Twenty-one

AVREIN

NAKAMASID lamang ako sa kaniya habang natutulog siya. Para bang napakasaya niya nang nagdaang gabi sa klase ng aura na mayroon ang mukha niya at idagdag pa ang kaaliwalasan ng maliit na ngiti na kasalukuyang nakaukit sa mga labi niya.

"Mahal kita, Vience. Ano man ang bagay na hindi mo masabi sa 'kin, sana alam mong kaya ko iyong tanggapin at dumating sana ang araw na hindi mo na kailangan pang maglihim," bulong ko habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

Umalis ako sa kama at nalingunan ko ang suot kong damit kagabi nang dumating kami sa resort na mukhan naipa-dry clean na kaya't kinuha ko ang mga iyon at isinuot.

Nilingon ko siyang muli at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog niya.

Hindi ko pinagsisisihan na ibinigay ko ang buong ako sa 'yo at hinding-hindi ko pinagsisisihan na minahal kita. Alam kong may mali sa sitwasyon na mayroon tayo, pero kung ito lang ang paraan para manatili ako sa tabi mo, paulit-ulit kong pipiliin ang sitwasyon na ito dahil alam kong naghahanap ka ng taong magmamahal at makakaintindi sa 'yo at sa sitwasyong mayroon ka . . . handa kong isakripisyo ang sarili ko kahit pa ako ang masaktan sa dulo. Sa ngayon, sapat na sa akin ang kaalaman na mahal na mahal mo 'ko at mayroon lang talagang pumipigil sa 'yo kahit masakit para sa akin 'to.

"Magpahinga na muna tayo. Kailangan kong ikalma at ilugar ang pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal kita." Ginawaran ko muna siya nang bining halik sa noo bago ko tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Saktong papalabas na ako ng gate ng resort nang bigla na lamang may pumalatak sa likuran ko kaya't napalingon ako.

"L–Luis?" utal na tawag ko rito. Nalingunan ko siya na nakasakay sa isang motor at hawak niya ang kaniyang helmet.

"Alam kong mangyayari 'to," nakangiting sabi anito sa akin. "Sakay na?"

Tinungo ang kinaroroonan niya at sumakay kahit na ang totoo ay naguguluhan ako at nagtataka kung bakit narito siya. Alam kong wala rin naman akong ibang masasakyan dahil nasa liblib na parte kami ng norte.

"How did you know—"

"This is not the first time." Parang may tila kumirot sa dibdib ko matapos kong marinig ang sagot niya.

Hindi na ako muling nagsalita at nag-usisa pa. Isinuot niya ang helmet sa akin. "I wonder why is he hiding everything from you, ganoong base sa pagkakakilala ko sa 'yo, hindi naman makitid ang utak mo," nakangiting sabi nito. Sasagot na sana ako ngunit pumuwesto na siya na tila sisimulan nang paandarin ang motor.

Buong biyahe ay tahimik lang ako. Hindi ko nga alam kung saan ang tungo namin ngayon dahil hindi niya naman ako sinabihan kung saan niya ako dadalhin o ibababa.

"Minsan ang pagpapakatanga inilulugar," putol niya sa katahimikan na namamayani sa pagitan naming, saka pa pagak na tumawa.

"Meron bang sariling lugar ang katangahan?" ganting pang-asar ko.

"Meron naman, hindi mo pa lang natatagpuan."

"Gan'on?"

"Akala ko kapag brokenhearted, hindi pikon," asar niyang muli sa akin.

"Akala mo lang 'yon."

"Sabagay, maraming nagkakamali sa akala. Minsan akala mo mahal ka, iyon pala ay pinaglalaruan ka. Minsan akala mo pinaglalaruan ka, iyon pala ay totoong mahal ka," sagot niya sa akin na hindi ko alam kung saaan nagmula, saka pa siya bumuntonghininga na animo pagod na pagod sa sinabi niya.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pagbagal ng takbo namin, saka ang tuluyan naming paghinto. Luming-linga ako sa paligid at doon ko lang napansin na tila nasa isa kaming liblib na lugar gaya ng resort nila Vience, ngunit ang kaibahan nga lang, dito ay mas maaliwalas.

"This is where my favorite rest house is located," aniya, saka niya ako inalalayang bumaba sa motor at inakay papalakad.

Hindi ako nagsasalita habang naglalakad kami. Nakarating kami sa isang tila bahay kubo ngunit halatang konkreto ang mga materyales na ginamit sa loob. Disenyo lang ang mga kugon at buho na nakapaligid dito.

"Gusto kong dito ka muna mamalagi, Avrein. I need you to think, to unwind and to make him realize your worth." Bigla akong napatingin sa kaniya, saka ko siya binigyan ng nagtatakang tingin. "Alam ko kung anong nangyari. Just like what I told you, this is not the first time. Alam kong gusto mong mag-isip kaya't iiwan na muna kita rito. Kung ano man ang kailangan mo, ako na lamang ang kukuha, bibili at magdadala sa 'yo. Hindi mo kailangang umalis dito. Ginagawan lang kita ng pabor, wala akong hinihinging kapalit sa 'yo."

Hindi na ako nakahuma pa sa mga narinig ko lalo na nang iabot niya sa akin ang susi ng bahay.

"Lahat ng kakailanganin mo, narito na. Hindi na ako nag-hire ng makakasama mo dahil alam kong gusto mong mapag-isa."

Gulong-gulo ako sa inaasta niya pero ramdam ko ang sinseridad ng pananalita niya. Dama kong nais niya akong protektahan, ngunit saan at kanina? kay Vience?

"Why are you doing this?" kunot-noong tanong ko.

"I told you, this is not the first time. Alam ko ang nangyayari kaya't nandito ako. Vience and I were the best of friends since elementary, but we parted our ways long ago, but . . . that is not my story to tell. Keep safe here, Avrein." Napatango na lang ako sa sinabi niya kahit na gulong-gulo ako kaniya. "While you're here, promise me one thing. You'll always think of staying beside that asshole whatever happens, okay?"

"I promise." I didn't know why I promised him, all I knew was I'm here to think and unwind.

"Iiwan na muna kita dahil marami rin naman akong naiwang trabaho sa Manila. Basta may kailangan ka, tawagan mo lang ako," wika nito, saka ginulo ang buhok ko. "Sana kayanin mong tanggapin. Sana kaya mo siyang mahalin sa kung ano siya at kung ano lang ang kaya niyang ibigay. Sana kayanin niya nang ipagtapat sa 'yo."

"Luis—"

"Bye, Avrein!"

Tinanaw ko siya hanggang sa makasakay na siya ng motor.

Pumasok na ako ng resthouse at pinagmasdan ko ang paligid. Maraming iba't ibang paintings ang nakasabit sa dingding. Halatang alagang-alaga rin naman ang rest house nito base na rin sa taglay nitong kalinisan.

May nakita akong isang silid na malapit sa kusina kaya't iyon ang una kong binuksan. Bumungad sa akin ang isang malinis na kwarto kaya't napagdesisyonan ko nang ito na lamang ang gawin kong silid ko habang narito ako.

May isang bagay pumukaw ng atensyon ko sa silid. Isang malaking larawan ng tatlong bata habang magkaka-akbay ang mga ito.

Nilapitan ko ito at tinitigan. May isang batang lalaki na may hawak na bulaklak, sa gitna ay isang batang babae na may hawak na maliit na garapon, at isa pang batang lalaki na may hawak na supot ng lupa. Patuloy ko lang itong pinagmasdan hanggang sa may mapansin ako na tila may nakasulat sa baba larawan.

LuLu – EiEi – Vivi

"Maaring si Luis si Lu, maaring si Vience si Vi, pero sino si Ei?" Para akong sira na kinakausap ko ang sarili ko.

Hindi malinaw sa akin ang rason bakit ginagawa ito ni Luis para sa akin. Hindi ko rin alam bakit matapos kong ibigay ang lahat sa kaniya kagabi, at sabihin sa kaniya na tanggap ko ang sitwasyon naming, ito ako at tila gustong malaman kung hahanapin ba niya ako o hindi.

NAGISING ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng rest house na tinutuluyan ko. Pang­-apat linggo ko na rin dito at unti-unti na akong nasasanay sa pamumuhay dito. Hindi ako lumalabas ng bahay.

Oo, hindi niya rin ako hinanap dahil ni minsan ay hindi siya lumitaw sa lugar na ito. Kaya lalo akong nagdesisyon na mamalagi rito dahil tila naramdaman ko na hindi naman ako kawalan sa buhay niya. Masakit pero kailangan kong panindigan ang ginawa kong ito dahil ako mismo ang may gusto nito.

Mabilis akong tumayo at tinungo ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko ay may isang katawan na lamang ang biglang dumamba sa akin.

"You have to go back to the office, Avy, nagiging magulo na roon dahil sa pagkawala mo. Madaming nagre-resign at natatanggal sa trabaho dahil kay Sir Vience. Laging mainit ang ulo niya at lagi ka niyang tinatanong sa akin."

"H–hinahanap niya ako?" hindi makapaniwalang wika ko. Hindi ko alam pero parang may nabunot na napakaraming tinik sa dibdib ko.

"Girl, sa araw-araw na ginawa ng Maykapal, iba't ibang imbestigador at pulisya ang nasa opisina. Laging nagwawala kapag ibinabalita sa kaniya na walang lead tungkol sa 'yo. Ito pa, halos lahat ng babae na lalapit sa kaniya, kulang na lang ay itaboy niya dahil ayaw niyang baka bigla kang bumalik at iba ang isipin mo kung may babaeng mapapalapit sa kaniya. Ang weird niya! Hindi ko alam ano'ng pinakain mo sa kaniya at biglang nagbago nang ganoon!"

Hindi ko mapaniwalaan lahat ng naririnig ko kay Fria. Sa isang buwan kong pamamalagi rito, naisip kong tuluyan nang hindi magpakita sa kaniya dahil hindi man lang niya ako nagawang hanapin. Sa tuwing dadalawin ako ni Luis, ako kasi ang nagsasabi sa kaniya na huwag munang magbabanggit ng tungkol kay Vience.

"E, k–kayo? P–paano n'yo nalaman kung nasaan ako?"

"I did," anang isang tinig at nakita ko ang paglitaw ng pinsan kong si Aeickel. No wonder agad nila akong natagpuan. Aeickel works for a secret agency.

"For now, no more buts, Avy. You have to come with us and that's an order from your best friend. Hindi ka ba naaawa sa mga nawawalan ng trabaho dahil lang sa LQ n'yo ng lover boy mo?"

Hindi na ako muling nagsalita pa at naupo na lang kaharap sila.

"Bakit ba maraming nasasaktan sa pagmamahal nila sa maling lalaki?" out of nowhere Fria asked.

"Wala namang mali na hindi nakakasakit," sagot ni Aei sa kaniya. "There are girls who fall in love for the wrong man, simply because the wrong man says the right things."

"Hmmm?"

"I don't believe in risking and sacrificing. Love is not a battle so why would you risk for something? Why would you sacrifice when you don't even know if they will do the same in return? Huwag mong suungan ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan," dagdag pa ni Aei pero salungat iyon sa paniniwala ko.

"But risking and sacrificing are both a part of love, Aei." Hindi ko napigilang sumagot sa sinabi ni Aei. "If you can't risk nor sacrifice then you don't have the courage to love. You're coward."

"It's not being coward. It's about loving yourself more than anything else. Dahil sa huli, wala ka namang ibang makakasama kung hindi ang sarili mo."

Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong may punto siya.

SABAY kaming pumasok ngayon sa opisina ni Fria. Ramdam ko ang talim at mapang-usig na tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

"Ignore them. They're not worthy of your attention."

Tinanguan ko lang si Fria sa sinabi niya.

Patuloy lang kaming naglakad nang makarinig ako ng mga bulungan.

"Back to work guys! Nariyan na ang terror boss!"

"Trabaho na."

"Avy, nandito na siya," bulong ni Fria sa akin.

"I know."

Hindi ako tumingin sa likuran ko pero bahagya akong nakaramdam ng kaba nang bigla na lamang sabay-sabay na sumigaw ang mga empleyado.

"SIR!"

Mabilis kaming napalingon ni Fria at doon namin nakita na putlang-putla si Vience habang sumusuka sa isa sa mga welcome plant na naroon. Bumundol ang kaba ko lalo na nang bigla na lamang siyang himatayin.

"Shit! Hindi nag-iinom iyang si Sir Vience magbuhat nang mawala ka dahil imbes na gugulin niya ang oras sa alak, ginugugol niya sa paghahanap sa 'yo, Avy! Ano kayang nangyari sa kaniya!?"

Akmang tatakbo na si Fria palapit sa kaniya nang pigilan ko si Fria sa braso.

"Fria . . ."

"Why!?"

". . . buntis ako."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top