CHAPTER 27
Chapter 27
Hayst. Ilang months nalang at graduation na. Nakaka-excite na ewan. Syempre, ibang stage level ulit ang aming kakaharapin. Malaking pagbabago. Shit, bakit kase hanggang ngayon may pagka-isip bata parin ako. Kaya ko pa ngang sabayan ang vibes ng mga grade school e.
"Gusto ko ngang mag-criminology e, kaso mukhang sa kriminal lang ako papasa." natatawang sabi ni Braille.
"Buti alam mo." pakiki-singit ko.
Andito kami ngayon sa room at about college courses ang topic. Ewan ko sa mga ito, wala naman silang sinasabing matino kanina pa.
"Ang bad mo talaga, Cemie. Ikaw ba?"
"Ako? I want to be a doctor."
"Tss, maging pasyente kana lang." natatawang sabi ni Braille.
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. "Thanks for raising my confidence."
"Sige nga, Cem. If you will be a doctor someday, who do you want be your first patient?" may pa question portion pa si Dairo.
"Ah, syempre itong si Takashi. Siraulo kase 'yan--" biglang tinakpan ni Ishi ang bibig ko.
Anubayan! Dapat hindi nalang ako nakipagbati dito eh.
"You're talking nonsense again." ngumisi siya bago alisin ang kamay sa bibig ko.
"Chos lang, journalist or Lawyer ako."
Ngumiti lang silang apat sa akin.
"Future Journalist Cessiana Marie Vasquez Takashi."
Napakurap ako sa sinabi ni Ishi. Watdapak. Tangina, bakit ang sarap sa tenga maging future niya-'este future Journalist. Oh my ghad, Cemie.
"Buti nalang may bebe ako HAHAHA kawawa 'tong dalawa." si Dairo.
Binatukan siya ni Troy. "Tss, 'wag kang pakampanti, Hermosa. Matatauhan pa si Zavi."
"Yeah, at kapag nangyari 'yon. Ako ang unang magku-congratulate sayo." tinawanan pa ni Braille si Dairo. Tropang tropa talaga ang dalawang loko sa kalokohan. Tss.
"Washroom boy," si Troy. Hanggang ngayon ba ay hindi parin nawawala ang kwentong kuno na 'yon.
Ngumisi naman si Braille. "Strict kase ang parents namin eh. Pag-aaral muna bago ang pag-ibig." nag-apir pa sila ni Troy.
Akala mo naman talagang kapani-paniwala ang sinabi niya. Tss, balita ko nga ay siya pa ang pinaka-babaero sa kanilang apat. Husay mo naman, Braille Kyle. You're the great.
Nakangising napailing si Ishi bago umakbay sa akin. "Bahala na kayo mga dude, basta ako may hotdog girl." sabi niya sabay kindat sa akin.
"Gags, anong hotdog girl?! Ihawin ko 'yang hotdog mo sa baba eh!"
Nagtawanan ang tatlo sa sinabi ko habang si Ishi ay namumula na ang tenga at pamatay ang titig sa akin.
"Shit, ang creepy no'n, Cem." si Dairo.
"Poor Takashi, may your hotdog rest in peace." si Troy.
"My ghad! Samahan mo na ng itlog para full meal." si Braille.
Para kaming full force sa pang-iinis kay Ishi. His face turns red. Natatawa akong yumakap sa braso niya dahil napakatalim ng titig niya sa akin.
"Tss, after making me annoyed you're being sweet again." napangisi nalang ako sa sinabi niya.
Palagi siyang naiinis pero hindi rin makatagal. Hinila niya akong palapit sa kanya at isinandal ang ulo ko sa kaniyang balikat. Wew.
Nagkaroon lang ng ilang oras na klase dahil nang maghapon ay mayroong announcement about sa school camping na magaganap next week.
Kaya pagkauwi palang ay nagpaalam ako kay Lolo about do'n dahil sayang ang extra points sa grades tho hindi ko naman gustong umasa sa mga points na ganun para sa grades ko. Pero sayang rin dahil walang babayaran at isa pa ito na ang last experience namin sa ganun ngayong senior high.
"Ilang araw ba 'yan, apo? Baka mapahamak ka lang do'n."
"Ah, five days daw Lolo. Pero don't worry, hindi ako magpapabaya, promise!"
"Paano mo nasasabi? Nasa paligid lang palagi ang panganib, baka mamaya ay lalapitan kana, hindi mo pa nakikita."
"Ano bang itsura ng panganib Lolo, para mahanap ko at ma-knocked out agad."
Dahil malapit lang ako sa kanya ay hindi na ako nakailag sa ibinato niyang dyaryo. Natamaan tuloy ako sa braso.
"Ikaw na bata ka." seryoso ang mukha niya kaya napanguso ako. "Malayo ang pupuntahan niyo."
Lumapit ako sa kanya na nakanguso parin. "Hindi mo ba ako papayagan, Lo?"
Tumikhim siya bago tumingin sa akin. "Sige na. 'Wag ko lang mabalitaan na may nangyaring masama sayo do'n, talagang ipapa-demolished ko 'yang school niyo."
Aba, wow naman si Lolo. Palibhasa action star ang peg. Lahat hahamakin, para sayo. Aw. Linyahang FPJ 'yan.
Yumakap ako sa kanya. "Ambait talaga ni Lolo pogi ko!"
--
At dumating na nga ang araw ng school camping. Habang sakay sa bus ay hindi ko maiwasang mailang sa tingin ni Miguel. Yeah, we're both on the same bus again. Simula nang makasakay ako ay ang talim ng titig niya sa akin lalo na 'nung makaupo ako sa tabi ni Ishi. And I don't know what's going on between him and Aria. Katabi niya ang babae pero para silang walang pakialam sa isa't isa. Si Aria ay tahimik na nasa may bintana ang tingin habang si Miguel ay panay ang matalim na titig sa akin.
Si Ishi ay tahimik din na nasa bintana ang tingin at may salpak din siyang headset sa tenga. Siya kase ang nasa tabi ng bintana ngayon dahil nauna siyang sumakay sa akin.
Bakit kaya ganun 'no? Feeling ko mas nagseselos samin si Miguel kesa kay Aria. Hayst. Masyado na naman akong nag-ooverthink.
Napalingon ako kay Ishi nang bigla niyang isinalpak sa isa kong tenga ang headset niya. Ang ganda ng kantang naka-play. 90's love songs. Bet ko pa naman ang ganitong music kapag nasa biyahe.
Ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang balikat bago niya ipinilig ang kaniyang ulo sa akin.
"Sleep."
Ngumiti ako bago hinayaan ang sariling makatulog habang nakikinig ng kanta. Nang magkaingay na ang nasa paligid namin ay saka lang kami nagising. We're here! My ghad, gubat. Pero ang ganda ng paligid at ang sariwa ng hangin.
Nagpunta kami sa kanya-kaniyang pwesto na sinabi ng mga teachers. Syempre magkakasama ang section namin pero magkakahiwalay ng tent ang girls at boys. Mabuti nalang at solo ako dahil baka kung ano-ano pa ang marinig ko kapag may kasama akong bubuyog sa tent.
"Cemie, tutulungan na kita d'yan." lumapit sa akin si Troy para tulungan ako sa paggawa ng tent. Pero mayamaya lang ay lumapit din si Ishi.
"Ako na. You can go back to your own tent, Quintos."
Inagaw niya sa amin ang tent at siya nga ang nagkabit. Nagkatinginan kami ni Troy at parehong nagkibit-balikat nalang. Bumalik na siya sa pwesto nilang mga boys at hinayaan si Ishi. Napabuntong hininga ako bago siya tinulungan sa pag-aayos.
"How about yours? Ayos na 'yan, ako na ang magtutuloy."
"Nah. Just sit there, baka mapagod ka pa."
"Hindi naman ako mapapagod basta kasama ka."
Bigla siyang ngumisi. "What a word."
Ayon tuloy nakangiti siya habang inaayos ang tent ko at nang matapos na ay siya rin ang naglagay ng mga gamit ko sa loob.
"Go inside and take a rest, baby." sabi niya.
"Katutulog ko lang sa biyahe. Masyado mo naman akong pinapasobra sa tulog. Gusto mo bang tumaba ako katutulog?" nakangusong tanong ko. Ang haba kaya ng itinulog namin sa biyahe.
"Mas bagay sayo ang mataba," hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.
Nang pumunta na siya sa pwesto niya ay sumunod ako. Tinulungan ko siya sa paggawa ng tent niya. Magkakatabi silang apat at medyo malayo ang pwesto nila sa aming mga girls. Ang section nina Aria ay medyo malapit sa amin kaya kitang kita ang mga ginagawa namin.
Hanggang ngayon ay nagtataka ako sa dalawa ni Aria at Miguel. Parang may LQ pa ang dalawa. At palaging matalim ang titig ni Miguel sa amin ni Ishi lalo na sakin kaya naiwas nalang ako ng tingin.
Nang matapos ang paggawa ng tent ay may inihagis na throw pillow si Ishi sa akin na emoji ang design. Ang cute naman.
"Akin nalang 'to?" nakangiting tanong ko.
"Yeah. Isipin mo nalang na ako 'yan habang yakap mo." ngisi pa niya.
"Ogags."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top