Fifteen
AVREIN
MABILIS akong naglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero nakararamdam ako ng masakit sa bandang dibdib ko.
Hindi ko alam bakit nagawa ko pang lingunin siya na lalong ikinasakit ng dibdib ko. Yakap yakap niya yung si Denelle habang nakangiti naman ang huli.
Ano bang nangyayari sa 'kin?
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong tumakbo palayo. Walang tamang destinasyon ang utak ko basta tumakbo lang ako. I'd never felt this kind of pain before. I'd never been in this kind of situation before—wherein my eyes and knees were betraying me, wherein I'm losing my control on my own brain. This feeling sucks! This feeling is unidentifiable!
Kung saan man ako dinala ng mga paa ko, hindi ko alam. Basta't naupo na lang ako sa isang duyan na nakita kong nakatali sa pagitan ng dalawang puno ng mangga.
"People tend to run whenever they get hurt. They usually thought that running keeps them away from feeling a disastrous pain." Bigla na lamang tila kusang bumalik sa reyalidad ang isip ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"Vance?" pagtawag ko sa pangalan nito nang makita kong ang pinsan kong ito ang nalingunan ko.
Ngumiti lang siya sa akin, saka tumango. Naupo siya sa tabi ko at inihiga ang ulo sa balikat ko. We're not that close, mas close si Vance kay ate Aiyell at Leickel. Kami naman ni Aeickel ang magkadikit dahil kami raw ang magkautak.
"You're crying and this is the first time that I saw you cry." My body froze for a while at doon lang nag-sink in sa akin na basa na nga ang pisngi ko dahil sa mga luha.
Pinilit kong magpanggap na normal kahit hindi naman siya nakatingin. "I'm fine. Bakit ka nga pala nandito?"
She held my hand and played with the tip of my fingers. "May shooting kami rito, tapos nakita kita. At first, I'm not really sure kung ikaw ba ang nakita ko dahil nakabihis ka, pero nang nakita ko ang mga mata mo habang tumatakbo ka palayo, doon ko lang natiyak na ikaw nga ang nakita ko. Siguro may dahilan kung bakit iyan ang suot mo pero hindi iyan ang isinunod ko sa 'yo rito."
"Naabala pa yata kita," turan ko.
"I'm the one who brought Denelle here. She's my co-model. Hindi ko naman alam na ang Vience palang tinutukoy niya ay ang boss mo na humalik sa 'yo noon sa kasal ni ate Aiyell. I sincerely don't know, Ate. Kung alam ko lang hindi ka sana umiiyak ngayon."
Dedepensa pa sana ako sa sinabi niya umangat siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko, saka ngumiti nang mapait sa akin.
"I told you before not to fall for that type of guy, but you did. Now, face all the consequences of loving that kind of man . . . that kind of man who's fun of pushing people around him . . . away." May pagbabanta sa itinuran niya ngunit bago pa niya mabigyang linaw ang sinabi niya ay nawala na siya paningin.
NAGLALAKAD ako ngayon dito sa dalampasigan. Mula kaninag nag-usap kami ni Vance ay hindi pa rin ako bumabalik sa silid ko. I wonder kung hindi pa ako hinahanap ni Fria at James.
I have been assessing myself while I was walking at isa lang ang konklusiyon ko para sa sakit na nararamdaman ko . . . I already fell. Kahit anong tanggi ang gawin ko, I knew to myself that I hardly fell.
"I am really in love with you, but what should I do? Hindi ko naman puwedeng basta na lang sabihin sa 'yo o basta na lamang ako umamin. Natatakot ako—"
"You need to take the risk. Walang mangyayari kung hindi ka aamin. Walang mangyayari kung ibabaon mo lang ang nararamdaman mo." Mabilis akong napalingon sa nagsalita at halos matuod ako nang malingunan ko si Vience.
"S–Sir Vience." Ramdam kong tinakasan na ako ng kulay sa mukha. Ramdam ko na tila nagunaw na ang mga nasa paligid ko dahil sa kaba. Narinig niya ba lahat ng sinabi ko?
Naglakad siya patungo sa gawi ko at naupo sa buhanginan. "Kanina ka pa namin hinahanap at dito lang pala kita matatagpuan."
Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko, dagdag pa na nanlalambot na ang mga tuhod ko kaya't napaupo na lang ako sa tabi niya.
"S–sorry."
"Don't be," anito habang nakatanaw sa dagat. "I'm sorry, iniwan kita roon nang makita ko si Den. Sorry."
"W–wala pong kaso 'yo, Sir."
"Don't act like you're cool, Avrein. I heard what you said a while ago . . . everything." Para akong binato ng napakaraming hallow blocks sa narinig ko. "You don't have to explain. It's your privacy. Hindi maganda na panghimasukan ko pa iyon." There is something unusual about his aura.
"I–if you don't mind, who is she?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para magtanong sa kaniya.
Bahagya akong kinabahan nang nilingon niya ako at tiningnan nang mataman. Hindi ko naman magawang lingunin siya kaya't tumingin na lamang ako sa dagat.
"She's Denelle Ria Kazehaya. She's half Filipino and half Japanese. She's twety-five years old and she's my ex," walang ka-abog-abog na sabi nito na ikinasikip ng paghinga ko.
"Y–you're ex?"
"Ang nag iisang babaeng minahal ko." Pagkarinig ko niyon ay parang gustong mag-unahan ng mga luha ko sa pagpatak pero pinilit kong i-compose ang sarili ko.
"I s–see."
"But she left me." Naramdaman ko ang sakit sa tono niya nang magsalita muli siya.
"If you're not ready to—"
"She left because I'm useless. I'm wasted, I'm a jerk, I'm a fucked up fool . . . and I'm—just a total fuck!" Nagulat ako ng tumayo siya at sumipa sa buhangin saka sumuntok sa puno na malapit sa kaniya. Nararamdaman kong may nais pa sana siyang banggitin ngunit pinili niyang huwag ituloy.
Tumayo ako. Gusto ko siyang awatin pero hindi ko magawa. "S-sorry. Hindi na dapat ako nag-ungkat," mahinang bulong ko na biglang ikinakalma niya.
Inilang hakbang niya lang ang pagitan naming, saka ako niyakap nang mahigpit. "Sorry for freaking out. Sorry," ulit-ulit nitong paghingi ng tawad.
"I–it's okay."
"Just wait until I'm ready. I promise, sasabihin ko sa 'yo lahat 'pag handa na ko," aniya saka ko naramdaman ang paglapat ng mga labi niya sa buhok ko na siyang nagbigay ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.
Pinakawalan niya ako at tiningnan nang mataman sa mga mata. "I don't know what's with you, Avrein. How could you make me calm in an instant?"
"If she left you, bakit ngayon bumalik siya?" wala sa sariling saad ko na hindi ko man lamang pinansin ang sinabi niya.
"She wants me back . . ." diretsong tugon nito. ". . . pero tumanggi ako."
Napamulagat ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. "W–why? I mean, m–mahal mo pa siya, hindi ba?"
"I told you that she's my ex at ang kaisa-isang babaeng minahal ko pero hindi ko sinabi sa 'yong mahal ko pa siya."
"S–sorry." Napayuko na lamang ako. Ano ba'ng pinagsasasabi ko? Daig ko pa ang tanga sa ginagawa at sinasabi ko! Pambihira!
Nagulat ako nang iniangat niya ang mukha ko at mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ko. Parang normal lamang ang ginawa niya at walang naging pagtutol mula sa akin.
"Every time I hear you apologizing for no definite reason, I will kiss you. Understand?" aniya at wala sa sariling napatango ako.
I was surprised when he suddenly intertwined our fingers. "Let's walk," aya niya na mabilis kong sinunod. Hindi niya lang alam kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko sa ginagawa niya na tipong gusto ng lumabas ng puso ko.
Dapat ba akong magpasalamat na hindi ako pasmado? Pambihira! Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Let's play truth and lying game. Malayo pa naman ang resort dito. Boring kung maglalakad lang tayo at hindi mag-uusap."
"T–truth and lying game?"
Huminto kami sa paglalakad at hinarap niya ako "Magsasabi ka ng isang bagay o kahit ano man na gusto mo then i-ja-judge ko kung truth ba o lie. Salitan tayo. Gets? Pag mali ang hula mo, hahalikan kita kung saan ko gust, at kapag mali ako, hahalikan mo 'ko kung saan mo gusto. Kapag tama ang hula ko hahalikan kita kung saan ko gusto and vice versa," nakangiting aniya na sinabayan pa ng pagkindat. Bakit ba ang gwapo—stop, Avrein!
Hindi ba ako dehado roon?
Tumango naman ako bilang tugon.
Muli kaming naglakad nang hindi man lamang niya binitiwan ang kamay ko. "I'm wearing boxer shorts."
Bastos talaga 'to! Puwede namang iba ang ipahula, pambihira!
"Truth."
"No, babe, it's a lie. I'm only wearing briefs," aniya at saka pa ito sinundan ng tawa. Nagulat ako nang itaas niya ang kamay ko na hawak niya at halikan ang likod nito.
"I–I'm wearing a b–bra."
Narinig ko siyang tumawa bago nagsalita. "Lie. Naka-razor back ka, halatang wala kang suot na bra, babe," tumatawang wika nito at mabilis na kinintalan ng halik ang pisngi ko.
Pambihira! Ang tanga ko!
"I only bedded three women."
Ngumiti muna ako bago sumagot. "Lie."
"Ganoon ba talaga ako kasamang tingnan?" Hinarap ko siya at mabilis na kinurot ang pisngi niya ng kamay ko na hindi niya hawak. "Sabi ko kiss," wika nito nang nakanguso.
"Gusto ko kurot, e," tumatawang sabi ko.
"Sayang," dinig kong bulong niya na ikinangiti ko.
"I'm alchoholic," anas ko.
"Lie."
"That's a truth, Mr. Montealegre. Allergy lang ako sa tequila pero hindi ako napapataob sa inuman."
Muli ko na naman siyang kinurot sa pisngi na lalong ikinanguso niya.
Nagtaka ako nang huminto kami sa paglalakad at bigla niya akong hinarap. Tiningnan niya ako gamit ang seryosong mukha. "I love you," saad niya at bigla akong nakaramdam ng pagkalito.
You're on a truth and lying game, Avrein.
"Lie." I answered. I saw him smirked that really confused the hell in me.
Hindi niya ako hinalikan kaya't sa palagay ko ay tama ang naisagot ko. But deep within me, I'm hoping na sana totoo na lang iyon.
Akmang hahatakin niya ako para magpatuloy sa paglalakad ngunit pinigilan ko kaya't muli siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata.
Huminga muna ako nang malalim, saka ko sinalubong ang tingin niya. "I'm in love with you."
I saw how his face darkened. "Don't. Don't fall for me. Don't love me," malamig na wika niya, saka niya unti-unting binitiwan ang kamay ko at tinalikuran ako, saka nagpatiuna sa paglalakad.
How can I not fall for you when I already did?
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib ko. Ramdam ko rin na gusto nang kumawala ng mga luha ko sa mga mata ko dahil sa sobrang sakit.
Nakita kong bahagya siyang huminto sa paglalakad ngunit hindi naman niya ako nilingon na siyang ipinagpasalamat ko. Ayokong may makakita na nasasaktan ako. Ayaw ko . . . hindi ko gusto.
"By the way . . . I know it's a truth, Avrein. Your own eyes speak for you and for what you feel," wika niya bago ako tuluyang iniwan.
Alam mo . . . pero mas pinili mong talikuran 'tong nararamdaman ko.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top