CHAPTER 36
Chapter 36
Sa mundong ito, napatunayan ko na sa dami ng taong nakapaligid sayo, hindi mo na malalaman kung sino talaga ang nagmamahal sayo ng totoo.
Masama rin pala ang maniwala sa galaw ng isang tao para masabi mong mahal ka nito. Ayoko nang maniwala ulit. Hindi na siguro mawawala sakin 'to ngayon, ang pagdudahan ang pagmamahal ng isang tao.
Buong magdamag akong nakasubsob sa unan na yakap ko habang umiiyak. Wala na akong pakialam kung maging bungag pa ang itsura ko kinabukasan. Ano bang pakialam ko sa pisikal kong anyo? Kung ang panloob ko naman ay durog na durog na?
Iniiyak ko lang ang sakit na parang mababawasan ito. Pero nang mag-umaga. Wala, gano'n parin. Nandito parin 'yung sakit kahit pa yata isang timbang luha ang ilabas ng mga mata ko. The pain inside my chest did not subside. Ang bigat parin ng pakiramdam ko.
Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina na parang lantang gulay. I heard footsteps coming near me. Nakatungo ako habang nakaupo sa upuan sa kusina at nakita ko ang paa ni Lolo sa harap ko.
"Apo, kumain kana. Hindi ka naghapunan."
Naghain siya ng pagkain sa lamesa sa harap ko kahit sa totoo ay wala naman akong ganang kumain. Tumigil ulit siya sa harap ko at napabuntong hininga.
"L-Lo?" unang salita ko palang ay para na naman akong maiiyak. "M-May alam ba kayo tungkol kay Papa?" tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya nag-angat na ako ng tingin. Kita ang gulat sa mukha niya. Mapait akong ngumiti ng pilit sa kanya.
"Hindi mo na kailangang magsinungaling, Lo. A-Alam ko na ho ang lahat."
"A-Apo.."
Umiling ako at nanatiling nakangiti kahit nadudurog na naman ako. "S-Si Ishi, Lolo. Kaya pamilyar ang mukha niya sa inyo...siguro dahil kilala niyo kung sinong pamilya ang inagrabyado ni Papa." pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. "T-Takashi si Ishi, Lo."
Napatitig siya sa akin pero agad ring nag-iwas ng tingin. "Kumain kana.... masama ang nalilipasan ng gutom." pagkasabi niya no'n ay umalis na siya sa kusina.
Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi at humarap na sa pagkain. Hindi ako sanay na ganito kami ni Lolo. Oo galit din ako sa kanya pero hindi ko siya matiis.
Buong maghapon ko nalang itinuon ang atensyon ko para sa mga gawain sa school. Ginawa ko nalang iyon na libangan para kahit sandali ay maipahinga ko ang isip at nararamdaman ko.
Kinabukasan ay araw na naman ng pasok. Dere-deretso lang akong naglakad papasok at walang pakialam kung may nakatingin man sa akin sa paligid. Pumasok ako sa loob ng room namin at sa may unang pintuan ako dumaan dahil wala na akong balak maupo sa tabi nila. Such a surprised dahil napatama pa ang tingin ko sa apat sa may likuran. Nakita ko ang pagtataka sa tingin ng tatlo pero wala na akong pakialam.
Nakakita naman ako ng bakanteng upuan sa tabi ni Jodel sa padalawang row dito sa unahan kaya doon na ako nagpunta.
"May nakaupo ba dito?" I asked.
Pupungay-pungay pa siyang humarap sa akin. "Ah, wala. Si Ailyn, diba lumipat na ng school 'yon start pa ng second sem."
Tumango ako sa kanya bago naupo. Napabuntong hininga ako at napalingon ulit sa katabi ko na hindi pa inaalis ang tingin sa akin.
"Bakit?"
"Why?-'I mean, what are you doing here? D'yan ka mauupo?" tumango ako. Lumingon siya sa likuran at kunot ang noo na humarap sa akin. "Are you okay?"
"Ayos lang ako." simpleng sagot ko at nag-iwas na ng tingin. Narinig ko pa ang pagsasalita niya.
"You're not being yourself."
I know.
Minsan talaga kailangang tanggapin ang pagbabago sa bawat araw, wala namang mangyayari kung hindi mo haharapin. Oo masakit parin. Hanggang ngayon nagpapaulit-ulit parin sa isipan ko ang lahat ng sinabi niya.
Wala e, sobrang galing niya. Ginawa niya akong tanga. 'Yung mga panahong akala ko ay totoo siya sa akin, hindi parin pala.
Mabuti nalang at malapit na ang graduation. Less hasle na sa mga activities. Nang mag-lunch ay inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na sa room. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Dairo.
"Cem, may problema ba?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. What kind of question is that? Hanggang ngayon ba ay magpapanggap sila? Of course! Alam kong alam nila ang planong iyon ni Ishi, ang saktan ako. Imposibleng hindi. Ang tanga kong naniwala sa pagpapanggap nila. Sobrang tanga ko.
Naramdaman ko na naman ang pagbigat ng loob ko dahil sa kanila. Sa bahay, pati dito sa school. Saan ba pwedeng pumunta na magiging payapa ako?
Naupo ako sa may bench sa school garden. Wala na akong balak pang pumunta sa canteen hanggang graduation. Doon nagsimula ang lahat, doon din natapos. Minsan talaga ang tadhana, napakagaling maglaro.
I breathe heavily and hugged my bag. Pati si Lolo, pinagkatiwalaan ko, inasahan kong totoo sakin, pero isa rin pala siya sa nagpapaikot sakin. Una palang alam na nila kung nasaan si Papa, una palang tinatanggap niya 'yung mga binibigay ng nanay ko sa akin na usapan namin ay hindi namin tatanggapin.
And my father, hinanap ko siya. Siya 'yung gusto kong puntahan noong panahon na ipinagtabuyan na ako ni Mama, pero wala akong kaalam-alam na ito na pala siya ngayon.
Magulo na nga ang buhay ko, mas pinagulo pa ng sitwasyon.
Naglakad na akong pabalik sa room nang oras ng ulit ng klase. Natigil ako nang tawagin ako ni Aria at humarang pa siya sa harap ko.
"Cemie, p-pwede ba kitang makausap?"
"Hindi. May gagawin pa 'ko." magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso. I looked back at her and about to open my mouth to speak when my eyes went to someone standing behind her.
"Please, k-kahit saglit.." sabi niya na hindi napapansin ang lalaking nasa likod niya.
"May gagawin pa 'ko, Aria." madiing sabi ko at binawi ang braso ko sa hawak niya. Hindi nawala ang malamig na titig sa akin ni Ishi pero wala akong pakialam. Naglakad akong palayo sa kanila at pumasok na sa room.
Magsama silang lahat. Wala akong pakialam. Wala na 'kong pakialam.
Pabagsak akong naupo sa arm chair ko at isinubsob nalang ang mukha sa arm rest. Tahimik akong humikbi hanggang maramdaman ko ang kamay na lumapat sa ulo ko. It's probably Jodel? Siya ang katabi ko.
"Cemie.." boses ni Troy.
Pinigilan ko ang sarili kong humarap sa kanya. Hindi ko kailangan ng comfort ng kahit na sino.
"Cemie, what's wrong? Alam kong hindi ka okay, tell me why?"
Umayos ako ng upo at tinuyo na ang pisngi ko. I sighed deeply before looking at him. Nakaukod pala siya sa may unahan ko at nakahawak ang kamay sa aking arm rest.
"Pwede bang makiusap, Troy?"
He nodded aggressively. "Of course, kahit ano pa 'yan. Basta ikaw."
Natigilan ako sa sagot niya pero agad ring umiwas. "Pwede bang tigilan niyo na 'ko? Pagod na akong maging laruan niyo, Troy."
Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "C-Cemie? Ano bang sinasabi mo? Laruan? I never treat you as a toy, mula una palang itinuring kitang reyna..kahit, h-hindi ka akin. Kaya ang ituring kang laruan? Cemie, hindi. Ang labong gawin ko 'yon."
Reyna? Kasinungalingan. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at iniwasan ang akma niyang paghawak sa kamay ko. Itinuring ko silang kaibigan, pero ako kinaibigan lang nila para sa planong masaktan ako. Ishi, alam kong ang saya-saya mo na ngayon. Pinaghiganti niya ang mga taong mahal niya, sa paraan na masaktan ako.
"Cemie," muling tawag niya. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ang boses niya. "K-Kung alam ko lang na--"
"Reyna ang turing mo sakin, Troy? So susundin mo 'ko?" tumingin ako sa kanya. "Layuan mo 'ko. At kung pwede, tigilan niyo na 'yang pagpapanggap niyo sa harap ko, dahil kahit kailan hindi na ako maniniwala sa inyo."
"C-Cemie naman..."
"Please."
Alanganin pa siyang tumayo at bagsak ang balikat na tumalikod sa akin. Umiwas ako ng tingin bago muling nagsalita.
"Pakisabi rin sa hari niyong mga tsunggo...Magpa-fiesta pa siya kung gusto niya, kahit gold bars pa ang gamitin niyang bandaritas. Putangina niya!"
--
Lumipas ang mga araw na para akong walang buhay na pumapasok sa school. Mukhang sinunod naman ni Troy ang sinabi ko dahil hindi na siya nagtangka pang lumapit sa akin kahit sina Braille at Dairo.
Sa bahay ay hindi rin kami masyadong nag-uusap ni Lolo. Parang merong gap na nasa pagitan namin. Gabi-gabi ko nalang iniiyak ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko pang nagagawang tumayo t'wing araw habang t'wing gabi naman ay naglulugmok lang ako sa kama habang yakap ang unan na halos mabasa na dahil sa luha ko.
Dahil malapit na ang graduation ko at bakasyon na din, uuwi daw dito sa pinas si Tita Anna. I don't know if I'm going to be happy or what. Sa lahat ng nalaman ko tungkol sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, hindi ko alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan. I love Lolo and Tita Anna so much, I may hate them dahil sa ginawa nilang hindi pagsabi sa akin ng tungkol kay Papa, but my love for them will still remain.
Kahit magalit ako sa kanilang dalawa mas lamang parin ang pagmamahal ko. Pamilya ko sila e. Sila ang naging tahanan ko noong panahong sinasalanta ako ng sakit na nararamdaman ko.
"Cemie," tawag sa akin ni Lolo. Nakaupo siya sa dulo ng sofa habang ako ay nakaupo din sa may kabilang dulo. "Susunduin natin ang Tita mo sa airport. Sasama ka ba?"
Tumango lang ako. Na-miss ko rin si Tita at isa pa, ang tagal-tagal niyang nasa ibang bansa, kaya hindi ko naman pwedeng ipahalata sa kanya na may tampo ako.
Tahimik lang kami sa biyahe ni Lolo hanggang makarating sa airport. Sinalubong kaagad kami ni Tita Anna nang makita niya kami. Gusto kong umiyak, gusto kong magsumbong sa kanya. Isang yakap niya lang sa akin ay naramdaman ko agad ang pakiramdam na parang may kakampi na ako.
Please, Tita. I wan't to be selfish. Gusto kong dito kana lang, gusto kong 'wag kanang umalis dahil 'yung mga taong nasa paligid ko, sinasaktan ulit nila ako.
"I miss you, dyosa kong pamangkin!" masayang bati niya. Ngumiti ako.
Mukhang wala pa siyang alam sa nangyayari. Napatingin ako kay Lolo na simpleng nakangiti sa amin.
"Na-miss din kita, Tita."
"Tita?"
I smiled. "Tita favorite."
Natatawa niya akong niyakap. Dahil marami ang bagaheng dala niya ay umuwi na rin agad kami sa bahay. Nahuli ko pa ang madalas niyang pagtitig ng kakaiba sa akin pero ngumingiti lang ako ng pilit sa kanya. Alam kong naninibago siya sa akin, hindi ito ang Cemie na kilala niya.
Pagkarating sa bahay ay dumretso na ako sa kwarto para magbihis. Pabagsak akong nahiga sa kama pagkatapos. At naglaan ng ilang minuto sa paghiga. Hindi naman ako pagod, pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Siguro dahil hindi physically, dahil emotionally. I'm emotionally tired of everything. Hindi ko alam kung anong pahinga pa ang pwede kong gawin para mawala ang pagod sa puso ko.
I heard a loud knocks from the door of my room.
"Cemie! Lumabas kana, may ibibigay ako sayo!" si Tita Anna.
Napabuntong hininga ako bago tumayo mula sa pagkakahiga. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa salas kung nasaan sila ni Lolo. Nakakalat sa sahig ang mga kahon na pasalubong ni Tita. Napatingin silang pareho sa akin at nagagalak namang lumapit sa akin si Tita.
"Halika dito," inakay niya pa akong maupo sa sofa. May kung ano-ano agad siyang inabot sa akin. Damit? Sapatos? New cellphone? Marami. "Sa'yo lahat 'yan, pamangks. 'Yan ang cellphone mong ipinaparinig mo pa sa akin na bilhin ko para sayo. Pa-graduate ko na 'yan at pa-birthday!"
"Salamat...Tita."
Napansin ko ang unti-unting pagbabago ng ngiti niya habang nakatingin sa akin. Parang nagsikip ang dibdib ko nang mag-iwas ako ng tingin, kay Lolo pa tumama.
"A-Ah, Tay. Ito pa.." nagsimula na ulit sa pagbungkal ng pasalubong si Tita kahit halata namang nagtataka na siya sa akin.
Nang mapansin ko na wala na ang atensyon nila ni Lolo sa akin ay bumalik na ako sa kwarto. Naupo ako sa baba ng kama at umiiyak na pinagmasdan ang mga ibinigay niya.
Sa totoo naman, I don't need expensive things like these. 'Yung pagmamahal at pagiging totoo nila ang kailangan ko. Kahit 'yon lang.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top