CHAPTER 11


Chapter 11

"Cemie, huwag mong aapakan 'yang tanim ko."

Napakagat ako sa labi ng makitang natapakan ko na pala ang iba niyang punla na sili ata 'to. Kaya muli ko iyong inayos.

Nasa vegetable farm kami ni Lolo dito sa likod bahay para mamitas ng mga bunga ng gulay. Pero ako ay ito at nagmumukha lang sagabal. Kawawa naman pati ang tanim ni Lolo, inapak-apakan ko pa.

May nakita akong bulaklak ng kalabasa kaya hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking short para magpicture.

"Damn, Lolo! Pwede na akong model ng mga gulay mo!" sigaw ko sa kanya.

"Manahimik ka! Baka malanta ang mga tanim ko sayo!"

Ay bad. Nakanguso kong ibinalik sa bulsa ang cellphone at tumulong na sa kanya sa pamimitas. Maggagabi na nang bumalik kami sa bahay.

"Nakausap mo na ba ang Tita Anna mo?" tanong niya.

"Hindi pa, Lo. Baka mayamaya na."

Naghain na ako ng pagkain namin at sabay na ulit kaming kumain. Damn, I love paksiw na kamatis with tuyo!

"Magpapadala daw siya ng pera. Makukuha mo ba bukas? Maaga akong aalis at sasama ako sa magdadala ng gulay sa Manila bukas ng umaga."

I nod my head on him. "Sure, Lolo. Kakausapin ko nalang si Tita mamaya."

Muli ko na namang naalala ang field trip na 'yon. Sa pagkakaalam ko ay next week na iyon. Darn.

Naka-video call ko si Tita at sinabing may ipapadala nga itong pera. Sasabihin ko sana iyong about field trip pero, di bale na. May ipon pa naman ako, siguro ay 'yon nalang ang gagastusin ko. Pahamak talaga ang hapones na iyon. Hindi ko alam na mapapagastos pa ako dahil sa pagpapanggap na 'yan. Psh.

Kinabukasan~

Bago ako pumasok sa school ay kinuha ko muna ang pera. Hindi naman siguro mawawala 'to dahil palagi ko namang dinadala ang bag ko. At sa yayaman na ng students 'don, may magkakainteres pa ba na magnakaw? Siraulo lang gagawa 'non.

Pagkapasok ko sa room ay si Troy palang ang nakaupo sa linya namin. Wala pa ang tatlo.

"Bakit mag-isa ka?" naupo na ako sa tabi niya, sa arm chair ko.

He sighed. "Be mine...So that, I'll never be alone again."

Napa-ismid ako. "Agang bumanat. Ikaw ang banatan ko d'yan e."

He smirked. "Hindi mo na nga ako kailangang banatan eh."

"Huh?"

"Wala!"

Humarap ako sa kanya at nangunot ang noo. "Bakit nga pala wala kang jowa?"

"Required ba?"

Ngumuso ako. "Bakit nga ba 'yon ang tinanong ko sayo?...You're a notorious flirt, Troy. Wala kang sineseryoso?"

Saglit siyang sumulyap sa akin at nag-iwas din ng tingin. "May isang babae lang naman akong gustong seryosohin." matunog siyang ngumisi. "But it's seems that girl don't know that I exist. Tambay friendzone muna."

"Sakit no'n, pre!"

We both chuckled. Dumating na ang tatlo at seryosong naupo si Ishi sa right side ko.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Dairo.

"None of your business." sagot naman ni Troy.

"Ngayon ko lang nakitang tumawa ng totoo si Cemie ah." komento naman ni Braille.

So para sa kaniya pala ay peke ang tawa ko? Aba'y tarantado 'to ah. Ngumiwi lang ako sa kanya bago humarap kay Ishi.

"Good morning. " I greeted him. He did not answer. Nagsalpak pa siya ng headset sa tenga. "Ishi, aba hindi namamansin?"

Hindi parin siya sumagot o tumingin man lang sa akin. Inis kong inalis ang headset na nakasalpak sa tenga niya at inilapit ang labi ko sa kaniyang tenga.

"Hindi mo talaga ako papansinin?" bulong ko sa kanya.

Kahit kailan talaga napaka-moody nito. Umarko ang kilay niya na napatingin sa akin. Ngumuso ako para magpacute sa kanya. Pero ang ginawa niya ay pinitik lang naman ang noo ko. Lintek talaga ang hapones na 'to.

"Don't disturb me. Makipag-usap kana lang ulit dyan sa isa mong katabi. Tutal dyan ka naman masaya."

My gad. Tampo na ba 'yan?

Nginiwian ko lang siya at rinig ko naman ang matunog na singhal ni Troy. So ang pakikipag-usap ko kay Troy ang ikinatatampo niya? Wow ha.

Nagsimula ang klase at hindi niya ako kinausap. Akala mo naman ay talagang kami 'no? Kung makapagtampo talagang pinanindigan ang hindi ako kausapin.

So 'nung naglunch ay ako lang ang mag-isang lumabas. Nabalitaan ko na ngayon ang bayaran ng sa field trip kaya dumeretso na ako sa office. Napabuntong hininga ako habang hawak ang ipon kong 6k na mapupunta lang dito. Darn, matagal kong tinipid 'to.

Pumasok ako sa loob at nakita ko naman si Ma'am Jiya, adviser namin. Lumapit na ako sa kanya para ibigay ang bayad ko pero hindi niya tinanggap.

"Bayad kana. You already have the receipt." sabi niya na pinagtaka ko.

"Baka po namali lang ang lagay niyo sa name. Ngayon lang po ako..."

Natigil ako nang may kamay na umakbay sa balikat ko. I can feel the familiar electricity shivers on my whole body.

"I'm sorry, Ma'am. I forgot to give her the receipt."

Ngumiti si Ma'am sa kanya at hinila na niya akong palabas ng office. Muntik pang malaglag ang hawak kong pera dahil sa kanya. Hinila niya ako hanggang sa may bench sa garden.

"Ishi, bitawan mo nga ako!"

Binitawan niya naman ako at nakangisi siyang naupo sa metal bench.

"Wag mong sabihin na ikaw ang nagbayad.."

He shrugged his shoulder. "I am, baby."

Hinampas ko siya sa braso dahil sa inis.

"At bakit mo naman ginawa 'yon aber?!"

"And why wouldn't I?" tumaas bahagya ang kilay niya. At ngumisi.

Tignan mo nga naman ito. Kanina hindi ako pinapansin, tapos ito siya ngayon at pangisi-ngisi sa akin. Minsan talaga may saltik 'to e.

I sighed. "Bakit mo ginawa 'yon? Wala naman sa usapan na kargo mo ako sa ganun ah."

"I know. Pero...pinilit kita, that's why." he said.

"B-Babayaran ko.." kukunin ko palang ang pera na nasa bag ko pero pinigilan niya ang kamay ko. "Ishi, alam mo ang gago mo talaga. Six thousand 'yon. So, twelve thousand ang ginastos mo? My gosh!"

"Shh, that's not a case for me. Gusto lang din naman kitang makasama doon." he smiled.

Napaiwas nalang ako ng tingin dahil tinitigan niya lang naman ako at sobrang lapit ng mukha niya. Jusme, bakit ba kase nagkaroon pa ng bughaw na mga mata ang lalaking 'to. Sa pagkakaalam ko ay amerikano ang kadalasang blue ang mga mata pero bakit pati ang hapones na 'to? So may lahi din siyang kano? Wow ha.

"Kung ayaw mo ng pera. Babayaran ko pa rin. Anong paraan ba gusto mo?" I asked him.

Ngumisi siya at parang nakaisip na naman ng kalokohan. Naku, ang ngisi talaga ng hapones na 'to ang kahit kailan ay napakahirap pagkatiwalaan.

"One kiss will do." sabi niya.

Ayan. Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Napakahirap magtiwala sa pangisi nito. Itinuro niya ang pisngi niya at nakangiting nakatingin sa malayo. Aba, sa pisngi pa gustong magpahalik. Bakit hindi nalang si Troy ang pahalikin niya.

I sighed before kissing his cheeks. "Ayan. Ayos na?"

Ngumiti siya at bahagyang tumango. "That's my girl." he said. "Tara na."

Hinawakan niya na naman ang kamay ko at hinila pabalik sa room. Kahit kailan trip niya talaga ang panghihila ano?

Minsan ay hindi ko maintindihan ang inaakto niya. Kagaya nalang niyan. Wala naman si Aria para pagselosin niya pero may sweet acts parin siya. I don't know kung sinasadya niya iyong paghalik, but for me...siguro part lang talaga iyon ng pag-acting niya. He's still in love with Aria Hung.

Naiisip ko na rin ang possibilities. What if magustuhan ko ang lalaking ito?

Napapanood ko kase ang ganitong eksena sa mga movies at nababasa ko naman sa wattpad. Oo, minsan nagwawattpad ako, pero hindi ako adik. May nababasa kasi ako doon na 'yung mga playboy tapos paglalaruan ang isang babae tapos in the end magkakainlove-an. At 'yung iba ay ganito, may mga pagpapanggap with girl then in the end nagkakainlove-an din. Akalain mo nga naman na magkakaroon ang buhay ko ng ganung plot twist.

Pero hindi pwedeng maging ganun ang ending ng pagpapanggap na 'to ah. Ayoko sa hapones na ito. And I'm just doing this to see my father. At isa pa, ginagawa niya ito para bumalik sa kanya si Aria. So, kapag nainlove ako, edi sa huli ako 'yung talo. Hayst, ayoko 'non. Hindi bagay ang kagandahan ko sa iyakan scene. As in no no way.

Lumipas ang araw at dumating na nga ang araw ng field trip. I'm kinda excited of course, it's my first time joining field trip.

Mauupo na sana ako sa may unahan pero hinila ako ni Ishi papunta sa may bandang likuran ng bus. And guess what, nandito rin sa bus ang section nina Aria. Nasa may left side sila at magkatabi ni Miguel. Kami naman ni Ishi ay nasa right side nila at ako ang nasa may tabi ng bintana.

"Baby, you want something?" tanong niya. Inilagay niya sa lap niya ang kaniyang bag at nakangiti sa akin.

I increased my forehead. "Something?"

"Something...isinusubo?" sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit biglang gusto kong matawa. Ano naman kaya ang tinutukoy niya?

"Isinusubo? Kutsara ba 'yan?" wow ha. Kutsara ba talaga.

He shook his head. "Nope. It's something...matigas?"

Nagpigil ako ng tawa kaya napitik na naman niya ako sa noo. Ano ba naman kaseng klase ng description 'yan.

"Matigas? Ah, bato?"

"Tss. Bakit naman kita aalukin ng bato? Are you nuts?"

Oo nga naman. Bakit ba kase kung ano-anong naiisip mo, Cessiana.

"Kakaiba kase ang description mo. Nakakainosente ka." natatawang sabi ko.

He arched his brow. "Iba ka lang talagang mag-isip, Cemie."

Edi wow. Ikaw na ang tino. Asul ang utak mo, berde akin.

"It's something....dinidilaan?"

So this time, hindi ko na napigilan ang tawa ko. Tinignan niya ako ng nakakamatay kaya nagpeace sign ako at nanahimik nalang.

"Ah, ano. Ice cream?"

He rolled his eyes. Hanep kase, parang niloloko niya lang ako dito ah. May pa something something pa.

"Isinusubo, matigas, dinidilaan. Naku, hapones. Sa parteng baba ba 'yan?" gusto kong matawa sa asar niyang mukha. "Sa bandang gitna?" tinawanan ko siya at itinulak naman niya ang noo ko palayo sa kanya.

He snorted before opening his bag. May kinuha siya 'don, isang balot na lollipop!

"Naks, akin ba 'yan?" ngumiti ako sa kanya na nagpapa-cute.

"Nope. Hindi mo nahulaan. Iba ang nasa isip mo samantalang lollipop lang naman. Lollipop. Lollipop."

Ngumuso ako. Napabuntong hininga siya bago ibinigay sa akin ang isang balot na lollipop. I saw Aria glancing at us. Ngumiti ako kay Ishi bago buksan ang lollipop at binigyan siya ng isa.

"Hoy, pahingi!"

"Ako din!"

Nagsi-sulputan ang ulo nina Braille at Dairo na nasa may unahang upuan namin. Inabutan ko lang sila nang tig-isa at binatuhan si Troy na nasa kabilang side na busy sa pakikipag-usap sa babae. Ngumuso siya sa akin nang sa ulo niya tumama ang ibinato ko.

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top