Thirty-seven

AVREIN

"SAAN mo ba talaga ako dadalhin? Nasaan si Axel?"

Nang magising ako kaninang naidlip ako ng mga alas tres ng hapon ay nakabihis na ako at nakasakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam pero para bang may humahabol sa amin na itim na sasakyan.

"Please, baby, I need you to cooperate. Kailangan mo lang bumaba kapag inihinto ko na ang sasakyan. I need you to do everything you can para makasakay ka sa helicopter," halos nagmamakaawang turan nito kaya't alam ko na may mali.

"Promise me you'll be safe," kinakabahang wika ko.

"I will. I promise."

Nang inihinto niya sa isang open area ang sasakyan ay mabilis akong bumaba gaya ng bilin niya. Mabilis ko lang naman nahanap ang helicopter na sinasabi niya.

"Take care, Vience, please."

"Yes, baby. Basta pagpasok mo sa helicopter isuot mo agad ang vest na may parachute, ha? I need you to be safe too." Tumango ako at mabilis ng tinakbo ang pagitan namin ng helicopter.

I silently thank God dahil naka-auto pilot ito dahil hindi naman ako marunong magpatakbo nito.

Gaya ng bilin ni Vience ay isinuot ko ang vest na nandito sa loob. "Babe, can you hear me?" mula sa speaker ng helicopter ay narinig ko.

"Vience? Oo, naririnig kita!"

"Good to hear that. I love you, baby."

"I–I love you too," kinakabahan kong sagot. Kanina kasi ay tila tense siya pero ngayon naman ay parang mas lalo siyang na-tense. "Vience, ano na bang nangyayari diyan!?"

"Dumungaw ka, Avrein, at makikita mo."

Ginawa ko nga ang iniutos niya at natagpuan ng mga mata ko na napapalibutan ng limang van ang sasakyan niya. Hindi malinaw sa paningin ko ang lahat dahil near sighted ako at hindi nakatulong ang lens na suot ko.

"Umalis ka na riyan, please!" sigaw ko. Natatakot ako na baka ano na naman ang mangyari sa kaniya. "Vience, you need to run! Pambihira ka namang lalaki ka, e! Nasa ganito na tayong sitwasyon—"

Ngunit bago ko pa mayari ang sasabihin ko ay nakarinig ako ng dalawang putok ng baril kasabay nito ay ang pagbagsakan ng dalawang puno.

Pagbagsak ng mga ito ay tila nabigyang daan ang isang malaking tarpaulin na kahit yata near sighted ako ay mababasa ko sa laki ng nakasulat dito.

"I fell for you really hard, baby. I have loved you since God knows when. I easily get bored when you were not around. I easily get irritated whenever I miss your presence."

"What is this all about, Vience—"

Ngunit gaya kanina, nakarinig na naman ako ng dalawang putok, saka muling may dalawang natumbang puno at may isa na namang malaking tarpaulin.

"I don't deserve you, or even an inch of you, but God gave me you. The woman I never wanted from the very beginning—the woman I never imagined I will spend the rest of life with."

Naramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng pisngi ko sa dahil sa mga luha ko. Pambihira 'tong lalaking 'to! Tinakot-takot pa 'ko!

Muli akong nakarinig ng putok ng baril at nagbagsakan na naman ang dalawang malaking puno at lumitaw na naman ang pangatlong tarpaulin.

"You're not my type, you're too manang but the hell I care. My mind, heart, body and soul only wants you and no one else but you. So . . ."

Putol talaga ang nakasulat sa tarpaulin.

"Baby, can you please jump? After you jump hatakin mo ang red tie riyan sa vest para bumukas ang parachute," utos niya na hindi ko sinagot. Doon ko lang din kasi napansin na hindi naman talaga umalis 'tong helicopter. Lumipad lang kami nang bahagyang-bahagya pataas pero hindi palayo.

I took all the courage in me, saka ako tumalon. I enjoyed what I did. I was like a free bird.

Nang makababa na ako ay nadatnan ko siya at sinalubong niya ako ng yakap. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya't nanatili na lamang akong tahimik kahit nang bitiwan niya ako at lumuhod siya sa harap ko.

"Will you be Mrs. Montealegre for real?" aniya sabay lahad niya sa akin ng singsing.

"Hindi," sagot ko at nakita ko kung paano bumalandra sa mukha niya ang gulat at pagtataka.

"W–why, Avrein—"

"Hindi ako tatanggi!" Hindi ko na pinansin ang singsing at kinuwelyuhan ko siya patayo, saka siniil ng halik sa labi. "I love you," bulong ko.

"I love you too, Babe—"

"Natapos din! Ang hirap maghanda!" Sa boses na 'yon, alam kong si Leickel 'yon.

"At first I didn't agreewith her idea kasi parang ang hassle. Puwede naman kasi na normal proposal lang. Kaya lang kinonsensya ako, pagkatapos daw ba ng mga nangyari sa atin, saka pa raw ba ako mag-iinarte. Dagdag pa niya na, isang beses lang daw mararanasan ng babae ang mapag-propose-an kaya dapat daw ay ibuhos lahat," mahabang paliwanag ni Vience sa akin.

Ilang saglit lang ay naglabasan lahat ng mahal namin sa buhay nang nakangiti but not my Dad—he's crying!

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Why are you crying, Dad?"

"Ba't pumayag ka naman agad, 'nak?" aniya, saka pa niya pinunasan ang mga luha niya na tila bata. "Aba't kaunting pakipot naman!"

"Daddy naman. May Axel na nga tapos pakipot pa?" tumatawang wika ko.

"Kahit na ba! Suntukin ko 'yang si Vience o kaya ipadagan ko kay Barney—iyong baklang violet na dinosaur na 'yon mahilig pa naman sa macho!" pagtatantrums niya. I really wonder if he was really my Dad and my Mom's first love.

"Shut up, Van." Boses iyon ni Mommy.

"Yes, Geneve?" ani Tito Leriz Van.

"Ano 'yon, Gen?" anas naman ni Tito Loard Van.

"Why are you calling me, Geneve?" sabat din ni Tito Lexir Van.

Napasapo naman agad si Mommy sa noo niya nang sumagot ang tatlo sa quaruplets na Freezell. Van kasi ang second name nilang apat at mukhang nakalimutan ni Mommy 'yon sa pagtawag niya ng Van kay Dad.

"Get back to your businesses," kiming tugon na lang ni Mommy at bumaling sa akin. "Congratulations, anak. Don't mind your Dad. It's just that he still believes in his saying."

"Saying?" tanong ko.

"He believes that in every love story, Mom always agrees and Dad always disagrees. It's because Mom knows what love is, and Dad knows what boys are." Nangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.

"Thank you, Mommy. I love you."

"Excuse me po, can I borrow Avrein for a minute?" agaw ni Vience sa atensyon namin na ikinatango ni Mommy kaya't inakay niya na ako palayo.

"Where are we going?"

Imbes na sumagot ay kinuha niya lamang ang kamay ko at isinuot ang singsing na hindi ko pinansin kanina.

"It really looks good on you."

"I know," nakangiting sagot ko. "By the way, Vience, iyong mga punong sinayang mo—"

"Those were artificial trees, but I sponsored a fifteen thousand tree planting event because I already saw such reaction from you coming," nakangising wika niya.

"Momma Girlfriend!"

My Axel! I almost forgot about him. OMG!

VIENCE

TUMABI ako sa kaniya nang madatnan ko siyang nakaupo sa sofa at tila nasa malalim na pag-iisip.

I may be a jerk but only God knows how much I loved this lady beside me. I was willing to suffer if it was for her. I was willing to get hurt if it was for her safety. I was always willing to risk everything for her.

I was not a saint, I made endless mistakes—mistakes that was too much for her to handle and brought her too much pain.

I'm one hell of a lucky bastard for having Avrein. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko at ibinigay siya sa akin ng Diyos. Hindi ko alam kung bakit ibinigay Niya sa akin ang isang babaeng hindi marunong sumuko sa akin. Sumuko man, tatayo at susubok pa rin.

Avrein? She wasn't enough for me, because she was too much. Sobra-sobrang biyaya ang mahalin niya and I really thank God for giving her in my fucked up life.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghilig ng ulo niya sa balikat ko. This was what I love about Avrien—madali siyang basahin. Her eyes always do betray her every words and actions. Kaya't alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung kailan hindi.

The night na magkasama kami ni Denelle sa kuwarto at dumating siya para sabihing buntis siya? I wanted to fucking celebrate for that news really rock my world. Naniniwala ako sa kaniya, dahil kitang-kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng katotohanan. But suddenly a fucking truth hit me, na hindi nga pala ako maaaring magka-anak kaya't itinaboy ko siya at sinabing hindi sa akin ang bata. Alam na alam ng Diyos kung gaano ko siya gustong sundan at habulin pero hindi ko ginawa. Dahil doon naman ako magaling, ang magtaboy ng taong nagmamahal sa akin at sinisimulan ko nang mahalin.

Noong madaling araw na 'yon ay hindi na ako mapakali kaya't tinungo ko ang condo niya nang nakainom ako. Hindi ko alam pero gusto kong humingi ng tawad sa kaniya at akuin ang bata pero kabaligtaran na naman ang ginawa ko. I took her that night then told her to stay away from me. Putang ina! Kahit siguro ako, makita kong ginagawa ko 'yon? Baka patayin ko pa ang sarili ko. Napakaputang ina ko dahil dinurog ko ang isang inosente at babasaging babae na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin at intindihin ako.

"Tell me the story, Vience. I want to know about Axel's arrival," pukaw niya sa atensyon ko. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan muna ang buhok niya. "Pwede bang ikuwento mo sa akin ang paglabas niya? Hindi ko kasi 'yon naramdaman. Kaya sana kahit sa kwento mo lang maramdaman ko," paghingi nito ng pabor na agad ikinatango ko. Sino ba naman ako para tumanggi, hindi ba?"

***

"Mr. Montealegre, mangangak na po si Ma'am Avrein." Bigla na lamang ako tila pinasok sa refrigerator sa narinig kong sinabi ng nurse. Nanlamig ang buong katawan ko at tila ako naging tuod.

"Vience, iho!" pagtawag sa pangalan ko kaya't agad akong palingon.

Natagpuan ng mga mata ko si Tito Leriz (Daddy ni Aiyell), Tito Led (Daddy ni Avrein), Tito Loard (Daddy ni Leyvance) at Tito Lexir (Daddy nina Aeickel at Leickel).

"Tinawagan kami ng doctor. Ngayon na daw naka-schedule na isi-ceasarian si Avrein," wika ni Tito Loard sa akin. Hindi ako makasagot kaya't tumango na lamang ako.

"Tayo na," pag-aaya ni Tito Leriz.

Nadatnan namin sa loob ng DR sina Tita Vhrea, Tita Geneve, Tita Yna at Tita Guia. Nakilala ko silang lahat buhat nang ako lagi ang nagbabantay kay Avrein.

Nasa tamang pag-isip ako ngunit nang makita kong hihiwain na ng kutsilyo ang tiyan ni Avrein ay paran gusto kong himatayin pero kinakaya ko. Kaya ko.

*BLAGGGGG!*

Tiningnan ko si Tito Lexir na hinimatay.

"One down," wika ni Tita Guia. "Malas ng mister ko, mahina sa kutsilyo." Bumingisngis pa ito.

"Sisimulan na po namin ang operasyon," anang doktor sa akin ng pero 'di ako makasagot. Napasandal ako sa pader sa likod ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

*BLAAAAAAGGGG!*

"Two down," wika ni Tita Vhrea dahil si Tito Leriz ang tumumba. Pinipilit kong maging matatag.

"Three down," malamig na wika ni Tita Yna dahil si Tito Loard ang tumumba.

Lahat kami ay napatingin kay Tito Led dahil nakaluhod siya at naririnig namin siyang bumubulong bulong na tila nag-oorasyon. Lalo yata akong pinanghihinaan ng tuhod.

"Apong Rosario, Apong Concepcion, Apong Maria, Apong Magdalena, Apong Victoria, Nuno ng apo. Parang awa niyo na 'wag n'yo 'kong hahayaan na mahimatay gusto kong makita ang paglabas ng apo—"

Hindi na niya nagawang tapusin ang sinasabi niya dahil sinapak siya ni Tita Geneve. Iyon at bulagta rin.

"Walanghiya kang lalaki ka. Okay na sana na tinawag mo na lahat apo mo, sinama mo pa ang nuno. Jusko! Magka-asawa ka nga naman ng mongoloid."

Tila nagdilim na naman ang paningin ko nang makita kong ako na lang ang natirang matibay kaya't tumayo ako at . . . nag-jumping jack habang nagtititili.

"Ang taas ng boses niya, 'no?" naririnig kong tumatawang sabi ni Tita Vhrea.

"Try mo tawagin si Regine?" wika ni Tita Guia.

"Regine!"

Hindi ko alam pero pagkarinig ko niyon ay bigla ko na lamang nasabi ang, "WOOOOOOOHHHHHHHH!"

"Sabi sa 'yo, e," tumatawang sabi ni Tita Guia. Kinukulam ba nila ako?

"Malapit ko na pong makuha ang bata," lalong nag-unahan ang mga kabayo sa dibdib ko.

Palapit na sana ako kay Avrein nang hindi ko na rin kinaya.

*BLAAAAAAGGGG!*

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top