Thirty-one
AVREIN
"NASAAN tayo?" tanong ko sa lalaking katabi ko ngayon sa kakahintong kotse.
"Sa taguan ko," sagot nito saka bumaba sa kotse na siyang nakapag pakunot ng noo ko.
Sumunod naman ako sa kaniya at nakita kong sinususi niya ang pintuan ng payak na bahay na nadatnan namin.
"Ako lang mag-isa rito. Hindi ito alam ng kahit sino—even Danelle and Axel." Bahagyang may kumirot sa akin sa narinig ko. Ang pangalan ng taong nakasakit sa damdamin ko at ang pangalan ng anak ko ay magkasama sa iisang pangungusap, hindi ko iyon gusto.
Pumasok na siya nang mabuksan ang pintuan. Hindi ako sumunod at nanatili lamang akong nakatayo. Hindi ko alam pero hindi ko mawala sa isip ko na may kasamang ibang babae ang anak ko na dapat ay ako.
Axel Leindeyl Freezell–Montealegre. My son, he's mine.
Nagulat ako nang may humatak bigla sa kamay ko at nakulong ako sa mga braso nito. "V–Vience—"
"All I can say is I'm sorry. I'm sorry for all the pain. Trust me, Avrein."
Bigla ko siyang naitulak na kahit ako ay nagulat sa ginawa ko. Kusang gumalaw ang mga paa ko at humakbang patalikod upang mapalayo sa kaniya.
"Never ever mention the word trust, Vience. I'm begging you. Never mention it. The last time I gave you my trust, I got lost—I lose not just myself but everything, even the precious time being with my own child."
"I have nothing to say but sorry." Akmang hahawakan niya ako pero umiwas ako.
"My wounds healed and I'm much sure about that, Vience. But my scars? No. There's still the pain behind every scars of every wound you've caused. This pain is still as painful as hell and it gives me strong walls not to give my trust again—not again. Not to the man who broke it not just once, and not just twice, but many times." I said that straight to his eyes and I saw how painful it was for him.
"Please just for now, be with me. I have to tell you something. Ayokong malagay sa panganib ang buhay mo kaya't pumasok na tayo," paliwanag niya, saka na naman siya humakbang palapit sa akin at hinawakan ako—pero this time ay hindi na ako umiwas.
NAGISING ako na tila may humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bigla akong napatayo nang ang nakangiting mukha ni Vience ang mabungaran ko.
"W–What are you doing—"
"You over slept. It's already two in the morning and you haven't yet eaten your dinner," maaliwalas ang mukha na sagot nito sa akin.
Kanina kasing pumasok kami sa taguan niya ay naupo muna ako sa mahabang sofa habang nagluluto siya. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako.
"Tara't kumain ka na," wika nito at nagpatiuna na patungong kusina.
Nakarating na kami ng kusina at nagsimula na akong kumain pero titig na titig siya sa akin kaya't naiilang ako.
"Avrein," pagtawag nito sa pangalan ko kaya't nahinto ako sa pagkain at tinaas ang ulo ko.
"What do you want?" malamig na wika ko.
"You," nakangisi nitong sagot na nakapagbigay kaba sa akin kahit na hindi ko gusto.
"S–shut up! Ano bang problema mo?" inis na bulyaw ko rito pero nanatili pa rin siyang nakangisi.
"You told me a while ago that you don't want to trust me anymore—that you're scared of trusting me. But, why does your eyes and actions do the exact opposite of your words?"
I was stunned. My eyes just couldn't lie.
"You're imaging things," anas ko at muli kong binalingan ang pagkain ko na hindi ko matapos tapos dahil sa kaniya.
Hindi ko na siya pinansin at tinapos ang pagkain ko. Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya nakikita.
Iniligay ko na ang pinagkainan ko sa lababo at ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsunod ng mga tingin niya sa akin. Nakakailang nang sobra!
Hinuhugasan kong kasalukuyan ang mga pinggan na ginamit ko nang maramdaman kong tumayo siya, at napapiksi na lamang ako nang may mga braso na pumalibot sa baywang ko.
"Avrien Laiclei Freezell . . ." pagtawag nito sa akin. ". . . Montealegre."
"Vience anong ginagawa—"
"D–Damn me for hurting you. Damn me for letting you go. Missing you almost got me insane." aniya, saka ko naramdaman ang marahan na paghawi niya ng nakabagsak kong buhok papunta sa kanan kong balikat.
Gumapang ang kilabot sa buo kong pagkatao nang kintalan niya ng bining halik ang kaliwang bahagi ng batok ko na.
"Vience—"
"I'm sorry for what I did—for what I've done. I'm sorry."
Pumihit ako paharap sa kaniya dahil iyon ang iniuutos ng puso ko na gawin ko.
"D–do you really love me or is this another part of your game?" Basta't kusa na lamang lumabas ang mga salitang iyan sa mga labi ko.
Ngumiti muna siya, saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"No." Parang gusto ko siyang itulak sa narinig ko ngunit bigla na lamang niya akong kinintalan ng halik sa mga labi ko at saka nginitian. "I don't just love you—that's an understatement. I'm so much in love with you. I love you the way no one else can do even after all these years, but my way of loving you resulted to our suffering and that's what I am truly sorry about. Mali ang mga naging desisyon ko, at ang naging paraan ng pagprotekta at pagmamahal ko sa 'yo. We both ended up hurting and suffering."
Hindi ko alam pero wala akong mahanap na sasabihin kaya't kinabig ko na lamang siya, saka niyakap.
"Avrein, do you want me to explain everything that happened to you now?" he whispered.
Bahagya akong tumango sa habang nakayakap pa rin sa kaniya.
Maling-mali na magpadala na naman ako sa mga salita niya nang hindi ko pa pinakikinggan ang mga paliwanag niya, pero gusto kong ibigay sa kaniya ang pagkakataon na ito. Ito na lang ang huli kong kayang ibigay sa kaniyang tsansa sa ngalan ng pagmamahal ko sa anak ko, at sa pagpapalaki niyang ginawa kay Axel nang wala ako. Para sa anak ko . . . makikinig at iintindi ako.
Naiintindihan ko na ngayon ang maraming ina na handang tiisin at intindihin lahat para sa anak dahil ganoon ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Handa kong isugal lahat para sa anak ko.
Kumawala ako sa kaniya at doon ko na sinimulan na iulan sa kaniya ang mga katanungan ko. "Bakit nga ba kailangan mo pang magtago? Bakit kailangan mo pang patagong gawin ang mga bagay? Bakit kailangan mo pang ilayo si Axel sa akin?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Mula nang mangyari ang pagpapaulan ng bala ng baril kahapon, tuluyan kong napagtanto na nasa panganib nga ang mga buhay naming at totoong malaya pa ang salarin sa lahat ng kaguluhan na nagaganap—na hindi talaga si Denly ang may sala at pakana.
"I'm not hiding for my own sake—it's for you and Axel's safety. I don't want to risk if it's for you and Axel." Bahagya niyang naitikom ang mga kamao niya at yumuko siya.
"Vience—"
"I don't want to ruin your peaceful life kaya't kahit may pagkakataon ako na puntahan ka at ipaliwanag sa 'yo ang lahat ng nangyayari ay hindi ko ginawa. Kahit na mabaliw na ako sa sobrang pangungulila, I still didn't grab the fucking opportunity. I'm fucking scared for what might happen if I show myself in front you. Takot ako, Avrein. Takot ako hindi para sa sarili ko, kundi para sa inyo ng anak natin." Ramdam na ramdam ko ang hinanakit ng bawat salitang binitiwan niya.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin? Hindi mo ba naisip na baka kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko?" I asked.
Napapiksi ako nang bigla na lamang niya akong titigan. Isang seryosong tingin na kikilabutan lahat ng makakakita. Hindi ako makagalaw.
Bigla na lamang niya akong hinatak, saka niyakap nang mahigpit. "No, Avrein. I'm afraid of the chance that you might get hurt physically again. I'm fucking scared to death that you might get hurt again just because of me. You just don't know how this feeling sucks. I feel so damn useless for not being able to protect you." Doon ko na lamang naramdaman na nababasa na ang manggas ng suot kong damit.
"I didn't get hurt physically, Vience. But for the past three years of my life, I'm emotionally suffering."
Mas lalo pang humigpit ag yakap niya ngunit sapat na para makahinga ako. Sa tipo ng yakap niya, pakiramdam ko ay sobrang ligtas na ligtas ako. "Sorry that I chose your safety over you. I didn't mean it that way. I love you, but your safety is my top priority."
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. Nakayuko pa rin siya kaya't iniangat ko ang ulo niya upang magtama ang mga mata namin.
"I'm not weak, if that's what you think. Every time you make a decision, always ask for my consent. Don't decide for my own good because I'm much capable of deciding for myself. Hindi kita bibigyan ng isa, dalawa, tatlo o apat na pagkakataon na makasama ako kung hindi ko kayang desisyonan ang sarili ko. I'm naïve but I'm not that fragile. I may be innocent but I knew how to deal with my life. It's my life by the way."
"Sorry."
"Sorry will never be enough. Alam kong alam mo 'yan, pero nagpapasalamat ako sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa anak ko kaya't narito ako. Masyado ko siyang mahal para hindi bigyan ng isa pang pagkakataon ang taong naging sandalan niya nang mga panahon na wala ako."
"Thank you, Avrein. Thank you so much."
"All I want this time is to savor the moment. I want you to trust me the same way as I do to you. Trust me. Trust my strength, Vience, for Axel is my greatest strength. Mahal na mahal ko ang anak ko at alam kong ganoon ka rin. Aaminin ko rin na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa 'yo sa paglipas ng mga taon pero nasasaktan pa rin ako. Sa ngayon pagkatiwalaan mo lang muna ako. Kakayanin ko ang lahat para sa inyo ng anak ko."
"I will. I promise."
"Are we—"
"Someone is coming here tomorrow. We will all explain to you what happened after the accident."
NAGISING ako na parang may mainit na buga ng hangin sa leeg ko. Paglingon ko, nakita ko si Vience na tulog na tulog habang nakadantay sa akin ang binti niya at nakayakap naman ang kamay niya sa baywang ko tapos ang mukha niya ay nakasiksik sa leeg ko.
Ginising ko siya at agad naman siyang tuminag na animo ba ay sanay na siyang ginigising nang biglaan.
"Sa 'yo pala nagmana ang anak natin," aniya habang nagpupunas ng mukha.
"Ganito ka rin niya kung gisingin—"
"He won't stop until I cook breakfast for him." Naninibugho ako na malaman na ganoon ang anak ko sa ama niya na ni minsan ay hindi ko pa naranasan.
"Nasaan siya ngayon, Vience? Ayos lang ba—"
"Don't think too much. Axel is fine. Kaka-text lang sa akin ng isa sa mga nag-aalalaga sa kaniya."
"What do you mean?" tanong ko.
"Walang kami ni Denelle, Avrein. Hindi rin kami nagsasama at mas lalong wala kaming relasyon. Nataon lang na nang makita mo kami sa mall ay kasama namin siya ni Axel."
"Bakit Mommy—"
"Si Denelle ang nag-utos n'on kay Axel. Nagsumbong nga sa 'kin si Axel na binantaan daw siya ni Denelle na kapag hindi niya Raw tinawag na Mommy ni Denelle ay papaluin siya nito."
"Anong ginawa mo!?" Bahagyang napataas ang boses ko.
"Pinagsabihan ko si Denelle pero ang sabi niya sa akin ay hindi naman daw niya talaga gustong gawin 'yon. Sinabi niya lang daw 'yon para mapasunod niya ang anak natin. I told you, he's hard-headed."
"Naniwala ka ba?"
"No. She's desperate."
"Ano'ng ibig mong sabihin—"
"Bumaba na tayo," putol niya sa akin, saka hinapit ang baywang ko at magkapanabay kaming lumabas ng kuwarto.
Saktong pagkalabas ko ay nadatnan ko si Fria na nakaupo sa sofa at hindi siya nag-iisa.
Tila nanlamig ang buong katawan ko nadatnan ko.
"Why?" dinig kong tanong ni Vience sa akin ngunit hindi ko siya nasagot. Sa halip ay binalingan niya ang tinitingnan ko.
"Good morning for the both of you," bati nito sa malamig at puno ng kasarkatikuhan na tono.
Unang nakabawi si Vience nang pagkabigla. "Lola Cassandra."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Comment kayo, para lalabas ko agad ibang chaps. HAHAHAHAHA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top