CHAPTER 12
Chapter 12
"Cemie! May kakambal ka pala dito?" sigaw ni Troy bago ako hatakin sa kung saan.
Itinapat niya lang naman ako sa dinosaur skeleton dito sa Art Museum. Inis ko siyang hinampas sa braso.
"Sa ganda kong 'to? 'Yan ang kakambal ko? 'Wag mo akong isinasama dyan sa lahi mo, Troy."
Inis ko ulit siyang hinampas nang tawanan niya ako.
Nakakita ako ng mga painting na about history at ang gaganda. Napaka-artistic naman ng mga gumawa nito. Minsan nagtry din akong magpaint pero iba ang kinakalabasan. Siguro original ang gamit nila sa pagpi-painting.
Wew. Tumigil ka, Cessiana. Bulok kalang talaga.
I sighed before staring at the paintings. May isang nakaagaw ng atensyon ko. Para siyang ulo then may hati sa gitna. Ang sa isang side colorful at ang sa kabilang side ay black.
"Maybe you don't really know him."
Bumalik na naman sa isipan ko iyong sinabi ni Allen pati ni Miguel. Nagkibit balikat nalang ako at lumipat sa ibang painting.
"Cemie," oh, here's the hapones again.
Humarap ako sa kaniya at bahagyang tinaasan siya ng kilay. He also arched his brows on me before holding my hand.
"Bakit mo 'ko iniwan doon?" tanong niya na akala mo na naman ay nagtatampo.
"Ah, kase hindi ka sumama."
He tsked. "Kase iniwan mo ako."
"Kase nga hindi ka sumama." ayan. Asarin mo lang.
I chuckled when he pouted his lips again. Damn.
Bumalik na kami kung saan naroon ang ibang students at talagang hawak kamay pang nakasunod sa paglalakad nila. Shucks. Napatingin ako sa gawi nina Miguel at nakaakbay ito sa balikat ni Aria.
Pagkatapos maglibot ay pumunta na kami ni Ishi sa labas. At talagang nakasabay pa namin sina Miguel at Aria ah, ang galing talaga ng tyempo ng tadhana.
"Look who's here." rinig kong sabi ni Miguel.
"Babe, ayoko ng gulo. 'Wag mo nang pansinin." si Aria.
I sighed and hold Ishi's burning fist. Ano ba naman 'to, mukhang referee na naman ang kakaabutan namin sa dalawang lalaking ito. Ngumisi si Ishi bago nagbaba ng tingin sa akin.
"Nainform ka ba na nakakapagsalita na pala ang ahas?" nakakalokong tanong niya.
"Hindi." sagot ko sabay yakap sa braso niya. We both smirked at the thought. "Try mong igoogle, balita ko nakakalakad na din?"
"Yeah, and guess what, baby. Ang isa sa kanila, nasa paligid lang natin ngayon."
"Oh, that's creepy. Baka mamaya manuklaw na naman 'yon. 'Wag niya lang akong susubukan."
"Of course, I won't let that happen."
Para kaming tanga na panay ang parinig. Nakarinig kami ng singhal sa di kalayuan.
"Sino kayang ahas ang tutuklaw sa may lason? Gago lang ang gagawa 'non." aba't may parinig din.
Loko. May lason daw oh.
"Miguel...I said stop." ngayon ko lang narinig ang medyo iritang boses ni Aria.
"I'm sorry babe. May naririnig kase akong huni ng ibon na kulang sa patuka. Kawawa naman, mukhang naghahanap ng kalinga. Let's go, babe. Baka madapuan ka pa nila. I don't want my girl to have dirts because of them."
Nagkatinginan kami ni Ishi at napangiwi. Napansin ko na umalis na ang dalawa. Shucks, nabaligtad na ata ang mundo ngayon. Akala ko ay babae lang ang nagpaparinigan pero pati pala lalaki.
Hayst.
--
Hapon na kaming bumalik sa school at deretso uwian na din naman. Papunta na sana ako sa labas para magbiyahe sa tricycle pero nasundan parin ako ng hapones.
Wala namang ibang students na nakakakita samin kaya inirapan ko lang siya.
"Let's go." nang makalapit siya ay hinawakan na naman niya ako sa braso.
"Bitawan mo nga ako! Habit mo talaga ang hilahin ako, ano?"
"Tss, pwede bang sumama kana lang?"
Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya akong tuluyan sa parking lot at tumigil sa may tapat ng kotse niya.
"Oh, anong gagawin ko dito? Kung ibibigay mo sakin 'yang kotse, no thanks, mas bet ko parin ang tricycle. Kung ipapalinis mo sakin, no thanks, hindi bagay sa kagandahan ko ang maging sexy car washer mo. At kung pasasakayin mo ako dyan para dalhin sa condo mo, no thanks, napakabata ko pa para halayin mo." umirap ako sa kanya.
He smirked. "Straightforward huh? At paano mo naman nasabing halayan lang ang nangyayari sa condo?"
Napalobo ako ng bibig nang titigan niya ako. Darn. "Ano..ganun kasi ang napapanood ko sa movies..."
Napaismid siya. "Minsan talaga hindi ko alam kung movies pa ba talaga ang napapanood mo o porn."
"The hell?! Sa inosente kong 'to manonood ako ng ganun?!"
"Innocent by looks, green minded inside." natatawang sabi niya.
Napanguso ako at inis siyang tinignan nang itulak niya ako papasok sa kotse niya. Ano na naman bang trip ng tsunggo na 'to? Kung makaladkad ako akala mo ay sako lang ako na pwede niyang bitbitin sa kung saan niya gustong dalhin. Hmp, ang ganitong kagandahan, hindi nababagay sa maharas na tsunggo. Bakit ba kasi ang hilig manangay ng hanep na 'to e.
Itinigil niya ang kotse sa bar...Sa BAR?!
Napapalunok akong napatingin sa kanya nang bumaba siya sa sasakyan at pinagbuksan ako. Medyo hati na ang dilim at liwanag dahil alas singko na ata ng hapon, at sa labas palang medyo naririnig ko na ang patugtog sa loob, 'yon bang mga sexy dance music. Shucks.
"Ano namang gagawin natin at dito mo ako dinala?" tanong ko sa kanya pagkababa. Lagot ako kay Lolo nito.
Hindi siya sumagot at sa halip ay hinila na naman akong papasok sa loob pero kaagad akong pumalag.
"Gago ka ba? Kita mo bang naka-school uniform tayo tas papasok tayo sa bar? Tss, loko ka talaga!"
"That's not a problem. Si Dairo ang may ari nito." walang ganang sagot niya.
"Talaga? Baka naman family nina Dairo ang may ari nito.."
"Nah. This bar is owned by Dairo Hermosa." proud pang sagot niya.
"As in?"
Bakit ba kasi hirap kang maniwala, Cessiana. Alam mo namang itsura palang ng mga tsunggo na 'yan halatang yayamanin na. Baka nga para sa kanila ay libangan lang ang pagkakaroon ng isang bar e, samantalang saming hindi naman ganoon kayaman, talagang maituturing na 'yan na business. Hayst. Sana all na naman.
Napabuntong hininga siya bago naunang maglakad sa loob. Tignan niyo 'to, nawala na naman sa mood. Naka-beast mood na naman.
Sumunod lang ako sa kanya at nang makita ko ang itsura ng loob ay muli akong napalunok. Panay ang ikot ng mga nagkukulayang ilaw, akala mo naman ay pasko na kaagad dito. Masyadong advance ang christmas light.
Marami din ang nag-iinuman kada couch ay may nakaupo, at ang mga babae ang sexy ng suot. Damn, tapos ako nakauniform lang, the fuck. Inikot ko pa ang paningin ko at napatama sa barista na nagsasalin ng blue na alak sa wine glass. Darn, pogi at ang fresh ng looks, tapos may dimple 'nung ngumiti! Parang Alden Richards lang ng Hello Love Goodbye. Oh, diba. Pati 'yon napanood ko. Movie lover 'to e.
Masyado siyang makaagaw pansin. Bakit si Dairo may malalim din naman siyang dimple pero hindi siya attractive? Hayst. Kawawa naman si Kumpadre Hermosa.
"Aw'--" napahawak ako sa aking noo nang pitikin na naman iyon ni Ishi. Napakamarahas talaga ng hapon na 'to. Palibhasa hindi nakakasilay ng umaga.
"You looked stupid." galit na ang hapon.
Makasabi naman ng stupid 'to akala mo palamon ako. Umirap ako sa kanya at hinawakan niya naman ako sa braso para hilahin ulit.
"Ano bang problema mo? Tumitig lang naman ako sa gwapo, ano bang masama 'don?!" hinila niya ako paakyat ng hagdan. Papunta sa second floor ng bar na ito. Halos madapa na ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko at paghila sa akin. "Ishi!!"
"Mas gwapo naman ako 'don, ba't hindi nalang mukha ko ang pagsawaan mo?!" napakagat nalang ako sa labi dahil sa sigaw niya. Mahirap kalabanin ang makapal ang mukha, okay fine. Talo muna ako sa ngayon.
Nang nasa taas na kami ay binitawan niya naman ako. Medyo kukunti ang tao dito compare sa baba kanina. Ito ata ang tinatawag nilang VIP? Ewan basta may alam akong ganun.
Inosente kasi ako kaya kukunti ang alam ko. You know naman.
Sumunod lang ako sa kung saan siya papunta.
"Natitig pa sa iba e kaharap na naman ako." rinig ko pang bulong niya.
Napangiwi nalang ako. Ano bang akala niya? Gwapong gwapo ako sa kanya? Oo na, gwapo nga ang hapones na 'to pero hindi parin siya ang pinakagwapo sa lahat ng lalaking nakikita ng inosente kong mga mata. Makapal lang talaga ang mukha niya.
Naupo siya sa isang couch at nagcross legs bago isinandal ang ulo sa sandalan at pumikit. Naupo ako sa couch sa harap niya at tumitig sa kanya.
Nakita ko kung paano gumalaw ang adam's apple niya, ang paggulo niya sa kaniyang buhok, at ang pagdila niya sa kanyang babang labi. Damn. 'Yan ba ang gusto niyang titigan ko? Ganyan ba? Jusme, e mukhang nang aakit ang lokong 'to.
"Cemie!" sigaw ni Dairo na kasalukuyan ng palapit samin.
Napamulat si Ishi at sa halip na sa kaibigan ang tingin ay sa akin siya tumitig.
"Ano?!" mataray akong nag-ikot ng mata sa kanya. At tinaasan lang naman niya ako ng kilay.
"What?"
"Aba, may LQ?" nagawa pang ngumisi at umakbay ni Dairo sa kaibigan. Naupo siya sa tabi nito.
I just rolled my eyes on them. Ano ba kaseng balak ng hanep na ito at dito pa ako dinala. Okay sana kung hinayaan nalang niya ako sa baba kanina e, edi sana hindi ako mabuburyo. May pogi e hehe. And speaking of that barista...
"Dairo.." tawag ko dito.
"Oh?"
"Anong name 'nung poging barista sa baba?" tanong ko at agad naman akong sinamaan ng tingin ni Ishi. Erewew ka.
"Sino? Si--'"
"Don't answer her, Dairo." seryosong sabi ni Ishi. Ngumiwi ako sa kanya nang isenyas niya na sa tabi niya ako maupo. "Cemie. Sit here, at ikaw Hermosa, doon ka sa inuupuan niya."
"Ang lakas mong mag-utos, dude. Baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita." ismid ni Dairo. At nagthumbs up naman ako sa kanya dahil ayoko ring umalis sa inuupuan ko.
Bakit ba ang arte ng hapones na 'yan? Gusto pa ng seating arrangement. At sino siya dito? Principal kung makapagpasunod? Hayst. Napakalakas ng amats niya.
Hindi ako umalis sa upuan at parang reyna ang itsura. Single couch lang ang inuupuan ko kaya ang dalawa kong braso ay ipinatong ko sa arm rest nito. Si Ishi ay magka-cross legs parin at nakataas ang kilay sakin.
"Ayusin mo nga 'yang kilay mo! Panget!"
Si Dairo naman ay nakabuka ang mga hita at nakatuon ang siko sa kaniyang hita habang may hawak na cellphone ang kanang kamay. Naka-black short na siya at white shirt. Samantalang kami uniform parin ang suot.
Ano bang gagawin ko dito? Naranasan ko na din namang mag-inom 'nung 18th birthday ko pero ibang wine 'yon. Hindi nakakalasing. Unlike sa mga alak na nakikita ko dito, mukhang mamahalin at mukhang nakakalasing. Jusme, malalagot ako kay Lolo 'pag nag-amoy alak ako dito.
"Justine!" tawag ni Dairo sa isang barista dito sa taas habang nakataas ang kamay.
"Sir." naks, pogi din ang isang 'to mukhang kano. Medyo brown ang mga mata niya nang makalapit siya sa amin at ang tangkad. My ghaddd.
Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako ng todo ganda at nagcross legs pa at naghawi ng buhok papunta sa likod ng tenga. Natigil lang ako sa katalandian nang batuhin ako ni Ishi ng throw pillow.
"Ano bang problema mo?! Bakit mo 'ko binato?!" inis na tanong ko. Epal talaga nito kahit kailan.
He snorted. "That's the purpose of throw pillow. Throwing to someone who's out of senses." mahangin na sabi niya.
Binato ko pabalik ang unan at binigyan siya ng dirty finger. "That's the purpose of throw pillow. Throwing to someone who's too boastful."
Napanguso ako nang marinig ang bungisngis ng barista at ni Dairo. Ayan tuloy first sight gone wrong. Epal kasi ng hapon na 'yan.
"Give me a bottle of vodka, tequila, and whiskey. At ang pulutan, you knew it. Our specialty." sabi ni Dairo sa barista.
"Hindi iinom si Cemie. She's dangerous to be drunk." singit ni Ishi na tinaasan ko ng kilay.
"Kahit naman hindi lasing, delikado." natatawang sabi ni Dairo. Ipinakita ko sa kanya ang kamao ko kaya lang siya tumigil.
"So what's yours, Cemie?"
Napaisip ako. Parang ayoko rin namang uminom pero ewan ko nalang kapag nakita ko ang alak nila. Hayst.
"Juice nalang-"
"Just give her a two glass of milk." singit na naman ni hapones.
"Edi ikaw ang uminom ng gatas dito! Parang tanga. Painumin ba naman ako ng gatas sa loob ng bar, ano ako? Batang may laban? Baka gusto mo pang kulayan ng blue at puti ang pisngi ko. Ano?"
Hayst. Nahihighblood na ako dito sa tsunggo na ito ah. Pag ako talaga ang nalasing dito, naku masusuntok ko 'yan hanggang magising nalang siya nasa heaven na siya.
"Okay. Justine, add two glass of milk-"
"Subukan mo Dairo. Ibibigay ko kay San goku 'yang Dragon balls mo!"
Napapalunok siyang napakamot sa batok. Sinunod naman niya ang gusto kong juice pero nag-offer din siya ng cocktail kaya ayon nalang ang akin. Hindi naman ako nalalasing don dahil kunting wine lang naman lahok 'non unlike sa iniinom ng dalawang ito.
"Anong meron? Ba't naisipan niyong tumamabay dito?" prente akong nakaupo habang maarteng hawak ang wine glass na may lamang cocktail.
"Si Takashi ang nag-aya." sagot ni Dairo sabay lagok ng wine. Shit, bakit parang sanay na sanay ang mga ito?
Tumingin ako kay Ishi at tinaasan siya mg kilay. "Ano na namang drama scene ang gusto mo at pati ako ay dinala mo dito? Tsk, tapos 'nung tumitig ako sa poging barista sa baba, basta nalang nanghila. Selos ka na niyan?"
He also arched his brow. Ito na naman ang mataray na hapones. "Ako magseselos?" he smirked. Pinaikot niya pa ang wine na laman ng wine glass na hawak niya habang nakatitig sa akin.
"Bakit nga ba magseselos e wala namang dahilan--" natigil ako sa pagbubulong nang bigla siyang nagsalita.
"Bakit naman ako magseselos kung alam ko namang akin ka?"
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top