Twelve
AVREIN
NAG-AALALANG mukha ni Fria ang nakita ko matapos kong sabihin ang tungkol sa bakaksyon na iyon.
"So anong plano?"
"Hindi ko alam. Bahala na, Fria," sagot ko, saka ko inilagay ang mga itinupi kong damit sa maleta ko.
"Hindi ka ba natatakot?" Napalingon ako kay Fria dahil napakaseryoso ng tono niya.
"What do you mean?"
"Are you not afraid of getting busted? Are you not afraid of what Sir Vience might think if he caught you red-handed?"
"I'm not doing anything wrong," sagot ko rito ngunit tiningnan niya lamang ako.
"Are you . . . are you not afraid of losing your job?" My body automatically stiffened for what heard.
"I am," wala sa sariling tugon ko rito.
"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo?" Tila naman nanumbalik ang katauhan ko sa reyalidad sa sinabi niya.
"Sa lahat ng tao, Fria, ikaw ang inaasahan kong makakaintindi na hindi ko puwedeng gawin 'yan."
"But, Avy. . . ."
Naupo ako sa edge ng kama at tinitigan siya. "Clei is the only reason why I can still escape reality. My other half is the only thing that makes me want to be happy even just for the short period of time. Hindi ko kayang maging masaya kapag si Avrein ako dahil alam kong may mga limitasyon na kailangan kong intindihin. Kung ako lang naman ang masusunod I wanna be the real me, without Clei, without my other personality, but I know I can't . . . hindi puwede."
"Puwede naman, Avy, ayaw mo lang. Natatakot ka na baka hindi ka tanggapin ng pamilya mo o ng mga tao kapag pinakita mo ang totoong ikaw, where in fact those are just your own conclusion. Hindi sila ang nanghuhusga sa 'yo Avrei, ikaw mismo ang humuhusga sa sarili mo," saad niya, saka inialis ang pagkakatingin sa akin at tumanaw sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang lungsod.
"I don't know, Fria."
I didn't want to argue with her. Actually this was the first time na nagkasagutan kami nang ganito kaseryoso. Fria never failed to support me for whatever I do.
Natapos kaming mag-ayos ng gamit ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Sabay kaming bumaba dala ang kaniya-kaniya naming maleta.
Nag-aabang kami ng taxi nang biglang tumunog ang telepono ko.
From: Unknown Number
Enjoy your vacation missy. Enjoy every inch of your happiness. You'll never know until when will it last.
She or he kept on texting me puzzled messages. Kung gugustuhin ko ay agad ko namang mate-trace ang may-ari ng number na 'to pero hindi ko ginagawa. Reason? May gusto akong malaman and this sender was the only one who could give me the answer. Alam kong malapit lang siya sa akin. It's pretty obvious.
Mabilis lang kaming nakarating sa main gate ng opisina. Nadatnan namin na madami-dami na rin ang mga kasamahan namin sa trabaho na narito kasama ang kani-kanilang partners at si Vience na nakaupo sa isang tabi at hawak ang telepono niya.
Pinakikiramdaman ko lang siya sa ikinikilos niya. I was actually thinking kung tatawagan niya ba si Clei or what.
Nakita ko siyang tumayo at lumapit kung saan kami nagkukumpulan. He didn't even take a glance at me. I didn't know, but that gesture of him really gave me an uncomfortable feeling.
"So lahat ba nandito na?" tanong niya.
"Opo, Sir. Pero kung may hihintayin pa po tayo, I think that will be your date and, Fria and Avrein's as well. Kayo lang po ang walang ka-partner sa ngayon," sagot ni Ryan.
"Wala akong partner. Mas masaya ako sa ganoon," masungit na tugon ni Fria rito na ikinanganga nito. Medyo takot talaga sila kay Fria.
"Ako rin—"
"I told you na magdala ka ng partner mo, hindi ba?" Bahagyang napapiksi ang puso ko nang putulin niya ang sinasabi ko at matamang tumingin sa akin.
"S–sir , wala po kasi akong—"
"AVREIN!" Napalingon kaming lahat nang may magsalita.
"James?" hindi makapaniwalang anas ko.
"Sorry late ako, ha. Sorry." Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"A–anong ginagawa mo rito?" utal na bulong ko.
"Just thank me for saving you," bulong niya pabalik, saka kumalas ng pagkakayakap sa akin at saka ako inakbayan.
Tumingin ako kay Fria at nakita ko siyang nakangiti sa akin at bahagyang tumango. Tama ang kutob ko, siya ang nagpapunta kay James.
"Mukhang kumpleto na tayo, I think puwede na kayong sumakay sa shuttle buses," utos niya sa amin na para bang wala siya sa wisyo.
Nauna silang sumakay at ako naman ay tumungo na muna sa likod ng shuttle bus at inilabas ang telepono na ginagamit ko as Clei. Pareho lang ito sa telepono ko, magkaiba lamang ng kulay sa likod. Black itong kay Clei.
Message From: Kent Montealegre
Please be at my company at exactly 10 am.
Clei , where are you?
I'm going to wait for you.
Are you not coming anymore?
We're going. If ever you're interested, follow us at Montealegre Beach Resort in Tagaytay.
15 missed calls from Kent Montealegre
Pagkakita ko ng mga ito ay mabilis ko lang din ibinalik ang telepono sa bag ko.
Paakyat na ko sa bus nang makaramdam ako na . . . parang mali na ito? Panloloko na nga ba 'tong ginagawa ko?
Hindi na ako nag-isip pa at muli kong kinuha ang telepono ko sa bag at mabilis na kinontak ang numero niya.
"Hello?"
"Kent?"
"Huh?"
"I'm sorry." Iyon ang nasabi ko siguro dahil sa nararamdaman kong guilt na lumalamon sa pagkatao ko.
"For what?" he sounded so confused.
"For not coming. I promise na susunod na lang ako sa resort n'yo. Is that okay with you?" I tried to be flirtier.
"Yes. I'll hang up." Siya na ang naunang nagbaba.
Inayos ko lang ang sarili ko at mabilis nang umakyat sa shuttle bus.
"BAKIT mo pinapunta si James?" tanong ko kay Fria nang makababa na kami ng sasakyan.
"Hindi ko gustong magmukha kang kawawa sa harap ng iba kung alam ko naman na may magagawa ako para sa 'yo," seryosong sagot niya saka huminto sa paglalakad at hinarap ako nang nakangiti. "Hindi ba sabi ko sa 'yo ikaw na lang ang mayroon ako? Kaya 'wag ka nang magtaka kung ganito kita pahalagahan. Ikaw na ang nagsilbing nanay, tatay at kapatid ko sa mahabang panahon. I just want to return the favor. Okay?" tumango na lamang ako at ngumiti pabalik.
Naglakad kami at naghanap ng kuwarto na assigned sa amin. Nakita ko na ang kuwarto namin dahil may nakasulat dito na, Avrein and Fria (and partners). Nilingon ko ang paligid at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko sa nakita ko.
Private room: Young master Vience and his partner.
"Oh my gosh, friend. May sarili kayong—"
"Mouth, Fria!" putol ko rito.
Pumasok na kami ni Fria. Nagkaniya-kaniya na kami sa pagpili ng kama na hihigaan namin. Kapwa kami nakahiga ni Fria nang pumasok si James.
"Sorry, papa James at iniwan ka namin doon," ani Fria dahil si James ang nagdala ng ibang mga gamit namin.
"I understand," nakangiting tugon nito.
"May bagay ba na hindi makakapagpangiti sa 'yo?" Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa sinabi ko. Dapat sa utak ko lang 'yon. Pambihira!
"Kapag nawala ka ulit sa buhay ko." Napatahimik kaming tatlo sa isinagot niya.
Bumangon ako at kinuha ko ang maleta ko mula sa kaniya at saka ko ito inilapit sa kamang hihigaan ko.
Nag-aayos lang ako ng higaan ko nang may kumatok. Si Fria na ang tumayo at nagbukas nito.
"Hello po, I'm Lemore. Ako po ang magiging organizer ninyo. Within ten minutes po kailangan ko na po kayo sa conference hall. Salamat po," nakangiting sabi nito, saka na umalis.
Nag-ayos lang ako at nagpalit ng jogging pants at puting t-shirt.
"Papa James sasama ka?" tanong rito ni Fria.
"Hindi na siguro. Hintayin ko na lang kayong makabalik. May ita-type lang akong mga report tungkol sa Ox," nakangiti na namang sabi nito.
"Sorry kung naabala ka pa dahil dito sa—"
"Anything for you, Avrein."
Lumabas na kami ni Fria at hinanap ang conference hall na sinabi noong lalakeng nagngangalang Lemore.
Nakita naman namin ito at nadatnan namin ang iba pa na narito na, maging si Vience na ngayon ay nakatutok na naman sa telepono niya.
"Good afternoon, everyone. Hindi naman talaga pure vacation ang ipinunta n'yo rito. Actually this is a team building event na ako ang mag-o-organize. Nakapagpakilala naman na ako sa inyo kanina uulitin ko na lang. I'm Lemore Logronio. Just call me Lem. Sa ngayon ay kakain muna kayo then you'll have an activity which is called itlog mo, hanap ko." Nagtawanan ang iilan dahil sa sinabi nito. "Basta pagkatapos n'yong kumain ay 'wag muna kayong aalis dahil sisimulan na natin agad ang activity. Don't worry , may mga corresponding prize sa mga mananalo."
Nagsimula na kaming kumain nang maalala ko si James. Nag-text ako rito ngunit sinabi niya sa akin na mayroon siyang dalang baon at doon na lang daw siya sa kuwarto kakain.
Natapos kaming kumain at dinala kami ng organizer sa mismong seaside.
"Divide yourselves into two groups," ani Lem.
Nagkaniya-kaniyang grupo na kami at buti naman dahil magkasama kami ni Fria at Sir Vience na ngayon ang pansin ay sa telepono niya na para bang may something doon na talagang bumabagabag sa kaniya.
"Well this game will go like this. May tiglilimang itlog bawat grupo. Ang mga itlog na iyan ay itatago n'yo sa east and west forest ng resort. Group One sa east kayo and Group Two sa west kayo. Kapag naitago n'yo na ay magpapalit na kayo ng lugar para maghanap. First group na makakahanap ng limang itlog ang siyang mananalo."
Nagsimula na kaming magtago ng mga itlog. Si Fria ang napiling mag-leader ng mga ka grupo namin.
Napunta ako sa tagong bahagi ng gubat kaya't inilabas ko ang telepono ko.
From: Kent Montealegre
Nasaan ka na?
Sabi mo susunod ka?
Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Fria. "Fria I need to be Clei," bulong ko rito. "Ikaw na ang bahalang magpalusot 'pag hinanap nila ako," ppatuloy ko at agad naman na tumango ito.
Tinakbo ko ang room namin at nagpasalamat ako nang hindi ko madatnan dito si James. Mabilis kong inilabas ang mga damit ni Clei maging ang kaniyang contact lense.
Mabilis akong nagbihis sa banyo. Yellow floral beach attire ang suot ko. Iyong parang duster siya pero backless siya at itinatali lamang ang mga tali ng damit sa leeg? Pinakapusod ko rin ang buhok ko at nag-flip flops.
Dumungaw muna ako sa pinto bago tuluyang lumabas ng banyo dahil baka biglang bumalik si James.
Nang mapagtanto ko na wala ng ibang tao ay mabilis akong lumabas at tinungo ang kinaroroonan ng grupo namin at ni Vience.
Tinignan ko ang relo ko at mag-aalas sais na rin pala ng gabi. Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan ko siya.
"Kent?"
"Nasaan ka na, Clei?"
"I'm already here. Narito ako sa medyo tagong parte. Doon sa mga hanay ng palm tree."
"I know that part. Just wait for me," sabi nito at ibinaba na ang tawag.
Naglaka- lakad lang ako at tiningnan ko ang paglubog ng araw. This was really a nice view—so calming and mesmerizing.
Pumikit pa ako para damhin ang paglandas ng hangin sa balat ko. "I'm only a man in a silly red sheet. Digging for kryptonite in this one way street," pagkanta ko habang nakapikit.
"Nice voice." Napaigtad ako dahil tila napakalapit ng mukha ng nagsalita sa akin. At hindi nga ako nagkamali. Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko at halos kalahating pulgada lamang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Kent."
"Akala ko hindi ka na magpapakita," anito sa akin. Bahagya akong humakbang patalikod para makalayo nang kaunti. "Halika may ipapakita ako sa 'yo." Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako. Ito na naman ang hindi pamilyar na pagdaloy ng kaba at kakaibang bilis ng pagdaloy ng kuryente sa kabuuan ko.
Dinala kami ng panghahatak niya sa isang falls. Tagong bahagi na ito ng resort nila. "Ako lang ang may alam nito pati si Mommy," panimula nito, saka naupo sa isang malaking bato. Naupo rin ako sa tabi niya dahil hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.
"Ang ganda."
"My Mom also loves this view kaya't naisip kong magugustuhan mo rin dito."
"Yeah," iyon lang ang tangi kong naisagot.
"Clei," tawag niya, saka siya humarap sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Nalilito ako sa klase ng ekspresyon na ipinapakita ng mga mata niya. Nalilito ako sa gusto niyang iparating.
"Hmmm?"
In an instant he pulled my head towards him and my lips crashed on his. I didn't know what should I do when his lips suddenly moved.
Marahan ang bawat paggalaw nito na tila takot na takot na masaktan ako. Magaan sa pakiramdam ang galaw ng labi niya kaya't hindi man gusto ng isip ko ay tinugon ito ng mga labi ko.
I think we've been kissing for how few seconds when he suddenly pulled away. He stared into my eyes before he spoke.
"I like you. I really do. So please . . . stop pretending as Nierva Clei Agaña, Avrein Laiclei Agaña–Freezell."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
DITO MUNA. HAHAHA. BUKAS ULIT! HUWAG KAYONG MAGSAWANG MAGHINTAY. LABYUUUUU!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top