CHAPTER 37
Chapter 37
Minsan talaga kahit anong pigil mo sa puso mong magmahal, hindi mo parin magawa. Ang hirap pigilan ng puso diba? Ang hirap pagbawalan, kaya umaabot tayo sa puntong halos maubos na ang pagmamahal natin sa sarili natin dahil sa sobrang pagmamahal natin sa iba.
Pero kahit gaano mo pa silang kamahal, sinasaktan ka pa rin, dinudurog ka parin. At oras na wala na sila, wala kana rin. Dahil 'yong pagmamahal na dapat sa sarili nalang natin, ibinigay pa natin sa kanila.
We're always end up nothing. Dahil sa lahat ng nalaman ko. Ang hindi pagsabi ni Tita at Lolo ng tungkol kay Papa, ang plano ni Ishi...isama ko pa 'yong tatlo na hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga, si Mama. Dahil sa kanila, kinukwestyon ko kung ano ba talaga ang dulot na dala ng pagmamahal.
I sighed. Nagising ako nang may marinig na usapan sa may labas, siguro ay sa may salas iyon. Bumangon na ako para lumabas sana, at hawak ko na ang door knob ng pintuan nang matigil dahil sa narinig na usapan ni Lolo at Tita.
"Tay naman, bakit mo hinayaan na malaman niya?"
"Anna, hindi natin hawak ang takbo ng tadhana. Hindi natin habang buhay na isisikreto iyon sa bata. Malaki na si Cemie! Alam kong kahit paano ay maiintindihan na niya ang sitwasyon."
"Pero Tay. Oo, maiintindihan na niya ang sitwasyon, pero ang iniisip ko ay ang mararamdaman niya. Tay! Masakit para sa bata na ang Tatay niya, ando'n sa kulungan! Masakit rin para sa kanya na 'yung pakiusap niya sa inyo na wala kayong tatanggapin mula sa nanay niya ay sinuway niyo parin."
"Anna, nanay niya parin ang kapatid mo! Baliktarin mo man ang lahat walang mababago sa katotohanan na 'yon."
Naupo ako sa may likod ng pintuan at niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak na pinapakinggan ang usapan nila.
"Hindi mo na dapat tinanggap ang ibinibigay ng letse kong kapatid na 'yon. Kaya ko namang tustusan ang pangangailangan ni Cemie e."
"Ginawa ko 'yon para sa bata, Anna. Ang kapakanan niya ang iniisip ko. At, mas mabuti na rin siguro ngayon, na nalaman na niya ang tungkol sa ama niya. Ayaw ko nang makita ang apo kong naghihintay sa pagbabalik ng ama niyang mas pinili ang maling landas."
I bit my lower lip to stifle my sobs. Nang marinig ko ulit na nagsalita si Tita at napunta kay Ishi ang usapan ay mabilis ko ng isinuot ang headset ko. I don't want to hear anything about him. Tapos na 'ko sa kanya.
Alam kong nagce-celebrate na siya ngayon dahil sa wagi niyang plano.
Kung ang paghihiganti sa taong walang kinalaman sa pangyayari ang paraan niya ng pagkuha ng hustisya, potangina niya. Napakahina niya. He's a big fucking coward.
Pinahid ko ang luha ko sa pisngi at naupo sa may study table ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table at agad nagpunta sa contact numbers. I blocked his number. Kahit ang text conversation namin ay deleted na.
Ayoko nang makita pa ang mga walang kwenta niyang text. Fuck his I miss you! Lamunin niyang lahat ang salita niya.
Pabagsak kong inilapag sa table ang cellphone at napahilamos nalang sa mukha. Aksidenteng nasagi sa paningin ko ang keychain na bigay niya.
Pain lanced through my head and heart. Kinuha ko iyon at hinawakan. I smiled at the memories. Parang dinurog ang puso ko kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata sa isipang, lahat ng alaala na 'yon, dahil lang sa plano niya. Lahat ng ipinakita sa akin ni Ishigara Takashi, lahat 'yon parte lang ng plano niya na masaktan ako, na magulo ang buhay ko, na mawasak ang puso ko.
Oo. Congrats, Ishi. You did well. Wasak na wasak na 'ko ngayon. I'm ruined.
Itinago ko na sa loob ng drawer ang keychain. Pinahid ko ang luha ko kahit napakahirap nitong ampatin sa pagtulo.
--
Lumipas na ang mga araw at dumating na ang graduation day namin. It's also my birthday. First day of April.
"Cemie, humarap ka sa salamin!" sabi ni Tita na panay ang make up sa akin. Sinabi kong kahit 'wag nalang akong mag-make up pero hindi siya pumayag. Dapat daw may masilaw sa ganda ko. Narinig ko pa nga ang pangalan ni Ishi kahit pabulong niyang sinabi iyon.
I don't care about him. Hindi ko naman kailangang ipangalandakan ang ganda ko para ipa-realize sa kanya na dapat siyang magsisi dahil dyosa ang sinaktan niya.
Hindi naman masyadong makapal na make up ang inilagay ni Tita sa mukha ko, kaya ayos na ito para sakin. Tinuwid niya pa ang buhok ko at medyo curly ang baba. White dress ang suot ko na papatungan ng toga mamaya.
Tinignan ako ni Tita sa salamin at ngumiti. "Loosen up, pamangks! Tignan mo nga ang sarili mo, ganda oh! Hindi dapat ganyan ang ekspresyon ng mukha mo. Smile!"
Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa harap ng salamin.
Pumunta na kami sa school pagkatapos. Parang gusto kong pasalamatan si Tita ngayon dahil sa pagmake up sakin, dahil lahat halos ay bongga ang make up.
"Cemie!" tili ni Mia at Laysie na palapit na sa gawi ko. "Wow! You looked so fabulous!"
I smiled. "Salamat." dahil wala naman ako sa mood makipag-usap ay lumakad na ako sa upuan namin.
"Ow, where's the talkative Cemie?"
"I don't know din, lately she became too silent."
Rinig ko pang usapan nila. Hindi ko nalang pinansin at nag-focus na sa graduation ceremony.
Mula sa kinauupuan ko ay ramdam ko ang tingin ng nasa may kabilang dulo. 'Yong tatlo. Hindi nila inalis ang tingin sa akin hanggang matapos ang ceremony. Nakita ko pa ang mabilis nilang pagtayo nang tumayo na ako sa upuan.
"Cem!" huminto ako dahil sa tawag ni Dairo. Naramdaman ko nalang ang hawak niya sa braso ko kaya napaharap ako sa kanilang tatlo. "Pwede ka ba naming makausap?"
Instead of answering him, napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may hindi kalayuan sa gawi namin. Nakatingin rin siya sa akin kaya mabilis rin akong nag-iwas ng tingin.
"Hindi." malamig na sagot ko kay Dairo. I shoved his hands away. Binigyan nila ako ng nagmamakaawang tingin. Kung siguro ay gaya parin ng dati ang lahat, baka napagbigyan ko na sila. Pero hindi, I can't afford to hear another lies from them.
"Cemie naman, kahit saglit." pakiusap ni Braille.
"Cemie," nakikiusap na tawag ni Troy.
Gamit ang peripheral view ko ay nakita kong nakatingin parin sa amin si Ishi. Wagi na siya sa plano diba? Pwes, bakit ayaw niya pang patigilin itong mga kaibigan niya na tantanan na rin ako?
I sighed. "Huling pakiusap. Tigilan niyo ako."
Pare-pareho silang natigilan sa sinabi ko. Hinawi ko ang kamay ni Dairo bago ako naglakad palayo.
Kapag pinagbigyan ko sila, baka maniwala na naman ako. Pagod na 'kong magtiwala sa mga tao.
Lumapit ako kay Lolo at Tita na nakangiti na sa akin. Sinalubong ako ng yakap ni Lolo. See, kahit alam kong hindi pa kami gano'ng ka-okay ramdam ko parin ang pagmamahal niya at suporta sa akin. I answered his hugs.
"Masaya ako para sa'yo, apo."
Napangiti ako. "Hindi lang para sakin ito, Lo. Para sa'tin, para sa pamilya natin."
Nakisali rin si Tita sa yakap namin. I miss this. Humiwalay na ako sa yakap at aksidenteng napatama ang paningin ko sa lalaking ngayon ay kausap ang ama niya yata. Bakit ba napakabulok humanap ng matitignan ng mga mata ko? Bakit kailangang sa kanya pa?
Hindi mawala ang bigat ng dibdib ko dahil sa galit, inis, at sakit na nararamdaman ko.
"Lo, uwi na tayo." mahinang sabi ko.
Mabilis naman ang naging galaw nila ni Tita. Nilisan namin ang school sa huling pagkakataon. Para akong galing sa burol at hindi sa graduation dahil sa tamlay ng itsura ko.
Dumating kami sa bahay at nagulat nalang ako nang makita ang tatlo kong pinsan na lalaki na may hawak na tarpaulin at ang dalawa namang babae na pinsan ko rin ay may hawak na cake at competti.
"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko. Ang layo ng probinsya para mapunta sila dito.
"Surprise!" sabay-sabay na sigaw ng lima. Pinasabog pa ni Hanna ang competti.
Bigla silang kumanta ng Happy birthday song kasama sina Lolo. Tears were pricking in my eyes. Kaarawan ko nga pala ngayon. Pero bakit parang hindi ko na naramdaman? Mabuti pa sila, nararamdaman nila 'yong spirit ng birthday ko.
Ako kase, lungkot at sakit lang ang nararamdaman ko. But I still smile on them. I really appreciate them.
"Happy birthday," bati nila isa-isa sa akin.
I chuckled while tears gushing down on my cheeks. "H-Hindi niyo naman kailangang mag ganito. Ano ba! K-Kayong lima, galing probinsya pa kayo, hindi ba dapat ako ang nagsu-surprise sa inyo dito?" naiiyak na humarap ako sa mga pinsan ko, tinawanan pa nila ako. Mga walanghiya.
"Ano ka ba, mahal. Nakiusap lang si Tita sa amin na pumunta dito." lumapit sa akin si Amiel at pinunas ang luha ko sa pisngi.
Lumapit din si Dia na may hawak na cake. "Oh, blow the candle na! Make a wish."
Tumingin ako kay Tita at Lolo na ngayon ay nakangiti sa akin. I closed my eyes before making a wish.
"Long life for my Lolo...'yon lang." I blow the candle. Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang maluha-luhang si Lolo.
Nakangiti akong yumakap sa kanya.
"Apo, hindi ba't para sayo dapat ang wish mo?"
Umiling ako. "Hindi, Lo. Para saan pang humiling ako ng mga mamahaling bagay? Para saan pa kung hihilingin ko na matupad ko ang pangarap ko, kung mawawala ka naman? Hindi ko rin mararamdaman ang success kung hindi kita kasama sa pagtupad ng lahat ng iyon, Lo. Gusto kong dito ka lang sa tabi ko, gusto kong magkasama nating tuparin ang lahat ng pangarap natin."
Niyakap niya ulit ako. I can't help but to cry on his shoulder. Mas niyakap ko siya.
"Hindi kana galit sa akin?" he asked.
I wiped my tears before I nodded on him. "Hindi, Lo. Naiintindihan kita."
Dahil andito ang mga pinsan ko sa bahay ay napilitan na rin akong i-celebrate ang birthday ko. Sa totoo ay hindi ko gustong magcelebrate ngayon. Hindi ako makaramdam ng saya.
Umuwi rin kaagad ang mga pinsan ko sa probinsya. Sobrang layo no'n kaya maaga silang umalis. I appreciate them so much, talagang nagpunta pa sila dito para lang i-celebrate ko 'yong birthday at graduation ko.
Mahihiga na sana ako sa kama nang marinig akong katok ni Tita sa pintuan. Hinayaan ko siyang pumasok at maupo sa kama ko, katabi ko. She brushed my hair like when I was a kid back then. Dahil na-miss ko siya ay napayakap ako sa braso niya.
"Cemie," pati ang malambing niyang boses. "Payag ka ba kung...pupunta tayo sa probinsya?"
"Wala na bang mananakit sakin doon?" I asked.
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paghaplos sa buhok ko. "I'm sorry, nabigo kita sa pangakong walang mananakit sayo dito."
Ngumiti ako. "Okay lang, Tita. Hindi mo naman kasalanan. Siguro, nabuhay lang talaga ako sa mundong ito para masaktan."
Napaalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya nang hawakan niya ang mukha ko. "Cessiana Marie, mali 'yang iniisip mo."
I bitterly smiled. "Pero Tita 'yon ang nangyayari e. K-Kahit pa yata maging birhen ako sa sobrang kabutihan, wala. Sakit parin 'yong napapala ko. Wala naman akong ginagawa, pero ako ang pinapahirapan nila." nag-umpisa na naman sa pagtulo ang mga luha ko. "Tita, a-ang sakit... Bakit parang lahat ng taong nagiging lapit sakin s-sinasaktan lang ako?"
"Shh, tama na." niyakap niya ulit ako at hinagpos ang buhok ko. I cried on her arms. "Hindi naman lahat ay ganun, Cemie. Maaring ang ilan ay oo. We can't please everyone to like us and to give us love that we deserve. Hayaan mo na ang mga taong iyon. Maging mabuti ka lang hanggat kaya mo, 'wag kang gagaya sa kanila."
Muli niya akong iniharap sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Pupunta tayo sa probinsya, kahit doon na muna tayo manirahan, hm? Ilalayo muna kita dito."
Umiiyak akong tumango sa kanya.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top