CHAPTER 2


Chapter 2

~Ishigara Ken Takashi~

I couldn't help but to smirked while holding a glass of wine on my right hand. No, I'm not smirking because of this wine, but because of that impudent girl.

"Gago, sa dami ng babae si Cemie pa talaga ang napili mong gamitin." uminom ng alak si Dairo at iiling-iling na tumingin sa akin.

"Hindi kana naawa sa napakabait na babaeng 'yon. Pero hindi biro, I like her vibes." nakangisi namang sambit ni Braille.

I just knotted my forehead on them. Hindi ko maintindihan kung bakit unang-una palang ay gustong gusto na nila ang babaeng 'yon. Masyadong madumi ang bunganga. Malayong malayo sa Aria ko.

I arched my brow when I notice that Troy is staring at me. Umiling iling pa siya na nakangisi.

"Gagamit ka ng iba para lang makuha ulit si Aria Hung?...you're a goddamn weak, Takashi."

I just smirked on what he just said. Wala silang alam sa totoong plano. Yes, using her to make Aria jealous and for me to get her back, is just one of my plans. I have my biggest plans aside from that. Plano kung saan walang kaalam-alam ang babaeng iyon.

--

~ Cessiana Marie Vasquez~

Aacting lang naman ako diba? Wala naman sigurong bed scene 'yon.

Hayst. Hindi mawala ang tanong sa isip ko kung bakit parang may alam ang Hapon na 'yon sa buhay ko. Sino ba siya? Kamag-anak ba siya nina Sakuragi? Hanamitchi? San goku? Bakit parang alam na alam niya ang tungkol sa pamilya ko? Hayst. Gago ang hayop na 'yon ah, pinag-iisip pa ako. Paintriga effect amputs.

"Apo!" rinig kong tawag sakin ni lolo sa labas. Nasa may kwarto ako at paikot-ikot kaiisip sa tsunggo na 'yon. "Cemie, pumarito ka nga!"

Ano na naman kaya 'yon? Lumabas ako sa aking kwarto at pumunta sa may salas. Nakaupo siya sa upuang kahoy kaya tumabi ako sa kanya.

"Bakit lo?"

Ibinaba niya ang binabasang diyaryo at tumingin sa akin. "Ano? Kumusta ka sa school? Wala bang naapi sayo 'don?"

Matunog akong suminghal at tinapik siya sa balikat. "Naku lolo, ako magpapa-api? Hindi pwede 'yon. Subukan lang nila na apihin ang kagandahan kong 'to."

"oh, anong gagawin mo?" tanong niya.

Ngumisi ako. "Syempre. Gagamitan ko sila ng karate techniques ko na nagmula sa aking pinakamamahal at pinakapoging lolo! Hyaa!" tumayo ako at nangarati sa hangin. Mayamaya lang ay ganun din ang ginawa ni lolo.

He teached me some of his karati techniques that I can use for protection. Natawa ako nang magsisipa at kumarati sa hangin si lolo na hindi inda ang edad. He's already 65 years old but his body has a perfect build. Medyo may pagkalaki ang katawan niya kaya minsan ay akala mo ay 50 lang naks, alagang alaxan 'yan.

Pagkatapos niya sa ginagawa ay hinila niya ako para mayakap ng sobrang higpit. Kami lang ang magkasama sa bahay, sa buhay. Nawala na si Papa since 5 years old ako, at 'yung nanay ko? 'Wag na 'yon. Nag-iinit ang dugo ko 'don.

Hinalikan ni lolo ang noo ko bago ako iharap sa kanya.

"Apo nga talaga kita." ngumiti ito.

Hinalikan ko din siya sa pisngi. At dahil ayoko kapag siya ang magdadrama, iniba ko ang usapan.

"Lo, bakit mo nga pala ako sa private school pinag-aral? Malaki ang bayarin 'don ah. Tsaka 'yung mga estudyante 'don ang yayaman. Parang natatapakan ang pagkatao ko."

"Diba may scholar ka naman," sagot niya.

Naupo ako sa monoblock chair at iniisip kung magkano nga ba ang makukuha ko sa scholar na inapplyan ko. "Lolo, hindi ho sapat 'yon. Maraming gastos sa private school. Lahat kailangang bayaran. 'Yung makukuha ko sa scholar ay sapat lang sa budget ko. Saan ka kumuha ng pang tuition fee ko 'don?"

Medyo tumalikod siya sa akin at kumamot sa noo. "Ah, m-may pera ako apo. At hindi ba sabi sayo ng Tita Ana mo ay tutulungan niya akong pag-aralin ka?" sagot niya.

Si Tita Ana ay panganay niyang anak na sinundan ng nanay ko. Yeah, lolo ko siya sa mother side. At si Tita Ana, siya lang naman ang pinakamabait kong tiyahin na nagbibigay ng luho ko. Siya rin ang alam kong nagbibigay ng sustento samin ni lolo dahil wala pa naman siyang pamilya. Sobrang bait 'non, kaya pag ako talaga ang yumaman. Ikukuha ko pa siya ng taga punas ng paa araw-araw. Oo ganun, kung gaano siya naghihirap para samin sa ibang bansa, oras na ako naman ang magkatrabaho, siya naman ang tutulungan ko.

Halos tanghaliin ako nang pasok kinabukasan dahil sa kaiisip sa Hapon na 'yon. I choose to deal with his plan, so..palagi kaming aacting? Darn.

Pumasok ako sa classroom at nakitang nakaupo na ang apat na tsunggo sa upuan. Nasa bandang likod kami at nasa parteng gitna. Nangunot ang noo ko nang mabago ang pwesto.

Ngayon ay ang nasa upuan ni Ishi ay si Dairo, at sunod sa kanya si Troy at sunod ay bakante na malamang ay upuan ko, sunod ay si Hapones Ishi, at si Braille.

"Hi, Cemie!" napataas ang kilay ko sa lakas ng bati ni Troy.

Napalingon ang mga girls na kaklase namin. Damn this idiot. Umirap ako sa kanya at naupo na sa upuan ko. Medyo naiilang ako dito ah. Pinaggitnaan lang naman ako ng apat na oh-so-famous papables. Psh.

"Good morning, Cemie. Sabay tayong maglunch mamaya." dagdag pa ni Troy at nangalumbaba pa sa arm rest ko. Ayon tuloy nagkaingay na naman ang mga bubuyog.

"No, we'll having a lunch together, right Cemie?" taas kilay na tanong naman ni Ishi.

So, is this the start of his plan? Napabuntong hininga ako bago tumango.

Ngumisi siya kay Troy kaya napairap naman sa kawalan ang isa.

Mabilis na natapos ang klase at nang maglunch time na, 'yon nga ang nangyari. Habang naglalakad sa hallway pababa sa canteen ay bigla nalang umakbay sa akin si Ishi.

"Wala pa naman ang pinagseselos mo ah? Tangina. Alisin mo ang kamay mo! Naririndi ako sa mga bubuyog na 'yan!" anas ko sa kanya.

Ngumiti siya sa mga babaeng nagbubulungan bago inilapit ang labi sa may tenga ko.

"Hindi magiging realistic 'to kung hindi makikita ng lahat, baby." bahagya ko siyang siniko dahil sa tinawag niya sakin. "Pagnapansin tayo ng lahat, mas madali nating matatapos ang plano. I know Aria, she still loves me. Nilason lang 'nung hayop na Miguel ang isip at puso niya." bulong niya pa.

Laki ng problema nito sa pag-ibig. Tas nandamay pa. Tangina din 'to e, pwede namang kidnapin na lang niya at takutin ang babaeng Aria daw na 'yon, edi sana tapos ang problema. Hindi na kailangang umacting pa. Jusko, ma-awardan sana akong best actress of the year.

Nang makarating sa canteen ay napansin namin ang magjowa na Aria at Miguel sabi niya. At ang hapon na 'to, talagang pinili pa ang table na malapit sa dalawa.

"Sit down," humila si Ishi ng upuan at pinapaupo na ako.

"Kung maupo ako? Anong kakainin ko? Mag-isip ka nga 'pag minsan. Oorder muna ako." umirap ako sa kanya at pupunta na sana sa line pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Baby, just sit here. Ako na ang oorder, hm?" malambing na sabi niya na narinig ng mga bubuyog.

"Oh my gad! Papa Ishi ko, he call her what? Baby?! Argh! Yuck hindi sila bagay!"

Hindi nga kami bagay, tao kami e.

"I heard that girl is from HUMSS too? Ow em. Classmate siya ng papables ko!"

"Why are they together? At bakit sweet sa kanya si Ishi? Damn, I can't believe this. She looks like a squamy! Ew!"

Arte ng mga hanep na 'to ah. Sayang ang yaman nila kung ang mga bunganga naman nila ay dinaig pa ang sirena ng ambulansya.

Naramdaman ko ang haplos ng palad ni Ishi sa pisngi ko kaya lang nawala ang tingin ko sa mga babaeng nagbubulungan. Tumingin ako sa kanya at napanguso.

"Parang nangangati ang kamay ko sa mga babaeng 'yan ah. Tawagin ba naman akong squamy." inis na bulong ko.

He bit his lower lip to supress a smile. "Don't mind them. Just focus on our plan, okay? Ako na ang bahala sa mga 'yan. Now, sit here. And let me order our foods."

Nakanguso akong napaupo sa upuan na hinila niya para sa akin. At sa harap pa talaga nina Aria at Miguel nakapwesto. Kitang kita ko tuloy ang pagtitig ni Aria sa akin. Hinawakan siya ni Miguel sa kamay at may ibinulong sa babae.

She looks angelic and feminine. Maganda ako pero hindi maitatanggi na maganda rin ang isang 'to. Napaisip tuloy ako kung marunong kayang magmura ang isang 'yan. Napakabait ng itsura. Umabot sa talampakan ang hiya ko grabe.

At 'yung Miguel, ano kayang problema nila ni Ishi? Parang hindi lang si Aria ang pinag-aawayan nila, parang may mas malalim pang dahilan. Ewan ko talaga sa mga boys na 'yan. Ang daming babae, tapos nag-aagawan sa isa. Hayst.

Kung wala naman akong mapapala sa plano ng tsunggo na 'yon ay hindi ako papayag dito e, pero dahil sa sinabi niyang kondisyon pumayag na rin ako. I missed my Papa. Madami akong gustong malaman na siya lang ang makakasagot, kaya I need to see him.

"Cemie," tawag sakin ni Ishi. Naupo na siya sa tabi ko, paharap din sa magjowa. Inilapag niya ang tray na puno ng pagkain sa table bago humarap sa akin.

"Libre ba 'yan? Sinasabi ko sayo, Ishigara. Hindi ako kasing yaman mo. Tipid akong tao."

He smirked and put some strand of my hair behind my ears. Nice acting. Sweet acts by this japanese monster. Akala mo naman talagang sweet. E, 'nung una nga kaming magkita, sinipa pa ang upuan ko gago.

"Of course. Baka naman aayos kana sa pagpanggap, hm?" ngumiti ito ng nakakaloko.

So, he's starting his acts. Wait, I'll start the sweetest scene I watch...saang movie nga ba 'yon? Ah, basta. Napapanood ko 'to sa mga movies.

Ngumiti ako ng sobrang tamis at kunwaring mahinhin na sumulyap sa gawi nina Aria. She's glancing at me. Matamis parin akong nakangiti nang magbaba ng tingin sa pagkain.

There's a steak, hotdog, spaghetti, chicken carbonara, and pineapple juice. Nagpaikot ako ng spaghetti sa tinidor bago isinubo iyon sa akin. Tumingin ako kay Ishi at ngumiti.

"Oh, eat slowly. You look like a baby eating too slovenly."

Ngumisi siya sa akin habang pinapahid ang spaghetti sauce sa gilid ng labi ko. Nice, nakuha niya agad ang acting ko! Oo, sinadya kong magburara sa pagkain. Napanood ko kasi 'yon sa mga movies. Nice, ang galing ko talaga.

"Gusto mo subuan kita?" malambing na tanong ko. I can see the eyes of someone staring at me using my peripheral view.

Medyo inilapit niya pa ang katawan sakin at ngumiti. He even put his hand on my shoulder.

"Sure, basta ikaw." nagawa niya pang pisilin ang ilong ko. Damn. Sumakit ang ilong ko 'don ah. Pag ito talagang si Aria hindi nakaramdam ng selos, confirmed may anesthesia 'yan.

Nakangiti kong isinubo sa kanya ang spaghetti na inikot ko sa tinidor. Rinig ko ang singhapan ng nakakakita.

"You're so sweet, Cemie. If someone stole you away from me. Hindi talaga ako magdadalawang isip na pumatay ng tao." medyo malakas na sabi niya. Kita ko sa sulok ng aking mata ang paghimas ni Aria sa kamay ni Miguel na nakapatong sa table.

"Really, you can do everything for me?" madramang tanong ko. Sige sakyan mo. Pwede na akong next queen of drama.

He smiled and damn, he kiss my forehead. "Yeah. Alam mo, Cessiana Marie. Ayaw na ayaw ko 'don sa mga taong nangangahas ng babaeng pag-aari na ng iba. Ang mga taong mang-aagaw, dapat d'yan nililigpit. Masyado silang sagabal sa mundo ng matitinong tao."

Nahiya naman ako 'don sa matinong tao. Wow parang pati siya sobrang tino, e nagawa niya ngang manggamit ng iba para lang pagselosin ang babae niya.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa nang makarinig ng kalabog sa kabilang table. Using my peripheral vision, I stared at them. Hinampas lang naman ni Miguel ang table nila. Pareho na silang nakatayo ngayon at hawak ni Aria ang braso ni Miguel.

"Miguel.." Aria softly called him.

Ngumisi sa akin si Ishi pero parang may inis siya sa pagtawag ni Aria sa pangalan ng lalaki.

"Miguel, let's go." aya pa nito.

Pansin ang madiing titig ni Miguel kay Ishi pero ang lalaki naman na 'to ay nakatitig lang sa akin. Hinahawi niya pa ang buhok ko na humaharang sa aking mukha. Darn.

Muling humampas si Miguel sa table at napamura na umani na naman ng ingay sa nanonood. Hinawakan niya sa kamay si Aria at hinila na palabas. Damn.

Pareho kaming napangisi ni Ishi. So successful ang unang acting? Napangiti ako at kinuha ang pineapple juice in a can.

"Kailangan natin ng commerial!" hinawakan ko ang pineapple juice at humarap sa kanya. "This serye is brought to you by, pineapple juice drink in a can. Pinya mura na, pinya sarap pa! Buy now at Aglea Canteen for only 30 pesos! Pinyaa sarap pinyaaa sarap!"

Napatigil lang ako nang pitikin niya ang noo ko. Tangina. Akala mo kagat ng scorpion ang pitik nito sa sobrang sakit.

"You're so noisy. Just eat! Dami pang kuda." supladong sabi niya. Kinuha niya sa tray ang hotdog at carbonara at inilagay sa side niya.

Napanguso ako. "Subuan mo 'ko!"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Matapos maging successful ang unang acting ganito lang ang ititingin niya sakin? Nakakasama ng loob ang kalahating hapones na 'to ah.

He tsked me. "Kumain kang mag-isa mo! Bawas sweetness sa act, wala na ang dalawa." napakasupladong sabi niya.

I pouted my lips. "Susubuan mo 'ko o isusubo ko 'yang ano mo?"

I saw how his adam's apple moves up and down. "Ano?"

"Yang ano mo.."

"Anong ano ko?"

"Yang ano.." I bit my lower lip for seducing him. Dahan-dahan akong lumapit sa mukha niya habang ang kamay ko ay kinakapa ang hotdog na katabi ng carbonara niya. Nang makuha ko iyon ay agad kong ipinakita sa kanya. He gulped, I smirked. "Ito...itong hotdog mo."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top