CHAPTER 41
Chapter 41
Nakipagsiksikan ako sa mga students na tinitignan din ang section na kinabibilangan nila sa nakapaskil na papel. Nasa page daw ito ng school pero hindi ko naman makita dahil ang daming page na lumalabas.
"Ay sorry! Pasensya na!" sabi sa akin ng babae na muntik ng makaapak sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. "Nakita mo na ba ang section mo? Ako na ang hahanap." suggestion niya pa. Nasa may una naman siya kaya pumayag na ako.
"Ah, Cessiana Marie Vasquez."
Binuklat niya ang mga papel at isa-isang tiningnan. "Uy! Nice! Same tayo ng section. Section 1." sabi niya.
She smiled at me. Lumapit na siya sa akin at hinila na akong palayo doon.
"Broadcast Communication ka rin?" I asked, she nodded. Wow, mukhang makakasundo ko 'to. "Bago ka ba sa school na 'to?"
"Oo. Alam mo ba, nagkang liligaw pa ako sa pagpunta dito. Paano ba naman e, 'yung business manager ko, sabi niya sumakay daw ako ng jeep tapos sabihin ko daw sa driver 'yung pangalawang school na madaraanan namin doon ako bababa. Tapos hindi naman pala! Unang school 'to na madaraanan ko!" inis na sabi niya.
Para siyang probinsyana girl? Ewan. Ang gaan ng awra niya, parang ako lang...dati.
Pero nangunot ang noo ko na medyo natatawa sa kanya. "Business manager?"
Mayabang siyang tumingin sa akin. "Oo, sabi ng attorney ko kailangan ko daw iyon dahil wala akong alam sa business. Kaya nag-hire kami, at sa kasamaang palad, ang nahanap namin, pogi nga kaso may sayad sa utak hehe."
"Saya mo ah." natatawang sabi ko. "May business ka?"
"Oo, yayamanin pala ako na nabuhay sa probinsya."
Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano. Feeling ko close na agad kami. I smiled. Humawak siya sa braso ko matapos tumingin sa wrist watch niya.
"Handa kana bang tumakbo?"
"Bakit? Tatakbo tayo?"
"Oo malamang! Late na tayo!!"
Sabay kaming tumakbo papunta sa room namin. Kung saan-saan pa kami muntik na pumasok. Nang makita na ang room ng section namin ay parang panandaliang huminto ang paghinga ko.
He's here. We're on the same section and course again.
For the past four months, my heart was still aching because of him. I expected this. Akala ko handa na akong makita siyang muli. Akala ko maayos na ako. But as I saw him, bumibigat parin ang loob ko.
Hinila ako ng kasama ko sa harap na pinto at hinila papasok ng room.
"Ma'am, sorry we're late." sabi niya sa teacher sa una.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran. Nakita ko pa ang pagsiko ni Dairo sa katabi niyang parang lutang. Parang bumalik siya sa lalaking nakita ko noong unang pasukan noon. Poker-face, galit, masungit. Pero nang napatingin siya sa una...napuno ng gulat ang mga mata niya. His ocean blue eyes...
Nag-iwas na ako nang tingin na parang walang pakialam sa nakita. Hinila ako ng kasama ko sa may unahang upuan at magkatabi kaming naupo.
"Mabuti natapat tayo sa mabait na teacher. Kung hindi naku, baka pagsulatin pa tayo niyan sa isang buong papel na hindi na ako magpapa-late ulit."
"Loka, pang elementary lang 'yon."
Pinigilan ko na ang sarili ko na lumingon sa likod. Nasa may huling upuan sila. At hindi talaga naghiwalay. 'Yong tatlo, gusto ko silang makausap. But how? Paano kung makakausap ang mga 'yon kung kasama nila ang lalaking gusto kong iwasan?
Nagsimula na ang klase. Mukha namang hindi ako napapalibutan ng yayamanin ngayon. They looked friendly naman. Bago maglunch nga ay halos nakikipag-interact sa akin ang mga nasa kalapit kong upuan.
"Ah, Cessiana Marie. Gusto kong pormal na magpakilala." sabi ng katabi ko. Dahil tapos na ang klase ay nakapalibot sa amin ang mga kalapit naming upuan. "Ako nga pala si Julie Adiana Reynes! Pwede niyo akong tawagin na maganda, ah pwede ring beautiful para sosyal hehe."
"Wow girl. Lakas ng tama mo ah." sabi ni Ferry, gay siya. "We will call you Adi! At ikaw naman babae, Cessiana Marie?"
"Ah, Cemie nalang." ngumiti ako sa kanila.
"Uy guys look oh, 'yong apat na pogi sa may likod. Kanina pa silang nakatingin dito!" napapatiling sabi ni Gianne. "Feeling ko ako ang tinitignan nila!"
"Kapal ng pes mo ateng, sa akin talaga oh pak! Wag kang tumingin sakin kunwari nagpapa-hard to get ako."
"Hahah ang haba naman ng hair mo bakla!"
Hindi na ako lumingon sa tinutukoy nila. I gasped before asking Adi to come with me. Lumabas kami ng room at nagpunta sa cafeteria. Oo, sosyal ang tawag kapag college na. Pero 'yon din naman ang tinda.
"Nakalimutan ko ang tubig ko, wait lang ha." paalam sa akin ni Adi para bumili ng tubig.
Nauna na akong maupo sa table namin. Napatitig ako sa mamon ko at pineapple juice.
"Mamon, sana maging kasing lambot mo ang puso kong unti-unti ng nagiging bato. Pineapple juice, sana totoo 'yong napapanood ko sa commercial na you're good in heart daw." I sighed. Pati pagkain kinakausap ko.
"Cemie!" naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtabi ni Adi sa akin. "Ito oh." inilapit niya sa akin ang spaghetti na puro slice hotdog ang nasa ibabaw.
"Kanino 'yan? Hindi mo naman ako kailangang ilibre."
"Tanga, ako manlilibre? Kuripot ako uy!" natatawang sabi niya. "Ah, m-may nag-abot lang sa akin. Ibigay ko daw sayo."
Hindi ko na kailangang mag-isip pa kung sino. He's just around. Trying to play with me. Pwes makipaglaro ka sa sarili mo.
Hindi ko pinansin ang spaghetti sa table. Hindi rin kinain ni Adi dahil hindi daw siya mahilig doon. Yeah, I love hotdogs, pero kaya ko namang bumili. Kung akala niya makukuha niya ulit ako sa ganyan pwes nagkakamali siya.
He's playing with me, nakakainis dahil ginawa niya iyon araw-araw! Kapag humahanap ako ng tyempo na kausapin ang tatlo hindi ko magawa dahil sa kanya. Damn it! Nakakainis siya!
"Shopping tayo mga girls?" tanong ni Ferry.
"Oh sure!" si Gianne.
"Ako hindi ako sasama. May pupuntahan ako e." si Adi.
"Ako din. Tipid ako e." sabi ko. Mukha kase silang mayaman. Tho hindi sila masyadong showy. Nagtitipid na rin ako dahil alam ko ang gastos kapag college, kahit pa scholar ako. Ayoko namang umasa kina Lolo at Tita. Simula ngayon gusto ko ng gumawa ng paraan sa sarili kong problema.
"Alam mo Cemie, may friend akong may ari ng Cafè. Naghahanap sila ng pwedeng magwork sa kanila. Want mo ba? Pwede kong sabihin sa kanya if you want."
Para akong nabuhayan sa sinabi ni Gianne. Work? As in trabaho! Pwede na siguro 'yong part time job habang nag-aaral ako.
I smiled at her. "Sige. Okay na okay. Kailangan ko rin 'yon, tulungan mo ako doon ha?"
"Of course. Sasabihin ko kaagad sa kanya."
--
Sumama ako kay Gianne dahil makikipag-meet up daw siya doon sa kaibigan niya, 'yong may ari ng cafè. She told me na CEO daw iyong kaibigan niya. As in wow, halos dalawang taon lang ang tanda niya sa amin.
Nandito kami sa isang restaurant ngayon at mayamaya lang ay may dumating ng lalaki. He's wearing a formal suit. Hinubad niya ang coat niya at ipinatong sa braso.
"Hey, Nate!"
Ngumiti ito sa amin. I just watched how he sat in front of us. Tangina, did I stared at him? Shuck. Nakakahiya. Napaiwas ako ng tingin nang tumikhim siya.
"Hi, you're Cemie? Right?"
"Cemie Vasquez, not Cemie right." namumula na yata ako.
"Pfft, you didn't told me that you have this funny friend, Gianne." tumawa ang dalawa. Loko, funny daw.
Napanguso akong nag-iwas ng tingin. I heard his chuckles. Dahil nasa tabi ko si Gianne ay madali niyang nasanggi ang hita ko. She arched her brow on me. Parang sinasabi niya na humarap ako kay...kay Nate.
"Ah, sorry." I looked at him formally. Siraulo ka Cemie, ano 'yong sinabi mo kanina? Wala kang respeto sa CEO. Alam mo lang kase CDO cornbeef.
He smiled. "You want to work on my cafè? You're still a student right? How about your schedule? Hindi ba magiging komplekado 'yon?"
"Ah, hindi. Time management lang ang katapat no'n!"
He exhaled. "Ah ganito nalang, you will work in my cafè every night. O basta pagkatapos ng klase mo. Is that good?"
Napangiti akong tumingin kay Gianne. Nag-thumbs up pa siya sa akin. Nakangiti ako ng malawak nang lumingon kay Nate. Damn, ayos na ayos.
"Sige, boss."
--
Nasa may cafeteria ako para bumili nang makasabay ko pa ang lalaking iniiwasan ko. Damn it, hindi ko maalis ang inis sa pinaggagagawa niya araw-araw. Alam kong nagpapapansin siya, at gusto niyang makuha ang atensyon ko.
He's on my back but I used to ignored him.
"Miss, coke ang sakin."
"Give her water."
I gritted my teeth. Mukhang nalito ang tindera dahil sa tsunggo na naligaw dito.
"Coke." naglabas ako ng 50 pesos at inilapag sa unahan ng tindera. Tangina, coke mismo lang naman 'yon e.
Inilabas ng tindera ang coke at kukunin ko na sana iyon nang maunahan ako ng nasa likod ko.
"Water." naglapag siya ng one thousand sa harap. Halos dumikit ang braso niya sa akin kaya inis na akong umiwas.
Kinuha ko ang 50 pesos ko dahil bottled water ang inilabas ng tindera at inalis na ang coke ko. Inis akong napasinghal.
"Kung ayaw niyo 'kong pagbilhan, edi 'wag. Kawalan niyo 'yon. At itong lalaking ito, kung gusto niya ng water. Pwes maglabas kayo ng isang drum na tubig at ibuhos niyo sa kanya. Badtrip!"
Tinitigan ko siya ng masama at dahil nakaharang ang katawan niya sa akin ay binangga ko pa siya para makadaan. Nakakainis. Bakit ba pati ang iinumin ko ay pinapakialaman niya?
Maiyak iyak akong naglakad sa hallway pabalik sa room. Natanaw ko agad si Gianne na panay ang kaway sa akin.
"Nate is here, looking for you." ewan ko kung bakit siya napapatili nang makapasok sa room.
Lumapit ako kay Nate na nakasandal sa pader. "Boss, may kailangan ka?"
Humarap siya sa akin at ngumiti. "Oo. I forgot to ask your number, para may contact ako sayo kapag may kailangan akong sabihin."
Napasilip siya sa room namin ng may nagtilian. Mga ogags. Pareho kaming natawa.
"And is it okay with you kung--"
Napatigil siya at awang ang labi ng biglang dumaan sa pagitan namin si Ishi. Tangina, pati ba naman dito?! At sa gitna pa talaga namin dumaan.
"As what I've said Cemie, is it okay with you kung ikaw lang ang tumao sa cafè sa gabi?--"
Muli siyang natigil at kunot ang noo nang dumaan ulit si Ishi sa pagitan namin na may tangay ng lollipop. Napatiim bagang nalang ako sa inis.
"Hey, what's wrong with you?" ma-accent na tanong ni Nate.
Humarap ang lalaki na akala mo badboy na may tangay pa na lollipop. Pwes hindi niya ikina-astig 'yon.
"What? Ayon ang basurahan oh, at nagtapon ako." turo niya sa basurahan na nasa dulo. "What do you want me to do? Itapon ko ang basura ko sa bunganga mo? Nah. To cheap for my golden trash." he smirked. Isinubo niya ulit ang lollipop at tumingin pa sa akin bago tumalikod.
Anong tinutukoy niyang cheap? Itong CEO na nasa harap ko? Hanep ah.
"Do you know him?" tanong sa akin ni Nate.
"Hindi." I saw how his steps become slow because of my answer. Humarap na ako kay Nate para ipagpatuloy ang usapan namin. "Kailan ba ang simula ko, Boss?"
He chuckled. "Pwede na bukas basta pagkatapos ng klase mo po, Ma'am."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top