CHAPTER 19


Chapter 19

"Cessiana Marie, late kana sa katititig mo d'yan sa cellphone mo!" ang lakas namang makasigaw nitong si Lolo. Akala mo nagtatawag ng buong barangay.

Inayos ko na ang gamit ko at nakangusong lumapit sa kanya.

"Ito na nga, Lo! Papasok na. Bye." humalik ako sa kanyang pisngi at yumakap.

"Mag-iingat ka."

"Opo, Lolo. Bye!"

Nang makasakay na ako sa tricycle papasok sa school ay muli akong napatitig sa aking cellphone. Hindi ako pinatulog ng text na iyon ni Ishi. Walangya talaga. Aish! Anong I love you too 'yon?

Nang makarating sa school ay natanaw ko agad ang apat sa may gym. Nakasandal sila sa may poste na akala mo ay model ang itsura. Kaya umani na naman sila ng tilian sa mga bubuyog. Tss. Nakakalimutan ko na mga feeling f4 nga pala ang mga ito. Halos ang nilalakaran ko ay may mga nagkalat na babae at nasa kanila ang tingin, ang iba ay hindi na tumitingin sa dinaraanan makita lang ang mga oh-so-famous papables. Shucks naman. Pa-shout out nga.

Napangiwi nalang ako at umiba ng dereksyon. Pero natigilan ako nang biglang may humila sa braso ko.

"Baby, you can't escape me that easy."

Natulala nalang ako kay Ishigara na nasa harap ko na. Yeah. That's too sudden. Kanina lang ay katabi niya ang apat na nag-aala model tapos ngayon ay nasa harap ko na agad siya. May lahi ata 'to ni The flash.

His hands on my cheeks brought me into senses. Marami ang nakatingin na students sa amin. At parang papatayin ako ng tingin ng mga babaeng nagbubulungan kanina.

He cupped my face and I thought he will going to kiss me on my lips but he just kiss me on forehead. Damn. Ano ka ba, Cemie. Hindi kana nasanay sa galawan ng hapon na 'yan. Ibinaba niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Good morning." ngumiti siya na nakapagpasingkit lalo sa mga mata niya. Shit, bakit ba ang fresh lagi ng dating ng mga papables na ito.

Napalinga ako sa paligid at nang makita si Aria kasama ang ilang kaklase niya ay humawak ako sa pisngi ni Ishi at ngumiti rin sa kanya.

"Good morning, hapon."

Pareho kaming nakangiti sa isa't isa na parang tanga. Hanep siya, akala ba niya ay nakalimutan ko na iyong text niya. Dito palang gusto ko na siyang kurutin dahil sa paggambala sa akin ng reply niyang iyon. Darn.

Pumasok kami sa room at dahil wala pang klase ay panay na naman ang kwentuhan nila.

"Kung tutuusin mali talaga 'yon, hindi tamang i-judge ang isang tao base sa itsura." sabi ni Dairo.

Well I agree with him. Pinag-uusapan kase nila ang nagtrending ngayon sa social media daw, ngayon ko lang rin nalaman 'yon dahil hindi naman ako active sa social media. Meron silang ipinapanood sa akin na video about sa isang babaeng guro na ni-rant ng mga kasamahan niya. At sinabi nila sa video na walang kwenta daw ang guro at panget, hindi nababagay sa propesyon na iyon.

As in seriously? Ang itsura ba ang magtuturo sa mga estudyante para maging hadlang ang itsura nito? They degrade her profession just because of her looks? Huh? And how can they judge her without looking on what she's capable of?

"Degrading someone is very very wrong." iiling-iling na sabi ni Braille. "Hindi dapat hinuhusgahan ang isang tao base sa itsura. That's a saying, right? What is it again? Don't judge the look by it's cover."

Dairo tsked. "Don't judge the cover by it's look."

"Don't cover the judge of it's book." pakikisali ko sa katangahan nila.

Ano daw?

Matunog na ngumisi naman ang katabi kong si Troy. "Don't judge the book by it's cover."

"Ayon! Naiisip ko na 'yon kanina e." talaga lang Braille ha.

Napangisi nalang ako sa pinagsasasabi nila. I never expect that these papables have this side. May pagkabuti pero lamang parin ang pagiging loko-loko. Napatingin ako sa katabi kong si hapones dahil hindi siya nasabat. Tahimik pala siyang nakatitig sa kagandahan ko.

I hold his hand on his arm rest to squeeze it. Napanguso ako nang hindi niya parin inaalis ang titig sa akin. Damn, ano na namang naiisip nito? What if hinahalay na niya ako sa kaniyang isipan? Owemji!

"Gagi!" wala sa sarili kong nahampas ang braso niya.

"What?" ayan na naman siya sa what-what niya.

"Kabulastugan na naman ang iniisip mo sa akin 'no? Walangya ka talaga. Wala kang respeto sa inosenteng babaeng katabi mo!"

"Hm? Who's innocent again?" ngumisi siya bago inilapit ang mukha niya sa akin.

"Cessiana Marie Vasquez na sobrang ganda!"

"My girlfriend."

Bigla akong nangilabot sa ngiti niya. Damn it! Bakit ba proud pa siyang sabihin na girlfriend ako? Well, he should be. Sa ganda kong ito at bait sinong hindi magiging proud. Darn. Pero kung makapagmalaki 'to akala mo naman ay talagang totoo.

Umirap ako sa kanya na nginisian niya pa. "I really love that rolling eyes, mami."

"Nye!"

Nang dumating ang teacher ay saglit lang siyang nagklase dahil may sinabi siya about sa darating na christmas party. Oo nga 'no? December na! It's party party time na!

Naexcite ako pero naisip ko na may pagbabago na lahat ngayon. Dati ay nasa public school ako, at ang saya-saya ng christmas party experience ko noon. I don't have any idea how private school students celebrate their christmas party. What if may pa-long gown pa sila. Oh pak. Or costume party. Mag aala-invisible woman nalang ako.

Napanguso ako nang lumabas na si Ma'am. Lumabas na ang tatlo kaya sumunod na rin kami ni Ishi papunta sa canteen.

"Ishi.."

Tumungo siya sa akin tapos umakbay. "Yes, baby?"

Napairap na naman ako. Damn, bakit ba parang nahihirapan siyang bigkasin ang pangalan ko? Palaging baby, panahon na siguro para umuha.

Nang makarating sa canteen ay umorder lang siya ng pagkain bago kami pumunta sa isang table.

"May itatanong ka?" he asked. Inilapag niya sa tapat ko ang spaghetti at beef steak. At napansin kong isang coke in can lang ang binili niya. So share kami do'n?

Napangisi ako. Bakit ba ang sweet ng hapones na ito?

I looked at him and leaned my head on his shoulder. Alam kong andito si Aria, nakita ko siya kanina dito sa canteen. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo kaya lalo akong napangisi.

"Cemie kumain ka muna, mamaya mo na ako lambingin." yabang naman nito.

Umayos na ako ng upo at umirap nalang sa kanya. Panay pa ang subuan namin. Damn. 'Pag talaga kami pinagbawalan dito sa canteen naku kasalanan 'to ni hapones. Binuksan niya ang coke in can at uminom doon bago iyon ibinigay sa akin.

"Ayoko niyan. May laway." maarteng sabi ko.

"Tss, shut up. You already taste my saliva, baby." ngumisi na naman siya. "Ngayon ka pa ba mahihiya, Cemie?"

Napanguso nalang ako bago inagaw ang coke in can. Darn. Ang daming sinasabi.

Napatingin ako sa gawi ni Aria at nakita kong katabi nito si Miguel. Nakatitig ito sa akin at shit, naalala ko 'yung sinabi ni Miguel sa akin. Para siyang nagbababala or banta? I don't get it, tapos ngayon kung makatitig siya para niya akong sinusunog dito sa tabi ni Ishi.

"Cemie, stop staring at him." napabaling ako ng tingin kay Ishi at napansin na tiim ang panga nito, sign na inis na siya.

"Hindi naman ako nakatitig ah." I pouted my lips when he hold my hand and pulled me outside the canteen. Nabadtrip ba siya sa pagtingin ko kay Miguel? Damn. Bakit feeling ko ako ang pinag-aagawan nila ngayon? Oh damn, you're crazy Cemie.

Hinila niya ako hanggang sa vacant room at pumasok kami sa loob. Shit bakit sa vacant room na naman. Kingina, gusto na naman ata niyang magtreasure sana sa gubatan nalang siya nagpunta.

He locked the door before sitting on the arm chair. Iisang arm chair ang maayos dahil ang iba ay mga putol ang paa. Hindi ko masasabing bodega 'to dahil maayos ang mga bookshelves. Mukhang mini library 'to na hindi masyadong nagamit.

"Ang gago naman ng kalahating hapones na 'to, dalhin ba naman ang dyosa sa isang bakanteng room. Hayst, maghahanap ata ng treasure nandadamay pa."

I heard his tsk-ed. "Come here." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Prente siyang nakaupo sa arm chair. Lumapit ako sa kanya at hindi inasahan ang mabilis niyang galawan. Hinila niya akong paupo sa lap niya. At siya mismo ang nagsakbit ng aking mga kamay sa kanyang leeg.

"Ishi.." I called him with a little bit nervous. Tangina ka, Cessiana. Nagtatambol na naman ang puso mo oh.

He smiled at me. Sa paraang pakiramdam mo ay nahulog ka sa malalim na talon at ang binagsakan mo ay umaagos na ginto. Damn that smile.

He cupped my face. "Hindi ko na kailangang maghanap ng treasure. 'Cause my treasure is with me already."

Mas lalo siyang ngumiti habang hinahaplos ang pisngi ko.

"You are my beautiful treasure, baby."

Biglang para akong nabingi sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso. What's wrong with him? Or, why not ask yourself first, Cemie. What's wrong with you?

Napatungo ako sa kamay niyang ibinaba niya sa aking bewang. His right hand still on my cheek, brushing it like as if I'm really his treasure. Darn.

"Don't you dare stare at him again, or else...once I caught you, I will owned that lips, 'til it's bleed."

Napalunok ako nang tumitig siya sa labi ko. Shit. Ano na naman ba ang gusto niya? Napakagat ako sa babang labi bago siya pinitik sa ilong.

"Ang galing mo naman! Ano ka sinuswerte? Kung maka-owned 'to."

Ngumisi lang siya sa akin. Ni hindi man lang siya nailang sa liit ng agwat ng mukha namin.

"Nagseselos ka ba kay Miguel?" ako naman itong ngumisi ngayon. Darn. Bigla siyang natigilan at unti-unting namula. Ano kayang tinitira ng hanep na hapones na 'to? Lakas amats kase niya.

"Why would I?" tumaas na naman ang makapal niyang kilay. Darn, siguro kapag nagkalayo na kami isa 'yan sa ma-mimiss ko. Japanese jerk with his thick arched brow.

"Bakit ayaw mo 'kong nakatitig sa kanya?"

"Mukha kana ngang Dracula, tititig ka pa sa isang Dracula. Ano nalang kalalabasan ng baby ko?" bigla niyang pinisil ang pisngi ko at tinawanan pa ako. "You can stare at me, everytime and anytime you want." then he kissed me on the tip of my nose.

Napairap ako sa kanya. Dinala niya ba talaga ako dito sa vacant room para dito landiin? Darn. I thought he wants Aria to get jealous for him to take her back pero iba naman ang ginagawa niya.

Hayst. Trip nga naman ng tsunggo na 'to.

Napanguso ako at biglang naisip ang darating na christmas party. At dahil malapit na ang december ay may paparating din na sem-break. Hayst! Bakasyon na!

"Ishi, outing tayo sa sem-break ha, if hindi ka pupunta sa japan."

"Sure. Dito kami nagse-celebrate ng christmas every year, baby. And moreon now, hindi ko kailangang mag out of town celebration. Dito palang, kontento na ako sa nakikita ko."

Ngumiti siya ng sobrang ganda at halos kumikinang ang mga matang nakatitig sa akin. Damn you hapones! Masyado kang pa-fall.

"Sana all kontento." sabi ko nalang sabay irap. "Pero japanese ka parin naman diba? So marunong kang mag japanese?"

"Yeah, kinda." walang ganang sagot niya.

Minsan ay nanonood din ako ng japanese movie pero hindi ko rin naman maintindihan kase walang sub-titles.

"Sample ka nga."

He smiled. "Aishiteru."

Nangunot ang noo ko dahil medyo pamilyar iyon sa akin pero di ko matandaan ang ibig sabihin 'non. Shit, baka minsan minumura na ako nito hindi ko pa ma-gets kase japanese words ang gamit niya.

"Anong ibig sabihin no'n?"

"It's for you to find out." kumindat siya sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na nakaupo parin ako sa lap niya at prente pa talaga ng pagkakaupo ko! Darn, Cemie. Pati ang kamay ko ay nakayakap pa sa kanya. Syeteng kalabaw na nakalabas sa kulungan nga naman. At ang lalaki namang ito ay nakahawak pa ang parehong kamay sa bewang ko.

Aalis na sana ako sa pwesto pero hinila niya ako ulit para yakapin ng mas mahigpit. Ang ulo ko ay nakasandal na sa kanyang dibdib habang hinahagpos niya ang buhok ko. I can feel the butterflies around my stomach flying peacefully as he requested for us to stay in that position. Halos ilang minuto kaming tahimik lang habang siya ay nakayakap sa akin.

Nang lumabas kami sa vacant room ay tumambay muna kami sa may gym dahil wala namang klase. Ang agap ng bakasyon. Si Ishi ay kausap si Troy. I don't know what they're talking about. Nakakatuwa talaga ang dalawang ito, ano? Minsan akala mo ay magpapatayan sa tingin, minsan naman ay parang sila pa itong close sa kanilang apat. Si Dairo at Braille naman ay nasa may bandang likuran ko. As usual, panay na naman ang asaran sa walang kwentang bagay. Si Braille pa, happy everyday.

Kinuha ko sa bag ko ang aking cellphone para magbukas ng messenger. At hindi ko inaasahan ang saktong pagchat ng arabo? Owemji!

Ang sabi niya 'Hey, baby doll' damn. Napangisi ako. Mayamaya ay may senend siyang video! Syempre hindi ko makikita 'yon kase wala akong load hehe. Sorry ka, kung ano man 'yang senend mo peste ka, sana hindi masarap ulam mo mamaya.

Nawala ang ngisi sa labi ko nang maramdaman na may nakasilip sa likuran ko. Mga tsunggo na nagngangalang Dairo at Braille. Pareho silang nakangisi at mayamaya lang ay kumaripas na sila ng takbo patungo kina Ishi. Nanlaki nalang ang mga inosente kong mata dahil sa malalang sigaw ni Dairo.

"Ishi, si Cemie may ka-chat na arabo!"

"Walangya!" galit na sigaw ko rin pero tinawanan lang ako ng dalawa. Pati si Troy ay nakisali pa sa dalawa. Mga yawa.

Napanguso nalang ako nang seryoso ang mukha na lumapit sa akin si Ishi. Nakatingin siya sa phone ko. Itatago ko na sana iyon kaso mabilis siyang nakalapit sa akin at mabilis ring inagaw ang cellphone. Damn. Napapikit ako ng marahan nang taas kilay niyang binasa ang chat nung arabo. Shucks!

Binigyan ko ng middle finger ang tatlo na tinatawanan pa ako. Mga walangya. Pahamak.

"Did you watch this video?" seryosong tanong niya.

"Hindi. Paano ko mapapanood see all videos lang naman nakikita ko." I sighed. Meron pa ako nung load niyang 1k, pero hindi ko pa nare-register ang iba. Hehe, swerte nga eh. Hindi ko nakita yung senend niyang video.

Napanguso ako ng may kung ano siyang kinalikot sa phone ko. Lumapit ako sa kanya at umakbay. He registered my load. At mukhang tinignan niya kung ano yung senend ng arabo. At denelete niya talaga. Wew.

"Bakit mo denelete? Ano ba 'yon?"

"Tss," sa halip na sagutin ay sininghalan niya lang ako.

Mas lalo akong lumapit sa kanya at halos dikit na ang mukha ko sa braso niya. Tangkad naman nito, nahiya ang bunbunan ko.

May ilang chat pa ulit at mukhang nainis ang hapones. Darn. Hapones versus Arabo. Hahahah krazy.

Napangisi ako sa tina-type ni Ishi. Senend niya iyon sa arabo.

: I'm her husband, so stop sending her your fucking bullshit videos. Be thankful that she did not watch your goddamn videos. 'Cause if she did, I will make your skull explode.

After sending that message, he reported that account and blocked him. Siguro ay kabastusan ang senend niyang iyon. Darn. Ang sweet talaga ni hapones.

Binigay niya ang cellphone sa akin. "Ganyan ka bang ka-concerned sa akin, Ishi? You're my what?" ngisi ko.

Nanatili lang siyang seryoso ang tingin sa akin. "Husband."

Lumapit siya sa akin at sinapo ng dalawang kamay ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong lapatan ng halik sa labi.

"Aishiteru, wife."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top