CHAPTER 13
Chapter 13
"Bakit naman ako magseselos kung alam ko namang akin ka?"
Shit! Ano na naman bang trip ng hapon na 'to? Damn!
Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi kaya agad kong nilagok ang natitirang cocktail sa baso ko. Pati ang pulutan na improve version of sisig ay sinunod-sunod ko ang kain.
"Maanghang 'yan, Cem." halos bulong na sabi ni Dairo.
Nakatitig sa akin ang dalawa at napababa naman ako ng tingin sa sisig. Darn, mapula, ang daming sili.
Mas lalong nag-init ang mukha ko lalo na nang maramdaman ko na ang anghang sa dila ko. Para akong pinapaso sa dila hanggang sa aking bituka. Ba't ko ba naman kasi naisipang isubo ng sunod-sunod 'yan. Ayan tuloy. Hindi ako makaangal kahit pati tenga ko ay namula na. Gago ang dalawa, tinitigan lang ako.
"Cemie...ayos ka pa?" tanong ni Dairo na hindi ko alam kung concerned o nanloloko pa.
Wala man lang tubig sa table. Darn. Si Ishi ay tumayo sa upuan at lumapit sa akin para hawakan ako sa kamay.
"Are you okay?" tanong niya. Kingina niya, kasalanan niya 'to e. Kung ano-anong sinasabi. Ayan tuloy, natanga ang sistema ko kaya pati ang lintek sa anghang na sisig ay nilantakan ko. Shucks.
Nang hindi ako sumagot ay sumenyas siya sa barista, kay Justine para dalhan ako ng tubig. Paano ba naman ako makakasagot e, parang paso na ang dila ko. Darn. Isang tunelada atang sili ang inilagay sa sisig na 'yan.
"Drink," ibinigay niya ang isang baso ng tubig sa akin.
"Nilantakan e. Napala." natatawang sabi ni Dairo na sinamaan ng tingin ni Ishi.
"Kingina mo, Dairo. H-Hindi na..sisig baboy 'yan e, sisig sili na 'yan." finally, medyo nabawasan ang init sa dila ko.
"Bakit ba kasi basta-basta ka nalang nagsusubo e." medyo galit na sabi ni hapones. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na akong patayo. "Let's go. Ihahatid na kita sa inyo."
Hindi na ako pumalag. Bukod sa kanina ko pa naman talaga gustong umuwi ay gusto ko muna ring makaagwat sa hapon na ito. Kung ano-anong lumalabas sa bibig e.
"Nag-aya tapos mang-iiwan. Sinasaktan mo ako, dude." madramang sabi ni Dairo nang makalayo kami sa kanya.
Hawak niya ang kamay ko hanggang makalabas kami at himala dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.
Nang makaupo siya sa driver seat ay humarap ulit siya sa akin.
"Are you okay? Can you show me your tongue?"
Hindi ko na sana siya papansinin pero bigla siyang lumapit at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Okay na! Hindi naman anghang ang tatapos sa buhay ko ano. Ayos na!" hinawi ko ang kamay niya pero hindi man lang lumayo ang loko.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka sa pagsubo? Ayan ang napapala. You're too old enough to know what's spicy or not. Now look at your face, you looked like rudolf the red-nosed reindeer."
Umirap lang ako sa kanya. Kasalanan niya kasi ito. Normalize blaming hapones for everything, Cemie. Kung hindi ba naman siya nagsasalita ng kagaya nung sinabi niya kanina, edi sana hindi napaso sa anghang ang dila ko. Hmp. Lakas makaangkin, ano?
Maayos naman ang pagmamaneho niya dahil hindi naman nalasing ang dalawa, actually wala pa sa kalahati ng bote ang naiinom nila.
Nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay tumigil na ang sasakyan. Hindi pa naman ako akmang bababa pero hinawakan niya agad ang braso ko.
"Baby, is everything okay?" malambing ang boses na tanong niya.
Napaismid ako dahil sa tinawag niya sa akin. "Okay lang ako, Papa Ishi."
I was expecting that he will be annoyed but instead, he smiled at me. Akala ko ba ay irita siya sa pagtawag ko ng Papa Ishi sa kanya? Ano na naman? Nagbago ulit ang ihip ng atmosphere?
"At pwede bang...tigilan mo ang pagtawag sakin niyan kapag tayo lang naman." supladang sabi ko.
Ngumisi pa siya at inilagay ang kamay sa back rest ng inuupuan ko. Medyo inilapit niya pa ang mukha. Darn, alam ko na ang eksena na ito. Alam mo na ang susunod na mangyayari, Cessiana.
"Ngayon ka pa ba maiilang kung kelan tumatagal na tayo?" mas inilapit niya ang mukha sa akin. And he sounds seductive! Ano ba namang tindi ng amats nito? Shucks. No. Ayokong magpadala. Huwag kang magpapadala Cessiana.
Tumatagal na tayo? Tayo? Kami daw? May kami ba? Wala! Lintek talaga ang galing magrehearsal nito. Proud na talaga ako sa co-star ko. Darn, pwede na niyang patalsikin ang mga heart throb sa tv.
I sighed. Inalis ko ang seatbelt ko para bumaba na nang hawakan niya ang panga ko at ipihit ang mukha ko paharap sa kanya.
Halos panawan ako ng hininga nang bigla niyang ilapat ang labi sa labi ko. It's just a one swift kiss, but hell! I can feel the voltage of electricity affecting my whole body system.
Napapikit ako hanggang maramdaman ko ang palad niyang humahaplos sa pisngi ko. I can still feel his breathe. Naramdaman kong ipinatong niya ang noo sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.
Kasasabi ko lang kanina na hindi naman sila nalasing pero gusto kong isipin ngayon na baka lasing lang siya. Darn. Ano ba kaseng inaakto niya?
Pinanatili niyang malapit ang kaniyang mukha sa akin. Hindi pa man ako nakakalayo ay muli niyang nilapatan ng halik ang aking labi.
"Go, and take a rest. Sleep well, my baby." bulong niya bago inalis ang kamay sa pisngi ko.
Napamulat ako at umirap sa kanya. Tangina niya, below the belt na sa usapan ang ginagawa niya. Pero bakit mo naman hinayaan? Damn!
Umirap ulit ako at walang salitang lumabas ng kotse at nagdere-deretso sa kwarto ko.
Napasubsob ako sa unan dahil sa irita, inis. Kingina ang hapones na 'yon. Bakit ba ang galing niyang magrehearsal ng walang pasabi. Hayst. Edi wow sa kanya, anong akala niya? Ma-f-fall ako? No way. Malabong mangyari.
--
Kinabukasan ay medyo tinanghali akong pumasok dahil may ginawa pa ako sa bahay. Idagdag mo pa ang hapones na iyon. Pinapasakit niya ang ulo ko.
Naglalakad palang ako sa hallway papunta sa room ay natanaw ko na agad siya sa may pintuan ng room. Ano naman kayang ginagawa niya doon? Aba'y pake ko ba? Kung nagmomodel siya dyan, edi kunin sana siyang model ng electric fan, tutal mahangin naman siya.
May ilang girls sa dinaanan ko na pansin na nagbubulungan, may pa-takip pa sa bibig. Shucks, hindi kayo nahahalatang chismosa, hindi talaga.
Panay ang irap ko at ginagaya ang buka ng bunganga nila. They looked annoyed. Hanggang makarating sa tapat ng room namin ay panay ang irap at panggagaya ko sa kanila.
"Good morning.." bati ni Ishi na nilampasan ko sa pintuan. He smiled, but I ignored him.
Akala niya ba ay nakakalimutan ko na ang ginawa niyang pagbawas sa kainosentehan ko kagabi? Dalawang beses pa 'yon! Isa siyang napakalaking kingina!
Naupo ako sa upuan ko at sunod naman siyang naupo sa upuan niya. So, ako ang hinihintay niya sa may pintuan kanina? Tss. Panay parin ang irap ko kahit wala na namang nagbubulungan sa room. Medyo napapansin ko na hindi na mainit ang mga mata ng classmate kong babae sa akin.
Minsan ay panay rin ang irap nila pero iba na kesa nung unang linggo ko dito. They looked nice naman, siguro hindi lang talaga mawawala sa ugali ng isang mayaman ang kairitahan ang gaya kong nasa mababang lebel lang ng buhay.
"Can you stop rolling your eyes?"
Mas lalo akong umirap kay hapones. Bigla niyang pinitik ang tenga ko.
"Ano ba?!" bakit ba trip din nitong mamitik? E kung 'yung ano kaya niya ang pitikin ko? Talsik 'yan hanggang heaven.
Tinignan ko siya ng masama at siya naman itong nakanguso sa akin na parang nang-iinis. Akala mo naman ay ibibigay ko sa kanya ang satisfaction niya na mainis ako.
Humarap ako sa right side ko kung saan nakaupo si Troy. Naglalaro siya ng ML sa phone niya at itinigil naman niya nang mapansin na nakaharap ako.
"Bakit mo tinigil? Nanonood ako."
"Baka humanga ka pa. Eh masyado na akong maraming fans sa paglalaro. Tas dadagdag ka pa. Eh fans na nga kita sa kagwapuhan ko e." ngisi pa nito. Napangiwi ako.
"Yabang. Magkaibigan nga kayo. Pareho kayong pinaglihi sa aircon!" anas ko sa kanya.
Wala talagang kwenta ang mga katabi kong ito. Bakit ba kasi sa dami ng upuan ay dito pa ako napapwesto. Hayst. Kawawa naman ang napakatinong gaya ko. Napasama pa sa mga loko-loko.
"Aba, hindi ko kaibigan 'yan. Pinaglihi ako sa unan. Malambot, masarap kayakap." singit naman ni Braille.
"Masarap ring ihagis."
"I agree with Cem," sabi naman ni Dairo.
Napabuntong hininga nalang akong umayos ng upo. Panay ang yabangan ng apat sa pagitan ko dahil wala pa namang teacher. Jusme, kung puno ako baka kanina pa akong tumba dahil sa lakas ng hangin nila.
At ang usapan pa nila, lasa daw ng halik ng mga babae nila. Potek naman. Pati ba naman iyon ay pagdedebatihan nila? Mga walang magawa sa buhay ang apat na tukmol na ito.
"Tumigil nga kayo! Nakakadiri ang pinag-uusapan niyo!" bulyaw ko sa kanila.
"Why baby? Are you jealous again?" ngising tanong ni Ishi. Kingina niya. "Don't worry, your lips will remained sweet and tasteful for me."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang galing talaga niyang gumawa ng linya, ano? Sige na ikaw nalang ang writer ng sarili mong ganap. Pinigilan ko ang sinasabing kilig na nararamdaman kapag nambabato ng ganyang linyahan ang lalaki. Iba si Hapones, scripted 'yan.
Sa tagal nang pinaghintay namin sa loob ng room ay mauuwi lang sa wala. Wala naman palang klase maghapon. Jusme, bakit pa kami pinapasok? Darn.
Lumabas ako ng room at namalayan ko nalang na nakasunod sa akin ang apat dahil sa tilian ng mga nadaraanan kong babae. Hindi pa man ako nakakalingon sa kanila ay naramdaman ko na ang kamay ni Ishi sa balikat ko.
"Cafè tayo, baby. Sa labas." sabi niya at sumenyas sa tatlong tsunggo na nasa likuran namin.
Hindi na ako umiimik. Wala rin naman kaming gagawin dito sa room, at ang maganda dito sa private school, kapag walang klase pwedeng lumabas ng school, unlike public schools.
Hanggang makalabas kami ay nakaakbay lang sa akin si Ishi. Medyo sanay na rin ako sa ganyan niyang galawan. Nilakad lang namin ang cafè dahil malapit lang naman ito sa school.
"Wala akong gagawin this saturday. Ano Cemie? G ka ba? This saturday tayo lumabas." sabi ni Braille.
May sinabi kasi siya noong isang linggo na lalabas kami pero hindi natuloy. "Ah, I'll try."
Nang makarating ay pinili namin ang table na malapit sa glass window para kita ang labas. May nasilip ako sa labas na nakatalikod na babae, pamilyar na likod ng babae. Tumitig ako sa kanya. At nang unti-unti na siyang humarap ay nakita ko ang mukha ng babaeng matagal ko ng hindi nakikita.
Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko nang may isang batang babae na lumabas sa isang candy store. Lumapit siya sa bata at niyakap ito. They looked so happy. My mom looked so very happy.
Tumitig ako sa batang babae na yakap niya. Who's that little girl?
Kapatid ko kaya siya?
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top