CHAPTER 33
Chapter 33
"Lo, bakit ang daming pagkain sa kusina?" pagkarating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kusina para uminom ng tubig, at bumungad sa akin ang madaming pagkain sa lamesa, marami din ang grocery na stock, at halos mapuno rin ang laman ng ref.
Saan naman kaya galing 'to? Imposible naman na padala ni Tita ang mga 'to dahil wala naman siyang sinasabi sa akin. At ang grocery, imposibleng si Lolo ang bumili niyan. Hindi naman 'yon naggo-grocery, ako ang inuutusan niyang bumili ng kailangan dito sa bahay. So, kanino naman nanggaling ang mga ito?
"Apo, andito kana pala." napalingon ako kay Lolo na kapapasok lang sa kusina.
"Lo, kanino galing 'to?" meron akong naisip, pero hindi. Hindi kay Mama nanggaling ang lahat ng ito diba? Alam ni Lolo na magagalit ako sa kanya kapag tinanggap niya ang ibinibigay non.
"Ah, ako ang namili ng mga 'yan, Cemie. Alam kong marami kang dapat asikasuhin sa school kaya ako na ang gumawa." ngumiti siya ng maganda. "Kumain kana, kung saan-saan ka pumupunta dis oras ng gabi."
Napanguso ako. Lagot ka, hapones. Kasalanan mo 'to. Pagkatapos pa ng fireworks display niya ako inihatid dito sa bahay.
"Hindi naman ako nag-iisa, Lolo. At... nga pala Lolo, happy valentines day! Kahit late na kitang nabati." lumapit ako sa kanya at yumakap. "Thank you sa pagtayo bilang magulang ko, dabest Lolo ka talaga, all in one."
"Hindi naman kaya ng konsensya ko na pabayaan ka. Lahat ay gagawin ko mapaayos ka lang, apo. Hindi kita iiwan sa mundong ito na may hinanakit parin d'yan sa puso mo."
"Si Lolo naman kung makapag-salita, parang iiwan ako. Kaya mo bang iwan ako, Lo?" napanguso ako habang nakayakap sa kanya.
"Ayaw ko man, darating parin tayo sa puntong iyon, apo."
Hindi ko kayang iimagine 'yong puntong iyon. Hindi ko matatanggap kahit tama siya, lahat tayo ay aabot sa puntong kailangan nating iwan ang mga taong mahal natin. Kahit masakit.
Humiwalay na ako sa yakap sa kanya at nagtungo sa mesa.
"Ang daming pagkain naman nito, Lolo. Pareho kayo ni Ishi na gusto akong patabain." paglalayo ko sa usapan. Ni hindi agad nag-sink in sa akin na nabanggit ko ang pangalan ni Ishi. Pero mukhang hindi niya rin napansin iyon dahil kung napansin niya ay uusisain na naman niya ako tungkol kay hapones.
My breathe become heavy and I can feel the pain stabbing inside my chest. Hindi ko kaya ang sinasabi ni Lolo na iiwan niya ako, kahit sabihin pa niya na aabroad lang siya ay hindi ko parin kaya. Ayaw kong malayo sa taong isa sa pinaghuhugutan ko ng lakas. I know that life has limit, and his age was almost there near to limitations. Pero hindi, ayokong isipin na iiwan niya ako.
Sinamahan niya ako sa pagkain sa kusina at para maiba ang usapan ay nagkwento nalang ako sa kanya ng mga ginawa namin ni Ishi kanina. It's my first time na magkwento sa kanya about sa lalaking iyon. At hindi ko inaasahan na ngingitian niya lang ako habang nagkukwento.
"Masaya akong masaya ka, apo. Pero gusto kong kilalanin mo muna ang lalaking 'yan bago mo hayaan ang puso mong magmahal."
Natulala ako sa sinabi ni Lolo. M-Magmahal? Ah ah, masyado bang obvious? Nyeta. May kung anong kaba na naman akong naramdaman. Bakit kaya marami ang nagsasabi sa akin na kilalanin ko muna ang hapones na 'yon?
Tumango lang ako kay Lolo. Hindi ko alam kung malisyosa lang ako o talaga bang parang may trust issue si Lolo kay Ishi. Palagi niyang itinatanong sakin kung sino ang singkit na iyon, at minsan ay itinatanong niya kay Ishi kung anong apelyedo nito pero hindi niya sinagot kahit isang beses.
Dahil marami kaming gawain na school papers ay naging busy ulit kami matapos ang valentines day. Nag-research defense na kami ngayon. And I successfully made it!
"Congrats, baby." nasa unahan palang ako ay iyon na ang nabasa kong buka ng bibig niya.
Nang mag-lunch na ay hindi ko napigilan ang sarili ko. I ran to him and hugged him. Natatawa niyang sinagot ang yakap ko ng mas mahigpit na yakap.
"Kunting push nalang, makaka-graduate na tayo!"
He put his hand on my cheeks. "Yeah, at ngayon palang, proud na ako sayo." pinisil niya ang pisngi ko bago ako hinila patabi sa kanya.
Magkasama kaming kumain ng lunch sa canteen. At marami sa students ay nasa amin ang tingin. Ayoko mang pansinin pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-init kapag naririnig ko ang bulungan ng iba tungkol kay Mama, palagi nilang sinasabi na kaladkaring babae din ako, maharot sa lalaki at binibiktima ko raw ang apat na papables, lalo na si Ishi.
Karamihan sa kanila ay taga ibang section, mabuti nalang at hindi ganyan ang mga classmate ko, naging mabuti na sila sa akin, sa katunayan nga ay naging ka-close ko na ang ibang bubuyog sa room. Pero itong ibang section, hindi ko alam kung bakit pa nila nalaman ang issue ni Mama na 'yon, akala ko pa naman ay lalayuan na ako ng mga chismosa simula nang lumipat ako sa school na 'to.
"Cemie," marahang tawag sa akin ni Ishi. Napansin niya yata ang pagtahimik ko. He hold my hands and I saw how his jaw clenched. Tumingin siya sa mga estudyanteng nagbubulungan.
"Hapones, wala kang gagawin."
"No. I need to do something." maangas siyang tumayo sa upuan at mas pinasingkit ang mga mata na nakatitig sa nasa kabilang table kung nasaan ang mga nagbubulungan. "Can you just shut up your mouth? Wala na namang kwenta 'yang pinagsasabi niyo." walang ganang sabi niya sa babaeng nagsasabi ng kung ano-ano kanina tungkol sa akin.
Tumayo ang lalaking kasama ng mga babae. "Tsk, walang kwenta daw." ngumisi ang lalaki. "Palibhasa napapakinabangan mo."
Nag-init ang katawan ko sa sinabi niya. Si Ishi naman ay nakatitig sa lalaki at para bang kunting kasa nalang ay puputok na siya sa galit.
Umirap naman ang babae. "Ishigara Ken, do you really want to protect that girl? Oh my ghad! You're such a stupid jerk, sayang ka kung ang babaeng gaya niya ang papatulan mo." sabi niya na tinawanan ng iba niyang alipores.
Syempre, lahat ng salita nila, kahit hindi ko pansinin ay nakakasakit parin sa akin. Ano bang ginawa ko para makarinig ng mga ganung salita sa mga tao?
Ngumisi naman ang boyfriend niya. "Protektado ah. Ayaw na ayaw ipatikim sa iba?"
"P*tang-" hinawakan ko si Ishi ng mahigpit sa braso nang akma siyang lalapit sa lalaking iyon.
Nagulat ang lahat sa biglaang paglapit ni Miguel sa lalaki at sinalubong ito ng malakas na suntok sa panga. Hindi lang isang beses, kundi halos limang beses niya itong sinuntok ng sobrang lakas. Nagkagulo ang paligid dahil sa nangyari.
"Miguel!" boses ni Aria na ngayon ay nasa gilid namin.
Damn, sa akin na naman nagmula ang gulo. Pero naguguluhan ako, bakit nakisali si Miguel? Ano namang dahilan kaya niya sinuntok ang lalaki? Dahil ba sa sinabi niya sa akin? Pero bakit naman ganun ang naging akto niya?
Hinawakan niya sa kuwelyo ang lalaking ngayon ay parang takot na dahil kay Miguel. Kahit ang mga lalaki na kasama nila ay walang makaawat.
"Subukan mo lang ulitin 'yang mga sinabi mo, ako ang makakaharap mo. At hindi lang suntok ang aabutin mo sakin sa sunod." madiing sabi niya sa lalaki bago siya lumayo.
Napatingin siya sa akin at napansin ko ang kung anong dumaan sa mga mata niya. Awa? Galit? Hindi ko alam. Basta may kakaiba sa tingin niyang iyon sa akin. Lumabas siya ng canteen na parang walang nangyari. Ni hindi niya yata naalala si Aria.
I look at her only to see pain on her eyes, while staring at his way. Saktong napatama ang paningin niya sa akin ay iniharap naman ako ni Ishi sa kanya.
"Cemie, hindi mo dapat ako pinigilan. Ako dapat ang naprotekta sa kung ano ang akin." hindi ko alam kung anong mararamdaman sa sinabi niya. Tumingin siya sa lalaking ngayon ay tila natauhan sa suntok ni Miguel, pati ang babae ay natahimik. "Don't you ever appear in front of my face again. At simulan niyo nang patahimikin 'yang mga bunganga niyo."
Umalis na sila at kita ko pa ang pag-irap ng mga babae. Hindi ko talaga alam kung anong napapala nila sa pagkalat ng mga issue sa isang tao. Wala naman silang sinasahod doon para ipagmalaki na ganun sila. Hayst mga tao nga naman.
"Are you okay?" concerned na tanong ni Ishi. He hold my hand and squeezed it.
Tumango ako. "Sanay na naman ako sa mga ganung salita. Isa pa, pagod na akong pumatol sa mga taong gano'n." ngumiti ako ng mapait. "Gumawa ka man ng mabuti o masama, ang mga tao may masasabi at masasabi parin. Kaya ako, hinahayaan ko nalang. Kung doon sila masaya sa panghuhusga sa buhay ng iba, edi do'n sila. Basta ako, masaya sa pagpapakatotoo sa kung sino talaga ako."
Ngumiti siya sa akin na nakapagpagaan sa loob ko. Damn that smile. Lalabas na sana kami sa canteen nang mapansin si Aria sa may gilid namin, 'yon parin ang posisyon niya kanina. Pinapanood niya ba kami? She didn't even follow Miguel, talagang nanatili siya sa canteen.
Natigilan ako sa akmang paglabas. Dapat ko ba siyang pagselosin ngayon? O nagseselos na siya? May kung anong kaba na bumalot sa akin. That's the deal, pero ang hirap, hindi ko na kayang gawin ngayon. Making her jealous would make her realize that she still love Ishi, at kapag nangyari na 'yon, everything will be done over me. Mawawala na ang pag-asa ko.
Hinila na ako ni Ishi palabas sa canteen. Salamat nalang dahil ayoko na rin sa ihip ng atmosphere doon. Palagi nalang may nangyayaring gano'n dahil sa akin.
"Ah, Ishi. Bakit...gano'n ang ginawa ni Miguel? Bakit parang apektado rin siya sa mga sinabi ng mga 'yon sa akin?" kanina kase ay parang mas galit pa ang itsura niya kaysa akin.
He shrugged his shoulder and did not answer me. Hayst, ang hirap naman nitong kausap. Baka kase may alam siya kung bakit gano'n si Miguel sa akin. Naging magbestfriend sila diba? Kaya palagay ko ay may alam siya sa nangyayari.
"Ah, I-Ishi...si A-Aria--"
"Go back to our room, may kakausapin lang ako." sabi niya na parang iniiwasan ang kung ano mang sasabihin ko. Lumapit siya sa akin at hinagpos ang buhok ko. "Cemie,"
Tumango nalang ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago naglakad palayo. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin niya.
Napabuntong hininga ako at bumalik nalang sa room.
Hindi mawala sa isip ko 'yong reactions ni Aria kanina. Dahil ba sa ginawa ni Miguel kaya may sakit na nakakubli sa mga mata niya? O dahil kay Ishi? O pwedeng dahil sa kanilang dalawa? Hayst. Naguguluhan ako kay Miguel. Bakit naman niya sinapak ang lalaking 'yon at pinagbantaan pa? At isa pa sa nakakapagtaka ay ang nakita ko sa mga mata niya nang tumingin siya sa akin, awa.
Kung iisipin nga ay dapat hindi niya ginawa 'yon. Dapat nga ay nag-eenjoy pa siya habang pinapanood akong nasasaktan. Dahil sino ba ako? Ako ang isa sa maaring dahilan kapag nawasak ang relasyon nila ni Aria. Hindi dapat awa, kundi tuwa ang nakikita sa mga mata niya.
Nagpunta ako sa washroom para maghilamos. Napatitig ako sa sarili ko sa harap ng salamin.
"Nagpapakatotoo na nga lang ako, hinuhusgahan parin ako ng mga tao."
Mapait akong napangiti. Kung naririnig lang sana ni Mama ang lahat ng salitang iyon na ibinabato ng mga tao sa akin. Sana malaman niya ang nararamdaman ng inabandona niyang anak dahil sa lahat ng ginawa niya. Oo, maaring nagbago na siya ngayon, she's a married woman now, pero sana naiisip niya parin na ako itong anak niya, nagdurusa dahil sa ginawa niya noon.
Ngumiti ako sa harap ng salamin at huminga ng malalim. Lumabas ako sa washroom at natanaw ko sa dulo ng hallway si Ishi. Nakasilip sa loob ng vacant room.
Ano kayang ginagawa niya do'n? Curious akong naglakad palapit sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin at parang hindi naramdaman ang presensya ko.
"Ishi," yumakap ako sa braso niya at sumilip din sa loob ng vacant room.
Natigilan ako nang makita si Aria at Miguel. Magkausap. Hindi lang magkausap, magkasigawan! It's my first time to see Aria like that.
Medyo malayo sila sa pwesto namin kaya imposible na makita nila kami.
"Intindihin mo naman ako!"
"Paano kita iintindihin kung wala kang ibinibigay na paliwanag?!" malakas na sigaw ni Miguel. Napahilamos siya ng palad sa mukha bago humarap kay Aria. "H-Huh? Aria, kaya mo bang ipaliwanag sakin 'yung nakita ko? Girlfriend kita pero nakikipaghalikan ka sa iba! At kay Ishi pa!"
Parang biglang may kumalabog sa dibdib ko dahil sa pangalang binanggit niya. Unti-unti akong napatingin sa lalaking nasa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang biglang pagbigat ng paghinga niya.
"Ano?! P-Paano ko maiintindihan 'yon? Babe....m-make me understand." ngayon ay parang nagsusumamo si Miguel kay Aria. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.
"M-Miguel.." she cried while shooking her head.
"Kahit sabihin mo sakin na...na a-aksidente lang na nahalikan mo siya. Babe, a-akala ko ba ay ako ang mahal mo?"
"M-Miguel..."
"Sagutin mo ang tanong ko, Aria! Ako parin diba?"
Napabitaw si Miguel kay Aria nang unti-unti itong umiling. Kung nasasaktan si Miguel sa oras na 'to, gano'n din ang nararamdaman ko. I know what will happen next, at hindi ko kaya.
"M-Miguel...I-I'm sorry. T'wing nakikita ko si Cemie at Ishi, n-nasasaktan ako. T'wing magkasama sila, t'wing ginagawa niya 'yung mga bagay na sa akin niya dati ginagawa, 'yung pagprotekta niya kay Cemie....D-Dapat ako 'yon e. Dapat ako 'yon. Sinubukan ko namang hindi magpaapekto diba? A-Alam mo 'yon Miguel. S-Sinubukan kong 'wag nalang pansinin 'to dahil alam kong meron akong ikaw. But it's hard for me to forget the person I couldn't forget."
"W-What do you mean?" mahinang tanong ni Miguel.
"M-Mahal ko pa si Ishi.."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top