Thirteen

AVREIN

"I like you. I really do. So please . . . stop pretending as Nierva Clei Agaña, Avrein Laiclei Agaña–Freezell," my body stiffened as I heard what he just said.

"W–what do you m–mean?" utal na wika ko. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito.

"Stop this, Avrein. You're already busted. Sinakyan na kita sa ilang linggo. Gusto mo pa rin bang ituloy ang pagkukunwari mo? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?"

Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya. Kung ano ba talagang emosyon niya. Pawang blangkong emosyon lang ang bawat salitang nanggagaling sa kaniya.

"V–Vience."

"I thought that the moment that I saw you at the bar, aaminin mo na agad sa akin kung sino ka," aniya na puno ng kasarkastikuhan.

"U–unang beses mo pa lang akong nakita, a–alam mo nang si A-Avrein ako?" utal-utal kong tanong.

Inialis niya ang tingin niya sa akin at tumingin doon sa falls ngunit hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. "Maaari mong lokohin ang mga tao sa paligid mo, Avrein, pero hindi ako. Magaling ako sa pagkilatis sa mga babae. Alam ko kung kailan nila gusto na makipaglaro lang, alam ko kung kailan sila nagsisinungaling lang, at alam ko kung kailan sila nagpapanggap lang."

"S–sorry, Vience—"

"Ilang beses kitang hinihintay umamin pero hindi mo ginawa. Ganoon ka ba nag-e-enjoy sa ginagawa mong panloloko at pagpapasakay?" Tila sa bawat salitang sinabi niya ay may hinanakit siya.

"P–paanong ilang beses mo kong hinintay na u–umamin?" Hindi ko maiwasang magtanong dahil nahihiwagaan talaga ako kung paano niyang nalaman na ako 'to.

"Una, imposibleng magkaroon ng dalawang tao na magkamukha at pareho pa silang may nunal sa tuluan ng luha. And your eyes . . . hindi ba noon ko pa sinabi sa iyo na iba ang mga mata mo? Kahit tumingin man ako sa iba, makikilala at makikilala ko ang mga mata mo. Noong gabing nakilala kita, I tried seducing you para umamin ka, but you gave me your fake name instead."

"Hindi ko naman inakalang aabot ako sa ganito. All I wanna do is have fun being Clei. But it turned out na kailangan kong magpanggap nang tuluyan dahil nakilala kita as Clei." I stared blankly at the space. I don't know where I got all the courage to speak without even stammering.

"That day na sinabi kong tumugtog ka ng violin, hinihintay ko na sabihin mo na hindi puwede, na ikaw at ang babaeng dapat na tutugtugan mo ay iisa . . . pero hindi mo ginawa. Pinagmasdan ko lang ang mga galaw mo at napagtanto kong wala ka talagang balak umamin. Doon sa Ox Grill, remember that told you that 'you made it', pero ang isinagot mo ay nagkakamali ako. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong pigain that time para lang umamin ka."

Bakit hindi ko man lamang napansin na simula una pa lang pala ay kilala na niya ako? Pambihira! Ano na bang nangyayari sa akin?

Now I know kung bakit isa siya sa magagaling na businessmen sa bansa. He's really unpredictable.

He paused for a while at nakita ko sa peripheral vision ko na tinitigan niya ako. "Your lips . . . I've tasted Avrein's lips kaya't imposible na may dalawang tao na magkasing tamis ng mga labi. Since the first time na matikman ko ang mga labi mo sa kasal ng pinsan mo, hindi ko na nakalimutan kung gaano katamis ang mga iyan."

"V–Vience , I'm really—"

"Noong gabi na na-allergy ka sa tequila, gusto ko lang talagang ma-grab ang opportunity na iyon para umamin na kayo sa akin pero hindi n'yo na naman ginawa. Ang mga files na kunwari ay ipinadadala ko sa 'yo para asikasuhin mo, alam kong si Fria ang tumatanggap ng mga iyon. Hindi ko alam kung anong kalokohan ba si Clei at bakit ayaw n'yong ilabas ang pagkatao niya sa publiko," pagputol nito sa sinasabi ko nang hindi pa rin talaga niya inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"You'll never understand how much being Clei means to me," anas ko at sinalubong ko ang tingin niya ngunit siya na mismo ang naunang nag-iwas. I don't know what's with him pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. "Look, Vience, I'm sorry. Kung iyon ang gusto mong marinig sa akin . . . I'm sorry."

"Mula kanina busy ako sa cellphone ko. I was really thinking kung dapat ko na ba sa 'yong sabihin na alam ko ang lahat dahil ikaw na mismo ang tuluyang nagbuking sa sarili mo."

Bigla siyang lumingon sa akin kaya't nagkasalubong na naman ang mga tingin namin.

"W–what do you mean?"

"Tinawagan mo 'ko bilang Clei kanina . . . pero telepono ni Avrein ang ginamit mong pantawag."

My eyes totally widened with what he said.

"Naaalala mo na?"

Akmang sasagot na ako nang bigla na lamang niya akong higitin kaya't napasubsob ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang buhok ko.

"At first, I didn't know kung bakit mo kailangang itago si Clei. At first, I really couldn't understand kung bakit mo kailangan gumawa ng isa mo pang katauhan o kung bakit kailangan mong maging ibang tao para lang malaya mong gawin ang gusto mo. But then, I got to learn your situation," aniya at naramdaman kong kinintalan niya ng halik ang ulo ko.

"Vience. . . ."

"You're enjoying your life through Clei's personality because you have these unseen limits when you are Avrein. You are afraid to be judged. But please, Avrein, take this advice . . . it's better to be someone who you really want, than being someone you just force yourself to be."

"Thank you." I uttered.

"I'm telling you this as a friend and not more than anything else. Yes I do like you, and I know that you like me too. I'm not that numb not to feel it. But just like what I told you before, please don't fall for me. I'm still your naughty boss and I want our relationship to stay like that. I once told you that I can never give a serious relationship towards women and that fact will never change, even if I do really like you as a woman."

"Why are you saying all these?" malamig na tugon ko.

"I just want to clarify things between us. Para walang aasa at walang magpapaasa," seryosong sabi nito.

"It's loud and clear, you don't need to clarify. I knew what I'm into," sagot ko, saka ko tinabig ang isang kamay niya na nakahawak sa balikat ko.

"Bakit ang sungit mo?" Biglang nagpalit ang atmosphere sa pagitan namin nang bigla siyang magsalita na animo nang-aasar.

"Don't tell me that you're already falling for me kaya ka ganiyan umasta?"

"I'm not," diretso kong sagot.

"Then maybe, you'll say yes sa dati kong proposal sa iyo?"

"What proposal?"

"To be my . . . BFP? Bed Friend Partner?"

"Never!" singhal ko, saka ko hinatak ang kamay ko at naglakad. Naramdaman ko naman ang paghabol niya sa akin.

"Avrein, gumagabi na! Hintayin mo ko!" sigaw nito pero nagtuloy lang ako sa paglalakad.

I'm not really this stubborn, pero parang nasagad niya ang pasensiya ko ngayon kaya't agad akong tumakbo papalayo.

KANINA pa ako naglalakad at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang daan palabas.

May nadaanan akong kubo na umagaw sa akin ng pansin. Maliit lang ang kubo na parang tirahan lang ng mga maliliit na bata. Nakakabit ang kubo sa isang puno ng acacia.

Lumakad ako palapit dito at pumasok sa loob. May nakita akong lumang laruang luto-lutuan at iilang mga bead ng bracelet na halatang luma na.

Hindi ko hinawakan ang alin man sa mga iyon at lumabas na ng kubo. Naagaw ang pansin ko ng isang malaking mga letrang nakaukit sa puno ng acacia. Mga letrang V at D na may hugis na puso sa pagitan.

(V ❤ D)

Mukhang matagal na panahon na itong nakaukit dahil natatabunan na ito halos ng panibagong balat ng puno.

Nilisan ko ang lugar na iyon at nagsimula na namang maglakad. Tiningnan ko ang relo ko at mag-aalas syete na ng gabi kaya bahagya akong kinabahan. I need to get out of here dahil sobrang dumidilim na.

"Avrein!"

"Ay butiki!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko si Vience na tumatawang nakatingin sa akin.

"Ang gwapo kong butiki, Avrein." Naglakad ito palapit sa akin. Hindi ko alam kung malabo lang ba talaga ang mga mata ko o talagang wala siyang pang-itaas na damit at basa ang buhok niya.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay doon ko napagtantong totoo pala ang nakita ko. Talagang wala siyang pang-itaas at basing-basa siya. "B–bakit ka n–nakahubad?"

"Don't worry, kahit nakahubad pa 'ko o nakahubad ka man sa harap ko, I won't fuck you . . . not unless you initiate." Ngumisi pa ito sa akin kaya't mabilis akong tumalikod at naglakad. "Where the hell are you going again, Avrein? Nahulog na nga ako sa ilog dahil lang sa paghahanap sa 'yo!"

Napangiti ako sa narinig ko mula sa kaniya kaya't nilingon ko siya. "Ang lampa mo."

Mabilis siyang lumakad palapit sa akin. Halos iilang pulgada lang ang layo namin. Nagtangka akong humakbang patalikod pero mabilis niyang nahapit ang baywang ko. "Sinong lampa? Inaasar mo ba talaga ako?" kunot-noong tanong niya. Abot-abot naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa pagkakalapit namin.

"H–hindi po," utal na tugon ko.

Bigla niya akong pinakawalan at tumingin sa paligid. "Nasa pusod na tayo ng gubat. Aabutin tayo ng hatinggabi kung lalabas pa tayo. Dito na lang tayo magpalipas ng magdamag," anito at saka nagpatiuna na.

Nakita ko siyang namulot ng mga tuyong sanga at tuyong dahon.

"B–baka may tuko rito," kabadong anas ko.

Ngumisi siya sa akin bago sumagot. "Don't worry, I won't let any insect or any animal lay their filthy body on your precious skin . . . only my hands and lips."

"Sir!" Tinawanan lamang ako nito bilang sagot.

Sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami doon sa bahagi ng gubat na maraming puno at may papag.

"Bakit may papag dito?"

"My Mom and I used to go here. Dito kami madalas mag-picnic noon kapag busy si Dad sa business," paliwanag nito, saka sinimulan iayos ang mga pinulot niyang mga tuyong sanga at dahon.

"Aanhin mo yan?"

"Gagawa ng apoy. Siguradong malamig mamayang gabi."

"Bakit sanay ka sa ganito?"

"Bakit puro ka tanong? Interasado ka na ba talaga sakin?" aniya at sinundan pa nito ng ngisi ang sinabi.

"H–hindi, ah!" Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na lang ako doon sa papag.

Pinagmamasdan ko lang siyang gumawa ng apoy. Hindi ko alam pero parang . . . ang hot niya—Pambihira ka, Avrein!

"Hot talaga ako."

"Huh!?"

"Sabi ko hot talaga ako, pogi pa." Nakita kong nakagawa na siya ng apoy.

"Sino'ng may sabi?" pang-aasar ko.

"Iyang mga mata mo, Avrein. Sabi nila, 'ang pogi at hot ni Sir Vience'."

"Ewan ko sa 'yo!" Pero sa totoo lang ay nangingiti ako. May ganitong side rin pala siya?

Nang matapos siyang gumawa ng apoy ay umupo siya sa tabi ko.

"Your clothes are too revealing. Hindi ka ba giniginaw?" basag nito sa katahimikan sa pagitan namin.

"Ayos lang po ako," awkward na tugon ko. I didn't want the atmosphere. It was really awkward. Halata kasi na gumagawa lang siya ng topic.

"Avrein?"

"Hmmm?"

"Na-in love ka na ba before?" my body automatically stiffened with what I heard.

"N–no."

"You are lying." Napalingon ako sa sinabi nito.

"Huh?"

"You're lying, mukhang na-in love ka na noon," seryosong pahayag nito.

Tumingin ako sa kawalan at pinagmasdan ang mga dahon na naglalaglagan.

"I don't know what's the feeling of being in love kaya hindi ko alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang ay may isang tao akong nagustuhan noon, pero hindi ko alam kung pagmamahal na ba 'yon," sagot ko.

"When that someone kept bugging your mind every night , then you're in love with that someone."

"Is there such thing as in like? Baka ganoon lang kasi ang nararamdaman ko," inosente kong tanong habang nananatili pa rin akong nakatingin sa kawalan.

"Madalas masaktan ang mga tao, dahil madalas nilang maipagkamali ang mahal sa gusto." Napapiksi ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa kamay ko.

"Sir—"

"I've been in love before, I did everything for her pero nasaktan lang ako. Since that day, I lost trust on women."

Hindi ko inalis ang pagkakadampi ng palad niya sa kamay ko dahil pakiramdam ko iyon lang ang maitutulong ko.

"My Mama once told me . . . before you do something for someone, make sure that the lemon is worth the squeeze. Bago mo ibigay at ibuhos lahat ng mayroon ka, siguraduhin mo na pareho kayo ng nararamdaman—"

"But if you're really in love with someone, you'll do everything without any hesitation, kahit pa maubos ka na o ubusin ka niya. At iyon ang mali ko. Gumawa ako ng mga bagay nang hindi ko lubos na pinag-isipan. Nakasakit din ako ng mga tao nang panahon na iyon." So this was his soft side.

"I could never blame you for doing such things. Sometimes, in able to have something good, you have to do something bad. Kasehodang makasakit ka, kung may mabuti namang maidudulot sa 'yo, iyon ang ginagawa mo. We're just humans."

Imbes sumagot ay nag-inat ito at biglang humiga sa papag at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya, saka pumikit. "Why do humans born to complicate things that are not supposed to be complicated?"

Pinagmasdan ko lang siya. Wala pa rin siyang pang-itaas. I couldn't deny it, he was really handsome. Hindi malalantik ang pilik mata niya pero makakapal naman ang mga ito. His brown and deep eyes was well-suited with his pointed nose, and of course his lips, hindi ito makapal ngunit napakahubog nito at pulang-pula.

"Are you done memorizing my face?" Nabigla ako nang magsalita siya at biglang dumilat. Naaktuhan niya tuloy akong nakamasid sa kaniya. Ramdam ko ang pagragasa ng init sa pisngi ko.

Ibinaling ko sa iba ang paningin ko at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita ko. "T–tuko!"

Napalundag ako papunta kay Vience. Dumapa ako sa katawan niya at isinubsob ko ang ulo ko sa leeg niya. "Vience, m–may tuko!" utal at takot na saad ko rito.

"Shhhhh. Aalis din 'yon."

"Alisin m–mo."

"Why would I? I love the feeling of having you on top of me . . . and enjoying your warm body."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top