CHAPTER 40
Chapter 40
"Hi couz. Its been a while."
Nakangiti sila ni Marko sa akin. Nailang ako kaya napaiwas ako ng tingin. Shit.
"A-Ah, sige. Doon muna ako kay Tita Anna." mabilis akong nagtungo sa gawi ni Tita para makaiwas sa kanila.
Naguguluhan ako. So, blood-related kami ni Miguel? Pinsan ko siya? My ghad.
"Tita, kapag 'yong pinsan ni Lolo may apo, kamag-anak parin natin 'yon?" naguguluhang tanong ko.
Natatawa siyang humarap sa akin. "A-Ano? Oo, syempre. Bale, third cousin mo sila."
Napanguso ako. Kaya pala andito siya. At hindi kapani-paniwala. Kapatid niya si Marko na gwapo kaso pinsan ko. Aish!
Sumunod nalang ulit ako sa pinsan ko at naglangoy nalang ulit. Nang magdidilim na ay umahon na rin kami at nagbihis. Nakaramdam ako ng pagkailang sa may cottage namin dahil ando'n si Miguel at kausap ang mga pinsan kong lalaki. Magkakakilala kaya sila? Bakit ngayon ko lang siya nakilala bilang third couzin ko?
Sabagay, ngayon lang kami nagkaroon ng family reunion na ganito. Pero kilala ni Lolo si Marko, hindi kaya kilala niya rin si Miguel? Hayst.
Nagpunta ako sa tabing dagat at naupo sa buhanginan. Sa mga ilaw ng barko ko lang pinanatili ang mga mata ko. I don't want to stare at the night skies. Ayokong may sakit na ibigay sa akin pati ang buwan at tala.
I hugged myself with the cold breeze of the night. Rinig ko pa ang ingay at tawanan ng mga kamag-anak ko sa may cottage.
Napatingin ako sa gilid ko nang makita si Miguel na may hawak na dalawang bote ng beer. May isang dipa ang layo niya sa akin. Naupo din siya sa buhangin at kagaya ko kanina ay nakatitig sa kawalan.
Nakaramdam ako ng guilt. Gusto kong mag-sorry, pero hindi ko alam kung paano magsimula.
"Nagulat ka ba sa nalaman mo?" tanong niya.
"H-Ha?"
Nakangisi siyang lumingon sa akin. "We're cousins. Medyo malayo na, but still we're blood-related."
Napaiwas ako ng tingin. "Alam mo ba 'yon una palang? Bakit hindi mo sinabi sakin? Palagi kang galit, tapos pinagbantaan mo pa ako." thanks that he started this talks. Dahil kanina hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan.
"Nope. The time na lumipat ka sa school namin. At naging lapit ka kay Takashi, 'yong nangyari sa canteen. Since then, I do some background research about you, at doon nalaman ko na Cortez ang middle name mo. We have the same middle name, at dahil doon napag-alaman ko na pinsan pala kita."
Wow, may pa-background research.
"Pero..bakit gano'n ang trato mo sakin sa school? Bakit palagi mo akong pinagbabantaan?"
He smirked. "You know, Cemie? I don't like you at first. Dahil nagpagamit ka kay Takashi. Dahil alam kong pumayag ka na gumawa ng paraan si Ishi na masira ang relasyon namin ni Aria. Because, you stand by that man. Pero wala e, pinsan kita. Kahit pa sabihin na third cousin lang kita, I still want to protect you, I still want to enlightened you that the man you're with is going to break you."
Napatitig ako sa kanya. Tama ba ang naririnig ko? Damn. Tumingin siya sa akin at kasabay ng pagsalimpad ng hangin sa kanyang buhok ay ang pagpungay ng mga mata niya.
"Gusto kitang protektahan sa paraan na hindi mo nalalaman." he sighed. "Alam ko ang tungkol sa tatay mo, Cemie. But I choose not to say anything on you. Dahil nalaman kong wala kang alam, kaya mas ginusto ko ring hindi ipaalam sayo. At nalaman ko ang plano ni Ishi na iyon, na maghiganti sa tatay mo sa paraan na saktan ka. You know, sabi nila. Kahinaan daw ng isang ama ang anak. Kaya ikaw ang ginamit niya. Ilang beses na kitang sinabihan na layuan siya, pero ang tigas ng ulo mo!"
Binato niya pa ako ng maliit na bato. Napanguso ako. Malay ko ba na iyon pala ang pinupunto niya noon. Pero gumaan ang pakiramdam ko sa kanya ah, kaya pala ginagawa niya iyon ay para sa akin rin. Para protektahan ako.
"Sorry naman. Ito lang ako. Pero bakit mo ginawa 'yon? Pinoprotektahan mo ako habang ako isa sa nagiging dahilan ng unti-unting pagkasira ng relasyon niyo ni Aria."
"Because you are my cousin. Alam kong nadamay ka lang dito."
"Akala ko talaga crush mo 'ko kaya gano'n kang makareact sa akin." he chuckled. "At kung pinsan mo ako, bakit mo ako binato ng bola no'ng p.e? Hm?"
"Wala, gusto ko lang maalog ang utak mo at magising ka sa katotohanan." natatawang sabi niya.
Ngayon ko lang siyang narinig na tumawa ah. Masaya akong hindi siya galit sa akin. Hindi siya nagalit, sa halip ay prinotektahan pa niya ako.
"Miguel," marahang tawag ko. Tumingin siya sa akin. "Sorry ah, dahil doon sa plano nasira ang relasyon niyo ni Aria."
Tumungo siya habang hawak parin ang dalawang bote ng beer. He sighed heavily. Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Inabot niya pa ang isang bote ng beer sa akin.
"Okay na 'yon. Wala kang kasalanan. Nadamay ka lang." sagot niya.
"Still, I'm sorry." binuksan ko ang beer at uminom ng kunti doon. "Kamusta na nga pala kayo? Nasaan si Aria?"
Hindi ko alam kung totoong nagbreak na nga sila. 'Yung huling pagkikita namin ay noong nakikiusap siya na kausapin ko.
Napatingin ako kay Miguel nang matahimik ito. Binuksan niya rin ang beer niya at nilaklak iyon. His eyes were furrowed as he looked at me. Dahan-dahan niyang inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Just like me, I know, he's hurting.
Hindi ko man gusto ay napatingala ako sa langit nang iangat niya ang isa niyang kamay paturo sa kalangitan.
"Sumakay siya sa eroplano...doon...palayo sa'kin."
Tuwid naman ang salita niya na sinabi iyon pero sa tono ng boses niya, ramdam ko ang pagkabasag niya sa salitang iyon.
Ipinilig ko rin ang ulo ko sa kanya. Pareho kaming nakatitig sa kawalan. We're not yet close, pero ramdam ko ang pagkakaisa namin.
"Cemie.." humarap na siya sa akin at nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hinila niya akong patayo. "Doon tayo sa tabing dagat."
I just nodded on him. Hinila niya akong papunta sa may tabing dagat. Pareho naming hinayaan ang mga paa namin na salubungin ang malalakas na alon.
Panay ang hawi ko sa buhok kong sinasalimpad ng hangin. May hawak kaming bote ng beer na parang nagwalwal.
"They say, waves can make our heart calm. Just shout everything that hurting you, and the waves will listen to you."
Ngumiti ako sa kanya. "Try natin?" he nodded.
Pareho kaming tumingin sa dagat at kasabay ng malalakas na alon ay sabay naming isinigaw ang lahat.
"Kainin mo ang lahat ng salita mo!"
"Ang tanga ng eroplano para ilayo ang mahal ko!"
"Fuck your I love you's!"
"Bakit palagi akong naiiwan?! Tangina!"
"Gusto na kitang kalimutan!"
"Babe, bakit ang sakit mong m-mahalin?!"
"B-Bakit ang h-hirap mong kalimutan?"
"Am I not worth it to love?"
"B-Bakit nangako kang hindi mo ako sasaktan tapos ikaw naman 'tong dahilan kaya nasasaktan ako?"
"Bakit ang dali-dali sa'yong iwan ako?"
"B-Bakit hindi parin kita maalis dito sa puso ko?"
Mas lumakas ang alon. Pareho kaming lumuluha nang humarap sa isa't isa. I smiled at him. I feel somehow better. Salamat sa alon sa pakikinig sa lahat ng sinabi ko, at sa mga tanong na gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko kaya.
Pareho kaming natawa habang nagpapahid ng luha sa pisngi.
"Naingayan lang ata ang dagat sa atin." sabi niya na pareho naming tinawanan.
--
Kinabukasan ay bumungad sa akin ang mukha ni Amiel na nakangising aso. Hindi ko na sana siya papansinin nang makita ko na hawak pala niya ang cellphone ko.
"Hoy! Tangina, ibalik mo sakin 'yan!"
Nang lalait pa niya iyong ipinakita sa akin. "Naki-online lang ako, tapos nakita ko 'yung maraming chats sayo. Sino iyong Ishigara?"
Nanlaki ang mga mata ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga at inagaw sa kanya ang cellphone, pero makulit itong pinsan ko.
"Amiel! Tanga mo talaga. Akin na 'yan!"
"Wag kang mag-alala, mahal. Kunti lang ang binasa ko hehe."
"Gago, chismoso ka!"
Inis akong lumabas ng kwarto. Bahala nga siya, alam ko namang mamaya titigil din 'yan kapag hindi ko pinansin.
Ano naman kayang nabasa niya? Chats? Ni Ishigara? Huh! May gana pa talaga siyang mag-chat sa akin.
Since nagpost ako sa fb account ko noong araw na umalis kami, hindi ko na ulit binuksan ang kahit anong social media account ko. Hayst. Ewan ko ba kung bakit pa ako nagpost noon. Ngayon ko lang na-realize na sana pala hindi nalang.
Napabuntong hininga ako at napasipa ng mga bato sa inis. Andito parin kami sa beach resort. Hayst. Nakakainis naman kase ang pinsan ko. Bakit sa dami niyang pwedeng sabihin na name 'yon pa talaga.
"Badtrip?" rinig kong may nagsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko ay si Miguel. Nakabihis na siya at may dalang bag. Mukhang paalis na sila.
"M-Medyo. Gago ng pinsan ko. Ipaalala ba naman sakin ang pangalan ni..." napakurap ako. He smirked.
"Ni?"
Umiwas ako ng tingin.
"Ah, nga pala Cemie. Bago ulit tayo magkalayo, gusto kong sabihin na... nag-usap kami ni Troy."
Doon lang ako napatingin sa kanya. "Ano namang pinag-usapan niyo?"
"Ah, he asked me everything about you. Sinabi ko sa kanya na pinsan kita pati ang lahat ng ginawa ni Takashi. He says sorry for you. Nagalit ka ba sa tatlo?"
Napaiwas ako ng tingin. Parang may kumirot sa puso ko dahil, nami-miss ko rin sila. Pero...
"Oo, medyo...Pakiramdam ko kase pati sila pinaikot lang ako. Kaibigan nila si I-Ishi at hindi imposibleng wala silang alam sa plano ng kaibigan nila."
"But Troy told me they know nothing about Ishi's plan. Wala silang alam. At naniniwala ako doon, Cemie." makahulugang sabi niya. "Alam mo bang may gusto pala sa'yo ang isang 'yon kaya pala gano'n makatingin sayo." ngisi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba? I thought he was just joking. Kaya ba..reyna? Damn.
"Magkakilala ba kayo ni Troy?"
"Yes. Since, we're grade school. Parte ako ng pagkakaibigan nilang apat. But because of a girl, everything was ruined."
Ang dami ko pa palang hindi nalalaman. Napabuntong hininga ako. So, walang alam ang tatlo sa plano? Nakaramdam na naman ako ng guilt. Pati sila idinamay ko sa galit ko.
"Ah sige, aalis na kami. See you when I see nalang." paalam niya.
Nang makaalis siya ay mariin akong napakagat sa labi. Si Troy? May gusto sa akin?
"Cemie! Bumalik kana dito, aalis na tayo!" sigaw ni Tita.
Bumalik na ako sa cottage at tumulong sa pag-aayos ng gamit. Umirap lang ako kay Amiel nang ibalik niya sakin ang cellphone ko. Sabi niya pa ay 'Mahal na mahal kita, kahit ang layo-layo mo.' ewan ko sa kanya.
Habang nasa biyahe ay na-curious ako sa chats na sinasabi ni Amiel. I sighed and open my fb account. And because of curiousity, here I am, reading his chats. Only for my heart to break into pieces again.
Naaalala mo ba yung nakasulat sa puzzle keychain? You belongs to me. You're part of me. Alam mo bang palagi akong nakatitig sa keychain na 'yon para maramdaman ko na nasa tabi parin kita hahah corny ko 'no?
I deserve you're rage, baby. But please, don't let your anger change you into a new person. Don't be like me.
Alam mo kung gaano ako katanga Cemie? I hurt my girl, I let her go.
You know what, I still hoping that the stars forgive me on my wish. Sana mapatawad ako ng babaeng mahal ko.
I'm still wishing for your forgiveness baby, even I don't know if I still deserve it.
Mahal na mahal kita, kahit ang layo-layo mo. At mamahalin kita, kahit bilyong metro pa ang layo mo sa akin.
Mahal kita, Cemie.
I wiped the tear fell from my eye.
Hindi ko alam kung kaya ko pang paniwalaan ka sa pangalawang pagkakataon.
--
~ few months later~
Ilang buwan na rin simula nang manatili kami dito sa probinsya. It's already August. Malapit na rin ang enrolment for college.
"Saan mo ba balak mag-enrol, Cessiana?" tanong sa akin ni Tita.
Napaisip din ako. Sa totoo ay parang gusto ko sa Aglea D'arc College.
Napatingin ako kay Tita at Lolo na nakaupo sa sofa at nanonood ng movie.
"Ah, Lolo at Tita. Babalik pa ba tayo sa bahay natin? O...dito na tayo maninirahan for good?" sa apat na buwan namin dito ay mukhang nasanay na rin si Lolo. No'ng una ay alam kong nami-miss niya rin ang taniman niya. 'Yon kase ang kasiyahan niya, ang pagtatanim ng mga gulay.
"Depende iyon kung saan ka mag-aaral ng kolehiyo, apo. Kung saan ka ay doon din kami, aba'y hindi naman ako papayag na bubukod ka agad sa amin."
Pareho kaming natawa ni Tita kay Lolo. Prinsesang prinsesa ang turing niya sa akin. At saka, hindi ko rin kaya na malayo sa kanila ano.
"Saan mo ba balak magcollege?" tanong ni Tita.
"Ah, balak ko po sana sa Aglea D'arc College. Doon sa dati kong school. Diba scholar ako doon no'ng senior high ako. Maganda rin daw ang incentives na nakukuha kapag college scholar doon, Tita. May monthly allowance." napansin ko ang pagtitig nila sa akin. "P-Pero kung ayaw niyo naman ako doon, ayos lang sa akin."
"Cemie, paano kung...magkita ulit kayo ng taong nanakit sayo?"
Napalunok ako sa tanong na iyon ni Tita. "E-Edi magkita! Pag-aaral naman ang babalikan ko doon, 'yon lang."
They sighed. "Kung iyon ang desisyon mo, susuportahan ka namin."
Ngumiti ako sa kanila. Sana kayanin ko.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top