Twenty-eight

AVREIN

ILANG oras na akong parang tanga na nakatanaw rito sa bintana ng mansyon sa rancho. Mag-aalas nuebe na naman nang gabi pero hindi pa rin siya dumarating. Ilang araw nang ganito ang laging nangyayari.

Oo nga't bumabawi siya sa akin sa umaga ngunit pagsapit nanaman ng hapon ay lagi siyang nagpapaalam na aalis. Hindi ako nag-uusisa kung saan siya pumaparoon. Hinahayaan ko siyang kusang magsabi kung gusto niya talaga.

Hindi ko iniisip na nagloloko siya dahil nakikita ko naman sa mga mata niya kung gaano niya talaga ako gustong pahalagahan at ang magiging anak namin kahit na nga hindi ko alam kung paano niya tinanggap sa sarili niya na magkaka-anak na talaga siya.

Saktong babalik na sana ako sa kuwarto ko nang makarinig ako ng paparating na makina ng sasakyan.

Maaga siya sa ngayon. Madalas ay alas onse o alas dose siya dumarating.

Nang makita ko siyang nakapasok na ay mabilis akong pumasok sa kuwarto ko. Gabi-gabi ganito ang gawain ko. Gabi-gabi na darating siya ay nagpapanggap ako na mahimbing na natutulog. Magkahiwalay kami ng kuwarto dahil iyon ang hiniling ko dahil tuwing nalalapit siya sa akin ay gustong bumigay ng katawan ko.

Narinig ko ang pag-ingit ng pintuan ng kuwarto ko tanda na may pumasok dito. "Avrein?" pabulong na tawag niya sa pangalan ko. "Sorry, hindi na naman kayo nasamahan ni Daddy na mag-dinner. Babawi na lang ako bukas paggising n'yo. I love you both," aniya, saka ko naramdaman ang pag dampi ng malambot niyang labi sa noo ko.

Gabi-gabi niya ring ginagawa ito—ang pupunta siya sa kuwarto ko at magso-sorry na hindi siya nakasabay mag-dinner.

"I love you, Avrein. I love you so much, and I trust you. Kahit ilang beses nilang isampal sa akin na hindi ako maaaring magka-anak, wala akong ibang paniniwalaan kung hindi ikaw lang. Ikaw at ikaw lang. You're the only reason why I'm still holding on the fact na kahit gaano pa ako kagago at katarantado, may taong darating para baguhin ako—ikaw 'yon at ang magiging anak natin. Kaya sana maintindihan mo 'ko sa mga ginagawa ko sa tuwing umaalis ako, para sa atin 'yon. Mahal na mahal kita." Pagkasabi nito ay naramdaman ko na ang mabilis na pagkawala ng presensya niya.

Doon na tuluyang naglandas ang mga luha mula sa mga mata ko. Bawat salita niya ay punong-puno ng sinseridad at pagmamahal ngunit punong-puno rin ng sakit na pilit itinatago.

Sino ang mga taong nagsasabi sa kaniya na hindi siya maaaring magka anak? Sino ba kasi ang babaeng tinutukoy ni Luis?

NAGISING ako nang maka-amoy ako ng amoy ng ginigisang bawang na nasusunog. Kaya't tumayo na ako at mabilis na nagtungo sa kusina.

Natagpuan ko si Vience na duwal nang duwal sa lababo habang ang kawali naman na nakasalang sa kalan ay puwede nang ikumpara sa uling ang laman. Amoy na amoy lang talaga ang bawang.

Mabilis kong pinatay ang kalan at dinaluhan si Vience, saka ko hinagod-hagod ang likuran niya.

Gulat na napalingon naman siya sa akin. Maluha-luhang mga mata ang bumungad sa akin pagkita ko sa mukha niya. Halatang hirap na hirap talaga siya.

"Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na magluto ka, ha!?" sermon ko rito.

"Gusto ko lang naman bumawi kaya lang sobrang pangit pala ng amoy ng ginisang bawang. Parang binabaliktad ang sikmura ko sa amoy," sagot niya nang mahimasmasan na.

"Sino bang nagsabi na magsinangag na kanin ka!?" Naiinis ako sa kaniya. Ayokong nakikita na nagsusuka siya dahil sa paglilihi dahil parang ako ang nahihirapan at natatakot ako na sa akin na mangyayari 'yan matapos lang ang ilang buwan.

Nakita kong malapit nang bumagsak ang mga luha niya dahil sa pagbulyaw ko. Pambihira! Napakalala naman yata ng paglilihi niya.

"Enough, Avrein. Enough!" putol nito sa akin habang nakayuko na tila si Garry Valenciano. Nakatakip ang isang kamay niya sa bibig niya at ang isa naman ay nasa dibdib niya. "Nasaktan na 'ko."

"Vience?"

"Tama na, Avrein. Nasaktan mo na ko. Ang sakit!" At napasandal pa ito sa pader. "Ang sakit lang na naggisa lang ako ng bawang na nilagyan ko ng longganisa ay inakala mo na agad na nagsisinangag akong kanin," dagdag nito at unti-unti pang dumadausdos pababa sa sahig. "Ang sakit dahil nagpriprito ako ng longganis pero inakala mo nang nagsisinangag akong kanin? Ba't ganiyan ka?"

"Mahal kita pero maling-mali talaga ang inakala mo."

"Vience. . . ."

"Pritong longganisa 'yon, Avrein. Pritong longganisa na may bawang. Hindi singangag na kanin!"

Naupo ako sa harap niya at tinitigan siya pero ini-snob-an lang niya ako.

"Vience . . .!"

"Shattap!"

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya't mabilis kong sinakop ang mga labi niya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya habang parang tuod na nakakita ng multo.

Saglit lang ang halik na iginawad ko at agad din akong humiwalay. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakangisi siya sa akin.

"Anong nginingisi-ngisi mo riyan?"

"Effective naman pala ang acting ko. Dapat pala noong nakaraan ko pa ginawa 'yon para ikaw mismo ang humalik sa akin noon pa."

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. "VIENCE!"

Mabilis niya akong kinabig at niyakap, saka ko naramdaman ang baba niya sa balikat ko. "I love you,Avrein, and I love your morning breath."

Pinakawalan na niya ako at nagtulungan na lamang kami sa pagluluto.

Matapos magluto ay sabay na rin kaming kumain ngunit napapansin kong panay ang tingin niya sa akin. Hinawi ko ang nahuhulog na buhok sa mukha ko dahil nga kumakain kami.

"M–may problema ba?" Titig na titig siya sa akin!

"May ketchup ka rito," wika nito, saka itinuto ang gilid ng labi ko.

Dinilaan ko na lamang ang ketchup at hindi na pinag-akasayahan ng panahon na punasan ngunit nagulat ako nang bigla na lamang siya tumayo at hinampas ang lamesa.

"Vience!?" gulat na anas ko.

Tumalikod muna siya sa akin bago nagsalita. "Tapusin mo na 'yan. Doon muna ako sa manggahan. Sundan mo na lang ako pagtapos ka na.," matigas na bilin nito.

Kunot-noong sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya.

"Kulang na kulang na ba talaga ako sa sex!?"

Bulong niya na rinig na rinig ko naman. Gusto ko tuloy matawa.

Matapos kong kumain ay sinundan ko siya sa manggahan gaya ng sabi niya. Nadatnan kong tinutulungan niya sina Tata Pilo sa paglalagay ng mga inaning mangga sa kaing.

"Magandang araw, iha," bati ni Tata Pilo sa akin at kasunod nito ay ang pagbati na rin ng ibang tauhan samantalang si Vience naman ay hindi natinag sa pagdating ko.

"Magandang araw rin po sa inyong lahat," nakangiting bati ko pabalik sa mga ito.

"Sir Vience, bakit po hindi niya ligawan itong si Miss Avrein, tutal naman po ay matagal na rin kayong walang nobya ayon na rin sa inyo at wala rin naman pong nobyo itong si Miss Avrein ayon sa kaniya." Kapwa kami nagulat ni Vience sa itinuran ni Tata Pilo.

"Ah, Tata Pilo, ano po kase—"

"Wala siyang nobyo dahil may asawa na po siya, Tata Pilo," putol ni Vience sa nais kong sabihin.

"ASAWA!?" halos hindi makapaniwalang sabay-sabay na sabi ng mga ito.

"Sabagay sa sobrang ganda mong iyan, Miss Avrein, talaga naman na hindi na nakakapagtaka kung ninais na agad ng kung sino mang lalaki na iyon na maitali ka na sa kaniya. Ako man ang lalaking 'yon ay gagawin ko rin agad ang pakasalan ka." Para akong masasamid sa sinabi ni Lucio lalo na't kitang-kita ko na sobrang sama ng tingin sa kaniya ni Vience.

"Lucio, paki-igiban mo nga ang kinseng balde sa kuwadra ng mga baka nang may magawa ka." Lahat halos kami ay nagulat sa matigas na tinig ni Vience nang utusan niya si Lucio.

"Pero, Sir Vience, puno naman po lahat—"

"Palitan mo lahat dahil baka pamugaran ng dengue," matigas na putol nito kay Lucio kaya't mabilis na tumalima na lamang ang huli.

Lahat kami ay napakunot ang noo habang ang iba naman ay natakot nang ibagsak niya ang kaing na hawak niya na ikinatapon ng mga mangga. Tila ba siya nababalutan ng masamang aura.

"Avrein, let's get inside. We have some business to talk about," utos nito at nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa bahay.

Bakit parang iba ang dating ng salitang business niya sa akin?

Ngumiti lang ako kay Tata Pilo at sinundan na ang bugnot na si Vience papasok sa bahay.

Naabutan ko siyang nakatayo ng mga limang hakbang ang layo sa pinto na tila talaga hinihintay ako.

"Lock the door and close all the windows. Now!" Bahagya pa akong napakislot sa sigaw niya. Hindi ako natakot pero basta kusa na lang gumalaw ang katawan ko at sinunod siya.

Nang matapos kong gawin ang iniutos niya ay hinarap ko siya. "A–ano bang problema?"

Unti-unting siyang lumapit sa akin at bawat hakbang niya paharap ay siya naman hakbang ko patalikod.

"Alam mo bang mula nang unang may mangyari sa atin ay wala na akong pinakialaman pang ibang babae dahil sabi ko sa sarili ko, gusto ko ikaw na ang huli?" At muli itong humakbang palapit kaya't humakbang din ako patalikod.

"V–Vience naman!"

"And you know what? I don't share what's mine specially 'pag sinabi kong sobrang espesyal ng taong 'yon sa akin." Huminto ito at mataman akong tiningnan sa mga mata na tila hinihipnotismo. "I easily get jealous when it comes to you, babe. Do you know how much I want to rip Lucio's head a while ago just because he said those damn words to you?"

Napaigtad ako nang kabigin niya ako dahilan ng pagkakasandal ko sa dibdib niya.

"I love you so much, Avrein. I miss making love with you, my angel."

And with that he kissed me with full of desire . . . but he then suddenly stopped after a few minutes.

"W–why did you stop?" utal na tanong ko.

"Hindi ko pa kasi natanong ang doktor kung pwede ba nating gawin 'yon habang buntis ka. Kaya magpapa-check up muna tayo bukas para maitanong ko 'yon. Baka kasi masundot ni Jr. ang baby natin at mapango pa siya," wika nito, saka hinagod-hagod ang buhok ko.

"But you said wala kang sex—"

"I don't need sex, Avrein. Kaya kong magtiyaga na muna sa pagma-mariang palad para sa 'yo. I love you. Take a rest na. Aalis lang ako," wika nito, saka hinalikan ang ulo ko.

Saan ka na naman pupunta Vience?

MATAPOS umalis ni Vience ay nagbihis ako dahil naka-receive ako ng text galing kay Luis. May nais daw itong sabihin sa akin. Alam din daw niya kung nasaan ako kaya't sa malapit lang naman siya nakikipagkita sa akin.

Iniwan na sa 'kin ni Vience ang isa niyang sasakyan dahil baka daw may kailanganin akong bilhin sa malapit para hindi na raw ako mahihirapan.

Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis ko lang nahanap ang restaurant na itinext sa akin ni Luis. Alam kong maaaring magalit si Vience 'pag nalaman niya ito ngunit hindi ko na 'yon inisip dahil tila importante ang gustong sabihin ni Luis.

Pagkababa ko ay agad kong natanaw si Luis na nasa loob ng restaurant at paikot-ikot na nilalaro ang telepono.

Pagpasok ko ay agad kong nakita nito at kinawayan. Naupo naman na ako at nginitian siya.

"Alam kong kating-kati kang malaman kung sino ba talaga ang babaeng tinutukoy ko na sumisira sa buhay ni Vience, hindi ba? Maging matalino ka, Avrein. Hindi lahat ng malapit sa 'yo ay kakampi mo."

Tila ako binundol ng kaba sa narinig kong kadugo. Ito na ba iyon na biglang eentrada si Lola Cassandra at susubukin ang pagmamahalan namin ni Vience?

"Just go straight to the point, Luis."

"Mag-iingat ka kina Denley at—"

Biglang naputol ang sasabihin ni Luis nang magring ang telepono ko.

Unknown Number Calling...

Unknow number pero hindi ito ang number na madalas mag-text sa akin.

"Hello?"

"Pumunta ka sa hotel na katabi ng restaurant na kinaroroonan mo. Malalaman mo kung anong ginagawa ng lalaking mahal na mahal mo at ama ng magiging anak mo. Room 2023, 3rd floor," wika nito, saka pinatay ang tawag.

Kusang sumunod ang katawan ko sa sinabi nito at nagmamadali akong lumabas. Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin ni Luis ngunit hindi ko na ito pinakinggan.

Dala ang sasakyan ay tinungo ko ang hotel na sinabi ng taong tumawag. Nag-park lang ako sa basement parking at mabilis na tinungo ang sinabi nitong room.

Habang papalapit ako sa silid na iyon ay walang tigil sa pagdagundong ang puso ko. Parang pinipiga ito bawat hakbang na ginagawa ko.

Hawak ko na ngayon ang seradura. Unti-unti ko itong binuksan ngunit parang gusto kong magsisi sa ginawa ko.

Natagpuan kong hubo't hubad si Vience habang may babaeng nakapatong dito. Lumingon ang babae at biglang nanlaki ang mata ko.

"Denelle?" tila nanghina ang buong katawan ko at nagsimula nang magbagsakan ang mga luha ko. Mas maaatim ko siguro kung si Denley ang narito ngunit hindi. Gusto kong paniwalaan na set up lamang ang lahat pero ayaw tanggapin ng utak ko .

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba . . . puro pala akala ko lang.

Tila nabigla si Vience nang mapadilat ito at nakita niya ako.

"A–Avrein."

Pinahiran ko ang luha ko at nakangiting tumingin sa kaniya. Nakita ko naman na itinulak niya si Denelle at mabilis siyang nagsuot ng damit at pantalon.

"L–Let me explain."

"Okay na ang nakita ko, Sir Vience. Alam ko po kung saan dapat lumugar. Salamat po. Enjoy."

Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo, saka ko hinayaan na maglandas ang mga luha ko. Kahit sa ganito man lang na paraan ay mabawasan ang sakit.

Saktong patawid na sana ako para mapuntahan ang sasakyan nang may humatak sa braso ko. Pamilyar ang presensiya nito kaya't mabilis kong binawi ang kamay ko.

"A–Avrein, please don't do this. H–hear me out."

Pinahiran kong muli ang mga luha ko bago humarap sa kaniya. Humakbang pa ako ng tatlong hakbang patalikod dahil hindi ko kaya na sobrang lapit lamang ng presensya niya.

"I gave everything I have to a jerk like you. These wounds will heal in due time. But remember that after a wound there's a scar . . . that after the pain, the scar will remain." I said as I totally broke down into tears. Napakatanga ko. Napakagaga ko.

"Avrein. . . ." akmang hahawakan niya ako ngunit iniwasan ko ito at humakbang patalikod.

Nagulat na lamang ako nang may mabilis na paparating na kotse mula sa kanan ko. Pumikit na lamang ako dahil huli na hindi na ako makakaiwas pa.

Anak ko. . . .

Naramdaman ko ang masakit na pagtama sa akin ng unahan ng sasakyan na naging dahilan ng pagtilapon ko.

"AVREIN!!!!!!!"

Nakita kong tumakbo palapit sa akin si Vience.

Doon ko na rin naramdaman ang pagdaloy ng mainit na bagay sa hita ko kasabay ng pamamanhid ng ulo ko pababa sa katawan ko.

This time I was sure that I would lost my baby and I couldn't have my own child anymore. No, not anymore. I'm a Freezell at isang malaking sumpa na iisang beses lang kami maaaring magka-anak.

I love you, anak. Let's die together.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

PAGODA NA KO MAG-EDIT. HAHAHAHAHHAHAHAHAHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top