CHAPTER 16
Chapter 16
"Cem, masarap?" nakakawalangya talaga ang ngisi nitong si Braille.
"Yung hotdog? Oo masarap." sagot ko bago kumagat sa ihaw na hotdog na binili namin.
He smirked at me. Tignan niyo nga naman oh, kung ano-ano sigurong naiisip nito sa hotdog. Darn, dinadamay niya ang kainosentehan ko. Sabi ko lang naman kanina na mukhang masarap ang hotdog dahil mapula, tapos nagsimula na siya ng kalokohan.
"Kapapanood mo 'yan ng porn, Braille! Damay mo pa si Cemie." ay buti pa itong si Dairo tino ngayon. Oo ngayon lang 'yan. Tandaan, nabalitaan ko sa radyong sira, babaero 'yan, playboy. Hindi dapat tularan.
"Look who's talking. The washroom boy." ngisi nito kay Dairo kaya nabato siya ng bote ng mineral na walang laman.
Ngumiwi nalang ako sa usapan nila bago lumayo muna. Si Ishi at Troy ay bumibili ng softdrinks. Ewan ko sa dalawang 'yon. Sinabi ko lang na gusto ko ng Mountain dew na softdrinks tapos sabay silang nagpresenta na ibibili ako, edi ayon, magkasama ang dalawang tsunggo. Medyo malayo dito ang merong tinda na softdrinks e.
Biglang tumahimik ang asaran ng dalawa sa may likuran ko. May katawagan pala sa phone si Braille.
"Cem...c-can we talk?"lumapit sa akin si Dairo at tumabi. He looked so stress. "That's not true."
"Alin? Na gwapo ka? Ay oo hindi nga true 'yan. Isa 'yang peyknyews!"
Itinuon niya ang siko sa hita at nagmake-face. "Damn, ang saya mo talagang kausap."
Masaya daw pero lalo namang nagmukhang stress. May pagkakapareho talaga ang magkakaibigan na 'to. Pareho silang moody nila Troy at Ishi, si Braille lang ata ang palaging happy.
Sana all, pinaglihi ata sa jollibee, bida ang saya. Hehe. Mahingin din silang apat. Kaya 'wag ng magtataka kapag nasalimpad ang kagandahan ko sa ibang lugar. Lakas hangin kase ng mga kasama ko.
"I'm talking about that fucking issue." he looked serious. Edi okay, seryoso na si me. Nahiya naman ako kay kumpadre.
"So, hindi totoo alin?"
"That I make out with someone. I can't do that." hindi ko alam kung maniniwala ako.
"Bakit hindi mo kausapin ang babae, si Zavi? Magpaliwanag ka sa kanya. If you did nothing, wala kang dapat ikatakot sa pagpapaliwanag sa kanya."
Medyo naawa ako sa itsura niya ngayon. Parang dismayado talaga siya sa sarili niya.
"Galit na galit siya sa akin. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya masusuyo."
Tinapik ko ang balikat niya. "Sabi nga, If you really love that person..if she shoved you away, hold her hands and never let her go. Huwag mong hayaang makawala."
"I love her damn much, Cem. But..I-I hurt her.""
"Kung hindi mo talaga siya ginagago, patunayan mo 'yon sa kanya." ngumiti ako ng sobrang ganda. "Eh, ano nga pala ang ginagawa mo sa washroom kung hindi ka nakikipagsayawan?"
"Tinulungan ko lang si Cassy dahil nabasa ang uniform niya sa canteen, natapunan ng juice. Eh pogi ako at mabait, so tinulungan ko."
"Your uniform was ruined that time. Ano 'yon? Pinunasan mo siya ng uniform mo?"
He sighed. "She kissed me. But believe me, Cem. Hindi ko gusto 'yon. I love Zavi more than everything. Hindi ko siya magagawang lokohin. Kahit hindi pa kami, I considered her as my girlfriend already. Tapos ngayon, galit siya sa akin. At sinampal niya pa ang napakakinis kong pisngi." madramang dugtong niya.
"Deserve mo."
Nginiwian niya ako. "Ang bad mo."
Daming drama nito. Pero hindi ko inexpect na seryoso din pala ang isang 'to sa larangan ng pag-ibig ah, mukha kase silang mga pinaglihi sa katalandian.
"Pero saan naman nakuha ng mga kalahi mo ang make-out na 'yon?" halik lang naman pala. Pero umabot sa make-out. Iba ring mag-isip ang tatlo niyang kalahi ah. Masyadong wild.
"Tsk, ano pa bang aasahan ko sa mga 'yon? Biniyayaan talaga ako ng napakabuting kaibigan. Pwede na silang pumunta sa heaven sa sobrang buti. Tangina, nakakaiyak."
Biglang may tumamang maliit na bato sa ulo niya mula sa likod. At nandito na ang tatlong kokompleto para sa mas malakas na habagat. Kapit lang, Cemie. Nase-sentrohan ka ng bagyo.
"Ano na namang pinagsasabi nito sayo, Cemie?" tanong ni Troy. Ang nambato sa ulo ni Dairo.
"Sabi niya ang ganda ko daw." sagot ko at tumayo na para lumapit kay Ishi. Syempre hawak niya ang mountain dew ko. "Thanks."
"Sakay tayo ng ferris wheel!" nawala na ang tatlo sa paligid. Siguro ay nakasakay na rin sa ibang rides. "Ishi!"
He shrugged his shoulder before holding my hand. "Fine. Siguraduhin mo lang na hindi ka mahihilo ha."
Hinila na niya ako papunta sa may ferris wheel. Damn, ang taas nito.
Poker-face lang si Ishi samantalang ako ay medyo kabado sa unang pag-andar palang ng ferris wheel. Ni hindi niya binitawan ang kamay ko at nakangisi sa akin dahil sa kabado kong itsura.
Nakakapit ako sa seat belt na ikinabit sa amin. Magkatabi kami ni hapon at nang pababa na ang takbo ng ferris wheel ay tangina, para akong papunta sa heaven.
"Waaaaa-" napatigil ako sa pagsigaw nang may lumapat sa aking babang labi.
Ang kabang kanina ay gusto kong isigaw, ngayon ay nagpatigil naman sa takbo ng paligid. I closed my eyes and just felt his lips, softly kissing mine. Damn. Ito na ba 'yung sinasabi nilang slowmo? Parang naglaho ang lahat...and his kisses, is the only one matter.
Nang lumayo ang labi niya sa akin ay saka lang ako napamulat. Nasa baba na kami. Ni hindi ko man lang namalayan. The hell with his kisses. Medyo nailang na ako nang alisin na niya ang seat belt ko at muling hinawakan ang aking kamay.
"Let's go?" darn! Cemie, pakibalik ang kakulitan mo. He smirked when he saw my reaction. "Hey, is that the impact of my kissed to you? You looked pale." hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat at nakangising pinakatitigan.
"Kapal mo naman.." I rolled my eyes. I unintentionally touched my lips. Palibhasa siya mapula ang labi sasabihin niya agad na maputla ako. Hayst. "Nahihilo lang ako. Impact ng halik, sapakin kita dyan e." napairap na naman ako.
Hindi na nawala ang ngisi niya habang nakasunod sa kung saan ako papunta. Bakit ba kase nawala na naman ang tatlo? Ayan tuloy, nakatikim na naman ang hapon na 'to sa napakatamis kong labi. Oo matamis ang labi ko, sugar ang product name ng liptint ko e.
Naupo ako sa may side walk at agad naman siyang tumabi.
"I wanna ride on ferris wheel with you again." nakangisi parin siya.
"Whatever."
Mas lalo siyang napangisi. "You allow me to kiss you. You didn't even push me. So what's with that look, baby?"
"Bakit ba ang hilig mong manghalik? Nasa usapan ba 'yan ha? Wala!" wala naman si Aria dito para pagselosin niya. Ang galing niya talagang chumansing.
"Part of acts." sagot niya bago nakangiting nag-iwas ng tingin. Napatitig naman ako sa singkit niyang mga mata. The fuck is going on with me? 'Wag na 'wag kang magpapaapekto sa lalaking 'yan, Cemie.
Iwinaksi ko nalang ang mga naiisip. Just enjoy the day, Cemie.
"Punta tayo doon!" turo ko sa Magic show. Maraming tao doon at nakita ko rin ang tatlo.
"Sa iba nalang. Masyadong maraming tao 'don." walang ganang sagot niya.
Tumayo na ako at hinila siya pero mukhang walang balak na sumama ang hapon.
"Edi don't. Tabihan ka sana ng multo d'yan!"
"Oh. I'm scared, baby." he smirked.
Naglakad na akong papunta sa Magic show. Nang makalapit ako ay doon ko lang napansin ang poging magician. Darn, may suot siyang formal coat na black at may suot ring magician hat. Para siyang 'yung bida sa The greatest showman na movie.
Ang astig ng paraan niya ng pagngiti sa manonood. Shucks, nakakadala. Siguro hini-hypnotized nito ang manonood para maniwala sa magic niya. Chos, pero mga simpleng magic tricks lang ang ginagawa niya pero nakakahanga.
"Ang galing!" wala sa sariling sambit ko.
"Tss." rinig kong singhal mula sa likuran ko.
Napabuntong hininga ako. "Ang pogi ng magician. Type ko." sabi ko at kunwari ay kinikilig.
I heard him whispered a curse after he moved a distance away from me. Sa tabi ko naman siya pumwesto at tinaasan ako ng kilay.
"Try again, Cemie. Makikita mo ang magic tricks ng isang Takashi. I can show you your future. And you know what? Your future is ready to claim your lips, again."
Napanguso ako sa sinabi niya. Siya naman itong nakangisi ngayon. Shit!
"Damn. Fine! Panalo kana ngayon, hapon. Damn your acts. 'Wag mong sabihin na pati magician ay pagseselosin mo?"
"You're the one who's making me jealous, baby. Damn your not so innocent eyes, pwede namang sa akin nalang tumitig, nagawa mo pang ibaling sa iba."
Maglalakad na sana akong palabas pero natigil dahil sa sinabi niya.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top