CHAPTER 39
Chapter 39
"Cessiana! Ang bulok mo naman, ako nga!" sigaw ni Kuya Adriel. Pinsan ko rin na kapatid ni Amiel.
Lumapit siya sa pwesto ko at siya ang humalang sakin sa paglalaro ng chest game. Hindi naman ako magaling sa laro na 'yon, napilitan lang ako dahil inaya ako ng mga pinsan ko, dito sa kubo na tambayan nila.
I just watched them while playing. Mga pinsan ko sila sa side ni Lolo, kagaya ko, apo rin sila ng mga kapatid ni Lolo. Dahil bakasyon rin sa school ay lahat sila andito. Kompleto nga kaming magpipinsan e, parang nag-reunion lang.
"Cemie, punta tayo do'n sa basketball court dali!" kumapit sa braso ko si Dia at hinila akong patayo.
"Hoy, kayong dalawa. Subukan niyong humarot doon, mapipingot ko kayo!" si Kuya Harold. "Dia, 'wag mong iiwan kung saan si Cemie. Maraming tambay na lalaki do'n."
"Si Kuya naman para akong bata." napanguso ako. "Kaya ko namang protektahan ang sarili ko."
"Kahit na. Mag-ingat ka pa rin. Hindi ka pa masyadong kilala dito. Mag-iisang buwan ka palang dito."
Tumango nalang ako at kumapit sa braso ni Dia habang naglalakad kami papunta sa basketball court. Hayst, masyadong protective 'yong mga pinsan namin na boys. Pero ang cute nila sa part na 'yon ah, kase kilala sila bilang chick boy dito. Unang tingin pa nga lang sa kanila e, parang nang-aakit na tapos kapag naakit ka, bahala kana sa buhay mo. Gano'n sila kasiraulo.
"Ano bang gagawin natin dito?"
"Yung crush ko! Andito kase siya, ayon oh!" turo niya sa lalaking naka-white shirt at may hawak na bola. "Pogi 'no?"
"Ah, pwede na." walang ganang sagot ko. Hinampas niya ako sa braso at inirapan.
"Panget mong kabonding!"
Tinawanan ko lang siya nang nakakaasar. Naupo kami sa may bakal na upuan sa tabi ng court at mayamaya lang ay sumunod sa amin ang iba naming pinsan. Si Amiel, Hanna at si Kuya Kenneth.
Naupo sa tabi ko si Amiel kaya nakisalo na ako sa fishball niya. Ganyan ang bonding, sa aming magpipinsan dapat boys ang gumagastos. Libre fishballs, libre softdrinks!
"Cessiana," tawag sa akin ni Amiel. "Mabuti, dito mo piniling magbakasyon. May balak pa ba kayong bumalik sa inyo?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Hindi ko pa alam." hindi ko muna natatanong kay Tita iyon. I want to enjoy my stay here.
Tumili si Dia nang napatingin sa kanya iyong crush daw niya. Ayon tuloy, nabatukan siya ni Kuya Kenneth.
"Palibhasa mukhang ipis kaya tinitilian."
"Ambastos mo kuya! Palibhasa wala kang jowa kaya bitter mo! Hmp!"
"Tss. Required ba 'yon? Gumaya nga kayo kay Cemie."
Napangiwi akong napatingin sa kanila. "Nananahimik ako, Kuya. Tapos idadamay mo pa ako."
He chuckled. "Kaya nga kita idinamay e, dahil ang tahimik mo ngayon."
"Oo nga. Question and answer portion nga kita." humarap sa akin si Hanna at Dia na parang handa sa pagtatanong sa akin.
Shit, this is bad. Alam kong may kabulastugan na itatanong ang mga ito. Si Kuya at si Amiel ay nasa akin din ang tingin.
"Anong real reason kung bakit dito niyo napiling magbakasyon? Umuwi si Tita Anna galing America, at narinig ko na usapan nila ni Mama kagabi wala na ulit siyang balak mag-abroad. May nangyari ba?" tanong ni Hanna.
Napahinga ako ng malalim. Naramdaman ko ang kamay ni Amiel na hinahawi ang buhok ko sa balikat kaya napalingon ako sa kanya. He smiled at me.
"W-Wala...Ayoko nang pag-usapan kung ano mang nangyari do'n." simpleng sagot ko.
Napabuntong hininga sila. "Okay. So, nagka-jowa kana?"
Natigilan ako sa tanong ni Dia. Ano ba naman 'yan. Bakit ba ganyang klase pa ng tanong ang napili niya?
"Hindi. No Boyfriend Since Birth parin ako." 'yon naman ang totoo.
"That's good, mahal." sabi ni Amiel.
"Sabi ko naman sa inyo, hindi required 'yon."
Natawa ako sa komento ni Kuya Kenneth. "19 palang ako, hindi ko pa alam kung paano magseryoso sa pag-ibig." mapait akong napangiti. Sana nga, hindi ko nalang sineryoso ang nararamdaman ko.
"Wow naman, ano 'yon? Hanggang ngayon na legal age kana, puppy love parin ang turing mo sa mga lalaking nagiging crush mo?"
Tinawanan lang namin ang sinabi ni Hanna. Gusto kong sabihin sa sarili ko na baka nga puppy love lang 'to, pero gago ah. 19 years old na ako para doon, ano ako? Elementary student? Hayst. Isa pa kung puppy love lang 'to, edi sana hindi ganitong kasakit ang nararamdaman ko.
Umuwi na rin kami sa bahay dahil baka hanapin na ako ni Lolo. Laking pasasalamat ko na sa halos isang buwan na namin na stay dito ay naging okay na ulit kami. I can't stand seeing that we're not okay. Sila na nga lang ang kasama ko sa lahat e, tapos pati sila kagagalitan ko pa. At isa pa, naiintindihan ko naman kung bakit nagawa ni Lolo at Tita na magsinungaling sa akin, para rin sa kapakanan ko, para rin sa mararamdaman ko.
"Tita," malambing na tawag ko sa kanya nang makita siya sa may kusina at naghihiwa ng mga gulay. Niyakap ko siya mula sa likod.
"Lambing ah, anong gusto mo?" natatawang sabi niya. Grabe naman, yumakap lang may kailangan agad?
Napanguso ako. "Sabi ni Hanna, hindi kana daw mag-aabroad?"
Tumigil siya sa paghihiwa at humarap sa akin. Hinagpos niya ang buhok habang nakangiti. "Alam mo namang hindi ako aalis lalo pa ngayon at alam kong hindi ka pa okay. At isa pa, si Tatay. Ma-edad na rin siya, gusto kong dito na ako para samahan kayo."
Napangiti ako. Gusto kong tumalon sa tuwa. Hindi na siya aalis!
"Ang sweet mo talaga, Tita Favorite. Sana ikaw nalang ang Mama ko."
Nagbago ang ngiti niya at napalitan ng lungkot. "Diba sabi ko naman sayo, pwede mo akong ituring na Mama. Kahit Mama rin ang tawag mo sakin, ayos lang!" nag-thumbs up pa siya.
Ngumiti ako. "Pero real talk, Tita. Wala ka bang balak magkaroon ng sarili mong pamilya? I mean, 'yong may anak ka."
Bigla siyang nailang at namula. "Naku, hindi na!"
"Aw si Tita, abot pa ang edad mo sa kalingkingan." natatawa akong yumakap sa kanya. "Feeling ko talaga, may trauma ka sa pag-ibig? Hm, nasaktan ka ng todo sa minahal mo noon? Sino ba 'yan Tita? Gusto mo sugurin natin?"
Hinampas niya ako sa braso. "Dami mong alam. Hayst! Balang araw, ikukwento ko rin sa'yo ang story ng buhay ko."
Wow, taray. Feeling ko madrama ang buhay niya. Hayst. Bakit ba ayaw niya pang ikuwento sakin? Nakaka-curious tuloy. Isa pa, natanong ko ang tungkol doon dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Puro ako at si Lolo ang iniisip niya, tapos 'yong sarili niya hindi niya iniisip. Dapat nga may pamilya na siyang sarili e. But still she choose to be with us.
Humiga na ako sa kama ko dito sa kwarto. Hanggang ngayon naninibago parin ako. Mag-iisang buwan na kami dito. And I'm still trying move on.
Gusto kong makalimutan ang lahat. Ilang linggo ko na ring tinitiis na pigilan ang luha kong muling umagos sa mga mata ko. Ilang linggo ko na ring tinitiis ang pagkirot ng puso ko t'wing may alaala na bumabalik sa isipan ko. Ayoko na. Ayoko nang maalala ang lahat ng nangyari na kasama ko siya.
Malayo ang probinsya na ito, at wala akong pinagsabihan kahit isa sa mga classmate ko kung saan ang probinsya na ito. At isa pa, kung masundan niya ako. Wala akong pakialam. Siya ang nagtulak sa akin na lumayo, kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinipigilan niya akong umalis noong huli naming pagkikita.
"Cemie, apo. May reunion tayo bukas." sabi ni Lolo at lumapit sa akin.
"Saan Lo? Diba samasama na naman tayong lahat dito?" kapitbahay nga lang namin ang mga kamag-anak namin e.
"Iyong mga kamag-anak pa natin sa malayong lugar. Mga Cortez. Lahat ng angkan natin." ngumiti siya. Parang na-excite ako doon. "At sa beach resort ang reunion!"
Na-excite ako sa sinabi niya. Itinanong ko pa sa kanya kung darating ba si Mama pero sabi niya ay hindi. Mas okay na rin 'yon, mas mae-enjoy ko ang lahat kapag hindi ko siya makikita.
Kinabukasan ay iyon nga ang nangyari. Pumunta kami sa beach resort sa kabilang bayan para doon ganapin ang reunion. Samasama kami ng mga pinsan ko dahil ang iba sa amin ay kunti lang ang kilala sa angkan ng pamilya ng mga Cortez. Andito rin lahat! Pati ang mga pinsan ni Lolo. At mga anak at apo ng Lolo ni Lolo. Darn.
"Ito ang apo ko, si Cemie." pakilala sa akin ni Lolo sa isa niyang apo mula sa pinsan niya daw. Si Marko.
"Hi," ngumiti siya sa akin. Tangina pogi. Sayang naging pinsan ko pa. Businessman pa naman daw siya.
"Hi," ngiti ko rin.
Iniwan ako ni Lolo kasama si Marko. My ghad. Naramdaman ko ang pagkailang kahit medyo kinakausap naman niya ako. Nakasuot siya ng black short at sando. Lakas ng dating. Kulang nalang mag-surfing pa siya sa dagat habang sinusuklay ng daliri ang buhok.
Lumapit sa akin si Amiel at hinila akong papunta sa dagat. Agad nagwiksian ng tubig ang mga pinsan ko. May alaala na naman na bumalik sa akin dahil sa dagat. Potek, kailan ba ako tatantanan ng mga alaala?
"Doon muna ako! Bahala kayo d'yan!" sigaw ko sa mga pinsan ko na pagalingan pa sa paglanggoy.
Umahon ako sa dagat at nagpunta sa may upuan, sa tabi ng talisay na puno. Mula sa inuupuan ko ay natanaw ko ang isang pamilyar na lalaki. Wait, si Miguel?!
Napatayo ako at kunot noo na tumingin sa kanya. Nang mapatingin siya sa akin ay naglakad itong palapit. He's wearing a black shirt and black board short. Anong ginagawa nito dito? Family clan reunion 'to!
"B-Bakit andito ka?" takang tanong ko. Of course, may pagkailang dahil din doon sa mga nangyari. We're both involve. At may kasalanan ako kung bakit siya nadamay.
Ngumisi siya sa akin at nagcross arm. "Why do you think?"
Napalunok ako. Damn. Bakit ang boses niya...bakit parang hindi siya galit sa akin? Bakit parang hindi siya 'yung Miguel na palaging masama ang tingin sa'kin sa school? Ghad! Baka kakambal niya 'to?
Napalingon ako sa may likuran niya nang makita si Marko na papalapit sa amin. Nakangiti siya at umakbay kay Miguel. Shit, may hawig sila!
"Magkakilala kayo?" tanong niya. Ngumiti siya sa akin. "Cemie...My brother, Miguel."
Brother?!
Bahagyang napaawang ang labi ko. Ngumiti si Miguel sa akin.
"Hi couz. Its been a while."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top