CHAPTER 14
Chapter 14
"Cemie, what are you looking at?" naramdaman ko nalang ang kamay ni Ishi na humawak sa aking kamay na nakapatong sa table.
I sighed before looking at him. "Wala. May nakita lang akong gwapo." pagdadahilan ko.
Sana nga gwapo nalang ang nakita ko e. Bakit kailangang siya pa? Nang ibalik ko ang tingin sa labas kung saan sila nakapwesto ay nawala na ang mga ito.
Kung masaya siya. Bahala na siya. Bakit kailangan kong masaktan at umasang maayos pa ang lahat? Wala na, Cemie. Matagal ng walang pag-asa na magkaroon ka ng kompletong pamilya.
Panay ang asaran ng apat sa harap ko pero hindi na ako nakasabay. Damn it! Ano ba naman 'yan! Panira ng araw.
"Ihahatid na kita sa bahay niyo." sabi sa akin ni Ishi nang maunang umalis ang tatlo. "Or you want to go somewhere? Maaga pa naman."
Wala rin naman akong gagawin pero wala akong gana ngayong araw. Para na naman akong bumalik sa twelve year old na Cemie. Iniwan ng ama, pinabayaan ng ina.
"Hindi na. Uuwi nalang ako." nauna na akong pumasok sa loob ng kotse niya.
Nang makasakay din siya ay tinitigan niya pa ako. "Everything's okay?"
"Yeah."
Nagsimula siyang magmaneho at pansin ang panay na sulyap niya. Tss, ano na naman kaya ang iniisip ng isang 'yan? Hindi ko nalang pinansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.
Nang makarating kami sa bahay ay bumaba agad ako ng kotse. Mabuti na ang maagap, baka maulit pa iyong nangyari nung isang gabi.
"Sige na! Bye Papa Ishi!" ngumiti ako at ikinaway ang isa kong kamay sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin at medyo salubong ang makapal niyang kilay. Ang ganda ng ngiti ko para pagsalubungan niya lang ng kilay. Napabuntong hininga ako at akmang maglalakad na papasok ng bahay nang magsalita siya.
"Ah, Cemie....Can I have your number?"
Humarap ako sa kanya at bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. Aba, trip nito?
"Loloadan mo ba ako kapag binigay ko sa'yo?" ngumisi ako at lumapit sa bintana ng driver seat kung nasaan siya. Ipinatong ko pa ang aking kamay sa bintana.
He sighed and leaned his head on the backrest of driver seat before looking at me.
"Pwede namang ibigay na lang." napakamot batok siya.
"Bakit mo naman kukunin? Kailangan mo sa number ko?"
"Just give it to me.."
"Bakit ko naman ibibigay sayo?"
"Damn. Gusto mo bang lambingin pa kita?" nanghahamon na tanong niya.
Oo daw sabi ng puso ko, pero ayaw ng utak ko. Eh kakampi ako ng utak ko. So no to lambing ako.
Ay ang dami ko pang nasi-say.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at ibinigay sa kanya ang number ko.
"Oh, ayan. Kapag hindi ako nagrereply, wala akong load. At kung gusto mo ng reply, loadan mo ako. That easy, my Takashi."
Kumindat pa ako sa kanya bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.
--
~ Ishigara Ken Takashi~
"That easy, my Takashi."
Ewan ko ba at nagpaulit ulit iyon sa aking isipan.
I heat the punching bag with my burning fist. Kulang nalang ay dumugo ang aking kamay. I never stop punching it 'til I heard my Dad voice.
"Son, stop throwing all your anger to that punching bag." he chuckled.
Matapos kong ihatid si Cemie ay dito ako dumeretso sa mansyon niya. Nandito kami sa sarili niyang gym dito sa bahay. And yes, my dad is right. I'm here to throw all my anger, this feelings...Fuck it!
"Just chill, son. Ganyang ganyan din ako dati." he smirked before turning his back on me.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa bar counter niya. Naupo ako sa upuang katabi niya at agad nilaghok ang alak na sinalin niya para sa akin.
"How's your mom?" he asked.
"Don't ask me about her. Why not visit her?"
"Mainit pa ang dugo no'n sakin." lumaghok siya ng alak. "What's up with you? You looked too problematic man." he said.
I don't know what's going on with me too. I just having this feelings I can't name.
"Babae ba 'yan?" he asked again while playing a bottle of wine on his right hand. "Son, malakas ang karisma ng isang Takashi sa mga babae. If you like a girl, then find yourself a way to her."
I tsked before guzzling the wine on my wine glass.
--
~ Cessiana Marie Vasquez~
Tahimik lang akong nakatanaw sa kalangitan habang nakaupo sa upuan dito sa teres ng bahay namin.
Kahit anong igulo ko sa aking isipan ay hindi mawala iyong nakita ko kanina. Hindi matanggap ng sistema ko na mukhang masaya na sila, habang ako ay unti-unti na namang nadudurog dahil sa kanila.
Naiinis ako sa sarili ko dahil, nagawa ko na namang maging masaya kahit wala siya, sila diba? Pero bakit ito na naman ako ngayon? Bakit hirap na hirap akong manatiling masaya kapag naaalala sila?
Napahinga ako ng malalim at pinunas ang luhang tumakas sa pisngi ko.
"Apo..." rinig kong tawag ni Lolo mula sa likuran ko. Lumapit siya sa akin at naupo rin sa tabi ko. "May hindi ka ba sinasabi sakin?"
Hinawakan niya ang ulo ko para humarap ako sa kanya.
"Lo...may balita ka ba kay...m-mama?" hindi ko maiwasan ang pag-aalinlangan sa itatawag sa kanya. Deserve pa ba niyang tawagin ko siyang Mama? Parang hindi na.
Hindi siya sumagot.
"Lo...m-may anak ba ulit si Mama?"
Sa pagharap niya ay muling tumakas ang mga luha mula sa aking mata. Ang hirap pigilan. I hate this scene, pero hindi na yata maiiwasan sa totoong buhay. Lalo na kapag usapang pamilya.
Hinawakan ni Lolo ang kamay ko at hinila akong palapit sa kanya para isandal ang aking ulo sa kanyang dibdib.
"N-Nakita ko sila kanina, Lo. Bakit ang saya-saya niya habang kasama ang batang babae? K-Kapatid ko ba 'yon, Lolo?" I just cried on him like a kid.
"Kung oo, kaya mo bang tanggapin apo?" bulong niya.
"P-Paano ko tatanggapin, Lo? Inagaw nila ang kasiyahang dapat nararamdaman ko. They're happy after leaving me miserable. Ni kasiyahan ko na mabuo ang pamilya namin, wala na. Wala na, Lo. Para lang akong b-basura na iniwan nilang basta."
I felt neglected by my parents. They abandoned me here. Ni isang rason kung bakit nila ako iniwan na ganito ay wala akong natanggap. Ang hirap tanggapin na 'yung mga taong dapat nagmamahal sa akin ay sila pang nagiging dahilan ng pagkadurog ko.
"Cemie, apo. Tumahan kana at magpahinga. May pasok ka pa bukas." pinunas ni Lolo ang luha ko sa pisngi bago ako halikan sa noo. "Matulog kana. 'Wag mo nalang isipin kung hindi ka pa handa ha? Gagaan din ang pakiramdam mo, apo."
Napangiti ako sa kanya. Kaya mahal na mahal ko itong si Lolo e. Hinalikan ko din siya sa noo at niyakap.
"Good night, Lolo." sabi ko bago tumayo sa upuan at papasok na sana sa loob ng muli niya akong tawagin.
"Mahal na mahal ka ni Lolo, apo." then he smiled.
Sapat ng dahilan ang sinabi ni Lolo para makatulog akong mahimbing. He's the sweetest Lolo that no one can exchange.
--
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para mauna ako sa room kesa sa apat na iyon. Naupo agad ako sa aking upuan na parang reyna.
Nang dumating ang apat ay ngising aso na naman sila. Tss, mga hambog talaga. Akala mo naman ay hari ng daan kung maka-intrata ang mga 'to.
"Good morning, Cem." bati sa akin ni Dairo at ngumiti na labas ang dimple.
"Hi, Cemie. Too early huh? Anong nakain mo?" ngisi naman ni Braille bago naupo sa kanyang upuan.
I tsked. "Hotdog." tunog proud pa na sagot ko.
He grinned. "Anong klaseng hotdog?" hinila niya ang kanyang arm chair papunta sa harap ko at nakahanda sa pag-interview sa akin. Psh.
Nagcross legs ako at ipinatong ang siko sa arm rest ng katabi kong nakatitig sa akin.
"Hotdog with cheese. Sinamahan ko din ng fresh milk. Damn, nabusog ako." kumagat pa ako sa labi nang mapansin ang iritang mukha ng katabi kong si Ishi.
"Stop that talks, Cemie. Pustahan, may tatahol." ngisi naman ni Troy. Nakuha ko agad ang tinutukoy niya kaya mas ginanahan ako.
"Sinamahan ko rin ng dalawang itlog. Damn, kapares talaga ng hotdog ang egg."
"Masarap ba, Cem?" tanong ni Dairo. Nag-thumbs up ako sa kanya.
"Kingina sa sobrang sarap."
"Cemie!" ayan. Tumahol na.
Nagpigil ng tawa ang tatlo at bumalik na sa pwesto si Braille. Napakagat ako sa labi nang hawakan ni Ishi ang kamay ko at pinag-intertwined ang daliri namin bago ipinatong sa arm rest niya.
"You're talking nonsense. Manahimik kana lang." may inis na sabi niya.
Hindi niya binitawan ang kamay ko at pinanatiling magkapatong ang aming kamay. Sa halip na bawiin ko ay mas lumapit ako sa kanya at ipinatong ang aking ulo sa balikat niya.
I smiled inside. Why do I feel comfortable with him?
Nang maglunch ay sabay ulit kaming pumunta sa canteen. Nakita namin si Aria at ang kaibigan nito sa may line at umo-order. Kaya sumama na ako kay Ishi sa pag-order. Shucks, ang sama ng tingin sa akin ng kaibigan niya. Pero si Aria? Kay Ishi nakatingin. Pero ito namang lalaking tinititigan niya ay busy sa paglambing sa akin.
Inakbayan niya ako habang ang isa ko namang kamay ay nakayakap sa likod niya.
"What do you want to eat?" tanong niya sa akin.
Nasa may tabi namin si Aria at ang kaibigan nitong babae. Nakatingin sila sa amin. Darn. Sige lang, Cemie. Push mo ang drama.
"Ah, I want that cheese cake." itinuro ko ang cheese cake na iisa na.
Ngumiti siya sa akin bago humarap sa tindera. "Give that cheese cake to my baby."
Napalunok ako sa sinabi niya. Hoy, kingina. Kalmahan mo. Napakagaling talaga nitong si Takashi ano? Saan ba niya nahuhugot ang mga pinagsasasabi niya? At shucks! Baby na talaga ang tawag niya sa akin? Shit. Gusto ko nalang umuha.
Magsasalita na sana ulit si Ishi nang tumighim ang tindera. Tumingin ito sa dalawa na nasa gilid namin kaya napaharap din kami sa mga ito. Nakataas ang kilay ng kaibigan ni Aria at nakakaloko itong suminghal.
"Excuse me!" mataray na sabi niya. "Miss, tell them that my friend got that cheese cake first." galit na sabi niya sa tindera bago humarap sa amin.
"Ah, sorry. Hijo, pero mas nauna silang nakaorder nitong cheese cake. At last na ang isang ito e." sabi ng tindera.
"Ano ngayon?" sagot na naman ni Ishi.
"No. Aria, ikaw ang nauna. So that cheese cake is for you." sabi nito kay Aria.
Pansin ko ang titigan nina Aria at Ishi. Ang kaibigan naman niya ay panay ang irap. Dahil lang sa cheese cake, mukhang mag-aaway pa ang mga ito. Naku, Cessiana. Napakagaling mo talagang mag-umpisa ng eksena. Matatawag ko na ba itong Cheese cake serye?
"Ishi, 'yaan mo na. Iba nalang ang akin." sabi ko kay Ishi pero ang titig niya ay nanatili kay Aria.
"Ah, sa k-kanila nalang, Miss." Aria said. Panay ang pigil sa kanya ng kaibigan pero pinatahimik ito ni Aria. "Cheese cake lang naman, Bea."
"You got that first."
"It's okay." sabi niya. Napaharap muli siya sa amin ni Ishi. At basta nalang hinila ang kaibigan palayo.
Hayst. Malay ko ba na siya pala ang nauna 'don. Ito kaseng tindera, hindi agad sinabi. Inabot ni Ishi ang cheese cake bago umorder ng pagkain niya at nagpunta na kami sa table.
"Ano? Nakonsensya ka?" tanong ko sa kaniya nang pabagsak siyang naupo sa tabi ko.
He arched his brow. "Why would I?"
"Tss. Diba obvious? Kaya mo siya pinagseselos dahil gusto mong maramdaman niya na ikaw parin. At bakit mo siya gustong bumalik? Dahil mahal mo parin. Tapos ganun ang ginawa mo. Shucks, madi-disappoint 'yon sayo."
Tinitigan lang niya ako habang nginunguya ang pasta na isinubo niya. Medyo nakatagilid pa ang ulo niya sa akin. Ano na naman kayang naiisip nito? Hindi maganda ang nararamdaman ko.
I rolled my eyes before looking away. Ramdam ko parin ang titig niya sa akin.
"You're jealous again, baby?"
Muntik na akong mabilaukan nang marinig ang sinabi niya. Ako daw? He must probably kidding.
"Bakit naman ako magseselos? Diba nga it's just part of the act." gaya ko sa sinasabi niya. "At ano namang konek ng selos sa sinabi ko? Come on, Takashi. I was just saying na baka ma-disappoint siya sa ginawa mo. Like ghad! Baka pakiramdam niya napahiya siya kanina. At tama naman ako na mahal mo parin siya diba? So you should be careful with your act. Pagseselosin lang, hindi 'yung ipapahiya sa harap ng iba."
Sa haba ng sinabi ko ay ngumisi lang siya. Kingina nga naman ito oh. Itapon ko na kaya 'to sa japan. Wala namang mali sa sinabi ko diba? Pagseselosin lang siya. At hindi ko rin ugaling magpahiya ng tao. Damn. Wala sa attitude ko 'yon. Mukha pa namang napahiya siya sa tindera at sa kaibigan niya kanina. I'm sorry for your lost. Condolence, Cheese cake. Kakainin na kita.
"Anong nakakangisi ha?!" napanguso ako habang nginunguya ang cheese cake.
"You sounds jealous when you say mahal mo parin."
Panggagaya niya pa sa boses ko. Medyo maarte ang pagkasabi ko 'non kaya ayan, nagmukha siyang bakla.
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top