Seven

AVREIN

IBA ang kaba ko ngayon. Ang hirap naman kasi na ang topic namin ay ang isang ako—na nagsalita ng hindi magaganda kanina sa kaniya.

"It seems that you know her really well the way you introduce her, huh?"

"Not really. Minsan kasi ang dali niyang basahin, minsan naman ay ng hirap."

"I see," kunwaring interesadong wika ko saka ako tumango-tango.

Naramdaman ko ang pag-akyat ng kamay niya mula sa likod ko patungo sa batok ko na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon.

"By the way, I'm Kent Montealegre," pakilala nito sa akin.

He used his second name. No wonder na kapag hinahap siya sa akin ng mga babae niya sa opisina ay Kent ang pangalan na hinahanap ng mga ito imbes na Vience.

Inilahad niya ang kamay niya na inabot ko naman. "I'm Nierva Clei Agaña." Inilapit niya ang likod ng palad ko sa mga labi niya saka hinagkan. Muntik na akong mapapiksi ngunit pinigilan ko. I need to act like a flirt who's used to this kind of treatment.

"Nice name."

"Thanks," anas ko saka ko binawi ang mga kamay ko na nakita kong ikinangisi niya.

"How long have you been going here?" usisa niya.

"Recently lang," tugon ko.

"Oh. Can I ask you for a dance?"

Ngumiti muna ako bago umiling sa kanya. "No, Mr. Kent Montealegre." Kita ko ang gulat sa mukha niya sa ginawa kong pagtanggi.

"But—I mean why?"

"I need to go," anas ko saka ako tumayo at iniwan siyang tigalgal.

Lumakad ako palabas ng bar ngunit hinarang ako ng mga bouncer. "Ma'am, hindi pa po kayo maaaring umalis."

Binigyan ko lang ng blangkong ekspresyon ang matipunong bouncer na nagsalita. "No one has the right to tell me what to do. Back off."

"Pero, Ma'am, makakagalitan po kami kapag pinaalis namin kayo," anito at tila naman ako nakaramdam ng awa doon sa isang bouncer na nagsalita kaya't hindi na lamang ako tuminag sa kinatatayuan ko.

"Ang bilis mong maglakad," boses mula sa likod ko and I'm very much sure na siya iyon.

"Ano pa bang kailangan mo sa akin, Mr. Montealegre?" taas-kilay na tanong ko.

"Dahil tinanggihan mo ang pag-aya ko sa 'yong sumayaw, kailangan mong pumayag sa date na hihingin ko ngayon. Tomorrow at Ox Grill, 8 pm. Don't dare not to come,. I'll search for you no matter what," anito saka ako biglang kinindatan at tinalikuran.

I forgot. He's Vience Kent Montealegre. The BOSSY!

MAAGA akong pumasok ngayon. Halos ako pa nga lamang yata ang tao ngayon sa opisina.

Hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa sinabi niya sa akin. Paano kung meron akong kailangan gawin mamaya ng alas otso? Haaay. Ang hirap.

Tumuloy ako ng opisina ko at doon ako tumanga at nagpatay ng oras. Mag-aalas otso na ng umaga nang magka-ingay na sa labas hudyat na dumating na ang ibang employee.

"AVY!" Napalingon ako sa pintuan ko kung saan ko narinig ang sigaw.

"Mouth!" sita ko rito.

"May kasalanan ka sa akin, Avy!" ani Fria saka ito ngumuso at naglakad palapit sa akin.

"Ano?"

Naupo muna ito sa harap ko bago nagsalita. "YOU WENT TO A BAR LAST NIGHT WITHOUT ME!" Fria emphasized every word.

"Fria, your mouth!"

"Who went to a bar last night?" Nanlamig ako nang marinig ko ang boses na iyon.

"Sir!" magkapanabay na wika namin ni Fria.

"I'm asking, who went to a bar last night?" kunot-noong tanong nito.

Tinapunan ko nang matalim na tingin si Fria na parang sinasabi kong magsabi siya ng ibang pangalan.

"Iyong friend ko po, Sir," nakangiting wika niya kay Sir Vience. She's really good at lying.

"Okay," tipid na sagot nito saka tumango ang boss namin at akmang lalabas na ngunit biglang huminto. "Ms. Freezell, pumunta ka nga pala mamayang alas dos ng hapon sa opisina ko," anito nang hindi man lamang ako nilingon at tuluyan ng lumabas.

"LQ ba kayo ni Sir, Avy?" Napatingin ako kay Fria na ngayon ay may mapanuksong ngiti.

"We're not lovers."

"Kapag ba sinabing LQ, lovers quarrel agad? Hindi ba puwedeng Lintik na Quarrel muna?" nang-aasar na wika nito.

"Ewan ko sa 'yo. Bumalik ka na sa cubicle mo!" pambubugaw ko rito.

"Not unless you'll tell me why did you go to that bar last night without me," nakataas ang kilay na wika nito.

"Fine!" sagot ko saka ako bumuntonghininga. "Na-stress ako noong hapon kaya't nag-unwind ako sa bar na iyon nang hindi ako nagsasabi sa iyo."

"Bakit ka naman na-stress, aber?" nang-uusig na sabi nito.

"Nagtalo kami ni Sir Vience tungkol sa hindi ko pagkakagusto sa kaniya," diretsong sagot ko rito.

"WHAT—"

"Mouth!"

"I mean, sinasabi mo bang gusto ni Sir na magka usto ka sa kaniya?"

"Hindi ko alam, Fria. Basta ang alam ko lang ay parang hindi siya makapaniwala na hindi ko siya gusto," sagot ko rito.

"Kasi naman sa yummy ni Sir na 'yon, bakit hindi mo siya type? Ako nga type na type ko, e!" aniya saka pa umirit na animo kinikilig.

"Ewan ko sa 'yo. Alis na."

Nagpaalam lang si Fria saka na ako nito iniwan mag isa.

SAKTONG alas dos na nang tinungo ko ang opisina ng boss ko.

Gaya ng dati ay hindi ako kumatok at tuloy-tuloy na pumasok. Lubha akong nagtaka sa nadatnan ko dahil hindi gaya ng dati ay nakatingin lang siya ngayon sa kawalan at tila may malalim na iniisip. Ni hindi niya man lang nga yata namalayan ang pag pasok ko.

"Sir," pukaw ko sa atensyon nito.

"Ms. Freezell, have a sit." Parang gusto kong magpadasal dahil ngayon lang siya naging ganito ka gentleman sa akin.

Naupo naman ako gaya nang utos niya. "Ano pong kailangan n'yo?"

Sa halip na tingnan ako ay itinuon niya ang kaniyang paningin sa kisame. "I'm really sorry for what I did yesterday. I must really be so bored in my life for doing that to you."

"Huwag n'yo na pong intindihin iyon," sagot ko na ikinalingon niya.

"Really?" Tila nagliwanag ang mukha nito kaya't tumango ako. "Then, can you do something for me now without hesitation?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Don't worry, I won't ask you to strip in front of me so I could fuck you."

"Sige po."

"But before that ,gusto kong malaman mo na sincere ako sa paghingi ng sorry. Sorry rin kung nabastos kita. Siguro nang oras na 'yon ay wala lang akong mapagbalingan ng atensyon ko kaya't ikaw ang napagbalingan ko. I'm really sorry, Avrein. I'm apologizing here as a friend and not your boss."

"No harm done, Sir. Huwag na lang po sanang mauulit," nakangiting tugon ko rito na ikinatango nito. "Ano nga po pala ang magagawa ko para sa inyo?"

"Can you prepare a date for me at Ox Grill. I want it to be a smooth and romantic date." Bigla akong binundol ng kaba sa narinig kong sinabi niya.

"For what, Sir?" pinigilan kong hindi mautal para hindi siya makahalata na sobrang kabang-kaba na 'ko.

"For the woman I met last night. She's different among other women. She's totally different."

"You love her?"

"No, I just like her. I like her because she has something different that I couldn't figure out and I also like her because she acts like you. Don't get me wrong, Ms. Freezell, I like you as a friend whom I gave my trust and that lady, I like her as a woman."

"I get it Sir. Sisimulan ko na po ba ang pagpe-prepare ngayon?" tanong ko na gaya kanina ay nilulunok ko ang bara sa lalamunan ko upang mapigilan ko ang pagkautal.

"One more thing, you know how to play violin, right? Puwede bang tumugtog ka mamaya habang kasama ko siya?" I mentally shook my head for what I heard.

Pambihira! Paano ko namang gagawin iyon?

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top