CHAPTER 28

Chapter 28

"Vasquez, mag-ihaw ka dito!" sigaw ni Jude. Classmate kong lalaki.

Pagkatapos naming maglibot sa gubat kasama ang mga teachers ay ito kami at may kanya-kanyang gawain. May niluluto at kami naman ay nag-iihaw. Tinulungan ko na si Jude sa pag-iihaw ng barbeque at tilapia.

Akalain mo 'yon, in-expect ko na walang alam ang mga ito sa ganitong gawain pero lahat ay alam nila! Akala ko basta mayaman hindi na marunong sa mga pagluluto, kumbaga buhay prinsipe at prinsesa sila dahil may mga kasambahay naman.

Sa kanila ko lang tuloy na-realize na hindi porke't mayaman ay asa nalang. Mas magaling pa nga silang magluto kaysa sakin eh. Pati ang mga bubuyog, ang aarte pero nagluluto din. Ang saya tuloy ng bonding ng section namin.

"My ghad Braille Kyle! You're so fucking irritating!" ayan na at nagkakaingay na ang bubuyog na nagngangalang Mia. "Ilayo mo 'yan sakin! Ew!" panay ang tili niya dahil sa inilalapit ni Braille na uod na nasa dahon.

Natawa ang ilan sa amin dahil sa pinaggagagawa nila. Sumakbit pa si Mia sa braso ni Troy na naiilang na.

"Ang arte mo, Mia. Sa huling hantungan mo naman ito rin ang makakasama mo. Kaya dapat close na kayo ngayon palang"

"Shut up!"

Namumulang bumalik sa pagluluto si Mia at panay nalang ang irap. Si Braille naman ay ngingisi-ngisi pang nakamasid sa babae. Paano ba namang magkakashota 'yan, ultimo ngang uod ay nilalaruan pa niya. Tss, isip bata. Nasobrahan ata sa vitamins palibhasa mayaman, ayan tuloy. Over dose.

Kung sino man ang makakatuluyan niya, sure ako. Hindi siya nakapagdesisyon ng maayos. Chos.

"Bulok ng galawan ni Romero." nakangisi habang iiling-iling na sabi ni Jude. Nasa tabi ko siya dahil magkatulong kami sa pag-iihaw.

"What do you mean, galawan? Wait, nililigawan niya ba si Mia?"

"I don't know but, I think?"

"Owemji--"

"Tahimik! You know how bitch that girl is, baka marinig ka at tarayan pa." sabi niya habang nagpapaypay ng baga ng ihawan. "Hindi niya kayang i-admit na gusto niya ang babae, pero as we see, palaging sila ang magkaasaran."

Napangisi ako sa sinabi niya. Well, napansin ko rin 'yon pero minsan lang. Hindi ko akalain na torpe pala itong si Braille. Akala ko ba ay siya ang pinaka-babaero sa kanilang apat? Ano 'yon? Torpe siya sa totoo niyang nagugustuhan? Aw, sana all naman.

Napatingin ako kay Troy na busy na rin sa pagtutusok ng marshmallow at hotdog sa stick.

"Eh si Troy? How about him?" sinamantala ko na ang pagkakataon na kausap si Jude habang nag-iihaw kami. Hindi rin naman makausap ng matino ang apat na papables kapag usapang pag-ibig e. Edi itong si Jude nalang, tutal mukhang kilalang kilala naman niya ang apat.

"Tino naman 'yan. Madalas lang mapagkamalan na babaero dahil pinapatulan niya ang mga babaeng humaharot sa kanya. But if he likes a girl, lahat talaga ginagawa niyan. Mukhang... ngayon ko lang ulit napansin ang pagseryoso niya e."

"Bakit? May nagugustuhan siyang babae ngayon?"

Napatingin siya sa akin na medyo awang ang gilid ng labi. "Wala ka bang nahahalata?"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ah, wala naman akong kilala o nakikitang babae na nilalapitan niya e. Kaya wala akong nahahalata."

Bigla siyang ngumisi. "Manhid."

"Ano?"

"Sabi ko ang gwapo ko. Bagay tayo."

Hinampas ko siya sa braso na tinawanan niya pa.

Nang matapos kami sa pagluluto ay naghain na kami sa table na nasa may labas. Magdidilim na rin at medyo malamig pa dito sa location namin. Damn, kung mag-isa ako sa gubat na ito, baka namatay na ako sa takot. Malinis naman ang paligid pero ang daming puno at marami akong alam na kwentong bayan na kababalaghan at sa mga ganitong mapunong gubat iyon nangyayari. My ghad!

Magkakasama kaming kumain at ang ibang section ay may kanya-kanya ring pagkain na niluto nila. Nang matapos ay nag bonfire kami. Lahat ng students ay nakapaikot sa bonfire.

Nakita ko pa ang pagsunod ni Miguel kay Aria. Darn, feeling ko may problema ang dalawa. At ewan ko, pero parang hindi okay sa akin ang nangyayari. Siguro para kay Ishi, ayos ang lahat.

Naupo ako sa tabi ni Laysie, sa kanang side ko naman si Dairo at sunod sa kanya si Troy. Sisingit pa sana si Ishi sa gitna namin ni Dairo pero itinulak siya ng mga classmate namin na boys patabi kay Troy. Halatang asar ang mukha niya dahil sa ginawa ng mga boys at pinagtawanan pa siya. Poor, Takashi.

"Cemie," rinig kong tawag niya kaya napangisi ako.

Ngumiti lang ako sa kanya habang siya ay seryoso ang tingin sa akin. Of course, that's Takashi. Dahil marami kaming students na nakapalibot sa bonfire ay nakaisip ng games ang isa naming teacher.

"Ito, because all of you are grade 12 students, graduating na kayo kaya para sa inyo ito. Put your finger down ang game natin." sabi ni Ma'am palibhasa nasa mid's 30 lang siya kaya sabay pa ang vibes niya sa aming mga teenagers.

Pinataas niya ang dalawa naming kamay kaya iyon ang ginawa namin.

"Put your finger down kung nawalan kana ng ballpen sa school."

Lahat ay nagbaba ng daliri. Well, lahat naman talaga ng students kahit teacher ay nawawalan ng ballpen sa school. Siguro butiki ang salarin do'n.

"Put your finger down kung nagka-crush kana sa kaklase mo."

Maraming nagbaba. At, isa na ako do'n. I felt little bit nervous as I looked at Ishi. He slowly put down his finger while staring deeply at me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. He told me na classmate niya si Aria noong junior high, siguro ay iyon ang dahilan kaya nagbaba siya ng daliri.

Hayst. Anong klaseng laro ba itong pinasok ko, sana nag jack-en-poy nalang ako.

Nagbaba rin ng daliri si Braille at Troy. Si Dairo lang ang hindi. I just sighed at my thoughts.

Tinapos parin namin ang laro kahit medyo awkward na para sakin ang mga sinasabi ni Ma'am. Sumunod naman ay nagkantahan pa sila. Dahil gabi na rin ay bumalik na ang iba sa kani-kanilang tent.

"Cemie,"

Hindi pa ako nakakatayo mula sa pagkakaupo sa damuhan ay tinawag na agad ako ni Ishi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para hilahin akong patayo.

"Are you okay? Bakit parang ang tamlay mo?"

"Hindi. Ayos lang. Masyado lang malamig dito sa labas." malamig talaga kaya matamlay ang itsura ko, pero ang tamlay ng panloob ko, mukhang siya ang dahilan. "Gabi na! Punta na tayo sa tent natin, hapones."

"Are you sure you're okay?"

Tumango nalang ako at hinila na siya papunta sa mga tent namin. Pagkapasok ko palang sa tent ko ay hindi na naman nawala sa isip ko ang lahat-lahat. How the deal started, and how it go as times goes by. Gusto ko lang makita si Papa dahil ang daming tanong sa isip ko na kailangan niyang sagutin, I accepted that deal because of his condition. And I promised, nangako ako sa sarili ko nung una palang na hindi dapat ako magpaapekto, o makaramdam ng kahit ano kay Ishigara pero ano parin itong kinahinatnan ngayon?

I sighed and hugged the throw pillow he gave me. Sana nga ikaw nalang 'to, malaya kong nayayakap. Napabuntong hininga ulit ako at marahang napapikit.

May nagpop-up ulit na text message sa phone ko at nang tignan ko ay si Ishi.

Hapones:

Can't sleep?

Nagtaka ako sa text niya. Bakit niya naman nalaman na hindi ako makatulog?

Me:

yeah. Feeling ko, may white lady dito sa location natin.

Iyon nalang ang reply ko sa text niya. Bilib talaga ako sa sarili ko dahil nagagawa ko pang magbiro kahit ang dami ko ng iniisip. Darn, extraordinary na ba ako nito?

Dahil maliwanag ang buwan ay may naaaninag akong anino sa labas ng tent. Darn, kanina mga dahon lang ng puno tapos ngayon tao na!

Magtatalukbong na sana ako ng kumot nang biglang nagtext ulit si Ishi.

Hapones:

I'm here, outside your tent.

Napahinga ako ng malalim. My gosh! Akala ko ay may kapre na sa labas! Jusko! Hapones lang naman pala na may lahing tsunggo.

Binaba ko ang zipper ng tent at nakangiting hapones ang bumungad sa akin. He offered his hand. Nakangiti kong ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakalahad sa akin.

"Saan tayo pupunta? Gabi na. Baka makita tayo ng mga teachers."

"Dito lang sa labas. Tulog na silang lahat, no worries, baby."

Ngumiti siya sa akin bago ako hinila palabas ng tent. Pagkalabas ko palang ay ipinatong na niya agad ang isang bandana sa balikat ko. Napalinga ako sa mga tent na malapit sa amin. Mukhang karamihan sa kanila ay mga tulog na.

Akala ko ay hihilahin niya ako sa mapunong lugar pero thanks God dahil sa bonfire niya ako dinala. Takot ako sa mapunong lugar kapag ganitong gabi. Baka mamaya maengkanto pa ako. Naku, malalagot na naman ako kay Lolo, at siguradong paghahahampasin pa ako no'n ng dahon na may kasamang ritwal.

Naupo kami sa kahoy na inupuan ng ibang students kanina. Nilagyan niya pa ng ilang sanga ang bonfire para daw mas lumakas ang apoy at hindi na ako lamigin. Is he really that concerned? Hindi ko na maintindihan ang inaakto mo, hapones.

Nakangiti siyang naupo sa tabi ko. "Do you believe that shooting star can make your wish come true?" tanong niya.

Pareho kaming tumingin sa kalangitan. Sobrang liwanag ng buwan, at ang daming stars na nakapalibot dito.

"Hindi. Dahil kung may wish ka, ikaw rin naman ang gagawa ng paraan para matupad 'yon. Katulad ko, araw-araw akong humihiling na sana someday makapagtapos ako ng pag-aaral at matupad ko 'yung pangarap kong propesyon, para maging masaya si Lolo at ang Tita ko para sakin. 'Yon ang wish ko na ginagawan ko ng paraan para matupad. Para sakin walang kinalaman ang shooting star sa pagtupad ng wish." ngumiti ako sa kanya. "Bakit mo natanong? Naniniwala ka ba sa shooting star wishes?"

He shrugged his shoulder and slightly smiled at me. "When I was a kid, 'yon palagi ang ginagawa ko. Palagi akong nagwi-wish sa shooting star na dumadaan sa langit. But as times goes by, nawala na rin ang paniniwala kong may hiling na tinutupad ang shooting stars, dahil wala namang nangyayari. Pero gusto ko pa ring umasa, na kahit isang hiling ko ay matupad.."

"Ano bang wish mo?"

He tilted his head to look at me, then he looked up and stare on the night sky, nag-antay pa siya ng shooting star na mabilis na dumaan sa langit.

"Sana patawarin ako ng babaeng mahal ko."

His eyes were closed. I just looked away as I feel my heart ache, probably because of his wish. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Ngumiti ako habang nakatitig sa bonfire. "H-Hindi naman masamang umasa. Malay mo, bukas makalawa, ayos na ang lahat."

"Cemie.." marahang tawag niya.

Napatungo ako sa kamay niyang ipinatong sa kamay kong nasa aking hita. Ang isa niyang kamay ay nagtungo sa aking pisngi. He squinted his eyes on me. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagsisikip ng dibdib ko, para akong kakapusin ng hinga.

His eyes went down on my lips that made my heart beat more violently. Parang nagwawalang lion sa kuweba ang puso ko. Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko nang bigla niyang lapatan ng halik ang labi ko.

"I wish you're just an ordinary girl."

Halos ramdam ko ang paghinga niya dahil nanatiling malapit ang mukha niya sa akin.

"I-Ishi, anong ibig mong sabihin?-"

Instead of answering my question, he stopped me from claiming my lips again. My eyes widened as his kisses become deeper and possessive! Ito ang unang beses na hinalikan niya ako ng ganito. Mapang-angkin.

His right hand went on my nape and left hand on my back, pulling me more closer to him. Napahawak ang kamay ko sa braso niya at hindi ko magawang tugunan ang mga halik niya!

Nang huminto ang paggalaw ng labi niya sa akin ay hindi parin niya inilayo ang mukha niya.

"I-Ishi..." para akong naubusan ng salita at tanging pangalan lang niya ang kayang banggitin. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako sa lahat, hapones. Bakit mo ba ginagawa sakin 'to? Bakit ganito ang pinaparamdam niya sakin?

"I love you.." halos paos na sabi niya.

Hindi pa ako nakaka-react ay bigla na naman niya akong hinalikan. More deeper, more...lovingly. Tama pa ba ito? What did he say? Anong ibig niyang sabihin? Ito na ba 'yung validation na hinihintay ko?

Unti-unting lumakad ang kamay ko patungo sa batok niya. I pulled him more closer to me, before I answered his kisses. Kagaya ng nag-aalab na apoy sa harap namin, mas ramdam ko ang pag-alab ng nararamdaman ko dahil sa halik niya.

Magiging kasing sakit yata ng saksak ng kutsilyo ang mararamdaman ko kapag may nakita akong ibang humahalik sa labing ito. It may sounds possessive but I damn want to be selfish when it comes to him.

"I-I love you too, I-Ishi." I said in between of his kisses.

Wala na, wala na talaga. I can't forbid my heart to fell in love anymore.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top