CHAPTER 24
Chapter 24
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain. He's still staring at me, well the whole time he was staring at me. Hindi ko alam kung parte 'yan ng pang-aasar niya dahil seryoso naman ang mukha niya.
He cleared his throat. "Cemie, may I ask who is that woman? Is she your mother?"
Nagulat ako dahil sa tanong niya. Shit, ito ang unang beses na natanong niya ako na may kinalaman sa private life ko. He shrugged his shoulder and slightly smiled at me.
"It's okay...if you're not comfortable to answer. I was just..curious."
Bahagya akong lumingon sa may likuran para silipin ang dalawa. Nandoon parin sila at nag-eenjoy sa kinakain. I sighed before looking at him.
"Okay lang, ganyan din ako kapag naku-curious." ngumiti ako sa kanya at pansamantalang iwiniksi ang kinginang halik niya kanina. "Mama ko... pero hindi ko alam kung Mama ko nga ba."
He knotted his forehead, I chuckled. "Hindi kami in good terms. Narinig mo na naman ang mga issue na ibinabato sa'kin ng mga bubuyog sa school diba? Isang kaladkaring babae, napaaway pa nga ako noon e. Palaging 'yon ang ibinabato ng iba sa akin dahil...ganun ang nanay ko. Akala nila, ganun na rin ako."
He locked his eyes on me. Napangiti nalang ako nang mas lumapit siya sa akin at idinikit ang braso sa braso ko.
"That's why I told you to don't mind them. Ikaw ang may alam sa kung sino ka talaga, hindi sila." sabi niya. "Bakit mo papatulan kung alam mo namang hindi totoo?"
I smirked. "Yon nga ang problema e, hindi ko ma-control ang sarili ko. Ang hirap magtimpi lalo na kapag pagkatao ko 'yung pinag-uusapan. Sabihan ba naman ako na kaladkarin, pokpok 'kuno', e ni takot nga ako do'n sa sex eh. Bastos ang bunganga ko, yeah marami akong alam. Pero hanggang salita lang 'yon." napatingin ako sa kanya. "Naniniwala ka ba, hapones?"
"Yeah," he smirked.
Napanguso ako. "Ang kasalanan ba ng magulang kasalanan na rin ng anak?" biglang tumamlay ang mukha niya sa tanong ko. I don't know why. "Bakit kaya ganun 'no? Parang ang lupit ng mundo. Wala naman akong ginagawa, pero ako ang nagdurusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa."
Mas lalo siyang nailang. Hindi maipinta ang reaksyon niya. I watched how he drink his glass of water. Nag-iwas ako ng tingin at doon lang narealize. Tinanong niya lang kung nanay ko 'yon, pero bigla akong nagdrama. Tss, krazy Cemie.
Gaya ng sabi ko, hindi ko makontrol ang sarili ko. Marami na rin akong naranasan sa nakaraan na hanggang ngayon ay dala ko parin.
"Ah, Cemie.." marahang tawag niya sa akin. "So, kapatid mo 'yung kasama niya?" he asked.
"Hindi ko pa siya kilala dahil mukhang wala namang balak na ipakilala sakin ni Mama. Anak niya sa bago niyang asawa." I smiled bitterly at him. "Ikaw? Do you have a siblings? Wala kang kinukwento about sa family mo. Besides sa pagiging hapon mo, 'yon lang ang alam ko sa'yo."
Nasa ibang dereksyon ang tingin niya. Pero kita ko ang paglungkot ng mga mata niya.
"I have a younger sister, but sadly, two months old palang siya, nawala na agad siya sa amin. And that's because of that devil. Siya ang pumatay sa kapatid ko, he ruined our family." may galit na sabi niya.
So, namatay ang kapatid niya, two months old palang ito? Na-curious ako sa sinasabi niyang devil pero hindi na ako nagtanong pa.
"S-Sorry," 'yon nalang ang nasambit ko.
Kung sino man 'yung devil na sinasabi niya na pumatay sa kapatid niya, siguro sobrang samang tao na no'n. Imagine, two months old baby girl? Sanggol palang 'yon. Hindi ko alam kung saan pa kumukuha ng konsensya ang mga taong gumagawa ng masama.
Mapungay ang asul na mga mata niya na nakatingin sa akin. Then he put his hand on my head and pulled me to lean on his chest. Panay ang hagpos niya sa buhok ko at ramdam ko ang halik niya sa ulo ko. And here's the feeling of being in my comfort zone again. Hindi ko na maipaliwanag kung gaano ako ka-komportable kapag kasama siya. Pinili ko ang ilang minutong ramdam ko ang yakap niya, na hindi iniisip ang taong nakapaligid sa amin.
"Can you do me a favor, Cemie?" mas lalo niyang isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"Ano 'yon?"
"Kapag magkasama tayo, pwede bang tayo nalang ang isipin natin? Just about us, not anyone."
Just like every single times that I'm with him, my heart were beating more than it's normal pace. I smiled.
"Deal."
--
Sa mga lumipas na araw ay hindi ko alam kung paano ko pa napapanatili ang pagiging makulit sa harap nila. Mas lalong lumalala ang pakiramdam dito sa loob ko na walang pinang-hahawakan.
Akala ko ay kaya ko pang protektahan ang puso ko, pero nagkamali ako. It's him. Always him. But for him, it will never be me.
Napapangiti ako ng mapait kapag nasasaksihan ko kung paano tumingin sa amin si Aria. Hindi ko alam kung actingan pa ba ang nangyayari o totohanan na.
Damn.
I chuckled when he pouted his lips infront of me. Dahil malamang sa hindi ko pagsabay ng lunch kanina. Meron kase akong sinulat na essay, sobrang dami no'n, kaya pinauna ko na siyang maglunch. Ang sabi ko ay susunod ako pero hindi na rin naman nangyari.
"Sorry na. Sa anong paraan ba ako pwedeng bumawi? Hm?"
Nagcross arm siya at sumandal sa pader kaharap ko. Para na naman siyang model niyan.
"Tss, nothing. Just don't forget to have your lunch next time. Matatamaan kana sakin."
"Sorry na nga, Papa Ishi." ako naman ang nagpout ngayon.
Biglang sumeryoso ang mukha niya na nakatitig sa akin. Ngumiti ako ng sobrang ganda sa kanya. Bakit ba kase kahit anong mode ang i-turn on niya, napakagwapo parin niya.
I can't help but to crave on him. Hoy tangina, bastos!
Masyado na ba akong nahuhulog? Oh darn. Delikado kana, Cessiana.
Hindi ko na inintindi ang tampo niya dahil nawala rin naman agad iyon. Marupok kase siya, oo marupok. Sa sobrang rupok inaya niya ulit akong kumain sa labas. Oh diba bongga! Kung hindi ko siya kayang matiis, mas lalong hindi niya ako kayang tiisin. Minsan ay wala pang dalawang minuto ay kinakausap at nilalambing na agad niya ako.
Hindi ko alam pero tangina, kinikilig ako. Bakit ba kase napakapa-fall mo Hapones.
Inabot kami ng gabi sa park. Magkatabi kaming nakaupo sa metal swing habang nakatitig sa bituin at buwan. He leaned his head on my shoulder. Napangiti ako ng kunin niya ang kamay ko at pinagdaop ang kamay namin bago ipatong sa hita niya. It was his normal gestures, pero parang palaging bago para sa pakiramdam ko.
"Kita mo ba 'yung malaki at maliwanag na star, Cemie?" he asked. "It's always reminds me of you. One of the great star that shines so brightly."
I gulped. "B-Bakit ako?" darn. Ngayon pa talaga ako nautal. Sige Cemie, ito na 'yung moment na kagaya ng sa movie na napapanood mo diba, star gazing.
"Hindi ko rin alam. Siguro...dahil t'wing nakatingin ako sayo, ang payapa ng pakiramdam ko. Your eyes shows how beautiful you are inside and out. Palagi kang nagniningning...ni hindi mo nga pinapakita kung ano talagang nararamdaman mo." sumulyap siya sa akin.
Napakagat ako sa babang labi dahil sa sinabi niya.
"W-Weh?"
"Titigan mo kaya ang sarili mo sa salamin, baka sakaling maintindihan mo ang sinasabi mo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Umayos na siya ng upo at nakangiting nakatitig sa maliwanag na bituin, katabi ng buwan. Sabi ni Lolo, kapag daw malapit ang isang star sa buwan, may nagtatanan daw. Tss, ano kayang konek no'n?
Napatitig ako sa kanya pero siya ay nakatitig lang sa star.
Mabuti nalang at hindi masyadong maliwanag sa kinaroroonan namin. Hindi niya makikita ang pamumula ng mukha ko. Gags, I believe in my own beauty supremacy na talaga.
Nilaro ko ang aking mga daliri at nakangiting nag-iwas ng tingin. Alam niyo 'yung feeling na matatae ka na maiihi, 'yon ang nararamdaman ko ngayon.
Parang ang magkatabing buwan at bituin ang sumisimbolo sa aming dalawa ngayon. They looked so close, but for real, they were far away from each other. Parang kami, pakiramdam ko ang lapit namin sa isa't isa. Na parang lapit na 'yung pakiramdam namin sa isa't isa, pero sa totoo ang layo parin.
Napalingon ako sa kanya nang pinagdaop niya ang mga kamay namin. Nakatitig kami sa isa't isa, at katulad ng pagtitig niya sa maliwanag na bituin, may pagkamangha, at may ngiti sa kanyang labi.
"G-Gusto mo ba ako...Ishi?" nabalot ng hiya ang buong pagkatao ko sa mga oras na ito. Damn, Cemie. Saan ka humugot ng lakas ng loob para magtanong? Alam mo naman sa una palang ang sagot na hindi dahil si Aria--'
"I like you in my own way, Cessiana Marie."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top