Forty
AVREIN
"T–TEKA!" Hindi ko alam kung paano ako magre-react! Ikaw ba naman ang bigla na lang pasanin na tila isang kabang palay sa harap ng mga bisita n'yo sa mismong reception ng kasal niyo.
"Why?" painosente niyang tanong na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya.
"Ibaba mo muna ako, Vience. Tapusin na muna natin ang ceremony. Kilala kita, alam ko ang iniisip mo!" Hirap ako sa pagsasalita dahil nga nakabaliktad ako.
"Fine! Damn these wedding ceremonies!" narinig ko pa talaga siyang bumulong-bulong bago niya ako tuluyang ibinaba.
Nang maibaba niya ako ay bumalik kami sa orihinal na kinauupuan namin kanina bilang bagong kasal. Goodness! He was really impatient.
"I can't wait to take you again to heaven, babe," bulong niya sa punong tainga ko.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Sa sobrang kahihiyan ko ay nailihis ko ang paningin ko at tumama ito sa isang tao na mataman ang tingin sa akin. Hindi ko man mabasa ang sinasabi ng mga mata niya, batid ko naman na masaya siya sa nangyayari sa akin ngayon. She was always there for me through ups and downs. She never left my side.
"Aeickel," I whispered. I saw her nod, saka bumalik na sa pinagseseremonyasan ng kasal namin.
"Gaya ng nakagawian, ihahagis na ng bride ang kaniyang bulaklak at garter naman sa groom," masayang wika ni Leickel. Pagdating talaga sa kapilyahan siya ang nagte-take charge sa lahat lahat. "Ate Avy, kuya Vience, dito na kayo sa gitna," pag-aaya niya.
Bumaba na kami ni Vience mula sa kinauupuan namin at tinungo ang gitna kung nasaan si Leickel.
Naramdaman kong hinawakan ni Vience ang kamay ko at marahang pinisil ito kaya't napatingin ako sa kaniya. Natagpuan ko siyang may nakalokong nakangisi sa akin at may iningunguso. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa itinuturo niya at nakita ko si Leyvance kasama iyong si Dreik na ex-boyfriend niya at halatang naiirita siya. Parang kinukulit kasi siya ni Dreik.
"I think they're the next," nakakalokong sabi naman ni Vience na mabilis kong sinang-ayunan.
"Okay game na, ate Avy—"
"Leickel, gusto sana namin ang set up noon nila ate Aiyie? Ang sa lalaki ang bulaklak at sa babae ang garter? I think mas masaya 'yon since doon kami unang nagka-develop-an ni Vience," putol ko sa sinasabi ni Leickel. Medyo nahihiya pa nga rin ako sa huli kong sinabi. Pansin ko rin na ngumisi 'tong asawa ko sa tabi ko dahil sa sinabi ko.
"Sige!" tila excited naman na sagot nito. "Okay dapat lahat ng mga bachelors at bachelorettes ay sumali. Ang hindi sasali, walang remembrance gift," banta ni Leickel na ikinatawa ng mga narito.
Nagsipuntahan na ang mga kalalakihan sa likod ko since ako ant unang maghahagis ng bulaklak.
"Hep! Kuya Dreik, hindi puwedeng hindi sasali. Kokotongan kita!" saad naman ni Leickel nang mapansin niya na nakabantay lang si Dreik doon kay Vance.
"Ngayon ko nga lang ulit nakausap ang LA ko, may mga panggulo pa," narinig kong tila naiiritang wika ni Dreik na ikinangiti ko na lang. Iba talaga 'pag charm ng isang Freezell ang tumama sa isang lalaki.
Sumama na si Dreik sa kumpol ng mga lalaki sa likod ko. Akmang ibabato ko na sana ang bulaklak nang pigilan ako ni Vience.
"Why?" I asked.
"Wait for a while, babe," sagot naman niya saka tinungo ang kinaroroonan ni Dreik at may ibinulong siya dito.
Matapos ang bulungan na naganap ay tinungo niyang muli ang pwesto namin. "Anong binulong mo?" puno ng kyuryosidad na tanong ko.
"Secret, babe. Sa istorya nila mo na lang malalaman ang lahat," aniya sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang kalokohan ng asawa ko at inihagis ko na ang bulaklak patalikod. Nakarinig ako ng tilian at tawanan kaya't mabilis akong humarap sa kanila.
Nakita kong nakangiti si Dreik, actually hindi lang basta ngiti—ngiting tagumpay habang hawak niya ang bulaklak na inihagis ko. Kanina busangot na busangot siya, ngayon naman ay walang mapagsidlan ang kaligayahan niya.
Nag-alala lang ako nang bahagya nang matagpuan ng mga mata ko ang ibang bachelors na napasalamapak sa bermuda grass. Ano kayang pag-agaw ang ginawa ni Dreik sa bulaklak? Kalaki niya pa namang tao kawawa ang mga patpatin na bachelor.
"Okay, kuya Vience, ikaw na," saad muli ni Lei kaya't nagpuntahan na ang mga kadalagahan sa gitna. "Ate Vance! 'Pag hindi ka sumali—"
"I'll throw your minion collections, Leyvance Azarei." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. It wasTtita Yna.
"Mahal, baka naman sumunod na ang anak natin na magpakasal niyan," kamot-ulong wika naman ni tito Loard kay tita Yna.
"Shut up, Loard, kung ayaw mong isunod ko ang barney boxer collection mo."
Gusto kong matawa sa itsura ni tito Loard sa sinabi ni tita Yna. Para siyang nababanyo na ewan dahil sa gulat. What a weird family of mine, right?
"Okay fine. Hmp! Vance, princess, punta na sa gitna," utos ni tito Loard. Busangot na sumunod si Vance sa sinabi ng mga magulang niya.
"Your family is as weird as you, babe." narinig kong sabi ni Vience.
"I know right."
Akmang ihahagis na ni Vience ang garter nang magsalita si Leickel. "Lila, besty sumama ka na dali. 'Di ba crush mo si kuya Dreik mula nang makita mo siya sa magazine ng top ten successful bachelors?" pambubuking naman ni Leickel sa best friend niya pero nakakaloko siyang nakatingin kay Vance. Kahit hihiya-hiya si Lila ay tinungo na rin niya ang gitna. Actually magkatabi sila ni Vance.
Inihagis na ni Vience ang garter at nakita kong malakas na tumalon si Lila upang makuha ito ngunit mabilis lang siyang itinulak ni Vance kaya't nag-iba ang direksyon ng pagtalon niya at si Vance ang nakakuha.
"Tingnan mo 'yang pinsan mo, Avrein. Pakipot, gusto rin pala. Manang-mana sa 'yo," bulong na naman ni Vience kaya't nahampas ko siya sa braso.
Gaya ng nakagawian ay nagpalit ng damit sina Vance at Dreik. Lumabas sila mula sa isang kuwarto na naka-gown na si Dreik at naka-slacks at polo naman si Vance. Cute.
"MOMMA Girlfriend?" Napukaw ang atensyon ko nang bigla na lamang magsalita si Axel na nakakandong sa akin ngayon. Naupo na kasi kami ulit ni Vience matapos a
"Yes, baby?"
"I'm tired. I wanna go home," naghihikab na sabi niya pa.
"But, buddy, you won't be coming with me and your Momma Girlfriend. You'll be staying at your Mamita Geneve and Papa Led for a couple of days. I just have to be with your Momma Girlfriend for some time," paliwanag naman ni Vience kay Axel. Napag-usapan kasi namin na habang nasa honeymoon kami ay ipagkakatiwala na muna namin si Axel kina Mommy at Daddy.
"But, Daddy—"
"No more buts, buddy. You don't want a baby sister or a baby brother?" tanong muli ni Vience dito.
Umiling si Axel at ngumiti sa amin na ikinataka ko. "I don't want, Daddy. Not because I'm selfish, but because I wanna be an only child for two reasons."
"What are those reasons, baby?" tanong ko.
"First, I want to be the only child calling my parents Momma Girlfriend and Daddy. Second, I know Momma Girlfriend won't be able to bear another child 'cause she's a Freezell. That's what Tita Aeickel told me. She said Momma Girlfried was so lucky that I survived inside her tummy when I was still a fetus for if ever I died at that time, Momma Girlfriend won't be having a child ever again," malungkot pero nakangiting wika niya.
I'm so proud that at the age of three ay lubos na niyang naiintindihan ang mga bagay-bagay.
"He got your intelligence," bulong ni Vience sa akin.
"So, pinapayagan mo na ba kami ni Daddy, baby?" tanong ko.
"Yes, Momma Girlfriend. Just be safe," saad niya saka na kami iniwan at tumakbo na papunta kina Mommy at Daddy.
Itinuon ko na muli ang pansin ko sa nagaganap na kantiyawan sa gitna ngunit naramdaman ko ang kamay ni Vience sa kamay ko. "What?"
"We'll escape. Hayaan mo nang sila na lang ang magkuwento sa nanyari sa reception ng kasal natin sa istorya nila. It's their story to tell, babe, not us," sabi niya, saka na ako hinatak paalis nang wala man lamang nakakapansin dahil nakatuon ang atensyon ng lahat sa gitna. "I'm kinda excited to take you to the seventh heaven."
Pasakay na sana kami nang sasakyan niya nang may humarang sa amin. "Itatakas mo pa talaga si Ate Avrein, kuya?" nanunuksong sabi ni Viennard sa kuya niya.
"Shut up."
Nakitawa naman si Vienna at Daddy Vic sa tila aburidong reaksyon ni Vience.
"Okay, okay. Hindi na namin kayo gagambalain. I just want to tell you son, I'm so proud of you," wika ni Daddy Vic, saka kami parehong niyakap ni Vience.
Nang makasakay na kami sa sasakyan ay nagsalita siya. "Sleep now babe, you have to gain a lot of energy. I swear to God, hindi lang tayo hanggang round three."
Pambihira!
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top