Sixteen
AVREIN
MATAPOS ng mga nangyari noong company outing ay nagkausap din kami ni James. Walang naging mahabang pag-uusap sa pagitan namin, dahil agad niyang tinapos iyon sa pagsasabi ng . . . alam niyang may iba akong mahal at tanggap niyang kahit kailan ay hindi na magiging siya iyon. Wala akong masasabing iba para kay James, dahil kahit ako mismo, alam kong wala nang ibang tao pa ang kayang lumugar sa puso ko.
Palabas na ako ngayon ng opisina. Napagpasyahan kong puntahan na lang din siya tutal naman ay boss ko siya at may sakit siya. Hindi ko na lang muna iisipin ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayoko rin namang isipin. Si Fria ang nagbanggit sa akin na hindi nakakapasok si Vience dahil may sakit kahit na ako ang sekretarya sa aming dalawa.
After the day I confessed, hindi ko na siya nakita o kahit naramdaman ang presensiya niya. Ramdam ko ang pag iwas niya sa akin.
Mabilis kong tinungo ang parking. Habang nasa daan ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Normal ba 'to kapag papunta ka sa taong tinanggap mo na sa sarili mong mahal mo na? Iyong para kang nababanyo na naiihi na naeewan? Pambihira!
Hindi ko alam pero parang naging napakatagal ng paglalakbay ko patungo sa bahay nila o baka naman dahil nga sa hindi maintindihan na pakiramdam kaya't hindi ko namamalayan ang takbo ng oras.
Lalong lumala ang kabang nararamdaman ko nang sapitin ko ang pinakaharap mismo ng bahay nila. Bahagyang napakunot ang noo ko nang may makita akong sasakyan na kulay pink sa tapat mismo ng sasakyan ko. Baka naman kay Vienna 'yon?
Bumaba na ako ng sasakyan ko dala ang mga prutas na binili ko sa nadaanan kong nagtitinda sa daan. Nag-doorbell muna ako at mabilis naman akong pinagbuksan ng guwardya.
"Magandang gabi po. Nariyan po ba si Sir Vience?"
"Opo, Ma'am. Tuloy na po kayo. Naibilin niya na po na baka nga raw dumating kayo."
Nagbilin? Ang alam ko iniiwasan niya ako.
Lumakad na ako papasok. Nasalubong ko pa si Manang Lenna na nakangiting nakatingin sa akin. "Ang ganda-ganda mo talaga. Walang-wala sa 'yo iyong bruha," wika nito na ikinakunot ng noo ko.
"Po?"
"Wala, iha. Dadalawin mo ba si Sir Vience?" tanong nito.
"Opo."
"Nasa kuwarto na siya, iha. Kasama iyong bruha. Puntahan mo na lamang," anito na ikinatango ko.
Umakyat na ako sa kuwarto niya na dati ko nang napuntahan. Akmang kakatok na ako ng pinto nang may magsalita sa tabi ko. "Ang suwerte naman ni kuya. Dalawang chicks ang dumalaw sa kaniya. Kaibahan nga lang anghel ang isa," bulong nito.
"Hello, Viennard."
"Hello, my woman," nakangiting bungad nito sa akin. "Mukha ka talagang anghel sa paningin ko. Bakit ka ba nagtitiyaga sa kuya ko. Mas pogi naman ako r'on."
"Ikaw talaga!" anas ko, saka ko ginulo ang buho nito. "Pasok na 'ko," paalam ko rito.
"Sige. Mag-ingat ka sa witch," nakangiting tugon nito bago tuluyang bumaba ng hagdanan.
Bruha? Witch?
Kumatok muna ako nang tatlong beses bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Ganoon na lang ang panggigilalas ko nang makita ko na may nakapatong na babae kay Vience. Marahan akong nagpasalamat nang mapagtanto kong pawang may mga saplot naman ang mga ito.
Gulat ang bumalandra sa mukha ko pero sakit ang gumuguhit sa dibdib ko. Pambihira, Avrein! Pambihira!
"Avrein!" gulat na bulalas ni Vience sa akin, saka niya marahang itinulak ang babae.
Napalaki ang mata ko nang lumingon sa akin ang babae. "D–Denelle?"
"Who are you?" taas-kilay na tanong nito.
Normal lang na 'tong sakit na nararamdaman ko, 'di ba?
"A–ahh—"
"Umuwi ka na, Den," putol na ani Vience.
"Don't want to," nakangusong tugon nito kay Vience at mabilis na yumapos dito. "Matagal tayong hindi nagkita, mahal. Tapos ipagtatabuyan mo 'ko?"
"Stop, Den. Just leave," malamig na tugon ni Vience rito, saka niya marahas na itinulak ang babae.
Galit na kinuha nito ang mga gamit niya at lumakad patungo sa gawi ko. Nakatayo pa rin kasi ako sa tapat ng pinto.
"Ikaw iyong secretary niya, right?" bulong nito sa punong-tainga ko nang makalapit sa akin. "Then ikaw din 'yong sa beach? Pero parang ang pangit mo yata ngayon sa attire mo? Well sabagay, kahit naman maganda ang attire mo pangit ka pa rin," patuloy nito na ikinagulo ko.
Parang may nagbulong sa akin na humakbang patalikod para makita ko ang mukha niya. Halos magkasing tangkad lang kami dahil model siya.
Ngumisi muna ako sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. "A dog that doesn't bite barks the most."
Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya sa sinabi ko. "You freak! Did you just call me a dog!?"
"I didn't say that YOU.ARE.A.DOG, missy," buwelta ko, saka ko na ito nilampasan na tipong nagbanggaan pa ang mga balikat namin.
"Ugh!" dinig kong panggigigil nito bago ako nakarinig ng papasarang pinto. Now I know kung bakit may bruha at witch.
Bumalik ako sa reyalidad at doon ko lang napansin na nakangiting nakatingin sa akin si Vience. "W–what?"
"I never thought that you could do that kind of cat fight."
"Hindi ako nakipag-away."
"Yeah not directly."
Lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina ay nawala. Pati iyong awkward moment na dapat ay maramdaman sa pagitan namin ay wala. Parang naging napakagaan ng atmosphere sa pagitan namin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
"Nagkakasakit ka rin pala, 'no?"
"Masamang tao lang ako, Avrein, hindi ako kalabaw," wika nito, saka parang hirap na hirap na naupo sa kama kaya't maagap ko siyang tinulungan.
"Ano bang nangyari?"
"Trangkaso. Hindi ba sinabi ni Fria?"
"Sinabi naman kaya lang—"
"Gusto mo lang marinig yung boses ko kaya tanong ka nang tanong. You missed me," nakangising putol niya sa sinasabi ko.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagbalat ko na lang siya ng mansanas na dala ko.
"Oh, kumain ka."
"Subo mo sa 'kin."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago ako nagsalita. "Pilay?"
"Hindi."
"Baldado?"
"Hindi."
"E, napano ka?"
"Kinikilig ako. Pinagbalat mo kasi ako," aniya at tila naman rumagasa lahat ng dugo na mayroon ako patungo sa mukha ko. "Kidding."
Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na tumalikod ngunit nagulat ako nang higitin niya ako kaya't nabuwal ako sa katawan niya.
"Ahhhh!" igik niya dahil hindi rin naman biro ang timbang ko dahil matangkad ako.
"B–bakit ka ba kasi hatak nang hatak!?" utal na tanong ko rito dahil ramdam ko ang matitipuno niyang dibdib kahit na nakasuot siya ng kamiseta.
Sa halip na sagutin ay isinandig niya ang ulo ko sa dibdib niya at marahang hinaplos ang buhok ko. "Na-miss kita. Three days din kitang hindi nakita."
"Vience."
"Hindi kita iniiwasan kung iyon ang iniisip mo. Alam ko kung paano ka mag-isip, Avrein. Hindi ako umiiwas sa 'yo, nataon lang talaga na nagkasakit ako."
"I'm f-fine. Hindi ko 'yon iniisip—"
"Liar." Marahan nitong pinisil ang balikat ko gamit ang isang kamay. "Hindi dahil alam ko na ang nararamdaman mo para sa akin ay iiwas na 'ko. I won't do that unless the situation asks me to do that. Hindi ko kailangang umiwas sa 'yo dahil wala ka namang ginagawa sa akin at isa pa alam ko naman na hindi mo ako pipikutin. Hindi ka ganoong klase ng babae," patuloy niya at muli nitong hinaplos ang buhok ko.
"Stop it, Vience."
"Ginagalang kita, Avrein, but please let me tell you this. Limitahan mo ang pagmamahal mo sa 'kin, I can never give you any assurance na mamahalin kita pabalik. I can never give you any assurance na maaari pa akong magtino. I can't. Hindi ko puwedeng sirain ang buhay mo oras na magkamali ako ng desisyon ko."
I didn't know but I felt that he was hiding something from me. "The day I indirectly told you that I had fallen for you, I didn't tell you to love me back. Hindi mo ako kailangang mahalin pabalik dahil lang alam mong mahal na kita."
"Thank you. Akala ko hindi mo ako naiintindihan—"
"Naiintindihan kita. Minsan na rin may nagmahal sa akin pero hindi binigay ng sitwasyon na mahalin ko rin siya pabalik," sagot ko, saka ako kusang kumalas sa pagkakayakap niya.
"Love sucks."
"Siguro," anas ko, saka ako nagtuloy sa banyo niya para maghugas ng kamay.
Hindi ko alam pero the moment na makapasok ako ng banyo ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
Ganito rin ba ang naramdaman ni James? Ganito rin ba kasakit?
Inayos ko lang ang sarili ko at mabilis na lumabas ng banyo. Naabutan ko siyang nakatayo at may kinakalkal sa cabinet niya. "Bakit ka tumayo? Kaya mo na ba?"
"I'm looking for something."
"Tutulungan na kita. Ano bang hinahanap mo?"
"Comforter ni Mommy," malamig na tugon nito na may bahid lungkot sa boses. Halata sa kaniya kung gaano niya kamahal ang Mommy niya.
Pareho kaming naghahanap nang mapansin kong tumigil siya. "Why?"
"Pinababa ko pala 'yon sa bodega," iritadong sabi niya.
Mabilis siyang lumabas at sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang bodega ng basement na tinutukoy niya. Walang sawa siyang naghanap sa mga nakatambak dito hanggang sa napansin kong tumigil siya. "Nakita ko na," pagod na sabi niya, saka may dinakot siyang kulay lila na comforter.
Unti-unti siyang lumapit sa akin ngunit kitang-kita ko ang tagaktak ng pawis niya. Hindi ko alam pero mabilis kong hinawakan ang leeg niya nang mapansin ko ang pamumutla ng mga labi niya.
"You are really an angel," wala sa sariling wika nito, saka hinawakan ang kamay ko na pinanghawak ko sa leeg niya at idinampi ito sa mga labi niya.
"Ang taas ng lagnat mo!" bulalas ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya.
"I don't care as long as you're here with me," tugon niya, saka pa nito idinampi sa pisngi niya ang kamay ko.
"Tara na sa itaas, Vience, nagdedeliryo ka na."
"No, Avrein, I'm fine."
Magsasalita na sana ako nang haplusin niya ang mukha ko at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko. Humiwalay siya sandali sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Hindi ako makakilos o ang mismong katawan ko ang ayaw kumilos.
"My angel . . ." mahinang bulong nito. ". . . I'm falling," dagdag na bulong niya, saka biglang nabuwal pasandig sa katawan ko.
You're falling, Vience? What FALL are you pertaining to?
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top