CHAPTER 21


Chapter 21

"Hindi na ako handang masaktan ka."

Hindi lang isang araw na gumulo sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Ano daw? Anong masaktan? Bakit naman ako masasaktan? Si Takashi nga naman. Kung ano-ano ang trip.

Hayst. Christmas day na ngayon kaya syempre full na full na naman ang sexy tummy ko. Ang sarap talaga ng hotdog, lalo na 'yung inihaw. Damn, nabusog ako. Nakagawian na kase namin ni Lolo ang pag-iihaw t'wing pasko. Bonding na namin 'yon.

"Lo, papasko ko?" pang-uuto ko sa kanya.

"Magsabit kana lang ng medyas, apo. Lalagyan ko ng piso."

"Kuripot mo naman, Lo." napanguso ako.

Tumambay muna ako sa teres habang hawak ang phone ko. Sakto namang tumatawag si Hapones. Ilang araw palang nagsem-break pero nakakamiss na ang apat na tsunggo.

Napangiti ako bago sinagot ang tawag niya.

"Merry christmas, baby." bungad niya.

"Thanks, Papa." napangisi ako at naiimagine na ang itsura niya ngayon. "Ang hirap pala kapag nasa ibang bansa ka, Papa. I miss you na. Kelan ang balik mo?"

"The fuck?" mas lalo akong napangisi nang marinig ang singhal niya. "I miss you too, baby. You want me to go there?"

"Ah, hindi! 'Wag na. May outing tayo diba?"

"Yeah, with our classmates."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. With classmate? Akala ko ay kami lang. Darn. Pero sige na nga. Mas okay 'yon. Graduating na rin naman kami as senior high kaya mas mabuting magkaroon kami ng bonding.

Nagmessage din sa akin ang tatlong papables. Pati mga kamag-anak namin sa probinsya ay nagmessage din sa akin ng merry christmas. Bakit kase puro bati? Send gifts naman!

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Lolo tungkol sa outing na iyon. Saktong dumating si Ishi kaya pati siya ay nakausap pa ni Lolo. Kaya ayan na naman sila.

"Parang pamilyar ang mukha mo sa akin, hijo." kunot-noong sabi ni Lolo.

Pilit ang ngiti na ignawad ni Ishi. "Ah, baka po kahawig ko lang."

"Oo nga, Lo. Ikaw talaga." pagsingit ko.

Nagpaalam na ulit ako kay Lolo dahil pahahabain niya pa ang usapan. Ewan ko ba kung bakit t'wing nakikita niya si Ishi ay parang kinikilala niya ito palagi.

Pinatugtog niya ang speaker niya sa kotse kaya habang nasa biyahe kami ay panay ang kanta namin. Iniisip na siguro ng dinaraanan namin na baka lasing na kami dahil sa ingay.

Nang makarating kami sa beach resort ay nandoon na agad ang mga classmate namin. They are already on their swimming outfits. Buti nalang may dala rin ako. Alam ko na kase ang makikita ko dito. Darn, puro naka-bikini ang mga girls tapos ang boys topless. Napalunok ako nang makita si Troy. Damn. Walang pang itaas na damit at basa na ang buhok niya. Shit, may innocent eyes!

Napahawak ako sa braso ni Ishi at medyo lumapit sa kanya.

"Magpalit na tayo ng swimming outfit!"

"Fine." hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok ng cottage. Nagtungo ako sa may cr habang siya ay nasa may labas lang.

Sinuot ko ang aking black sports bra at black shark short. Inilugay ko na rin ang aking hanggang bewang na buhok. Pagkalabas ko ay naka-topless na rin si Ishi. Wew. May abs akong nasilayan pero hindi ko magawang titigan dahil baka humangin na naman. Hayst.

Nang makita niya ako ay para na naman siyang natigilan. Inalog-alog niya pa ang kanyang ulo. Siguro nasa isip niya "oh, you're dreaming Takashi." "I can't believe that this girl can be this beautiful and sexy." "Damn. Angel do exist. And one of them is infront of me, right now."

"I thought we're going to swim, what's with that workout outfit?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. "Anong workout?" hanep. Ang ganda ng lines na ineexpect ko tapos...tapos..pupunahin niya lang?! Workout outfit?!

Sinamaan ko siya ng tingin nang ngumisi siya sa akin. Nang lumapit siya ay hinawakan niya ako sa aking magkabilang braso. He's topless! I gulped as my innocent eyes went down on his abs. Damn. Tinanghali ang pandesal!

"Whatever." ang isa niyang kamay ay lumakad papunta sa aking baba para iangat ang tingin ko sa kanya. "Titigan ka man ng iba, akin ka pa rin."

He kissed me on forehead before dragging me outside the cottage. Hindi ko alam kung bakit napapangiti nalang ako sa hapones na ito. He's being extra sweet today.

Nang makita kami ng mga classmate namin ay nagsihiyawan ang mga boys. Ang ilang girls ay nagtaas ng kilay sa akin kaya ngumiti nalang ako. Nakikita ko na rin naman ang other side nila, mataray pero hindi ko naman nakikita sa kanila ang pagiging kontrabida sa kwento ko. Kumbaga, they are also nice in their own way.

Naupo ako sa white sands at tanging paa ko lang ang nababasa ng tubig dagat. Katabi ko si Hapones at sa kanang side ko naman si Troy na panay ang laro sa dulo ng buhok ko.

"Hoy Takashi at Quintos! We need your help. We're going to buhat-buhat the table here." sigaw ni Jude na classmate namin. Nauna na ang ilang boys papunta sa cottage.

Ang dalawa ko namang katabi ay hindi man lang gumagalaw. "Hoy mga waya! Tumulong kayo do'n." tumayo naman si Troy at sumunod na sa iba pero itong si Ishi ay hindi parin tumatayo.

"Ishi!"

"I can't leave you here..." lumingon siya sa akin at nagpout. Darn.

"Hoy Takashi! Tara na!" sigaw ulit ng mga boys.

Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya ngayon. Napabuntong hininga siya at mas lumapit sa akin.

"You okay here?" tumango ako. "Wag kang aalis dito na hindi ako kasama ha? Wait 'til I came back. Kapag may lumapit sayo dito at binastos ka, tandaan mo ang mukha para mabasag ko."

Wew. Ayan na naman si Papa Ishi. Darn, para akong bata na bantay sarado niya. Tumayo na siya.

"Wag kang aalis d'yan hangga't wala ako ha."

"Oo na!" napairap na ako sa kanya.

Nang makaalis siya ay napapangiti kong nilalaro ang mga paa ko sa buhangin.

What's with the acts today Hapones? Ganyan ba talaga siyang magrehearsal? Kahit saan, walang paliban. Edi siya na ang best actor. Isa talaga siyang agimat.

Lumapit sa akin sina Mia at Laysie. Naka-bikini sila. Para tuloy bumaba ang confidence ko sa katawan. Ano kayang kinakain ng mga 'to? Bakit kurbadong-kurbado ang katawan nila?

Naupo sila sa magkabilang side ko.

"Girl, why not wear a hotty one?" ismid na sabi ni Laysie habang nakatingin sa suot ko.

"Yeah! I have one, you want?" si Mia.

"Hindi. Ayokong magbikini."

"Papa Ishi looks so hot, and pantaas lang 'yung wala ha, paano pa kapag pati baba." tumili ang dalawa kaya napangiwi ako. Gags, mga bubuyog pa rin talaga sila. "So, you need to be a hottie too, para naman bumagay kay Papa Ishi!"

Bakit ko naman kailangang sabayan ang pagiging hot ni Ishi? Hayst. Ayos na naman ako sa suot ko. Isa pa hindi ko trip magbikini.

"Cemie," tawag sa akin ng kung sino. Napalingon ako at nakita si Ishi. Seryoso ang mukha niya sa dalawang nasa tabi ko. "Did they say something on you?"

"Ha?" napakurap ako nang mabilis niya akong hinila patayo. "Wala nagchikahan lang kami."

Tumaas ang kilay niya na tumingin sa dalawa. Damn hapones, bakit ba ang cute mong magtaray? Napangiti ako nang pilit niyang itinanong sa dalawa kung anong mga sinabi ng mga ito sa akin.

"C'mon, Ishi. We're just having some talks, can you stop being that praning? Gosh!" hindi na talaga mawala ang katarayan sa boses ni Laysie.

"And we're not that bitch! Hindi naman namin lalasunin 'yang si Cemie 'no!" isa pa itong si Mia.

OA kaseng makareact nitong si Hapones ayan tuloy nagsi-taray na naman ang mga bubuyog.

"Tss," suminghal lang siya na nakapagpa-irap sa dalawa. Inilagay niya ang kamay sa bewang ko bago bumulong sa akin. "Let's go."

Hinila niya ako papunta sa dagat. Nakangiti niya pang iwiniksi ang tubig sa mukha ko. Darn ang lamig kaya. Nang hilahin niya ako papunta sa malayo-layong parte ng dagat ay hindi ko na magawang bumitaw sa braso niya.

"Ishi, may isda oh!"

"Where?" itinuro ko sa kanya ang maliliit na isda na nakapaligid sa amin. Damn ang cute! Gusto kong hulihin kaso hindi naman ako makabitaw sa kanya. Hindi ako marunong sumisigid!

Lalayo sana siya sa akin pero hinila ko ulit siya.

"Can't let go of me, huh?" he smirked while drops of water falling down on his face.

"Feeling ko kase kapag binitawan kita, katapusan ko na."

Ni wala akong idea kung bakit pareho kaming napangiti. I should regret what I've said, he should be pissed off. Bakit parang tuwang-tuwa pa?

He moved his body closer to me and both of his hands went down on my waist. Ang kamay ko naman ay nakahawak sa magkabila niyang braso. 

His ocean blue eyes was smiling. Kasabay ng mga alon na humahampas sa katawan namin ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Shit, kakaiba.

He leaned his forehead on mine. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at halos dama ko ang kanyang bawat paghinga.

"Sana 'wag ng dumating ang oras.." biglang sabi niya.

Inilayo ko ang mukha niya sa akin at pinangunutan siya ng noo. "Anong 'wag ng dumating ang oras?"

"Oras ng saltik mo." he chuckled.

Hinampas ko siya sa dibdib at sinabuyan ng tubig sa mukha. "Ako pa talaga ang may saltik ha! E sa'ting dalawa ikaw ang pinaka-abnoy! May sapi ka palagi."

"Whatever." tumaas ang mataray niyang kilay. "Let's go. Kakain na tayo." hinawakan niya ako sa kamay at hinila na papunta sa table na puno ng pagkain.

"Anong kakainin natin?"

"Hotdog,"

Nanlaki ang mga mata ko at napangisi. "Uy, favorite ko 'yan! Lalo na kung cheesedog. At lalo na kapag mahaba."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya lalo akong napangisi.

Nakapaligid na sa mahabang table ang mga classmate namin at mukhang boddle fight ang mangyayari dahil puno ng pagkain ang mesa. Meron ngang hotdog at mga steak. Naghugas kami ng kamay at sabay-sabay na kumain.

Kahit papano naman pala ay marunong makisama ang mga bubuyog kong classmate. Para lang kaming simpleng teenagers na masayang nagbo-bonding. Away from toxicity.

Muli kaming nagtampisaw sa dagat. Ni hindi ako binitawan ni hapones parang bantay sarado ako ni Papi. Shucks. Gusto ko pang bawian ng tampisaw si Troy pero hindi naman ako makalayo dahil kay hapones. Ayaw na ayaw lumapat ang balat ko sa iba. Wew. Anong ibig sabihin no'n? Na dapat sa kanya lang? Owshit. Tanso ka hindi gold!

Nauna ako sa cottage para makaligo na at makapagpalit ng damit. Medyo lumalamig na dahil maghahapon na. I wore my high-waist faded maong short and black shirt. Lumabas na ako ng cottage habang tinutuyo ang buhok ko.

Hinahanap agad ng mga mata ko ay si Ishi. Darn. Bakit ba kailangan ko pang hanapin? Siguro ay naghahanap na ng treasure 'yon. Baka nga perlas pa ang makita no'n e.

Napatigil ako dahil sa kakaibang naisip. Mabuti nalang at nakita ko na siya na nakaupo sa isang upuan at nakabihis na rin. Akala ko naman ay nakahanap na siya ng perlas. Darn.

Lumapit ako sa kanya at inilagay ang towel ko sa ulo niya para tuyuin ang kaniyang buhok.

"My baby on her sweet acts." ngisi niya. Dahil nakapwesto ako sa gilid niya ay madali niya akong nayakap sa bewang. Napangiti nalang ako habang pinupunas ang basa niyang buhok.

"Ulol!"

"I know I'm handsome, baby."

Ano daw? Napangiwi nalang ako sa walang kwenta niyang sagot. Kahit kailan talaga napakahangin niya. Akalain mo nga namang naiisingit niya pa iyon sa bawat usapan.

Bigla niya akong hinila paupo sa lap niya at nakangising piningot ang ilong ko.

"Ang gago mo talaga!" gags, ang sakit niya mamingot ng ilong.

He kissed the tip of my nose. "Still hurts?" hindi pa ako nakakasagot ay muli niya iyong hinalikan. "How about this lips? Does it hurts too?"

Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan niya pa. Shit ang pogi ng tawa. Chos, abno siya, hindi siya pogi Cemie.

Kinurot ko ang braso niya. "Ano? Does it hurts?"

"Nope--'shit! Cemie!"

Pinagkikiliti ko siya sa tagiliran at sa kanyang leeg. Nakaupo ako sa lap niya kaya wala siyang kawala!

"Ano? Still hurts?" natatawang tanong ko habang kinikiliti siya.

"Damn! Cemie! Can you stop--!"

"You want more, baby? Does it still hurts huh?"

Natawa ako nang makita ang pagkahingal niya sa pagkiliti ko.

"Oh damn my childish baby. I can't imagine you being my wife. Baka nakasunog na ng bahay ang anak natin, panay pa ang kiliti mo sa akin."

⊙.☉

__
cessias

also me: ( ͠° ͟ʖ ͡°) hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top