya habang pupungay pungay na nakatitig sa bote ng beer.
Napabuntong hininga ako. She's out of herself. Alam kong may pinagdadaanan siya ngayon, at alak ang ginagawa niyang solusyon para kahit paano ay mabawasan iyon. Kaya kahit ayaw ko ay hinayaan ko siyang uminom, pero di ko in-expect na halos sunod-sunod na bote ang mauubos niya.
"Bakit...ang tahimik dito? Walang soundtrip? Boring! D-Dairo buksan mo ang sound system dali! Sasayaw ako ng budots!" natatawang sabi niya. Matik rin akong napatayo nang bigla siyang matayo sa inuupuan.
May hawak siyang bote ng beer sa kabilang kamay. Itinaas niya ang parehong kamay at nalintikan na!
"C-Cemie, tumigil ka nga!" napahilamos nalang ako nang bigla siyang umakyat sa table at doon nagsasayaw. Shit, this is bad. "Cessiana!"
"Hoo! Let's dance!"
Napahilot ako sa sentido at nagdial na ng number ni Ishi sa phone ko. Hindi niya agad sinagot kaya dial ulit. Hanep 'to, pustahan kapag nalamang si Cemie 'to, mag-aala the flash itong loko na 'to.
"Hello?"
"Gago ka pre, hindi mo agad sinagot! Si Cemie andito sa bar! Puntahan mo nagwawala!"
"What?! I'm on my way now."
Oh, sabi ko sa inyo e. Mabilis pa sa mabilis ang pagdating niya. Pinagtitinginan na si Cemie ng iba kong customer. Damn, mabuti nalang at gwapo ako kaya nagagawa ko silang pakiusapan.
Dumating si Ishi at napamura ng makita si Cemie na parang may sapi habang nagsasayaw sa ibabaw ng table.
"Siya ba ang uminom ng lahat ng ito?" tanong niya habang nakatingin sa mga bote ng alak.
"Oo, ang lupit nga niya e. Akalain mo 'yon nakakaisa palang ako tapos siya nasa lima na agad--"
"And you fucking let her drink all of these!" galit na sumbat niya. "Cemie, stop!"
Napangisi ako. "Para namang hindi mo alam kung gaano kakulit 'yan."
Kung kanina ay naawa ako kay Cemie, ngayon ay natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Panay ang hila ni Ishi sa kamay ni Cemie pero itong si hotdog girl naman ay panay parin ang sayaw.
"Cemie, bumaba ka d'yan! Isa!"
"Bitawan mo nga ako! Inggit ka ba sakin dahil ang galing ko...magsayaw? Tugs tugs tugs tugs!" natatawa pa siya habang gumagawa ng sariling tugtog. "Ano ba! Dairo, hayaan mo nga ako!"
Napaawang ang labi ko. So, she's thinking that I'm still the one who's reaching her hands?
Napahinga ng malalim si Ishi. Nakatingala parin siya kay Cemie at panay ang huli sa kamay nito.
"Baby, you're damn wearing a sando and short. Damn, baba na d'yan!"
"Cemie, come here! You're drunk, tama na 'yan."
"Hindi ako drum!"
We both sighed in disbelief. Saan niya naman nakuha ang drum?
"Hoo! Shout out sa mga single d'yan na nagsasarili! Hoo! Walang mali sa ginagawa niyo! Self love is not selfish daw haha"
"pfft" napakagat ako sa labi para magpigil ng tawa. Nagsitawa rin ang iba kong customer dahil sa sinabi niya. I get the deep meaning of what she said.
Hinila ni Ishi ang parehong kamay ni Cemie and this time ay napababa na niya. Binalot na siya ni Ishi ng kanyang jacket. Tatawa-tawa pa ito at muntik ng matumba, mabuti at salong-salo ni Ishi.
Pota, third wheel ata ako dito ah. But I love watching them. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari oras na matauhan itong si Cemie at malaman niya na si Ishi itong nasa tabi niya. Mukhang interesting iyon.
Sumiksik ang mukha niya sa may leeg ni Ishi. "Amoy...amoy imported." nakapikit na ang mga mata niya dahil sa kalasingan. "Kaamoy mo si ano...'yong mapanakit. Hala ka, Dairo."
I want to laugh but when I saw Ishi reaction, I choose to be in silent. Nakatitig siya kay Cemie na panay ang amoy sa leeg niya. His eyes were in fraction. Mukhang tinamaan sa sinabi ni Cemie.
"Mapanakit ka rin sa babae 'no? Dairo?"
Pota, ba't pati ako nadamay?
Nahiga siya sa couch at agad naman siyang inalalayan ni Ishi. Naupo pa ito sa harap niya.
She chuckled. "Mga lalaki nga naman, ginagawang laruan ang mga babae. Para kayong...bading! Akala niyo manika kami..at hilig niyong laruin!"
Pareho kaming nagkatinginan ni Ishi at natigilan sa sinabi ni Cemie. Aminado akong tinamaan ako doon, pero aminado rin akong nagbago na ako. Baka si Braille hindi pa. Pota ang lalaking 'yon. Pati akong nagiging tino na nadamay pa. Hayy!
Hinawi ni Ishi ang buhok ni Cemie. He's staring at her. Sinasamantala ang oras na wala pa sa sarili si Cemie. Dahil alam namin na oras na bumalik 'yan sa realidad, hinding hindi na niya ito muling mahahawakan, hanggang titig nalang ulit mula sa malayo ang magagawa niya.
Her eyes were closed but she never stop murmuring words. Pati kamay niya ay panay pa ang galaw. Nagtungo ang kamay niya sa may dibdib niya.
"Dito, a-ang sakit dito. Gusto nila...nasasaktan ako." a tear fell from her eye.
"S-Sinaktan nila ako...sinaktan niya a-ako."
Nakatitig sa kanya si Ishi at puno ng sakit ang mga mata niya.
"I''m sorry....sorry." he whispered.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top