CHAPTER 23

Chapter 23

Nagpunta ako sa convenience store at namili ng mga snacks. Pangiti-ngiti pa akong nagngunguya ng cheese rings habang inaalala ang sinabi ni hapones.

"Ano kayang gamot para hindi na lumala ang nararamdaman kong ito dahil sa hapon na iyon?"

Natawa nalang ako sa pagtatanong ko sa aking sarili. I don't know how it started, naramdaman ko nalang na iba ang pakiramdam ko t'wing kasama ko siya. Hindi ako madaling ma-attach sa isang tao unless kamag-anak ko ito na ka-close, pero si Ishigara Takashi... Paano niya naiparamdam sa akin na maging komportable sa kanya? Kahit 'yung problema na meron sa pamilya ko ay pansamantala kong nakakalimutan kapag kasama ko siya.

I smiled bitterly as I sat on the sidewalk.

How about him? Ganun din ba ang nararamdaman niya sa akin? Oh, Cemie. Mukhang malabo. Remembered his line, 'Ibang-iba ka talaga kay Aria' 'Ang layo ng ugali mo sa Aria ko' 'It's just part of the acts' 'Let's make her jealous, for me to take her back.'

It's always her. Si Aria na maganda, si Aria na mabait, si Aria na ugaling anghel, si Aria na mahal niya.

Damn, anong nangyayari sayo, Cessiana? Nagseselos ka ba? Wew. Akala ko ba ay iniingatan mo ang puso mo na ma-fall sa kanya? Hindi ka naman susugal diba? Dahil alam mong sa huli ay talo ka.

Isa pa 'yung sinabi ni Miguel. That Ishi is using me as advantage for his avenge? May kasalanan ba ako para maghiganti siya?

Tss, ang gulo talaga nila. Gusto ko lang naman kumain ng chitchirya tapos kung ano-ano na itong naiisip ko.

Magdidilim na at hindi parin ako nakakauwi sa bahay. Hindi naman masyadong mahigpit si Lolo sa pag-alis ko at okay lang sa kanya na umaalis ako sa bahay basta nagpapaalam ako sa kanya.

Napatingin ako sa tabi ko nang may presensya akong naramdaman.

"Anak.."

Tumayo ako at taas noong pinantayan ang tingin ni Mama. Wala akong emosyon na ipinakita. She smiled at me, na para bang sa ganoong paraan ay may magbabago sa relasyon naming mag-ina. Wala na. Malabo ng mangyari 'yon.

"G-Gusto mo bang sumabay samin? Dinner?" tanong niya.

"Hindi na. Sabi ng Lolo ko, 'wag na 'wag daw akong sasama sa hindi ko kilala."

Kita ang sakit na dumaan sa mga mata niya. But she still manage to smile. "Ako parin ang Mama mo, Cessiana. Pwede bang kahit minsan bigyan mo naman ako ng respeto bilang magulang mo?"

Matunog akong napasinghal sa sinabi niya. "Hm? Magulang? The last time I checked, wala ako no'n. At respeto? I only gave respect to those people who respect me too, to those people who value my existence. At hindi ikaw 'yon."

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad palayo. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito ang unang beses na muli ko siyang nakaharap. At sa halos ilang taon, wala paring nagbago. I still hate her, I still despise her. At anong gusto niyang palabasin? Na ako pa itong walang respeto? Binigyan niya ba ako ng dahilan para irespeto siya? Yes she's still my mother, at 'yon ang katotohanan na ang hirap-hirap baguhin. Kahit siya ang ina ko, ang hirap-hirap niyang irespeto.

Nang makarating sa bahay ay nakita ko si Lolo sa may salas at nanonood ng tv. I sat beside him and put my head on his shoulder.

"Bakit nagtagal ka? May pinuntahan ka pa bang iba?" tanong niya at hinayaan ako sa posisyon ko.

"Wala, Lo. N-Nakausap ko si...Mama."

Napaayos ako ng upo nang humarap siya sa akin na may pagtataka. I sighed.

"Ano, Lo. Ganun parin, ang hirap niya parin intindihin."

"Apo, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong magpatawad. Mas mabuti kung magpapatawad ka ng bukal sa kalooban mo, kaya 'wag mong ipilit sa ngayon kung hindi mo pa kaya."

I smiled at him. "Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko, Lo. At isa pa, paano ko ba patatawarin ang taong wala namang ginagawa para patawarin siya?"

Hindi na bago sakin ang nararamdaman kong ito basta may kinalaman sa pamilya. Nakatulog na naman ako na ang iniisip ay 'yung nangyaring usapan namin kanina.

Kinabukasan ay nagulat ako sa dami ng text messages ni Ishi sa akin kagabi. Darn. Meron pang alas-dose ng madaling araw. Aba, natulog pa ba ang tsunggo na 'to?

Binasa ko ang text messages habang nagto-toothbrush.

Hapones:

Hey, sleepy dracula. Are you still outside?

Pag dika nagreply, humanda ka sakin bukas.

I'm telling you, Cemie.

Hindi ka talaga magrereply?

Okay, I'll wait you outside the school. Tomorrow morning.

Aishiteru, mami.

Naupo ako sa dulo ng kama ko at nacurious na naman sa aishiteru niya. Nagsearch ako sa google ng meaning no'n at napahiga nalang sa kama dahil sa lumabas...

Japanese meaning of I-I love you?

"Waaaaa Lolo aakyat na ako sa langit!"

"Subukan mo, itutumba ko ang hagdan! Itong batang ito nga naman oh." sigaw niya mula sa kusina.

Napaimpit ako ng tili habang nakatingin sa screen ng phone ko. Ilang beses na niya bang nasabi 'to? So ibig sabihin...Damn you hapones! Sana hindi masarap ang tulog mo araw-araw!

Pero...bakit ako nakakaramdam ng kilig? Damn, Cemie! Ano ba talaga?

Napailing-iling ako at nagbihis na ng uniform. Bahala na, kung ano man 'tong nararamdaman ko sa'yo hapones, mananatili nalang siguro 'tong hanggang dito.

Nang makarating ako sa school ay siya agad ang nakita ko. Nakasandal sa may gate na tila may hinihintay talaga. May suot din siyang black shades na ibinaba lang nang makita ako. Bakit ba parang model palagi ang datingan niya?

Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi bago naglakad palapit sa akin. Naaala ko bigla ang text niya! Yung punishment!

Napalunok ako at matik na napaatras. Lalo siyang ngumisi kaya umiwas ako ng tingin at medyo pumihit sa ibang dereksyon pero gago ang kalahating hapon, hinawakan niya ako sa braso at pilit inihaharap sa kanya.

"Wanna know your punishment, baby?" 

"Nyeta ka!"

Tatawa-tawa pa siya ng mahuli ang pareho kong kamay. Bigla niya akong niyakap at damn! Hinalikan niya ako sa pisngi! At nakita 'yon ng mga guard na kasalukuyang masama ang tingin sa amin.

"Mga kabataan nga naman ngayon, talagang hindi na marunong maghintay sa tamang oras ng halikan." grabe naman si Kuya. Napahiya tuloy ako.

"Bakit pre? Ano bang tamang oras para doon?" tanong ng isa niyang kasama.

"Ay depende iyan, pare. Kami ng misis ko e, alas-tres ng madaling araw, 'yon ang kasarapan."

Nagkatinginan kami ni Ishi at parehong napaawang ang labi. Inakbayan niya ako at hinila na papasok sa school. Panay pa ang kwentuhan ng dalawang guard. Darn.

Binawi ko ang kamay kong hinawakan ni Ishi. He arched his brow. Naupo siya sa bench na semento sa may garden kaya tumabi nalang ako sa kanya.

"Saan ka pumunta kagabi? Ni hindi ka man lang nagtext. Ano bang inaatupag mong babae ka?"

Ayan na si Papa Ishi mode. Sermon na agad ang almusal mo, Cessiana. Grabe talaga, ang hirap kapag masyadong mahigpit si Papi, hindi lang nareplyan ang text akala mo inagawan na siya ng lollipop.

Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin kaya napanguso ako. "Dapat bang inform ka sa bawat gawin ko? Ano namang pakialam mo sa inaatupag ko? Wala kang pake sa gusto kong gawin. Isa ka lang hamak na hapones na naligaw sa pilipinas para maghanap ng treasure at--"

"At ang nahanap ko ay ikaw."

Natigilan ako sa bigla niyang pagdugtong sa kinukuda ko. Ito na naman siya sa mga linyahan niya. Napaawang ang labi ko nang bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Silly,"

Napahawak ako sa noo ko at siya naman ay natatawa pa.

"You're so-' tangina! Masakit!" halos maiyak na ako nang muli niya akong pitikin sa noo.

Tumawa pa siya bago hinawakan ang ulo ko at inilapit sa kanya. He then kissed my forehead. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa nang iangat niya ang tingin ko.

"Ayan, hindi kana umaangal na masakit. Ang galing ko talaga." aba't proud pa siya niyan ha. Napairap ako sa kanya at inalis ang kamay niyang nakahawak sa ulo ko.

"Mas magaling parin ako."

"Saan?"

"Sa pagsubo." ngumisi ako nang makita ang pamumula ng tenga niya. "...ng lollipop. Damn. Pustahan tayo, iba ang nasa isip mo hapones. Naku, ang papables nga namang ito oh, masyadong green minded."

"What the hell? 'Wag mong ibato sa'kin ang ugaling meron ka, Cemie. How I hate that attitude of yours."

"Naku, inggit ka lang kase mas magaling akong sumubo kesa sa'yo."

"The fuck?"

Napangisi nalang ako sa kanya. Kakaiba rin talaga siya 'no? Pati pagmumura english pa at may accent pa talaga. Edi ikaw na ang may lahing kano at hapon. Washikatamunikata sa kanya. Oh gets mo? Diba hindi, sana all kase talaga may lahi.

Pumasok na kami sa room kahit wala pang klase. Nadatnan namin na nagkakagulo pa sa room at pasimuno ay ang tatlong papables. Kung saan-saan nakasampa at nag-gigitara kunwari gamit ang mga walis-tambo na kinuha ata sa vacant room. Ang iba ay nagd-drums pa kunwari sa mga arm rest. Tss, parang mga sira ang tuktok nila. Ang mga babae naman ay tila bubuyog na panay ang saway sa mga nagkakaingay nilang lahi.

"Ehem ehem this is my latest single, Kung mawawala ka by Ogie Balakid. Please stand up everyone and sing with me." parang tanga na sabi ni Troy at pumusisyon na akala mo ay singerist. Itinapat niya ang nirolyong folder sa bibig niya at... "Kung mawawala ka...ba't dipa ngayon~"

"Sira ang plaka!" sigaw ni Braille na natatawa rin sa sariling kalokohan.

"Check niyo 'yung sound system, mukhang may sira...'yung kumanta." sabat ko na nginiwian ni Troy.

"Pagkanta ba ang hidden talent mo Troy? Bagay ngang hidden 'yan." sabi naman ni Dairo.

Natatawa akong naupo sa upuan ko katabi ni Ishi. Sa halip na matawa sa kaibigan niya ay nakangiti lang siya, habang sa akin nakatingin!

"Your laugh, baby. I love staring at it." biglang sabi niya na nakapagpapula na naman sa mukha ko.

Napaiwas ako ng tingin at napakagat sa labi para pigilan ang pagkawala ng ngiti. Damn you, hapones! Ang sarap mong bigwasan kahit kailan.

Hanggang ngayon ay nagkakagulo parin ang mga kaklase ko sa room. Parang mga elementary lang. Tss.

Nang nagsimula ng magklase ay tumahimik na ang lahat. Naging mabilis lang ang oras at nang maglunch time na ay sabay na kaming bumaba sa canteen.

"Let's eat outside? You want?" tanong niya sabay akbay sa akin.

"Sige, baka ikamatay mo 'pag tinanggihan kita."

"Yeah," walang ganang sagot niya.

Nakaakbay siya sa akin hanggang makalabas kami papunta sa parking lot. Malapit lang naman ang kakainan naming resto pero gusto niya pang sumakay kami sa kotse niya dahil baka daw mapagod pa ako. Watdapak. Damn his acts.

Prente na ang pagkakaupo ko sa harap niya pero mabilis akong napalipat sa tabi niya nang makita kong pumasok dito sa loob ng resto si Mama kasama ang bago niyang anak. Ayoko na ulit siyang makausap. Lalo pa at kasama ko itong si hapones.

"Are you okay?" he asked. Nagtataka kung bakit bigla akong nagsumiksik sa tabi niya.

"Wag kang lumayo! May tinataguan ako!"

"Huh?"

Lumingon siya sa likuran namin at hindi ko alam kung nahalata niya na ang mag-ina ang tinataguan ko. Hinawakan niya ang ulo ko at isiniksik sa kanyang leeg. I can smell his perfume. Damn, ang bago! Pero tumigil ka, Cessiana!

Panay ang hagpos niya sa buhok ko at nang mapasilip ako sa dumaraan sa tabi namin ay nakita ko silang dalawa na naupo sa isang table malapit sa amin. Damn, bakit sa dami ng pwedeng puntahan dito pa?

"Ishi, lipat tayo ng table."

"Tss, can you stop--"

Dinampian ko ng halik ang leeg niya na nakapagpatigil sa kanya.

"I know that shocking, baby." ngumisi ako bago siya hinila papunta sa isang bakanteng table, malayo sa table nina Mama.

Mataas ang sandalan ng upuan dito sa nilipatan namin kaya malabong makita niya pa ako dito. Hayst, Cemie. Tingin mo ba papansinin ka pa niya kung makita ka? E busy na nga siya sa pag-aasikaso sa anak niya e. Sana all.

Magkatabi kami ni Ishi at hindi ko maiwasang matawa sa pagkakatulala niya. Ako na ang sumenyas sa servant na dito dalahin ang inorder niya.

"Iba talagang humalik ang isang dyosa, nakakatulala. Ang daming pagkain, darn! At uubusin ko 'to dahil tila naging bato na si Don Ishi at dahil naiputan siya ng ibong adarna."

"W-What?" humarap siya sa akin at nagulat nalang ako nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. Bumaba ang tingin niya sa labi ko, at...at hinalikan niya 'ko!

It's just a smack, but why the hell my whole system feels crazy. Parang nagfiesta ang puso ko sa tuwa.

Nanatiling malapit ang mukha niya sa akin kaya damang-dama ko parin ang bawat paghinga niya.

"Now, alam mo na ang pakiramdam. Yeah, that's shocking, baby."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top