Thirty-eight
AVREIN
PALAPIT nang palapit ang bridal car na sinasakyan ko sa simbahan kung saan ako ikakasal. Bawat metro yata na napapalapit ako sa simbahan ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko na halos gusto nang kumawala sa pinaglalagyan niya.
"Relax ka lang, 'nak," pagpapakalma sa 'kin ni Daddy. Silang dalawa ni Mommy ang kasama ko ngayon dito sa sasakyan.
"Hindi ako makapaniwalang ikakasal ka na talaga. anak. Imagine ilang taon ko rin hinintay na may ipakilala kang lalake sa 'kin—iyon nga lang wala kang pinakilalang lalake, anak meron," tumatawang pang-aasar ni Mommy.
"Mom!"
"I'm just kidding here. You just don't know how happy I am dahil tatahakin na rin ng sarili kong anak ang daan na tinahak ko noon. I hope na ang daang tatahakin mo ay dadalhin ka rin sa taong gaya ng Daddy mo—ang taong araw-araw kang mamahalin at aalagaan," nakangiting wika ni Mommy kaya't napayakap ako sa kaniya.
"Mom, you're ruining my make up," humihikbi kong sabi.
"Baby?" I heard Daddy mumbled.
"Yes, Dad?" tanong ko bago kumalas kay Mommy at humarap kay Daddy.
Paglingon ko ay halos hindi ko na makilala ang Daddy ko. Puro luha at uhog siya sa mukha. Agad akong naghingi ng tissue kay Mommy at pinunasan siya. "Gross!"
"Kung patayin ko na lang kaya si Montealegre? Ninakaw niya sa akin ang nag-iisang prinsesa ko."
"Dad, hindi niya po ako ninakaw. Hiningi niya po ako sa inyo at pumayag naman kayo."
Nasabi kasi sa akin ni Vience na bago raw niya ako ayaing magpakasal ay hiningi niya muna raw ang permiso ng mga magulang ko at pumayag naman daw ang mga ito.
"Nandito na po tayo," pukaw sa atensyon namin ng driver. Parang pamilyar ang boses niya. Hindi na rin namin napansin na nandito na pala kami.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang harap ng simbahan kung saan ako ikakasal. "Anak, baba na muna kami ng Daddy mo," paalam ni Mommy na ikinatango ko lang.
Mga ilang minuto na rin akong naghihintay nang mapansin ko na tila nagkakagulo sa harapan ng simbahan. Saktong bababa na sana ako nang bigla nalang umandar ang bridal car na kinalululanan ko.
Oh my God!
"Kuya, saan po tayo pupunta!?" kinakabahang tanong ko dahil lumalayo na rin kami sa simbahan.
"Just stay still." Sa tono talaga ng boses niya ay pamilyar siya. Nahihirapan lang akong kilalanin dahil sinasadya niya itong palakihin.
Hindi kaya binabalikan kami ni Nina—o ng kahit sinong disipulos niya?
"Please, manong, ibalik mo na 'ko roon. Naghihintay po si Vience roon!" halos maiyak-iyak na pakiusap ko.
"I said stay still!" Nangilabot ako sa tono ng boses nito kaya't pinili ko na lamang ang manahimik. Baka kung ano pa'ng gawin nito sa akin.
Alam kong malayo-layo na ang nalalakbay namin dahil nakararamdam na rin ako ng antok. Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya't nagawi ang tingin ko sa pinaghintuan namin.
Ito ang dating reception ng kasal nina Ate Aiyell at Kuya Claw. Ano namang gagawin namin dito?
"Baba," mariin na wika nito kaya't mabilis akong umibis pababa mula sa sasakyan.
Wala akong kaide-ideya sa nagaganap at mas lalong wala akong ideya sa maaaring mangyari sa akin.
Habang humahakbang ako papasok ng reception hall ay nakasabay ko sa paglalakad ang driver. Alam kong siya 'to base sa slacks na suot niya. Hindi ko kasi siya matingnan sa itaas na parte dahil pakiramdam ko ay may gagawin siyang hindi maganda.
"Aano po ba—"
"Just walk."
Gaya ng nangyari kanina ay hindi na ako muling kumibo at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad.
Nang makarating kami sa mismong reception hall ay bigla na lamang pumunta sa harap ko ang driver at hinalikan ako.
OH MY GOD!
Mabilis kong itinulak ito nang malakas nang magproseso sa utak ko ang ginawa nito ngunit kasabay ng pagtulak ko rito ay ang paggawi ng paningin ko sa mukha niya.
"V–Vience!?"
"This was the place where I first kissed you," wika niya sa natural niyang boses.
"The moment that my lips touched yours was the moment you already invaded my system. I got sleepless nights. Alam mo bang hulog na hulog ako sa 'yo, Avrein? Alam mo bang mahal na mahal na mahal na mahal kita kahit noon pa? Alam ng Diyos kung gaano ko kayang gawin lahat para sa 'yo at dito nagsimula sa lugar na ito mo sinimulang sakupin ang pagkatao ko. I want you to be reminded, dahil sa lugar na ito . . . dito ko naramdaman na may tao na akong handang totoong sugalan ng lahat ng pagdududa ko."
"Vience. . . ." maluha-luhang tawag ko sa kaniya. Punong-puno ng sinseridad ang bawat salita niya.
Mabilis niya akong hinigit at niyapos nang mahigpit.
"I want one of those marriages where they've been married for fifty years but are still crazily in love with each other. I want a successful marriage, Avrein. Ang kasal na hindi ko man masabing perpekto, at least alam kong puno ng pagmamahal at respeto."
"I want that too—"
"Puwede bang sa simbahan na lang kayo magbigayan ng bow? Nade-delay kasi ang kasal n'yo sa kadramahan n'yo!" Napakalas ako kay Vience ng yakap at nakita ko si Vance na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa amin. "Nahirapan pa kami kakahanap sa inyo, magkasama naman pala kayo," dagdag pa niya.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top