CHAPTER 1


Chapter 1

Naglalakad ako sa hallway nang biglang humarang sa harap ko si Troy. Ito iyong nanghahalik sa pisngi ng kung sino-sino.

Simula noong isang linggo 'nung unang araw ko dito ay palagi nalang nila akong kinukulit. Bale silang tatlo dahil 'yung isa walang paki sa mundo. Palaging akala mo ay galit.

"Let's have a lunch together, Cemie." malawak ang ngiting sabi nito.

"Ayoko. Di ko trip makisama sa mga tsunggo!" dumeretso ako sa paglalakad pero di pa ako nakakalayo ay si Dairo naman ang humarang, 'yung may malalim na dimple.

"Wanna join me for lunch, baby?" malanding tanong nito.

"Hindi na. Kumain kang mag-isa mo!" umirap ako at nilagpasan siya. Ano bang problema ng mga 'to?

Simula 'nung unang araw ko dito ay palagi silang ganyan. Akala ko pa naman tino ang mga tao dito dahil halos ang yayaman nila, ang layo sa kung sino ako. Sinabi ko pang OP ako dito dahil parang wala akong kaugali, ugaling sobrang ganda. Pero sa ilang araw kong nakasama ang mga lalaking 'to, napansin kong parang hindi nalalayo ang ugali naman.

Napatigil ulit ako nang humarang naman ay si Braille, ang may sakit ata sa mata dahil panay ang kindat at sarap na sarap yata sa sariling labi dahil panay ang kagat.

"Hi Cemie, sabay na tayo. Lemme hold your hand." akmang hahawakan niya ang kamay ko ay tinabig ko na iyon.

"Tsupe! Masyado akong maganda para pasabayin ang alalay na kagaya mo. 'Don ka nalang sa bahay. Linisin mo ang kotse ko!"

"What?!" hindi makapaniwalang singhal niya.

Umirap ulit ako at lumampas. Mukhang mayayaman ang apat na lalaking 'yon at malayong malayo sa estado ng buhay ko. Kaya nakakapagtaka na parang gustong gusto nila akong maging kaibigan. Bahala sila, basta feel ko ang pagiging reyna sa dinaraanan ko.

Halos mag-lava walk pa ako sa hallway pababa sa canteen at natigil dahil may humila sakin pababa sa hagdan.

"Hoy! Anong karapatan mo na hawak-hawakan ako? Let go of me! Alam kong maganda ako pero hindi mo kailangang gumamit ng dahas para pansinin kita!"

Halos mahulog ako sa hagdan sa paghila niya sa akin. Sino pa ba. Edi si guy number four...ano bang pangalan nito?

"Shut up!" sigaw niya.

Siya pa ang may ganang manigaw e siya nga itong basta nalang nangaladkad.

Halos nakatingin samin lahat ng madaanan naming estudyante at lalo na 'nung pumasok kami sa canteen.

"Bitawan mo nga ako! Tangina nito."

"Your mouth!" galit na saway niya.

Aw. Bawal bang magmura dito? Sorry naman. Pero sorry ulit. Part of my attitude.

Hawak niya parin ako sa braso at medyo humarang siya sa harap ko. Nasa may gilid kami ng canteen at may ilang students na nasa amin ang tingin. Ano kayang pinaplano ng loko na 'to? Ngayon lang din niya ako nilapitan ng ganito at hinawakan. Poker face lang siyang nag-ikot ng tingin sa paligid ng canteen na parang may hinahanap.

"Kung binibitawan mo kaya ako. Edi sana makakabili ako ng pagkain, edi sana mabubusog ako, edi sana manganganak ako ng tae at hindi ng bata."

"The fuck?!" galit na mura niya. Napakagat ako sa babang labi at umiwas ng tingin.

Nagmumura din pala pero 'pag ako bawal. Nasaan ang hustisya do'n?

Napairap ulit ako sa kawalan habang siya naman ay nakatitig sa may pintuan ng canteen. Hindi niya parin ako binibitawan. Pasalamat 'to at may pagka-gwapo din siya, kung hindi naku, tatawag na ako ng pulis at sisigaw ng..'help!help!kinikidnap niya 'ko! Balak niyang kunin ang kainosentehan ko! help!'

Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko at tumitig derekta sa mata ko. Sheym. Ngayon ko lang napansin ang medyo blue niyang mga mata. Damn. Gwapo rin. Pwede pwede.

"Hey, I need your help." he said. Para siyang kabado at dapat ay maintindihan ko agad ang sasabihin niya.

"Ang kapal naman ng mukha mong humingi ng tulong. Hindi tayo close uy! FC ka!" I rolled my eyes.

Napahinga siya ng malalim, nagpipigil ng galit. "Please just this one."

"Pag ginawa ko, anong kapalit?"

Natigilan siya at muling napahinga ng malalim. "We'll talk about it later. Just do what I'll going to say." mahinahon ng sabi niya kaya tumango nalang ako. "Go there," turo niya sa isang bakanteng table.

"Oh, tapos?"

"Wag kang uupo. Act like you're waiting for me."

"Eh? Trip mong magdrama? Dinamay pa ako."

Inis na naman siyang napatingin sa akin. "Just do what I've said." madiing sabi niya. "Once I call your name, look at me and smile. Don't mind those students who's looking at you. Get it?"

Nakangiwi akong tumango. Jusmiyo wala akong script! Madaya!

He bit his lower lip and knotted his forehead. "What's your name again?"

"Cessiana Marie." na sobrang ganda.

"Too long.."

Napabuntong hininga ako. Nagawa pang magreklamo. "Tsk, Cemie nalang."

He nodded. Tumingin ulit siya sa may pinto kaya kuryoso akong napatingin din doon. Ano bang tinitignan nito? May multo kaya do'n?

Nang may pumasok na isang babae at isang lalaki ay bigla niya akong itinulak.

"Go." mahinang sabi niya kaya napapairap akong nagtungo sa table na sinabi niya kanina.

Nakatayo lang ako gaya ng sabi niya at nalinga sa paligid na parang may inaantay. Pero hindi ko inalis sa peripheral view ko ang dalawang magjowa ata na pumasok kanina. Sino ba ang dalawang 'yan? Bakit biglang gustong umakting ni feeling Azi nang makita sila? At nadamay pa ang inosenteng babae na kagaya ko! Haysst!

Kita ko ang pagtigil ng babae at parang nakatingin ito sa gawi ni feeling Azi. Damn, ano nga ba kase pangalan niyan? Medyo tumalikod na ako at tumutoktok sa table na kunwari ay naiinip. Best actress sana ako pagkatapos nito.

"Cemie!" nang marinig ko ang tawag niya ay ngumiti ako ng sobrang ganda at humarap sa kanya. He's also smiling at me.

Rinig ko ang bulungan ng nasa paligid at tingin 'nung magjowa atang 'yon sa amin. Lumapit sa akin si feeling Azi na nakangiti parin at napalunok ako nang ilagay niya ang isang kamay sa bewang ko at ang isang kamay ay sa pisngi ko. Damn.

"Anong gagawin mo?" pilit kong hindi inalis ang ngiti habang binubulong iyon.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinapit niya ang bewang ko at inilapit ang mukha sakin hanggang magkadikit ang labi namin. Darn. What the fuck! He stole my first kiss!

Mabilis din naman siyang lumayo at ngumiti parin sa akin. He brushed my cheeks and I don't know what to feel!

"Can you see them?" biglang tanong niya. Siguro ay tinutukoy niya ay ang dalawa. Kaya tumango ako.

Pansin ko ang pag-igting ng panga ng lalaki at ang babae naman ay tumungo bago inaya ang lalaking umalis.

"Nakalabas na." I said that make him breathe heavily.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa line para umorder. He ordered a lot! Para siyang magpipicnic sa dami ng binili. Hinila ulit niya akong palabas ng canteen at akala ko ay sa room na ulit kami pupunta pero deretso sa may parking lot ang hila niya sa akin.

"Teka! Ano bang ginagawa natin dito?" tumigil kami sa isang kotse na siguro ay sa kanya at binuksan niya ang pinto ng shotgun seat. Nang makaupo ako doon ay siya naman ang umupo sa driver seat. "Tangna! Hoy sagot!" malakas na sigaw ko sa kanya. Parang bingi amputa.

"Shut up! Ang ingay mo!" sigaw din niya.

"Matapos kitang tulungan sisigawan mo lang ako? Wala kang puso! Napakasama ng ugali mo! Wala kang utang na loob--" binusalan niya ako ng pagkain sa bibig.

I glared at him, he increased his forehead. "You're talking too much. Kumain kana lang, 'yan ang isa sa kapalit ng ginawa mo ngayon."

"ito lang?!" inis kong inagaw sa kanya ang burger na kinakain niya at ang hawak niyang softdrinks in can.

"No, may mas higit pa diyan." sabi niya na nakapagpatigil sa pagnguya ko. "You'll know it soon, pero sa ngayon...Tulungan mo ako." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"T-Teka nga. Bakit ba sa akin ka humihingi ng tulong? Close ba tayo? Kilala ba kita? Ni pangalan mo nga hindi ko pa alam e!"

Mas katanggap-tanggap pa yata kung isa don sa tatlo ang nahingi sakin ng tulong, dahil medyo kilala ko na ang mga 'yon, hindi kagaya ng isang 'to. Palaging galit sa akin kahit wala akong ginagawa tapos siya pa itong ang lakas ng loob na humingi ng tulong.

He sighed. "Fine! I'm Ishigara Ken Takashi. Call me Ishi." he rolled his eyes.

"Japanese?"

"Half."

Wow. Astig naman. Sa dating school ko kasi puro half-filipino half-filipina lang e. Naks, kaya siguro medyo may pagkasingkit din ang mga mata niya at ang pula ng labi niya. Dinaig ako!

He took a glanced at me. "So is it a deal? Or no deal?" tanong niya.

Naalala ko tuloy iyong tv show na napaanood ko sa tv noon. Yung may brief case tas sasabihin nila 'deal or no deal!'

Umiling iling ako. Lumalayo ako sa usapan. Napatingin ako sa kanya at kinunutan siya ng noo.

"Tutulungan mo ba ako o hindi?" he sighed. "If deal, baka pasalamatan mo pa ako sa kapalit na ibibigay ko sayo soon."

"ano 'yon?"

"Soon nga." paintriga naman ng hanep na 'to.

Napabuntong hininga ako at sumandal sa backrest ng upuan. Bakit kaya sa akin nito naisip na humingi ng tulong? Ni hindi niya ako kilala o ka-close man. At ano 'yung soon na kapalit ang sinasabi niya?

I looked at him and there I noticed that he was staring at me. Mukhang nailang siya nang mapatingin ako.

"Anong tulong ba 'yon? At...tangina mo nga pala! Bakit mo 'ko hinalikan kanina? Kadiri ka! Hindi ka man lang nakonsensya sa kainosentehan kong binawasan mo!"

He arched his brow. "That's just a part of our acts, don't mind it. 'Wag mong isipin na may gusto ako sayo. Hindi ko tipo ang babaeng inosente daw pero maraming kabulastugan ang bunganga."

Wow ha. Grabe, natapakan ang pagkatao ko 'don.

Anong akala niya sa babae? Basta nalang hinahalikan? Gagi 'to ah. Don't mind it daw. Hindi niya ba alam na ninakaw niya ang first kiss ko!

Umirap ako at inis na tumingin sa kanya. "Oh, ano ang gusto mong gawin ko ngayon?"

"Help me." sabi niya. "Remember the girl with a ash-colored hair? She's the one that I truly love stole by that fucking bastard." he sighed deeply, calming his self. "She's Aria Hung, akin siya. At dapat maging akin siya ulit. So, I need your help. Let's make her jealous, hanggang siya na mismo ang kusang bumalik sa akin."

Natahimik ako doon. So, he wants to use me? Great. Ilang tao pa ba ang gagamit sa akin? May kumirot sa puso ko nang maalala ang mga nangyari sa buhay ko. I smiled weakly. Bakit ba kailangan kong ikumpara ang noon sa nangyayaring ito ngayon?

"Cemie.." mahinang tawag niya. "Hindi ako hihingi ng tulong sayo ng basta basta. May kapalit ito, kapag naging successful ang plano. You will meet the person you're finding for more than a years. Helping me, will be the way."

Person I am finding for more than a years? Si Papa? Pero bakit niya alam na may hinahanap ako? At ang pagtulong sa kanya ang magiging daan?

What the fuck! I am crazy. Ano bang alam nito? Itumba ko na kaya 'tong hapon na 'to? Masyadong maraming alam.

He's not looking at me. "I think he's waiting to see you too. If you help me and if our plan will be successful. Ako pa mismo ang magdadala sayo kung saan siya naroon." ngumisi ito sa akin.

Why did he know that I was looking for my dad? So, alam niya kung nasaan si papa? I wanted to see him so bad. Kailan pa ba kami huling nagkita? Around 5 years old palang ata ako no'n. I missed him.

If helping this japanese jerk and being used by him can be the way for us to see each other again..

I sighed and nod my head. "Deal."

__
cessias

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top