CHAPTER 38
Chapter 38
~ Nix Dairo Hermosa~
"Ang hirap talagang mangapa sa mga nangyayari, mag-hire na kaya ako ng imbestigador?" sabi ni Braille bago nilaklak ang wine sa baso niya.
Andito kami ngayon sa Bar ko at pinag-uusapan ay ang hindi maipaliwanag na pangyayari sa aming butihing hotdog girl na walang iba kundi ang nag-iisang Cessiana Marie.
I sighed and took a sip on my wine. "Oo nga." lumipat ako sa tabi ni Braille bago kami sabay na tumingin kay Takashi na walang emosyon na nagmi-mix ng wine sa may bar counter. "Do you think, may kinalaman 'yon sa ginawang plano ni Ishi na pagselosin si Aria Hung?"
"Hindi lang iyon tungkol do'n. We know Ishi, he's always mysterious. May hindi pa tayo alam sa kaibigan natin na 'yan, at maaring may kinalaman ang bagay na hindi natin nalalaman sa nangyayari kay Cemie ngayon."
Sabay kaming napabuntong hininga. We're best friends since grade school, and we know something but not everything about him. Maaring tama si Braille. Mukhang hindi lang tungkol sa plano nila na pagselosin si Aria ang nangyayari, kundi may iba pang bagay na nasasangkot. At wala na kaming alam do'n.
"Nakakapagtaka lang na pati tayong tatlong gwapo ay nadamay sa biglang pagiging cold ni Cemie. Ang sakit sa puso no'n. Nami-miss ko na agad ang mga napakatinong advice niya sa akin." napailing-iling ako bago ulit lumaklak ng wine.
Nasa gitna kami ng pag-uusap nang biglang marahas na pumasok dito sa VIP room ng Bar ko si Troy. Tiim bagang siyang lumapit sa amin. Napatayo kami ni Braille dahil sa galit niyang awra.
"Nasaan si Ishi?"
Nagkatinginan kami ni Braille. Sabay kaming napalingon kay Ishi at napamura nang mabilis na naglakad papunta doon si Troy.
Lagot na. Away 'to.
"Troy!" agad na lumapit si Braille.
Pero huli na dahil mabilis na nahawakan ni Troy ang balikat ni Ishi at ihinarap ito sa kanya. Malakas na sapak ang ibinigay ni Troy sa pisngi ni Ishi na halos ikatumba nito. Ni hindi man lang lumalaban si Takashi! Bago 'to ah?
"Troy tama na 'yan!" lumapit na rin ako sa tabi ni Ishi para iayos ito ng tayo nang bigla ulit itong sinapak ni Troy.
Hawak na namin ni Braille ang dalawa, pero tangina, ang hirap pigilin ng galit na tao. Napaupo na sa sahig si Ishi dahil sa sapak ni Troy. Humarang na si Braille sa harap ni Troy para hindi na ito makalapit kay Ishi.
"Tama na, pre."
Matalim na titig ang ibinigay ni Troy kay Ishi. "Anong tama na? 'Yang lalaking 'yan! Alam niyo ba kung anong kagaguhan ang ginawa niyan kay Cemie?" malalim siyang napabuntong hininga. "Si Cemie, si Cemie lang naman na walang kamuwang muwang idinamay niya para maipaghiganti ang kapatid at Mama niya! Kasalanan ng tatay niya 'yon! Ganyan na ba talaga kagago ang pagkatao mo para ibuhos kay Cemie ang lahat ng sama ng loob mo?!"
Balak niya palang hablutin ulit si Ishi para sapakin, mabuti nalang at nakaharang kami ni Braille.
"Kung una palang nalaman ko na ito ang plano mo kay Cemie, sana una palang gumawa na ako ng paraan para makuha siya sayo!" sigaw niya kay Ishi na tila natulala lang. "Ang bait na tao ni Cemie! Tapos gaganunin mo lang?"
Biglang ngumisi si Troy, mapait na ngisi. "You know...I-I like Cemie, from the very start. Pero dahil napapansin kong, iba na 'yung tinginan niya sayo behind that fucking plan of making Aria jealous, hinayaan ko kayo. Hinayaan ko siya, pinili kong gustuhin siya ng patago. Never akong umeksena sa inyo. Dahil kaibigan rin kita, and I know what you experienced before. Gusto kong maging masaya sa pagkakataong ito." doon lang parang natauhan si Ishi. "Tapos ito lang pala ang gagawin mo! You're such a fucking bullshit!"
Napatingin siya kay Troy na tiim bagang parin sa kanya. "Ginago mo 'yung tao! Sinaktan mo! Kaya niya piniling umalis sa lugar na 'to!"
"Aalis si Cemie?" nakakunot noong tanong ni Braille.
Matalim parin ang titig na ginawad ni Troy. "That's her last status."
Hinawi niya si Braille at walang pasabing umalis sa bar.
Matindi talaga kapag may away babae ang tropa, pero hindi lang dahil sa pag-ibig itong sa amin. Tangina, kaibigan namin 'yon e. Wala man akong alam sa nangyaring iyon, aminado ako sa kasalanan kong hindi ko siya naprotektahan, wala akong nagawa para hindi siya masaktan.
Napatingin kami ni Braille kay Ishi nang mabilis nitong kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng pants. His hands were trembling while handing his phone. Nagpunta siya sa contact numbers at agad pinindot ang number ni Cemie.
"C-Cemie..." ilang try niyang tinawagan ang number ni Cemie pero wala. Pilit niya parin iyong pinipindot. Tumayo siya at walang tingin-tingin sa amin na lumabas ng bar. "Cemie, p-please answer my calls.."
Napahilot ako sa sintido nang mayamaya lang ay humaharurot na kotse na ang narinig namin mula sa labas.
Wala e, gano'n ang buhay. Nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko matatanggap na sinaktan niya si Cemie, pero kaibigan parin namin siya. Ngayon, nakikita ko na gusto na niyang bawiin ang lahat ng masamang ginawa niya. Pero masaklap, dahil huli na ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang fb post status ni Cemie na sinasabi ni Troy.
Cessiana Marie Vasquez
Goodbye home. I'll be fine with my new home, don't worry. 🚍🤍
--
~ Cessiana Marie Vasquez~
"Nand'yan na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Tita habang nakatingin sa mga bag ko.
"Oo, Tita. Ah, nasaan si Lolo?"
"Nandoon na sa labas, kausap 'yung driver ng taxi." ngumiti siya sa akin bago lumabas.
I sighed before looking around my room. Hindi ko alam kung kailan ulit ako babalik dito, maaring babalik pa, o hindi na.
"Tara na?" tanong ni Tita. Tumango lang ako.
Nauna silang pumunta sa taxi. Napabuntong hininga ako bago muling tumingin sa bahay. I bitterly smiled. Naglakad na akong palapit sa taxi at natigilan dahil sa lalaking nakatayo sa may tabi ng poste, hindi kalayuan sa amin. May dugo ang tabi ng kanyang labi at may pasa sa pisngi.
"Cemie. Sakay na!" si Lolo at Tita.
Bumigat na naman ang pakiramdam ko at nag-iwas ng tingin sa lalaki. Mabilis akong sumakay sa loob ng taxi at napayakap sa bag ko nang mayamaya lang ay marahas na katok mula sa katabi kong bintana ang narinig ko.
"Cemie! B-Bumaba ka, mag-usap tayo!"
Hindi ako tumingin sa katabi kong bintana dahil alam kong mula sa labas ay nakikita niya ako dito sa loob. Tangina, kausapin mo ang sarili mo!
"C-Cemie, 'wag namang ganito. 'Wag kang lumayo, please kahit saktan mo rin ako, gantihan mo rin ako Cemie, 'wag lang ganito. M-Magalit kana sa'kin, 'wag mo 'kong pansinin. Basta nasa paligid lang kita, basta nakikita kita." panay parin ang katok niya at hampas sa bintana.
Alam niya ba ang mga sinasabi niya? Iniisip niya ba ang lahat ng pakiusap na sinasabi niya? Siya ang dahilan kung bakit gusto kong lumayo. At gantihan ko rin siya? Hindi ako tanga, hindi ako duwag katulad niya.
Ramdam ko ang sakit na bumabalot sa puso ko dahil sa bawat salita at katok niya sa bintana. Nakakatanga naman e, anong ginagawa niya dito? Diba dapat masaya siya?
"B-Baby, please. Bumaba ka, aayusin ko na ang lahat ng katangahan ko. Huwag ka namang ganyan...C-Cemie, mahal--"
"Hoy pwede bang tigilan mo ang pamangkin ko?!" sigaw ni Tita mula sa likod. "Kung ayaw mong umalis d'yan! Bahala kang magasgas 'yang tuhod mo! Manong, tara na. Hayaan mo 'yan."
"C-Cemie.."
Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko. My heart ache more than normal. Umandar ang sasakyan at rinig ko pa ang tawag niya sa pangalan ko. Umiyak lang ako ng umiyak.
Mula sa side mirror ng taxi ay nakita ko ang pagluhod niya at pagtulala sa kawalan nang makalayo kami.
Lalayo ako dahil ito ang gusto ko, dahil gusto kong makalimutan ang lahat ng alaala na ibinigay mo sakin. Pero bakit ganito? Bakit sobrang sakit?
"Apo.." rinig kong nag-aalalang tawag sa akin ni Lolo mula sa likod. Hindi ako lumingon.
Walang tigil ang luha ko sa pagtulo, pati ang pagkirot ng puso ko.
Nang makarating na kami sa probinsya ay halos magdidilim na, sobrang layo.
"Bukas nalang tayo maglinis dito, masyadong maraming alikabok. Matagal ring naabandona ang bahay na ito ng Lola niyo." sabi ni Lolo. "Ah, Cemie, apo. Kung gusto mo munang magpahinga, iyong unang kwarto ang magiging kwarto mo."
Ngumiti ako sa kanya at tumango. I'm tired. Hindi lang sa biyahe, kundi sa lahat. Binuhat ko na ang mga gamit ko sa kwarto na sinabi ni Lolo at pabagsak na nahiga sa kama.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko. I hope, here in province, mabawasan kahit kunti ang sakit na nararamdaman ko. Hope this peaceful province can make my heart peaceful too.
Bumangon ako at nagpunta sa bintana kung saan tanaw ang mga bundok at malawak na lupain.
I bitterly smile and wiped the tears fell from my eyes. Excruciated pain lanced in my heart. Napabuntong hininga ako.
"Makakalimutan rin kita. Makakalimutan ko rin na minsan minahal kita." I whispered.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top