CHAPTER 26
Chapter 26
Nang maka-order ako ng pagkain ay pumunta na ako sa table kung saan malimit kaming pumupwesto ni Ishi.
Nakalimutan ko pa ang tubig kaya bumalik ulit ako sa line para bumili ng bottled water.
"Salamat, ate!" todo ngiti pa ako sa tindera na palangiti rin.
Tumalikod na ako sa kanya at pabalik palang sa table ko nang biglang may sumanggi sa akin dahilan kaya napatumba ako sa isang table na may kumakain pa.
"Ohhhh"
Napuno ng singhapan ang paligid ng canteen. Napuno ng dumi ang uniform ko dahil sa mga pagkain na nasa table na binagsakan ko. Dahan-dahan akong napalingon sa kung sino ang sumanggi sa akin.
"Ano bang--"
"I'm sorry, I didn't meant it. I'm sorry." paulit-ulit na sabi ni Aria. Siya ang sumanggi sa akin! At natapon rin ang nasa tray niyang pagkain sa may likuran ko. Damn.
"Cemie!"
Lahat ay napalingon sa sumigaw na iyon. Nakita ko ang pagmamadali ni Ishi na lumapit sa akin. Hindi maipinta ang reaksyon ng mukha niya sa mga students na nakaharang sa daan.
Napasinghap muli ang lahat nang sanggiin niya si Aria na dahilan kaya pabagsak itong napaupo sa katabing upuan. Nagulat din ako sa ginawa niyang hindi ko inaasahan.
"Ayos ka lang? May masakit ba sayo?"
Umiling ako sa kanya kahit medyo masakit ang katawan ko sa pagkakatumba.
Hinawakan niya ako sa pisngi bago ako tinulungang umayos ng tayo. He scanned my whole body. Concerned na concerned ang pagtingin niya sa akin at nang lumingon siya kay Aria na tila nagugulat sa nangyayari ay para siyang isang tigreng handa ng lapain ang pagkain niya.
"I-I'm sorry..." parang maiiyak ng sambit ni Aria. Hindi siya dapat magsorry. Damn, parang bigla akong nabalot ng konsensya. I know, she didn't meant what happened. At mali ang ginawa ni Ishi.
Dahil nakaharang sa una ko si Ishi ay pumunta ako sa harap niya para lumapit kay Aria.
"A-Alam kong hindi mo naman sinasadya, sorry sa ginawa ni Ish--"
"Cemie." inis na tawag ni Ishi sakin bago ako hatakin papunta sa likuran niya.
I saw how his jaw clenched, sign na naiinis na talaga siya. Hinarap niya si Aria at inis itong pinakatitigan.
"Stop crying infront of me, Aria."
"Ishi, h-hindi ko sinasadyang masanggi--"
"Tumigil ka." inis na sabi niya bago ako hinawakan sa kamay at hilahin palabas sa canteen.
Hinila niya ako papasok sa washroom.
"Bitawan mo nga ako!"
Inis siyang napangisi bago humarap sa akin.
"Ano bang problema? Ikaw na nga ang pinagtanggol do'n, ako pa ang mali?"
"Pinagtanggol mo ako na hindi mo alam ang nangyayari!"
"Hindi alam? Hindi pa ba sapat na makita kang ganyan para hindi malaman ang nangyari?" he chuckled. "Cemie-"
"Tumigil ka nga, Ishi!" naiinis na ako sa kanya. "Nagsorry na nga ang tao at hindi naman niya sinadya. Kung ano-ano pang sinasabi mo!"
"Hindi sinadya." he tsked. "At naniwala ka naman-"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Sinabi ng tumigil kana!" inis na sambit ko. "Hindi ko gusto iyong ginawa mo ha, pati ang ugali mong 'yan!"
Hindi ko akalaing dahil lang sa simpleng pagkakasanggi sa akin ay magtatalo pa kami. Ngayon lang ito nangyari.
"D-Do you have extra uniform?" tanong niya habang nakatingin sa madumi kong uniform.
Umiling ako. "Lumabas kana, maglilinis na ako!"
Nag-aalangan pa siyang lumabas pero sinamaan ko na siya ng tingin. Naiinis din ako sa kanya dahil sa ginawa niya kanina. Hayst. Akala ko ba ay pagseselosin lang si Aria? Pero bakit ganun ang reaksyon na ipinakita niya?
Darn, kung ako si Aria hindi na selos ang mararamdaman ko kundi galit sa kanya. Syempre ang daming nakakakita sa kanya tapos pinahiya pa siya. Tss, nainis din ako sa pagkakasanggi niya sakin pero ayos lang dahil humingi naman siya ng tawad at halata naman sa kanya na hindi niya talaga sinasadya.
Binasa ko ang panyo ko at ipinahid sa uniform ko para mawala ang mga pagkain na tumapon sa akin. Pero hindi maalis dahil spaghetti sauce 'to. Pati ang skirt ko ay nagkameron din. Darn.
Natigil ako sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay isang paper bag na hawak ni Ishi ang bumungad sa akin.
"Ano 'yan?"
"Uniform. Ibinigay sakin ni Laysie. Magpalit kana." sabi niya at siya mismo ang nagsara ng pinto.
Napalobo ako ng pisngi bago nagpalit ng uniform. Hindi ko alam kung nasa labas pa siya kaya nag-aalangan akong lumabas. Naiinis parin ako sa kanya at gusto ko siyang i-high kick!
Lumabas ako ng washroom at nakita ko siyang nakasandal sa pader na tila inaantay ako. I looked away and just ignored him. Pumasok ako sa room at ramdam ko naman ang pagsunod niya at pag-upo sa tabi ko.
Nangalumbaba ako sa arm rest ko at nakaharap kay Troy. Nakangisi ang mga papables sa akin.
"Cem, nabalitaan ko ang nangyari sa canteen ah, ginawa mo? At...nyare sa mukha mo?" si Dairo.
"Tss, aksidente lang naman." simpleng sagot ko.
"Okay ka lang? Balita ko natumba daw ang hotdog girl namin ah." ngisi ni Troy. Yawa, saan ba nila nakukuha ang itinatawag nila sakin?
"Oks lang. Hindi naman mawawala ng basta ang kagandahan ko dahil lang sa isang tumba."
Natatawang pinisil ni Troy ang ilong ko.
Tumahimik nalang ako dahil nawala na rin ako sa hulog. Hayst.
--
"What's with you and Takashi, huh?" mataray na tanong ni Dairo na nakaupo sa kaliwang side ko.
Andito kami sa may garden at nakaupo sa bench. Sa kanang side ko naman ay nakaupo si Troy. Si Ishi ay hindi ko alam kung nasaan.
Natatawa nalang ako habang iniisip ang ilang araw na hindi ko siya pinapansin. Wew, Cemie ang galing nakaya mo! Pero 'yung deal namin na pagselosin si Aria? Damn, pansamantala po itong nahinto dahil may solo drama pang inaatupag si Cessiana the great na favorite artist of the year.
Mataray din akong humarap kay Dairo. "There's nothing between Uranium and Sulfur."
Tumawa siya. "W-What? You forgot to take your meds, dude."
"Warevah! Kunzami karemakati paregidsa korekorekok." umirap ulit ako bago ipinatong ang ulo ko sa balikat niya. Niyakap ko pa siya at mabilis naman siyang nagkumawala.
"Cemie! Tumigil ka nga, baka makita ka ng bebe ko!"
"Sinong bebe? 'Yung maganda na mukhang kasing inosente ko?" ngumisi ako at mas yumakap sa kanya. Nang silipin ko ang mukha niya ay mukha siyang naiilang.
"Troy, halikan mo 'to sa cheeks. Para tigilan ako. Ew! Lumayo ka, masamang ispiritu!" panay ang pagtulak niya sa akin. Arte nito, yakap kaibigan lang naman. Madamot.
Hindi parin ako naalis sa yakap sa kanya nang maramdaman ang kamay ni Troy na unti-unti ng naangat sa mukha ko. Damn, pilit niyang inihaharap ang mukha ko sa kanya para halikan ako sa pisngi! Bibiktimahin niya pa ako ng pagiging cheeks kisser niya.
Itinago ko ang aking mukha sa may likuran ni Dairo. "Ew! Halikan na ako ng aso 'wag lang ikaw Troy!" anas ko at rinig ko ang tawa ng dalawang loko.
"Talaga ba? Aw aw!" sabi ni Troy sabay tawa ulit.
Dahil dalawa na sila ay nagawa akong iharap ni Dairo kay Troy. Damn! Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at ang mga hita naman niya ay ipinatong sa hita ko para hindi ako makapagwala. Hinawakan ni Troy ang panga ko at nakangisi akong iniharap sa kanya.
"Kung sino ka mang masamang ispiritu ang sumasapi sa hotdog na ito. Please lang, layuan mo na siya sapagkat siya ay nakakasagabal na!" walanghiya na sabi ni Dairo.
Si Troy naman ay hawak ang panga ko habang nakapikit at panay ang ihip niya sa mukha ko! Like damn! Ano 'to albularyo?
"Tumigil nga kayo! Damn! You both are so irritating, my sexy body is nababanas na. Magtigil kayo!" panay ang kawala ko sa pagkakahawak sakin ni Dairo.
"Nagiging bayolente na siya! Troy, kailangan mo ng gamitin ang kissing spell mo."
"Ew! Subukan mo Troy! headbatin ko 'yang ulo mo sa baba!"
Nagmulat na siya ng mga mata at ngumisi sa akin. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako sa pisngi!
"Ew! Troy Anilov! Gago ka!" panay ang pahid ko sa pisngi nang pakawalan na ako ni Dairo. Tatawa-tawa pa silang dalawa.
"Arte mo, pasalamat ka nga at ako ang nagkusang humalik sayo. Ang iba ay nagkakandarapa pa para magpahalik sa akin tapos ikaw? May pa ew ka pa."
"Pwes 'wag mo akong isama sa collection of girls mo Troy! Nyeta ka, idadamay mo pa ang inosenteng babae."
Ngumisi lang siya sa akin. Napairap ako at tumingin kay Dairo.
"Where's Braille?" kanina ko pang napansin na wala ang isang 'yon. Naku, mabuti nalang dahil kung andito 'yon ay isa pang nakakaloko 'yon.
"Baka kasama ni Ishi." ngumisi ulit siya sa akin. "Wag mong itatanong sakin kung nasaan si Ishi. You ignored him, baka naiwas na rin sayo."
Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa sinabi ni Dairo. Biro lang iyon sa kanya pero may dating sa akin. Parang may kumirot sa puso ko, dahil ilang araw ko na rin siyang hindi nakakausap. Darn, Cemie. Kinaya mo ba talaga? Bakit parang nagu-guilty kana sa kadramahan mo?
Tumayo na ako at umirap sa kanilang dalawa.
"Bahala nga kayo d'yan! Mga bugok!"
"Anong sabi mo?"
Mabilis akong nagtatakbo nang akmang tatayo ang dalawa para habulin ako.
Nagpunta ako sa room namin pero wala ang dalawa. Nasaan ba ang mga 'yon? Si Braille, malimit tambay sa gym pero ngayon ay wala doon. Pumunta ako sa musical room at doon ko natagpuan ang dalawa. Pareho silang may hawak na guitar at panay lang ang strum. Ni pareho silang nakatulala na parang nag-eemote.
Nakasilip lang ako sa may pintuan. Sakto namang napatama ang tingin ni Braille sa akin. Bigla siyang tumayo at inilapag na ang hawak na gitara sa isang tabi.
Tinapik niya ang balikat ni Ishi. "Sige, dude. Una na 'ko."
Nakatalikod si Ishi sa gawi ko. Hindi man lang siya gumalaw hanggang nakalabas na si Braille. He pinched my cheeks.
"Hi, hotdog girl. Huwag mo ng aawayin ang tropa namin ha?"
"Nye! Lumayas ka!" umirap ako sa kanya at nagbelat.
Nang makalayo siya ay saka lang ako nagbalik ng tingin kay Ishi. Parang ang lalim ng problema niya kung makatulala.
Dahan-dahan akong naglakad palapit. Pumunta ako sa harap niya para makita niya ako pero wala paring reaksyon ang mukha niya.
"Ishi," I called him in terrified way.
Napanguso ako at naupo nalang sa upuang nasa harap niya.
"S-sorry..." napabuntong hininga ako.
"Bakit ka nagso-sorry?" he sighed. Binaba niya ng gitarang hawak niya. "Ako dapat ang magsorry. H-Hindi ko sinasadya iyong mga nasabi ko. Nabigla lang ako." hindi siya makatingin ng deretso sa akin. "Ayaw ko lang na ginaganun ka, kaya...hindi ko napigilan ang sarili ko."
Nagpigil ako ng ngiti sa sinabi niya. "Naintindihan ko. Pero sa sunod, 'wag mo nalang sanang pansinin lalo pa at okay lang naman. Walang kasalanan si...A-Aria, aksidente lang ang nangyari." tumikhim ako. "At isa pa...pagseselosin si Aria ang usapan."
Unti-unti siyang napatingin sa akin, sa paraang parang hindi niya gusto ang sinabi ko.
"Bakit? Pinapaalala ko lang ang usapan, Ishi."
He nod.
Napatitig tuloy ako sa kanya. "Okay ka lang?"
"Yeah." sagot niya at tumikhim. "Paano mo nga pala nakayang ilang araw akong hindi pansinin?"
Unti-unti ay napangisi ako. "Bakit?...miss mo 'ko?" hindi siya nagsalita. "So, miss mo nga ako? Tss, ikaw Ishigara, napapaghalata ka na hindi ka pa umaamin." pang-aasar ko.
He snorted. "Paano ko sasabihin sayong miss na kita, eh palaging 'yong Troy na iyon ang inaatupag mo? Ilang araw lang tayong di nag-uusap sisingitan na agad ako no'n? Alalahanin mo Cemie, ako ang nauna sayo."
Napalunok ako sa deretsong litanya niya. Tinanong lang kung na-miss ako eh. Tapos...pati si Troy nadamay.
Si Troy kasi ang madalas kong kaasaran kapag hindi siya ang kausap ko. At ano iyong sinasabi niyang sisingitan siya ni Troy?
Isipin ko mang baka nagseselos siya pero, labo naman. Para namang wala sa itsura niya na magustuhan ako ng seryoso. At isa pa, tama siya...siya ang una....unang lalaki na nakapagpaibig sa akin.
And knowing that, kinakabahan na ako sa ngayon palang.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top