One
AVREIN
"AVREIN, paki-fax na lang din ito, ha? Kailangan na kasi 'yan sa district office," untag na pakisuyo ni Fria. She's my best friend—my only friend even here at the office, not because I'm not friendly, but because other people find me creepy. I couldn't live up to their expectations and standards. People tend to hate someone who's different from them.
I nodded at Fria and she smiled in return.
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin saka naglakad na papunta sa elevator. Nasa ground floor ang fax machine samantalang ang office ko at ng boss ko ay nasa 32nd floor kaya't sa araw-araw ay talaga namang ramdam ko ang pagod ko.
Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay iyan na naman ang kuro-kuro ng mga tao sa paligid ko.
"I do really wonder kung bakit siya ang kinuhang secretary ni Mr. Montealegre?"
"I agree! She's a freak. She doesn't have the face and the curve."
"In short, she's a total pathetic. Well, mas pabor iyang ganiyang itsura. Alam na lang natin na hindi siya papatulan ni Mr. Montealegre."
Hindi ako kasing babaw ng mga tao sa paligid ko para patulan ang mga sinasabi nila na halata namang ipinaririnig sa akin para lamang manliit ako sa sarili ko. I'm here to work and nothing else.
Naka-akyat na ako ng office ko—yes, my own office at hindi basta cubicle lang na nasa labas ng pintuan ng boss ko bilang sekretarya. Siya ang may gusto nito at hindi ko alam kung bakit.
Bago ka umabot sa office niya ay dadaanan mo muna ang office ko. Sa harap mismo nito ay may isang malaking harang kung saan puro office personnel lang ang makakapasok patungo sa office niya. Kung hindi ka naman office personnel at gusto mong pumasok sa opisina ng boss ko ay hihingi ka muna sa kaniya ng permiso mula sa intercom.
Mahigpit ang boss ko sa security at privacy niya. Siguro iyon ay dahil sa pagiging . . . babaero niya.
"Hello, Miss." I stared at the woman standing in front of my office. I could see her through the window.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumabas na pinto saka hinarap babae. "Yes Ma'am?" I asked politely.
"Can I see Kent?" tanong nito pabalik sa akin. Mukhang wala siyang balak na sagutin ang katanungan ko.
"Do you have an appointment with him, Ma'am?" magalang na tanong kong muli rito.
"Can you just let me see him and stop asking? You're just a secretary and you're freaking annoying!" galit na bulalas nito na ikinabigla ko. Biglaan ang pagtaas ng boses niya na animo ba ay sadyang naghahanap ng gulo.
"Pasensya na po, Ma'am, pero kabilin-bilinan po sa akin ni Mr. Montealegre, kung hindi naman po importante at walang appointment sa kaniya ay hindi po kayo makakaraan," sagot ko rito na ikinataas ng kilay nito.
"Just tell him that his girlfriend is here! End of this damn conversation!" iritadong angil nito sa akin.
"Okay, Ma'am. I will. Pero sana po alam n'yo na panglimang girlfriend na po niya kayo na nagpunta rito ngayon mula kaninang umaga na nagsimula ang office hours," paalala ko rito saka pumasok na ng office ko at tinawagan ang boss ko sa intercom.
"Sir, may babae po rito na nagpupumilit na makita kayo. Hindi po gaya ng mga naunang nagpunta rito, mapilit po itong babae."
"Throw her away or tell the security na paalisin siya. Kapag nagawa mo na 'yan ay pumunta ka rito sa office ko. I have something for you to do," anito sa kabilang linya saka na nito ibinaba ang kabilang linya.
Ginawa ko ang sinabi niya kahit na noong una ay parang gusto na talaga akong patayin n'ong babae. Mabuti na lamang at alerto ang mga security guard na narito.
Sininop ko lang ang gamit ko at inayos ang malaki kong salamin saka na nagtuloy sa opisina ng boss ko.
Hindi na ako kumatok at nagtuloy nang pumasok. Kabilin-bilinan niya na kapag siya mismo ang nagpapunta sa akin sa opisina niya ay huwag na akong mag-abalang kumatok pa.
"Hmmm . . .!" I immediately turned around nang marinig ko na naman iyong pamilyar na hingal niya. This is not the first time and parang nagsisimula na akong masanay.
"S–Sir, I'm already here," utal na agaw ko sa atensyon niya. Palagi pa rin akong nauutal kapag naaabutan ko siyang nanonood ng kung ano sa desktop niya.
"Come here." That's the sign para humarap ako.
Naabutan ko siyang mataman lang na nakatingin sa gawi ko habang naglalakad ako patungo sa kaniya.
"A–Ano pong iuutos ninyo, Sir?" tanong ko nang makalapit na ako sa table niya.
"About your cousin's wedding, I'm sorry about the kiss. Dala lang ng sitwasyon kaya ko nagawa iyon," walang ka abog-abog na paliwanag nito sa akin.
Bigla na naman tila nag-replay sa utak ko nang isama ko siya sa kasal ng pinsan ko.
***
"So . . . para maiba naman, labo-labo na. I mean, halo-halo na ang babae sa lalake at sabay nang ihahagis ng groom at bride ang bouquet at garter. Ayos ba 'yon?" suhestiyon ni Leickel—isa rin sa mga pinsan ko kay ate Aiyell na siyang ikinasal ngayon.
Pinapunta kaming lahat na mga dalaga at binata sa gitna nang sumang-ayon ang lahat. Kakaba-kaba akong tumayo katabi pa ang ibang bisita . . . maging ang boss ko na kaibigan pala ni kuya Claw.
Pumunta na sa puwesto sina Kuya Claw at Ate Aiyell nang bigyan sila ng go signal ng organizer. Inihagis na nila sa kumpol naming ang hawak nilang bouquet at garter.
Sa pagkagulat ko maging ng lahat ng nandito, ako ang nakakuha ng garter at ang nakakuha ng garter ay si Sir Vience!
"OWWWW!" kantiyaw ng mga tao at dinig ko ang pangingibabaw ng kantiyaw ng mga pinsan ko na sina Ate Aiyell, Leyvance at Leickel. Si Aeickel na kakambal ni Lei ay nakita kong nasa sulok lamang at nakamasid.
"At dahil baliktad ang pagkaka kuha, ang babae ang maglalagay ng garter sa hita ni lalake. WOOOOOOHHHHH!" sigaw ni Leickel na halatang ligayang-ligaya sa mga nangyayari.
Pinagpalit na muna kami ng damit ng organizer. Ako ang naka-tuxedo habang si Sir Vience ang naka-gown. Minasdan ko siya at hindi mo siya kakikitaan ng hiya sa katawan. Mukha rin na nag-e-enjoy siya ngunit . . . hindi ako. Kanina pa ako ginagapangan ng hiya.
Iniupo nina Kuya Claw at Dreik na ex-boyfriend ni Vance si Sir Vience sa isang monoblock chair. Iutusan nila akong lumuhod sa harap niya na para bang inaaya ko siyang magpakasal na agad ko namang sinunod dahil gusto ko na lang matapos ang lahat ng ito.
Unti-unti ko nang isinusuot ang garter sa binti ni Sir Vience. Nasa lagpas sa tuhod na ito nang kantiyawan kaming muli ng mga bisita. "HIGHER! HIGHER!"
Halata nang nasa hita na ang garter na isinusuot ko dahil nakabukol ang mga kamay ko sa gown na suot ni Sir Vience.
"HIGHER PA! HIGHER . . .!" pang-aasar pa ng mga bisita.
Itinaas ko pa ito ngunit alam ko naman na halata na ang pamumula ko dahil sa sobrang kahihiyan.
Nagulat na lamang ako nang bigla akong kabigin ni Sir Vience saka siniil ng halik sa mga labi ko. Hindi ko maproseso! Gulat na gulat ang buo kong sistema sa ginawa niya!
"MONTEALEGRE!" dinig kong sigaw ni Daddy Led kaya't naitulak ko si Sir Vience nanh marahas.
***
"I–It's okay, Sir. It was just a kiss," sagot ko ngunit bigla akong kinabahan nang pinaningkitan niya ako ng kaniyang mga mata at tumayo siya mula sa pagkakaupo niya saka lumapit sa akin.
"Really? It was just a kiss?" parang nanghahamon na tanong nito saka pa inilapit ang mukha niya sa mukha ko na ikinahakbang ko patalikod.
"Y–Yes, Sir."
"So . . ." saka niya kinuha ang ilang hibla ng buhok kong nahulog mula sa pagkakatali at iniipit sa likod ng tainga ko. ". . . you won't mind if I'll do it again? Right here? Right now?"
Bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya kaya't mas nilakihan ko pa ang hakbang palayo. "S–Sir. . . ."
"Damn!" bulalas niya saka siya umalis sa harap ko at bumalik sa upuan niya. Nahilot niya ng dalawang daliri ang magkabila niyang sentido. "Pasensiya na, Ms. Freezell, at pati ikaw ay napapagdiskitahan ko. 'Tangina naman kasi. Ilang araw na akong walang sex dahil sa lintik na trabaho!" dagdag pa nito at ginulo pa ang buhok na mas lalong nakapagpalakas ng appeal—No, Avrein!
"Makakaalis na po ba ako, Sir?" tanong ko rito nang tila kumalma-kalma ang tensyon sa pagitan namin.
"May pupuntahan ka ba mamaya?" tanong nito pabalik na ikinakunot ng noo ko.
"Wala naman p, Sir," sagot ko rito.
"Then, maybe you can come with me?"
"Saan po?"
"Bar. Hang out?"
"Sir—"
"Don't worry, I won't fuck you. Samahan mo lang ako dahil sigurado ako na malalasing ako at baka walang umalalay sa akin pauwi. Sa 'yo lang ako may tiwala. Ikaw lang ang babaeng alam kong walang gusto sa akin at hindi ako pipikutin kung sakali man. Basta mamaya, 10pm sa LY'ARÉ Bar," mahabang turan nito na ikinatango ko na lamang. "You may go back to work," utos nito kaya't tinalikuran ko na siya.
Bumalik ako sa office ko at naupo. This is my life now—a plain office girl. I could no longer go back to the person I once were . . . when I was in California.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top