CHAPTER 18
Chapter 18
"Apo, binabangungot ka ba?"
Tumigil ako sa pagsusulat ng essay na assignment namin para lingunin si Lolo.
"Anong binabangungot, Lo? Hindi naman ako tulog ah."
Umangat ang gilid ng labi niya bago naupo sa tabi ko. "Parang simula noong nagpaalam ka sa akin na may pupuntahan kasama ang mga kaklase mo ay naging energetic kana ah."
Ay shit! Ipinaalala pa ni Lolo. Kahit nagpapakwento siya sa akin sa mga ginawa daw namin do'n sa Fantasy Sky ay wala akong sinabi sa kanya. Damn. Remembering the words of that japanese jerk, aish! Ang sarap niyang dalhin sa heaven! Ay mali! Sa hell nalang. Tawagin ba naman akong sleeping dracula, at hindi lang iyon, tinawag niya pa akong mami. Watdapak.
Endearment 'yon ng mga mag-asawa diba? Mami and Dadi other terms for Mommy and daddy.
"Ew! Yucky yucky!"
"Hoy Cessiana!" napatigil ako sa pag-irap nang mapansin ang seryosong tingin ni Lolo. "Kailangan na ba kitang ipa-albularyo? Parang na-engkanto ka sa pinuntahan niyong iyon ah." iiling-iling na sabi ni Lolo. "Kasama mo ba doon iyong singkiting binata?"
Hindi ko na kailangang isipin pa kung sino ang singkiting binata na tinutukoy niya. Si Ishigara lang naman ang singkit na nakita na ni Lolo sa mga kaklase ko eh. And besides, si Ishi naman palagi ang tinutukoy niya kapag may itinatanong sa akin about sa classmate ko. Hayst, itong si Lolo naman oh, ayaw papahingahin ang bongga kong isipan sa pag-iisip sa hapon na iyon.
"Si Lolo naman, mukha bang na-engkanto ang ganitong kagandang dyosa? Jusmiyo marekeyks, takot lang ng engkanto na lumapit sa akin. Baka hahakbang palang sila, talsik agad sila sa lakas ng kagandahan ko."
"Lakas ng hangin ikamo." natatawa siyang tumayo sa upuan at nagtungo na sa kusina.
Napanguso ako. Si Lolo talaga, kahit kailan napakalakas tama rin. Feeling ko ay may hinuhuli siyang sabihin ko about sa hapones na iyon. Ano naman kaya 'yon? Na jowa ko ang lalaking 'yon?
Hayst. Sabi ko nga magsusulat nalang ako ng essay.
Kinabukasan ay araw ng lunes kaya maaga akong pumasok sa school. Nasa may gate palang ako ay sinalubong kaagad ako ng nakangiting si Ishi. May kung ano na naman akong naramdaman nang makita ang puzzle keychain na nakapalawit sa bag niya.
"Good morning." he greeted me with his shining brightly like a diamond smile. Nang mas lumapit pa siya ay matik akong napaatras. "Hey, is there something wrong?"
Napalunok ako at napakagat nalang sa labi. "Ah wala, ano, nagpapractice lang ako ng sayaw. Oo! Sayaw. Alam mo 'yon? Cha cha cha!" sumayaw pa ako sa harap niya para mawala ang kakaiba kong nararamdaman.
Awkwardness. Nakaawang ang labi niya habang nakatitig sa akin at nakacross arm. Ano ba naman 'tong ginagawa ko. Hayst.
Nauna akong maglakad sa kanya papasok at nang makita ko naman si Aria ay bumalik ulit ako para sumabay sa kanya. Wala na talaga akong kawala sa actingan na ito. Shit, paano ko kaya maiiwasan na hindi maapektuhan sa lalaking ito kung palagi ko naman siyang kasama? And not just kasama, sinasamahan pa ng sweet acts.
Ramdam ko ang pagtibok ng puso ko t'wing hinahalikan niya ako sa sintido at hinahagpos ang aking buhok. My heart beats more than its normal pace. Nagagawa ko namang sabayan ang aktingan niya pero unlike before, parang medyo naiilang ako. I don't know, maybe because of this feelings I can't name.
Kingina mo Hapones. Feeling ko ginayoma na niya ako. Oh my G!
Kapag nasa paligid si Aria ay sobrang sweet niya sa akin, to the point na pati langgam mapapasabi ng 'sana all may jowa'.
Pero ang hindi ko maintindihan ay, t'wing kami lang dalawa ang magkasama, I try to ignored him, ignored his sweet gestures, pero mas lalo lang siyang nagiging malambing sa akin. Mas malambing pa kesa kapag nasa paligid si Aria.
Seriously, Hapones? What's going on with you? I thought it was just Aria, si Aria na laman ng lahat ng pagpapanggap na ito. Si Aria na mahal na mahal niya. Then ano 'yong ipinapakita niya sa akin? Damn it! Mas pinapalala niya ang sitwasyon ko.
Nakatambay ako sa waiting shed para maghintay ng biyaheng tricycle. Actually, kalahating oras na akong naghihintay ng masasakyan pauwi dito pero mukhang matumal ang biyaheng tricycle ngayon. Iilan ang nakita kong dumaan at lahat ay punuan na.
"Cemie." tawag sa akin ng kung sino at nang lingunin ko ay si Miguel. Seryosong-seryoso ang mukha niyang lumapit sa akin.
"Anong kailangan mo? Kung si Ishi ang hanap mo, wala dito. Mag-isa ako." umirap ako sa kanya.
"Ikaw ang kailangan ko."
Ako daw? Kailangan niya? Oh darn. HAHAHAHA krazy.
Sa isipan nalang ako tumawa dahil napakaseryoso ng mukha niya. Ano naman kaya ang kailangan nito? 'Wag niyang sabihin na pati ako ay hahamunin niya ng suntukan. Tangina, baka gusto niyang ilabas ko ang aking pang-malakasang punching techniques.
Nangunot ang noo ko at medyo napaatras nang lumapit siya sa tabi ko. As in sobrang lapit. Bigla nalang nagkaroon ng bonggang instinct ang aking malawak na isipan. What if, may hawak siyang kutsilyo at bigla niyang itusok sa tagiliran ko? Oh damn.
Bigla siyang tumikhim kaya lang napabalik sa ulirat ang aking isipan.
"Layuan mo na si Ishigara Takashi."
Malamig na sabi niya, parang boses ng isang taong nagbabanta. Ramdam ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Napakurap-kurap ako at taka siyang tinitigan.
"A-At bakit naman kita susundin? Ano bang pakialam mo?"
"You've been warned, Cessiana Marie CORTEZ Vasquez."
Pagkasabi no'n ay tuluyan na niya akong iniwan na tulala sa may waiting shed. Hindi ko maintindihan kung bakit may diin pa talaga ang middle name ko sa pagkakasabi niya. And speaking of that middle name, bakit alam niya ang buong pangalan ko? Ano bang meron sa dalawang iyon ni Hapones? Bakit parang may alam sila sa pamilya ko?
May kakaibang pakiramdam na ibinigay sa akin ang sinabing iyon ni Miguel. Alam ko namang may away sila ni Ishi, pero bakit kailangan kong layuan ang hapon na 'yon? Diba it's about Aria lang naman, then bakit parang ako ang naiipit sa pagitan nila? Oh damn. Para akong nagsasagot sa math. Nakakahilo, ang gulo, hindi ko maintindihan. Darn.
Tumigil pa sa palengke ang sinasakyan kong tricycle dahil may bibilhin pa daw ang isa kong kasabay. Hindi na ako bumaba at nangalumbaba nalang sa loob ng tricycle.
May nakita akong isang pamilyar na batang babae sa labas. Sa tapat ng tindahan ng ice cream. Ang isa niyang kamay ay hawak ng lalaking pamilyar na sa aking mata. The new husband of my mom. They looked too rich. Ang bongga ng kotse, at 'yong bata na sa tingin ko ay nasa limang taon palang ay halatang nagmula sa mayamang angkan.
Hindi ko na mapipigilang makaramdam ng hinanakit habang nakatitig sa perpektong buhay nila. Lumabas mula sa mamahaling kotse si Mama. Wew. Edi kayo na ang perfect family. Ako na itong miserable na nangungulila sa lahat.
Bakit ganun? Kung sino pa 'yong hindi naging mabuti sila pa 'yong pinagpapala. Look at where she is right now, sa magandang buhay, sa maayos na pamilya. Bakit pakiramdam ko ay nakabuti pa sa kanya ang pagsira sa pamilya namin at pag-iwan sa akin? Look at her now oh, ang saya-saya niya. Samantalang ako na walang hiniling kundi ang magkaroon ng maayos na pamilya, makaramdam ng pagmamahal ng magulang, at makaramdam ng kasiyahan na sila ang magbibigay. Ako pa itong naging miserable. Ako pa itong madalas kapitan ng malas.
I hold my cheeks, wet with tears. Damn. Bakit ba kailangan kong umiyak? Hindi ka dapat ganyan Cessiana. Paano mo kakayanin na malunasan ang sakit na ibinigay nila kung sa pagtitig mo palang sa kanila ay nanghihina kana?
I have Lolo pogi and Tita Anna naman diba, sapat na sigurong 'yong mga taong nagmamahal na lang sa akin ang isipin ko.
"Manong, hindi pa ba tayo aalis?"
Tumingin siya sa akin at mukhang nagtaka sa itsura ko. Wala naman akong maskara or other make-up na pwedeng kumalat sa aking mukha. Baka nagandahan lang sa akin si manong.
"Oo, ening. Nandito na ang hinihintay natin."
Nang makasakay ang kasabay ko ay umandar na ang tricycle. Pero bago pa man kami makalayo ay napatingin ako sa gawi nila, and I accidentally caught my mom looking at me. Nag-iwas nalang ako ng tingin at hindi na muling lumingon pa.
Nang makarating sa bahay ay nagluto nalang ako ng hapunan. Si Lolo ay as usual, nasa vegetable farm niya. Pagkaluto ay isinalampak ko muna sa sofa ang aking katawan habang hawak ang cellphone.
Hindi naman ako pala-online sa facebook, minsan lang akong maging active. Pero this time ay nagbukas ako ng aking account. I was about to type what's on my mind, to post it. Pero, hindi ko rin naman itinuloy. Kung magpaparinig ba ako sa social media o magpopost ng nararamdaman ko, may magbabago ba? Wala. Ganun parin ang mararamdaman ko.
Maaring para sa iba ay nagiging tulay ang social media para maayos ang lahat, pero sa sitwasyon ko ay hindi. Bakit? Hindi naman siguro mapipilit ng social media na mabuo ang pamilya namin diba? Hindi naman siguro mapipilit ng social media na mahalin ako ng magulang kong simula una palang ay hindi na ako mahal diba?
"Bitter." napangisi ako ng mapait sa mga naiisip ko. Dinamay mo pa ang social media sa pagluluksa mo ngayong araw, Cessiana.
Ipinatong ko na ang aking cellphone sa tapat ng aking tyan bago nagtakip ng unan sa mukha. Mayamaya ay may nagtext sa aking cellphone. Tinignan ko kung sino pero number lang? Aba, mukhang may naghahanap ng kalinga ng isang dyosa ah. Sino kaya 'to?
Unknown Number:
IKT missing his mami.
Napaayos ako ng upo sa sofa.
"IKT? Ano ba 'to? Alien?" napangiwi ako sa naisip nang mapagtantong pamilyar ang mami. Damn. Si kalahating hapones!
Hanep. Bigla akong nangilabot sa text niya. Damn his endearment, yucky yucky. Feeling ko tuloy isa na akong sugar mommy.
Hindi ako nagtipa ng reply at hinintay kung magte-text ulit siya. At hindi nga ako nagkamali.
Unknown Number:
Not replying huh? Fine.
Napangiwi ako sa text niya. Mayamaya ay may dumating na load sa akin. Darn. One thousand pesos load! Tangina talaga itong si Hapones. Bakit ba ang hilig niyang magwaldas ng pera. Akala mo naman ay basta lang pinupulot ang pera.
Unknown number:
Now, reply.
Napangisi nalang ako sa hapones na ito. Naalala ko nga pala ang sinabi ko sa kanya noon. Na kapag hindi ako nagreply, ibig sabihin wala akong load, at kapag gusto niya ng reply, loadan niya ako. At kingina. Niloadan nga ako. At 1k pa! Oh darn.
Me:
Damn u hapones. Pwede kana talagang sugar daddy. 😉👍
Hindi ulit siya nagreply kaya naiimagine ko na ang asar niyang mukha. Shit, bakit namimiss ko ang tukmol na 'to?
I smirked before typing a text message again.
Me:
Anong IKT? Irog Ko Tanga?
Ishi Ko Tukmol?
Ishi Ko Tanga?
Hindi ko napigilan ang tawa nang bigla siyang nagreply.
Unknown number:
WTF?
Ang hilig naman nito sa acronyms. Napangisi nalang ako nang muli siyang nagtext.
Unknown number:
That's just a initial of your boyfriend's name.
Napakagat ako sa babang labi dahil sa text niya. Oh darn, Ishigara! Anong boyfriend? Hanggang sa text ba naman? Talaga bang kahit saan ay kailangan kong paninindigan na boyfriend ko siya? Shit, Cemie. Kumapit kana lang sa pagiging bitter. Delikadong sumugal lalo na't alam mo ang magiging resulta sa huli, matatalo ka.
Ishigara Ken Takashi. Nga naman, common sense nga Cemie. Napangisi ako bago nagtipa ng reply.
Me:
Ul@l!
Ang kapal talaga ng pes ng hapon na ito. Aayos na sana ako ng higa nang bigla ulit siyang nagtext....na sana ay hindi ko nalang na-receive. Shit.
Unknown number:
I love you too, baby.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top