CHAPTER 17
Chapter 17
"Whatever." umirap ako sa kanya at naglakad na palayo.
Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong pakiramdam ang sumisibol sa dibdib ko. No. This can't be. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagsunod niya sa akin papunta sa keychain stall.
Hindi nawala ang ngisi sa labi niya. Damn. Nakatitig pa siya sa akin habang tumitingin ako ng magagandang keychain.
"Hi Sir, keychain for couple po ba ang hanap niyo?" tanong ng isang babae na may ari ata ng keychain stall na ito. Si Ishi ang kausap niya at ang mokong naman ay nakangising sumulyap sa akin.
"Yes, for my baby." kumindat ito sa akin kaya napatili ang babae.
"Ah, dito po Sir sa kabila."
Nang maunang pumunta ang tindera ay hinawakan ni Ishi ang braso ko para hilahin, literal. Hindi ba talaga 'to marunong humawak ng maayos? Bakit palaging hila?
"Kapal talaga ng mukha nito." kailan pa kami naging couple? As far as I remember, pagpapanggap lang ang lahat. Damn you, Hapones. Masyado kang patama.
"What?" he creased his forehead.
Hindi ko siya inintindi at nakanguso nalang tumingin sa mga keychain for couple daw. Hanep, merong heart tapos biyak. Ano 'yon? Akin ang kalahati tapos kanya ang kalahati? Darn ang corny, pang jejemon lang naman 'yan.
Tumingin ako ng iba. Dahil Fantasy Sky ang tawag sa pasyalang ito ay maraming keychain na sky ang design. And I'm a sky lover. Parang t'wing nakatitig ako sa asul na kalangitan ay gumiginhawa ang pakiramdam ko. I feel at peace.
"Cemie, here." napaharap ako sa kanya at napatingin sa hawak niya. Keychain na puzzle ang design, merong nakasulat. Ang sakin ay You're part of me, at ang sa kanya ay You belongs to me. It's kinda corny but it's simple cute.
"You like it, mami?" he chuckled on what he just called me. Napataas ang kilay ko.
Maganda ang keychain, pero to the fact that this is for couple, dapat bang bilhin namin 'to? Couple ba kami? Oh gad. You're in the reality, Cemie. Stop your fantasies.
I was about to open my mouth to speak when the woman got our attention.
"That puzzle couple keychain features two puzzle pieces, that fits together perfectly for a couple, like you Ma'am and Sir. That puzzle pieces means, no matter where you both are, they are guaranteed to remind you of your loved one."
May kung anong pakiramdam ang dumaan sa dibdib ko nang mapatingin ako kay Ishi habang nagsasalita ang babae. We're both holding the puzzle pieces keychain set. I don't know why, but instead of being annoyed by the meaning of this puzzle keychain, there's something inside me that wants to hear more loving meaning of this keychain.
Namalayan ko nalang ang kamay ni Ishi na humawak sa kamay ko. Idinikit niya ang puzzle piece keychain niya sa akin. He smiled before looking at me, I don't know but I just felt my lips forming a smile while looking at him.
"You heard that?"
"A-Alin?" napakagat ako sa labi ng mautal ako. Damn, hanep. Simulan mo ng magdasal Cessiana. Sinasaniban kana ng hindi magandang ispiritu.
He chuckled while still staring at me. "Look at what's written on the puzzle pieces. Remember this, when we're far away from each other."
Parang may malamig na hanging dumaan nang mapatitig ako sa keychain na hawak ng aming mga kamay.
You're part of me...
You belongs to me...
Binili niya ang keychain at hindi na naalis ang ngiti sa labi. Ano ba 'to Ishi?! Damn, akala ba niya madali para sa isang dyosang babaeng kagaya ko ang maapektuhan sa mga sinasabi ng tukmol na lalaking gaya niya? Darn. Nawala ang concentration ko sa pagiging makulit dahil sa kanya.
Nang makita ko ang tatlo ay tumakbo ako palapit sa mga ito.
"Akin nalang 'to!" umakbay ako kay Troy at inagaw ang cotton candy na kinakain niya.
I saw how he gulped. Napangisi ako sa kanya dahil doon.
"Uh-ohh." rinig kong singhal ni Braille.
Hindi ko na sila pinansin at nakaakbay parin kay Troy habang kinakain ang kulay pink na cotton candy niya.
"Cemie."
Hindi ko alam kung bakit biglang matik akong napaalis sa pag-akbay kay Troy nang marinig ang seryosong tawag ni hapones sa akin.
Tumitig siya kay Troy sa paraang nagbabanta? Pati si Dairo at Braille ay parang nailang. Ano kayang nangyayari sa mga ito? Parang magpapatayan sa tingin ah.
I heard Troy's heavy sighed before brushing his hair using his fingers. Napanguso nalang ako dahil sa pagtaas ng kilay ni Ishi sa akin. Ano na naman kaya ang gusto niya? Seriously? Bakit ba t'wing lalapit ako sa iba o magagwapuhan sa ibang lalaki ay iba ang tingin niya sa akin? Tampo ba 'yan? Selos? May karapatan ba siya para maramdaman 'yon?
Shit, Cemie. Ang dami mo ng iniisip tapos idadagdag mo pa 'yan.
Nang pabalik na kami ay hanep, kailangan na naman naming maglakad pataas. Ang sakit pa naman ng paa ko dahil sa paglilibot sa castle kanina. Buti pa itong apat, mukhang mataas pa sa araw ang energy. Panay ang asaran nina Dairo at Braille. Uy, mukhang good mood na si Kumpadre Hermosa. Si Troy at Ishi ay poker-face lang na naglalakad sa may una ko.
"Takbo tayo, ang mahuhuling makapunta sa kotse, manlilibre." walang kwentang usapan nina Dairo at Braille.
Parang elementary lang ah. Tss.
"Wag na, dude. Lugi si Cemie." natatawang sagot ni Braille bago lumingon ang dalawa sa akin. Pati si Ishi at Troy ay napalingon sa akin dahil sa dalawa. "Ano? Kaya pa?"
"Tanga mo naman, Romero. Nagtanong ka pa, kita mo namang nag-aala pagong na ako dito dahil sa sakit ng paa."
Napakagat ako sa babang labi nang marinig ang singhal nina Troy at Ishi.
I sighed before massaging my legs. Napatigil lang ako at muling napaayos ng tayo nang magsalita si Troy.
"Cemie, if you want...I can carry you on my back.."
Natigilan kami nang biglang pumunta sa harap ko si Ishi. Nakatingkayad siya at tinatapik ang balikat.
"Sakay."
Napalunok ako bago napatingin sa tatlo.Nakatingin lang sila sa amin. Napanguso ako nang lumingon sa akin si Ishi at tinaasan na naman ako ng kilay.
"Oo na! Ito na nga!" napairap ako sa kanya at pumasan nalang sa likod niya.
I hugged my arms on his neck and damn, I can smell his goddamn perfume. Ang bango naman ng hapones na ito. Parang hindi man lang siya pinawisan sa paghila ko kanina sa kanya papunta sa loob ng castle.
"Baby, you're kissing my neck." aniya at parang nakikiliti sa ginagawa kong pagsiksik ng mukha sa leeg niya.
Hindi ko alam na sumiksik na pala ako sa kanyang leeg. Ang bango kase niya. Pero sa halip na mahiya ay napangisi ako at mas lalong nagsumiksik. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kanya. Ang tatlo ay nasa unahan namin at busy sa usapang hindi ko maintindihan.
"Cemie, I said stop-'hey!" gusto kong matawa sa itsura niya. Parang gusto na niya akong ibaba sa inis sa akin pero hindi naman niya magawa. Oh darn. What's wrong with this Hapones?
"Ang bango mo. Amoy imported!" natatawa kong sinilip ang mukha niya sa pagitan ng pagsiksik sa kaniyang leeg.
I heard his chuckles. "Hinay-hinay, baby. Hindi naman kita pinagdadamutan, pwede mo akong amuyin kahit araw-araw pa."
"Anong perfume mo?" sa halip ay tanong ko. Ogags ka, hapones. Kung ano-ano pang katalandian ang sasabihin. Hmp.
"Sekretong malupit."
"Ang husay mo namang sumagot."
Nang makarating kami sa kotse ay siya na ulit ang nagmaneho. Ang tatlo sa likod ay mga nagsi-tulog kaagad kahit ilang minuto palang kaming nasa biyahe. Mukhang napagod kanina, well, pati naman ako. Mukhang tulog na tulog na ang tatlo dahil kanya-kaniya silang takip sa mukha. Si Troy naman ay may palsak na headset sa tenga at tulog na rin.
I yawned before looking at Ishi. I took a glanced at me.
"Are you okay?" he concernedly asked.
Napahikab muli ako at isinandal ang ulo sa backrest ng upuan habang nakatingin parin sa kanya.
"Nag-enjoy ka ba, Ishi?"
Bigla siyang napangisi. "I enjoyed being with you."
Pakyu ka talaga. Gusto ko siyang paghahampasin kapag nagsasalita siya ng ganun pero hindi ko naman magawa.
Umirap ako sa kanya na tinawanan niya pa. I yawned again.
"Ishigara, hindi ka ba napapagod?" bakit parang siya lang sa amin ang may energy pa. Wew. May super powers ata 'to.
"Sayo? Hinding-hindi." ngumiti naman siya ngayon ng abot tenga. The fuck is wrong with him? Lately kase ay palagi siyang sinasaniban ng kaabnuyan.
Nakaramdam na ako ng antok habang nakatitig sa pagmamaneho niya. Kung matutulog din ako parang unfair naman sa kanya, siya lang ang hindi makakapahinga sa amin. 'Yong tatlong papables nakatulog na sa likod.
Sumulyap ulit siya sa akin. "Too tired huh?"
"Yeah." unti-unti ng bumagsak ang talukap ng aking mga mata. "Can I sleep too?"
Nakatagilid ang aking upo kaya nakaharap ako sa kanya at nakasandal naman ang aking ulo sa backrest. Naipikit ko na ang aking mga mata at naramdaman nalang ang jacket niyang ikinumot sa katawan ko.
"She didn't even noticed that her cleavage shows. Damn this girl." rinig kong bulong niya.
Ngumisi nalang ako sa isipan. Inaantok na ako, kung ano-ano pang sinasabi ng hapon na ito. Damn, atleast may cleavage. If you have it, show it. Charot! Hindi ko naman sinasadyang makita 'yon ano. Ito kaseng si hapones, kung saan-saan nakatingin.
Nakapikit kong inayos ang maong jacket niyang nakatakip sa katawan ko. Hugging his jacket, feels like hugging him. Oh darn, matulog kana lang, Cessiana!
Before I went on a deep sleep, I felt his hand on my head, parting my hair aside using his fingers.
"Sleep well, mami. And let Dadi watch your sleepy dracula face."
__
cessias
Crazy Ishi hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top